Chapter 31

My Sweet Little Princess

Iyak ng iyak si kim ng makapasok sa loob ng sasakyan.napabuntong hininga na lamang si maja, sige iiyak mo lang yan mafriend, mawawala rin lahat ng sakit na nararamdaman mo.pero alam mo, bilib ako sayo habang pinapanuod namin kayo ni Gerald habang kayo'y nag uusap.napakabait mo talaga, ni hindi mo man lang sinaktan or sinampal si Gerald para kahit papaano nakaganti ka man lang.

                Hindi ko na kailangang saktan or sampalin siya mafriend, tatanggapin ko na lamang ang katotohanan.masakit man pero kailangan kong harapin ang totoo.

                Napailing na lamang si maja, niyakap rin niya ito ng mahigpit, maya maya nakareceive siya ng tawag  mula sa kanyang nanay sa probinsya. Hello nay! Bakit napatawag kayo?may problema ho ba?

                “ naku anak, si rosa nalaman niya kung nasaan na kayo”

                Ano?sigaw ni maja, pero paano po niya nalaman?nanay naman hindi po ba sinabi ko na sa inyo na huwag na huwag niyong ipagsasabi.

                Lalong napapikit si kim sa narinig, heto at may panibago na naman siyang problemang haharapin.lalo tuloy siyang nadepress.

                “pasensya kana anak, pero nadulas ang tatay mo, ay ewan ko kung ano ang ginawa nila para masabi  niya iyon, ito pa ang problema, nalaman ko lang kanina lumuwas na pala siya kahapon para puntahan kayo, siguro nasa maynila na yun ngayon”

                Naku! Paano ba to? Sige po nanay, