chapter 36

My Sweet Little Princess

At Gerald’s house

Yaya! Yaya! Sigaw ni Gerald pagpasok niya ng kanilang bahay

Oh Gerald, bakit? May problema ba?

Ngumiti si Gerald, wala yaya itatanong ko lang kung nandyan ba sina mommy at daddy.

Ay! Hindi ka ba nila tinawagan kanina?naku umalis sila eh

Ha?saan sila pupunta yaya?hindi naman tumawag sina mommy at daddy sa akin eh

My emergency kasi sa isang business niyo sa cebu kaya nagmamadali silang umalis.baka mamaya tatawag din sila saiyo.

Ah ganoon po ba yaya?sayang akala ko nandito sila.baka po kasi bukas nandito si kim

Talaga?pupunta si kim ditto hijo?naku tiyak na matutuwa ang mom at dad mo...hmmmmmm hindi ko pa nakakalimutan yung nakita ko noon ditto ha.

Namula si Gerald.yaya naman oh.ikaw talaga,sana nga nandito si kim bukas.

Ah, hindi ka pala sigurado iho, abay bakit?

Basta yaya

Okay sabi mo eh..pasok kana sa room mo tapos dadalhan kita ng miryenda doon.

Okay po yaya.akyat na ako.at umakyat na ito

            At kim’s house

Lalabas sana si kim ng kanyang kwarto ng bumukas ito at pumasok si maja.o mafriend bakit malungkot ka tanong ni kim kay maja ng mapansing malungkot ito.anong nangyari?

Huminga ng malalim(Lord sana hindi mapuna ni kim na uma acting lang ako, dasal ni maja).paano naman kasi mafriend nakakainis yung isa nating prof eh.nakakainis talaga sabay hampas sa kama.

Ha?nag aalalang lumapit si kim kay maja. Bakit ba kasi mafriend?ano ba ang ginawa o sinabi ng prof natin sayo?kanina malungkot ka tapos ngayon naman nagagalit ka.

Ganito kasi yon mafriend, may binigay siya na pahabol na project.

Oh eh project lang naman pala mafriend.madali lang naman yun ikaw pa, ang talino mo eh.

Sus, kakainis kaya mafriend, tapos sa house pa nila Gerald gagawin yun.okay ka lang?

Ha?bakit sa bahay nina Gerald?anong project bay un mafriend?

Ha eh...naku mafriend nakalimutan ko na kung ano yung project, dahil sa inis ko kanina nung malaman ko na sa house nina Gerald gagawin ko hindi na ako nakinig.

Hmmm, okay lang naman mafriend na pumunta ka dun eh, total marami naman kayo kaya hindi ka maiilang.

Ayoko ko kaya mafriend, never as in nunca! Kahit bumagsak pa ako

Ha?babagsak?naku mafriend naman hahayaan mo ban a may bagsak ka, pumunta ka dun okay.

Eh ayoko nga mafriend eh, mahe hurt lang ako pag andun ako kasi maaalala kita

Mafriend, ibang usapan ito, my purpose yung pag punta mo sa bahay nila kaya pumunta ka dapat

Sige pupunta ako mafriend pero sa isang kondisyon.

Ha?anong kondisyon?

Sasamahan mo ako dun, huwag kang mag alala hindi tayo maghihiwalay dun

Ha?gulat na sabi9 ni kim, mafriend naman bakit kailangan ko pang sumama,kaya mo yan.hindi ko kayang pumunta dun, alam mo na

Please mafriend, para naman may kasama ako pag punta dun, i know naman ayaw mong pumayag pero please, please para hindi ako bumagsak.

Mafriend, please....

Please agaw ni maja..kahit sa huling pagkakataon mafriend, please!(sige na kimmy ma goo kana, baka hindi ko makaya pa ang magdrama ditto piping dasal ulit ni maja)

Hmmm, huminga ng malalim si kim, sige na nga mafriend para saiyo napipilitang sagot ni kim.anong time ba tayo pupunta dun?

Mga 6pm mafriend dapat alis na tayo.

Ha?bakit hapon?diba dapat morning para matapos kayo agad?

Eh yun ang sinabi ng prof natin eh, huwag ka ng kumontra okay?

Kahit nagtataka si kim, wala siyang nagawa kundi tumahimik nalang.

Kinabukasan

            Maja, tawag ni Gerald pagkarating niya sa student lounge...anong sabi ni kim?medyo nininerbiyos na tanong ni Gerald?

Napangiti si maja, okay na Gerald, kahit napilitan si kim pumayag na.

