Chapter 22

My Sweet Little Princess

Friday night, after dinner nagpunta si kim sa kwarto ng matanda.lola, sabi nito sabay katok sa pinto.

                Iha, tuloy narinig niyang sabi ng matanda.

                Pumasok ito sa loob, lola pwede ba kitang kausapin?

                Sure iha, come, dito ka sa tabi ko.

                Dali daling sumampa si kim sa kama ng matanda.

                Ano ang sasabihin mo iha?

                Lola, magagalit po ba kayo kung sasabihin kong may bf na po ako? Nakayukong sabi ni kim

                Tumawa ang matanda, biglang nag angat ng paningin si kim..iha diba sinabi ko naman sa inyo noon  ni maja na walang problema sa akin, basta ang mahalaga yung studies niyo pa rin ang inyong priority.

                Thank you lola, masayang sabi ni kim, akala ko po magagalit kayo.

Hmmmm, sino naman ang maswerteng lalaki ang nakabingwit sa puso ng isang magandang dilag diyan?nakangiting biro ng matanda

Napangiti rin si kim, si Gerald po lola

Wow, si Gerald Anderson? Ang galing mo iha ha, ikaw ang nakasungkit sa kanya. Aba wala akong maipipintas sa batang yun, bukod sa gwapo, mabait siya at maganda ang pamilyang kanyang  pinagmulan.

Ako nga rin po lola hindi makapaniwala nung una na nagkagusto sa akin si Gerald, ang dami dami po kasing babae ang umaaligid sa kanya.

Alam mo iha, kahit pa ilang babae ang lalapit sa isang lalaki kung ayaw niya talaga sa mga yun hindi talaga nila mapipilit ang lalaki para patulan sila. Kaya ikaw iha maswerte ka, nakangiting sabi ng matanda.

Sa katunayan nga lola bukas ipapakilala na niya ako sa pernts niya

Aba, mabuti kung ganun iha, gusto ko yung mga lalaking ganyan, para sa akin kasi kapag iniharap ka ng lalaki sa pamilya nito isa lang ang ibig sabihin nun, pinapahiwatig niya na parte kana rin ng pamilya nila. Nakangiting sabi ng matanda. Dapat ipakilala mo rin siya sa akin iha, yayain mo siya dito sa bahay.

Napangiti si kim, sa Saturday po makikilala niyo siya,  pupunta po siya dito para sunduin ako..pero lola kinakabahan po ako.

At bakit ka naman kakabahan iha?

Hindi ko po kasi alam kung ano po ang mangyayari bukas..paano po kung hindi nila ako magustuhan?

Don’t worry iha, sa pagkakaalam ko, mabait ang Anderson family, saka aalalayan ka naman ni Gerald, basta magtiwala ka lang sa sarili mo okay? Walang sinuman ang hindi magkakagusto saiyo, bukod sa mabait na ubod pa ng ganda.

Lola ha, pati ikaw binobola na rin ako, nakangiting sagot ni kim..kaya lang naman po ako kinakabahan kasi alam ko po na magkaiba kami ng katayuan sa buhay ni Gerald, mahinang sabi ni kim.

Iha, hindi problema yan, ang mahalaga mahal ka ni Gerald.hindi hadlang ang pagiging mahirap para makamit mo ang isang bagay na makakapagpasaya saiyo, inuulit ko, hindi ko man kilala in person ang mga Anderson pero natitiyak kong hindi sila matapobre iha.mababait ang mga iyon.isa pa im sure ang laging hangad nila ay ang  maibigay ang anumang makakapagpaligaya sa  kanilang nag iisang anak.kaya huwag ka ng kabahan.

Salamat lola ha, sabi kim, dahil sa sinabi niyo naging panatag ang kalooban ko.sana nga po maging okay ang lahat, nakangiting sabi ni kim.

Welcome iha, nakangiting sagot ng matanda, anytime andito lang ako, kapag kailangan mo ng payo lumapit ka lang sa akin okay?

Opo lola, tatandaan ko yan,sige po babalik na po ako sa room ko lola.good night sabay halik sa matanda.

Good night too iha.goodluck tomorrow, nakangiting biro ng matanda.

Napangiti si kim, niyakap ang matanda at tuluyang nilisan ang silid nito.

                Kinabukasan.mafriend tama na yan, masyadong makapal na yata ang make up ko eh, reklamo ni kim kay maja, kasalukuyan siyang inaayusan ng kaibigan.ito na ang araw na makikiala niya ang magulang ni Gerald.

                Ano ka ba mafriend hindi noh, light nga lang ang make up mo sagot ni maja.ayan malapit na tayo matapos dito.ang ganda ganda mo talaga.

                Sus mafriend oa kana nman diyan ha, natatawang sagot ni kim.natigil lamang sila ng pumasok ang kanilang lola.

