Chapter 12

My Sweet Little Princess

Wow, ang gaganda naman ng mga dalaga ko ,handang handa na kayong  makipag date ha, tudyo ni lola grace kina maja at kim na nuon ay nakabihis na.ready na silang pumasok sa school, duon na rin kasi ang dating place ng lahat ng mga nanalong tulad nila.

                Lola, masayang sabi ni kim, maganda na po ba kami?

                Oo naman iha, ang ganda ganda mo, para ka talagang prinsesa diyan sa suot mo.

                Eh lola, panu po hindi yan magpapaganda ng husto ang makaka date lang naman niya kasi ay ang nag iisang Gerald Anderson, bida ni maja.

                Hmmmm, kaya naman pala eh, biro ni lola grace kay kim, matanong kita iha crush mo ba siya?nakita ko na si Gerald Anderson one time sa isang event, napakagwapong bata, walang sinuman ang hindi magkakagusto sa kanya.tanong ng matanda

                Naku lola hindi ah, hindi ko siya crush promise.deny ni kim          

                Sus mafriend, liars go to hell,remember?biro ni maja.naku lola wag kang maniwala kay kim,crush na crush po niya si Gerald.dagdag pa nito.

                Tumawa ang matanda, kaw talaga iha nahiya ka pa sa akin na aminin ha, okay lang naman sa akin na magkaroon kayo ng bf basta ang importante lang mas priority niyo pa rin ang studies niyo okay?

                Namula si kim,  lola naman kasi eh, sagot ni kim.

                Napangiti ang matanda, o pumasok na kayo mga iha,baka malate pa kayo sa mga magiging date niyo, goodluck.sabi ng matanda.

                Thank you po lola sagot ni kim, humalik na sila sa matanda at umalis na.

                Sa loob ng car, mafriend kinakabahan ako sabi ni kim.

                Ako rin mafriend, ano kaya ang mangyayari sa mga date natin?naku sana naman maging okay ang lahat.sabi ni maja.uy magkwento ka sa akin mamaya ha.nakakainis naman kasi kung bakit hindi nalang iisang place magaganap yung date, kung sabay sabay sana tayong lahat eh di sana makikita ko kayo ni gerald habang nagde date.himutok ni maja

                Hahahahahha, pasimple ka pa mafriend ha, ang sabihin mo kaya mo lang gusto na sabay sabay lahat ay para matitigan mo na naman si Gerald, sagot ni kim.kaw talaga mafriend kahit kailan pilya ka talaga.

                Hehehehe, hindi naman mafriend noh, concern lang ako sayo baka kasi bigla kang bumigay sa karisma ni Gerald, baka mamaya niyan kahit saan ka yayain nun sasama ka ng wala sa oras natatawang sagot ni maja.

                Sira, napangiting sagot ni kim.huwag kang ganyan mafriend.

                Eh bakit napapangiti ka diyan mafriend?tanong ni maja.

                Wala, bakit masama bang ngumiti?tanong ni kim.hmmm anu kaya ang pakiramdam ng makiss ng isang Gerald Anderson?parang nangangarap na sambit i kim sa kanyang sarili.

                My sinasabi ka mafriend?tanong ni maja.

                Ha?wala ah, hindi naman ako nagsalita eh.

                Natigil ang biruan ng magkaibigan ng dumating na sila sa kanilang school.agad silang dumiretso sa organizer ng event para magtanong.pagkakuha ang lahat ng mga impormasyong kailangan nila sabay na silang naglakad ni maja.

                Oh panu yan mafriend sabi ni maja, maghihiwalay na muna tayo, text text nalang tayo mamaya.alis na ako.

                O sige mafriend, sagot ni kim.ingat ka sa date mo ha.

                Tumawa si maja, kaw dapat ang mag ingat mafriend, sige na alis na ako, humalik sa pisngi ni kim at tumalikod na ito.

                Mean while

                Naglalakad na si Gerald papunta sa venue ng kanyang date, napapangiti ito sapagkat ngayon na niya makikilala yung magandang babae.she’s really beautiful sambit pa nito sa kanyang sarili habang napapatingin sa bulaklak na tangan nito,  napahinto ito sa kanyang paglalakad ng Makita nito si kim na nakatayo sa isang tabi, mukhang abala ito sa paghahalungkat sa kanyang bag.abot tenga na ang kanyang pagkakangiti at lumapit ito sa dalaga.

                Ahm, hi princess, bati ni Gerald.hello princess sabay kalabit sa balikat ni kim, hindi kasi siya pinansin ng dalaga.

                Ha? Biglang tumingin sa kim sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan, hindi niya kasi ito pinansin kanina dahil akala niya hindi siya ang kinakausap nito, hindi naman kasi princess ang kanyang pangalan.nagulat ito ng Makita niya si Gerald.hello, kiming bati niya, ako ba ang kinakausap mo?tanong niya

                Yeah princess, ikaw nga, finally makikilala na rin kita, nakangiting sabi ni Gerald

                Sorry hindi ako si princess, sagot ni kim na medyo nalilito.kim ang pangalan ko pagpapakilala nito.

                Wow, pati name mo maganda rin ha, by the way im Gerald and nice meeting you kim sabay lahad ang kamay kay kim.