Talaga?napalakas na sabi ni Gerald, tuwang tuwa ito..maraming salamat talaga ha.i owe you alot.

Oh oh diba ang saya mo?bakit maluha luha ka diyan?

Wala ito, basta sobrang thank you talaga, kapag naayos ko ito babawi ako sa inyo ni mateo, i swear!

Okay lang yan Gerald natatawang sagot ni maja, basta next time huwag na huwag mo ng sasaktan ang friend ko.

Pangako yan, i love her so much

O siya, mamaya magready kana dapat, nakangiting sabi ni maja.ayusin niyo ang dapat ayusin.mahal ka ng kaibigan ko sure yan kaya ang dapat mo lang gawin ipakita mo kung gaano mo siya kamahal.

Makakaasa ka maja. Thank you talaga

Good luck Gerald, mahal ko si kim kaya ginagawa ko ito.gusto ko siyang sumaya kaya please Gerald this time no more lies para happiness lagi.

Nakangiting niyakap ni Gerald si maja as sign ng pasasalamat.

After school

Yaya, okay nap o ba lahat?tanong ni Gerald..be sure okay na kasi maya maya nandito na si kim.

Oo iho, okay na lahat, kahit sa garden okay na dun.hay kahit wala pa si kim kinikilig na ako, ayiiiiiii!!1

Yaya talaga oh, parang bata natatawang sabi ni Gerald

Aba bata ka, kahit sino makikilig talaga kapag nakita yung hardin, gosh andaming flowers tapos....

Oo na yaya, awat ni Gerald na natatawa.akyat nap o ako sa taas

Oh sige iho, magpagwapo ka ng todo para super inlab si kim saiyo mamaya.hay ang sarap mainlove noh?parang nagde day dreaming na sagot ng yaya

Hahahahahahahaha. Napahagalpak ng tawa si Gerald, kadiri ka yaya oh...hahahahahahhahha akyat na nga lang ako sa taas.

Pagkapasok ni Gerald sa kanyang room, napaupo siya sa kanyang kama.naalala niya si kim at pinagpawisan.kinakabahan siya at hindi mapakali.kanina pa siya hindi makapag isip kung ano ang sasabihin niya kay kim...i will do my best to prove na mahal kita kim, i will never let you go away from me matatag na sabi ni Gerald sa kanyang sarili.never kitang papayagan na umalis ng bansa.

Kim’s house

Agad agad pumunta si maja sa room ni kim pagkauwi niya.

Mafriend ready kana ba mamaya?

Talaga bang kailangan kong sumama mafriend?hindi mapakaling tanong ni kim..eh ano kasi eh,,sabay kamot sa kanyang noo.

Anong kasi?hay naku mafriend wala ng bawian oh!nag oo kana sa akin eh.biglang nagging malungkot si maja, pero kung talagang ayaw mong pumunta mafriend okay lang sa akin, hindi na rin ako pupunta.sige pasok lang ulit ako sa room ko ha.kunwari nagtatampo si maja

Sandal mafriend, agad na awat ni kim. Ikaw naman nagtampo agad, pupunta ako okay...para saiyo.

Ngumiti si maja, thank you mafriend at yumakap kay kim...napasaya mo ako.oh sige na mag ready kana ako na ang magpapaalam sa mommy at daddy mo.magpaganda ka ha

Ha?bakit magpapaganda pa ako?for what?

Basta mafriend, magpaganda ka, tutal aalis kana diba?so gusto ko bago ka umalis ipakita mo kay Gerald kung gaano ka kaganda para maisip niya kung gaano siya Katanga at pinakawalan ka, sabay kindat kay kim

Ikaw talaga mafriend natatawang sagot ni kim, hmmmmm why not diba?tutal aalis din naman ako

Yan, ganyan mafriend, good girl, o punta lang ako sa parents mo ha para mag paalam, mag ready kana mafriend, anong time na oh.

Oo na mafriend nakangiting sagot ni kim

Umalis na si maja, agad naligo si kim.paglabas niya ng banyo namili siya ng damit na kanyang susuotin.siniguro niya na sa huling pagkikita nila ni Gerald magandang maganda siya.

Pagkatapos niyang magbihis,agad niyang pinuntahan si maja na natuwa at natulala pagkakita kay kim.

Over mafriend, sambit ni maja, ang ganda mo.im sure sobrang maghihinayang si Gerald mamaya pagkakita niya saiyo.

Ikaw talaga mafriend, halika na nga alis na tayo.

Masayang humawak si maja sa braso ni kim at naglakad na sila pababa.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.