Chapter 3

My Sweet Little Princess

Bakit kaya hindi na pumapasyal si kim dito? nagtatakang tanong ni maja sa kanyang sarili.dati rati kahit saglit lang pumupunta dito yun eh.buong araw siyang hindi nagawi dito bakit kaya?

Hmmmmmmmmm, ang sakit ng sikmura ko, sambit ni kim, kagigising lang nito sa pagkakatulog.namumugto na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak.gutom na gutom na ako.sabi pa nito.dahan dahan itong tumayo at naglakad papunta sa pintuan.pinihit niya door knob  subalit naka locked pa rin ang pinto.nay, tay sigaw nito kahit nanghihina siya.parang awa niyo na palabasin niyo ako dito, gutom na gutom na po ako.please.masakit na ang kanyang mga kamay sa kakakatok ng pinto, paos na rin ang boses niya sa kakasigaw pero walang nangyari, kahit isa walang lumapit sa kanya.wala siyang nagawa kundi umiyak ito ulit at  padausdos siya na umupo,  sinapo nito ang  kanyang tiyan.gutom na gutom na ako, lord mamamatay na po ba ako?tulungan mo po ako.umiiyak na sabi niya.maya maya, narinig niyang my pumihit sa door knob ng pinto.

Mafriend? sigaw ni maja nung Makita ang kaibigan na  parang lantang gulay na nakaupo sa sahig . tumakbo siya palapit, anong nangyari sayo ha?mangiyak ngiyak na tanong ni maja.

Mafriend, bulong ni kim..gutom na gutom na ako parang awa mo na bigyan mo ako kahit anong makain please.nanghihinang sabi nito sa kanyang kaibigan.

Agad agad niyang inalalayan ang kanyang kaibigan.kumapit ka sa akin mafriend.at dahan dahan niyang inilabas si kim sa kanyang kwarto papunta sa bahay nila.dali dali nitong pinakain ito pagdating nila.kain ka lang ng kain mafriend sabi ni maja.

Salamat mafriend ha, sagot ni kim kahit my kanin pa sa kanyang bibig.

Naaawang nakatingin lang si maja sa kanyang kaibigan.gutom na gutom ito, ngayon lang niya nakita ito na ganun.sige mafriend kumain ka lang, mamaya na ako magtatanong sayo.

Tumango lang si kim at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Sigro naman mafriend pwede na akong magtanong sayo.sabi ni maja pagkatapos kumain ni kim.

Sige mafriend, sagot ni kim, dun tayo sa sala niyo.at naglakad sila papunta dun.

Anong nangyari ha? bakit nakakulong ka? tanong agad ni maja pagkaupo nila. Buti na lang naisipan kong bisitahin ka kasi nakita kong umalis ang nanay at tatay mo, ang ate mo naman sinundo siya ng kanyang mga barkada.ano bang nangyari? tanong ni maja

Alam mo mafriend tama ka, habang mangiyak ngiyak si kim.hindi nga ako anak ng nanay at tatay ko.ampon lang ako.

Sabi ko na nga ba eh.pero bakit ka nila kinulong at hindi man lang pinapakain?

Si ate paula kasi sinampal ako nung last na pumasyal ako dito, hindi ko napigilan  ang sarili ko ayun nasampal ko rin siya at yun ang naabutan nina tatay at nanay.tapos binaliktad ni ate ang nangyari, sinabi niyang sinaktan ko siya, na sinampal ko siya, totoo naman na sinampal ko siya pero nagdilim lang kasi ang paningin ko mafriend  dahil sinampal niya ako ng dalawang beses sa aking mukha.

Demonyita naman talaga ang paulang yun no, grrrrrr napakasinungaling niya.

Bakit ganun mafriend, bakit walang nagmamahal sa akin? alam mo naiinggit ako sayo dahil mahal na mahal ka ng mga magulang mo samantalang ako hindi..tiniis ko lahat ng hirap, hindi ako nagrereklamo sa kanila kahit nahihirapan ako kasi mahal ko sila pero kahit minsan hindi ko naramdaman na pinahalagahan nila ako.umiiyak na sabi ni kim.

Alam mo mafriend, wag kang umiyak pagsubok lang yan sayo, balang araw lahat ng yan malalampasan mo rin. alam ko matatag ka mafriend kaya mo yan. My plano ang diyos sayo, wag ka lang bumitaw sa kanya.

Sana nga mafriend, kasi sa totoo lang nahihirapan ako. At isa pa gusto ko rin sanang malaman kung sino ang mga tunay kong magulang kaya lang ayaw sabihin nina tatay sa akin malungkot na sabi ni kim.

Hayaan mo mafriend im sure balang araw malalaman mo rin yan.alo ni maja ky kim.

Mafriend, salamat ha, kung hindi dahil sayo baka anu na nangyari sa akin.malaki ang utang na loob ko sayo.maraming maraming salamat talaga.

Anu ka ba mafriend, kaibigan kita kaya okay lang yan.saka dumito kana muna mafriend.wag ka na munang umuwi sa inyo.

Ayoko ng umuwi sa amin mafriend, naiiyak na nman na sabi ni kim.baka saktan at ikulong na naman nila ako.

Ha? eh anong plano mo ngayon mafriend? takang tanong ni maja

Mag iipon ako ng pamasahe ko mafriend at pag meron na luluwas ako ng maynila.gusto kong tumakas dito.

Maynila? as in M-A-Y-N-I-L-A  ma friend?  pero  wala kang kakilala dun, saan ka tutuloy?isa pa kahit minsan hindi kapa nakakapunta dun. Wag na mafriend, wag ka ng lumuwas baka mapano ka lang dun eh.delikado dun.

Wag kang mag alala sa akin mafriend, kaya ko yun.ang mahalaga makatakas ako dito, hindi naman siguro ako pababayaan ni lord.tutulungan mo ako mafriend diba?

Pero....hinga ng malalim.sige na nga mafriend.tutulungan kita.my ipon ako sapat na yun para sa pamasahe mo paluwas ng mynila at yung matitira pupwede na rin  na alawans mo na kakasya naman siguro   kahit isang buwan  habang hindi ka pa nakakahanap ng trabaho dun para pambili ng  ilang bagay na kakailanganin mo dun

Talaga mafriend? salamat ha, wag kang mag alala babayaran din kita pag nagkapera ako.

Sus, oa mo mafriend, anung babayaran ka diyan.hindi naman ako Bombay na nagpapautang noh.ibibigay ko yun sayo pero hindi yun utang, gusto lang kitang tulungan period.

Kaw talaga mafriend.pero salamat talaga ha balang araw makakabayad din ako sayo, sabay yakap sa kaibigan.

And wait mafriend, sabi ni maja.

Ha? anu yun mafriend?

Speaking of work.bukas palihim tayo na pupunta sa school, hay buti na lang tapos na graduation natin sa high school noh kukunin natin ang mga credentials mo para mabilis kang makahanap ng trabaho sa maynila.

Ang galing mo talaga mafriend, tuwang tuwang napayakap ulit kay maja

Ang sabihin mo mana ako sayo, aba mafriend ikaw ata ang valedictorian eh.buti na lang matalino ka kaya nakatapos ka ng high school malaking tulong din ang pagiging scholar mo noh .

Hehehehe, kaw talaga mafriend.sige bukas mafriend punta tayo ng school para makaluwas na ako papuntang maynila pagkatapos.

Eh sure na sure kana ba talaga mafriend?

Oo mafriend.aalis talaga ako.

Oh siya sige mafriend wala na akong magagawa.

Kinabukasan palihim na nagpunta sa kanilang school ang magkaibigan.okay naba mafriend? tanong ni maja kay kim.

Yap mafriend, eto na sabay taas sa hawak na envelop.nakuha ko na lahat ng credentials ko.

Mabuti kung ganun mafriend.tara uwi na tayo mahirap na baka Makita pa tayo dito ni paula or ang nanay at tatay mo.

Hay buti na lang mabilis lang natin nakuha credentials ko mafriend sabi ni kim.

Oo nga mafriend.sagot ni maja nung makapasok na  sila sa kanyang kwarto.ay wait lang.naglakad ito papunta sa kanyang cabinet.o ito mafriend itago mo na.

Ha anu yan mafriend? kinuha ang binigay ni maja.naku salamat ha mafriend nung Makita niyang pera ang laman nun.

Okay lang yan mafriend.ayusin na natin ang mga gamit mo, ihahatid na kita mamaya sa terminal ng bus papuntang maynila.

Nag ayos ng gamit ang magkaibigan.pagkalipas ng ilang oras, nagpaalam at nagpasalamat na si kim sa magulang ni maja.aalis na siya papuntang mynila.sinamahan ni maja si kim hanggang terminal.mafriend ingat ka dun ha, mangiyak ngiyak na sabi ni maja.kinakabahan ako sayo eh kasi naman ni minsan hindi ka pa nakakarating ng maynila sabi ni maja nung nasa terminal na sila ng bus.

Oo naman mafriend mag iingat ako dun.saka wag kang mag alala mag t txt ako sayo pag makaipon ako ng pambili ng cellphone.basta wag kang masyadong ,mag alala sa akin ha alam kong hindi ako pababayaan ng diyos. At isa pa mafriend pakitingnan tingnan mo na lang sina nanay ha.

Hmmmp, nagawa mo pang pagmalasakitan ang nanay at tatay mo samantalang sila wala silang pakialam sayo mafriend.pero siya sige gagawin ko yan.

Salamat ha mafriend.alam ko naririndi kana sa dami na ng pasasalamat ko sayo.pero salamat talaga ha, hehehehe.

Oo na mafriend, o akyat kana sa bus, aalis na ata.uy mafriend pag andun kana sa maynila at Makita mo ng personal si Gerald kwento mo agad sa akin ha.kinikilig na sabi ni maja.

Sira, ang laki laki ng maynila noh, pero sana nga magdilang anghel ka, natatawang sabi ni kim,sige mafriend akyat na ako,niyakap ang kaibigan at umakyat na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.