                Namula si kim, kahit nahihiya, nakipag shake hands ito kay Gerald pero agad rin niyang binitiwan ang kamay ng lalaki ng bigla niyang maramdaman na parang may dumaloy na kuryente sa kanyang kamay.

                Nakatitig si Gerald kay kim, hindi niya maipaliwanag ang nangyayari sa kanyang sarili, parang meron siyang gustong gawin na hindi niya magawa.wait princess, flowers for you sabay abot ang bulaklak sa dalaga.

                Nahihiyang tinanggap ni kim ang flowers. Thank you! Diba sabi ko sayo kim ang pangalan ko, hindi princess sambit ni kim sa binata.

                Ngumiti si Gerald, rule #1 ang puppet dapat sumunod sa master nito sagot ni Gerald.

                Ha?hindi maintindihan ni kim ang sinabi ng binata

                Tumawa si Gerald, diba aside sa date natin ngayon magiging puppet rin kita buong araw today?so ibig sabihin nun lahat ng gusto ko yun ang masusunod sagot ni Gerald. Gusto kitang tawagin na princess dahil yan ang bagay sayo, para kang prinsesa sa paningin ko kaya huwag ka nang kumontra okay sabay pisil sa pisngi ni kim.

                Namula si kim, hindi niya magawang salubungin ang titig ni Gerald sa kanya.ganun ba?tanging sagot ni kim.okay sinabi mo eh.

                Naaliw si Gerald ng Makita nitong nag blushed ang dalaga, whew sipol pa nito, ngayon lang ulit ito nakakita ng girl na nagba blush after kate.huminga ito ng malalim at niyaya na niya ang dalaga sa venue ng date nila.

                Wow, ang ganda naman dito, sabi ni kim ng Makita ang dating place nila.ang galing galing naman ng umayos dito.

                Hinila ni Gerald ang isang upuan ng mapansin niyang uupo na ang dalaga.ofcourse maganda ang place kasi maganda ang dalaga na makikipag date dito.sabi ni Gerald na umupo na rin paharap kay kim.

                Nahihiyang tumingin si kim kay Gerald, palabiro ka pala sagot nito.

Me? no, im not kidding princess, nagsasabi ako ng totoo, ang ganda ganda mo kasi eh.

Bakit hindi ka ba sanay makakita ng magaganda? tanong ni kim, lahat nga nang lumalapit sayo puro magaganda kaya.

Na amused si Gerald, it seems you know alot about me princess?tanong nito, ang totoo niligaw lang niya ang tanong ni kim sa kanya, hindi niya kasi alam sagutin kung ano ang pinagkaiba niya sa ibang magagandang babae.siya rin mismo ay nalilito sa  ikinikilos niya basta ang alam niya may kakaiba kay kim na wala sa iba, yun nga lang hindi niya mawari kung ano iyon.

Naku, hindi ha, a hula ko lang na madaming babaeng magaganda  ang lumalapit sayo tarantang sagot ni kim.ano ba to sambit ni kim sa kanyang sarili, nakakahiya,nahalata pa ata niya na interesado ako sa kanya.

Ngumiti si Gerald, so it means hindi ka nanininiwala na malakas ang karisma ko sa mga girls?tanong nito, hmmmm sabi mo hula mo lang so ibig bang sabihin wala kang bilib sa akin?dagdag pa nito gustong gusto niyang biruin ang dalaga, naaaliw siya kapag nakikitang nagba blush ito.

Namula ulit si kim, hindi ah, wala akong sinabing ganyan, ang gwapo gwapo mo no,  kaya im sure marami talagang magagandang babae ang  lumalapit sayo, tarantang sagot ni kim, huli na para mabawi pa niya ang naisagot niya sa binata.wala siyang nagawa kundi yumuko na lamang ito.

Nangingiti si Gerald habang nakangiti sa dalagang nakayuko.may pumasok na ideya sa kanyang utak pero gagawin niya yun mamaya after nila kumain.inabot niya ang baba ni kim at inangat ang mukha nito.o bakit nakayuko ka princess?dont be shy okay?sabi nito sa dalaga

                Ahm, nahihiyang sabi ni kim, hindi pa ba tayo kakain?sagot ni kim.lord please help me usal nito baka po mahimatay ako dito, nakakahiya pag nagkataon sambit pa nito.gutom na kasi ako eh alibay ni kim, gusto na niyang agad matapos ang date na yun.

                Ngumiti si Gerald, alam niyang naaapektuhan niya ang dalaga, may gusto rin kaya siya sa akin?tanong pa nito sa kanyang sarili. Okay sige kakain na tayo princess, afterwards  na nating ituloy ang ating kwentuhan.at tinawag na nito ang nakatalagang magse serve for their food.

                Habang kumakain, naiilang si kim, lagi niya kasing nahuhuli si Gerald na nakatingin sa kanya. Namumula na naman ang kanyang pisngi dahil nabubuking rin siya ni Gerald na  lagi siyang napapatingin sa binata. Bakit?tanong nito at  hinawakan pa nito ang kanyang mukha, my dumi ba ako sa mukha?

                Seryoso si Gerald, nothing, your face is perfect. Go on kain ka lang.

                Walang nagawa si kim kundi ang ipagpatuloy niya ang kanyang pagkain, ang tipid naman niyang sumagot sambit pa nito. Ilang sandali naging tahimik na sila pareho sa pagkain hanggang sa sila’y matapos.

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.