                Wow!ang ganda naman ng dalaga ko, nakangiting sabi ng matanda kay kim.

                Dapat lang lola na maging magndang maganda si kim, naku ngayon kaya niya makakaharap ang magiging future mother and father inlaw niya, biro ni maja.

                Natawa si kim, mafriend naman ipapakilala lang ako ni Gerald sa parents niya hindi magpo propose ng kasal.

                Ganun na rin yun mafriend, nakangiting sagot ni maja, diba lola?

                Ngumiti ang matanda, masyado pa kayong bata para mag asawa sagot ng matanda.magtapos muna kayo sa pag aaral okay?

                Hehehehhe okay po lola, no problem, sagot ni maja.at tuluyan na niyang tinapos ang kanyang ginagawa.ayan tapos na mafriend, masayang sabi ni maja.

                Tumayo si kim, paikot ikot sa harap ng salamin.okay na po ba lola?baling nito sa matandang nakaupo sa kama.

                You look fabulous iha.no wonder nainlove sayo si Gerald.nakangiting sagot ng matanda.

                Thank you lola, nakangiting sagot ni kim.thank you rin saiyo mafriend.

                Welcome mafriend, nakangiting sagot ni maja.

maya maya kumatok sa pinto ang isa sa mga maid ng matanda. Kim, nandito na ang sundo mo sabi ng katulong ng pagbuksan siya ng pinto. Ay donya grace nandito po pala kayo bati ng maid sa matanda.nasa baba na po yung bisita ni kim.. ang gwapong binata.dagdag ng maid.

Ay nandito na pala si Gerald, sabi ni kim kailangan ko ng bumaba lola nakakahiya po kasi kung pag aantayin ko siya.

Ngumiti ang matanda, iha huwag  kang masyadong maexcite ha, pero ako rin hindi na makapag antay na makilala si Gerald.

Tumawa si kim, lola ha, binubuko mo ako sagot ni kim.

Sus mafriend, obvious na obvious naman kasi ang pagka excite mo noh, kinikilig ka nga dyan eh.sagot ni maja.

Hindi ah, sagot ni kim.tara na lola, mafriend baba na po tayo.at sabay sabay na bumaba ang tatlo.

Hindi rin mapakali si Gerald sa kanyang pagkakaupo, parang hindi niya maaatim na humarap sa mga taong malapit kay kim, nagiguilty siya sapagkat alam niyang ginagamit lamang niya ang dalaga.tumayo ito ng makitang pababa sa hagdan sina kim, maja at isang matandang babae.

Sorry Gerald ha kung nag antay ka,agad na sabi ni kim sa binata.

Okay lang princess, nakangiting sagot niya.

Gerald, ito pala si lola grace, lola si Gerald po boyfriend ko, pakilala ni kim sa dalawa.

Hello po maam,good afternoon and  nice meeting you, bati agad ni Gerald.

Hi young man!sagot ng matanda.nice meeting you too. So ikaw ang maswerteng nakabighani sa dalaga ko ha, nakangiting sabi ng matanda.unahan na kita iho, ayokong Makita ang dalaga ko na umiiyak, siguro alam mo na ang ibig kong sabihin biro agad ng matanda sa binata.

Kahit hindi comfortable si Gerald pinilit niyang huwag mahalata ng mga kaharap niya.ngumiti ito, huwag po kayong mag alala maam, aalagaan ko po si kim,sagot nito.God usal nito. Again I’m sorry.

Lola, huwag niyong ipressure si Gerald, nakangiting sabi naman ni kim, tingnan niyo siya oh pinagpapawisan na.

Tumawa ang matanda, hindi naman iha, nagpapaalala lang ako.siyempre natural lang na maging protective ako.by the way, iho don’t call me maam, lola na rin ang itawag mo sa akin.

Oh ayan Gerald ha, tanggap kana ni lola, nakangiting sabad ni maja.binigyan ka na niya ng permiso na tawagin siyang lola.

Ngumiti si Gerald, thank you po lola.

Oh siya sige, tutal okay na ang lahat ang mabuti pa umalis na kayo habang maaga pa sabi ng matanda.

Mabuti pa nga lola, sagot ni kim, prince alis na tayo.

Sige po lola, hihiramin ko po muna ang dalaga niyo. Sagot ni Gerald.nice meeting you po ulit and thank you.

Ngumiti ang matanda, welcome iho, basta be sure isasauli mo siya dito ng safe ha. Biro ng matanda.

And lola untouch din biro ni maja.

Namula sina kim at gerald.

Tumawa ulit ang matanda ng mapansing namula ang dalawa.oh lakad na kayo. Mag iingat kayo ha. Iha yung sinabi ko sayo kagabi,huwag mong kakalimutan.

Opo lola, nakangiting sagot ni kim.alis na po kami.

Tutuloy na po kami lola, sabi naman ni Gerald.at umalis na sila.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.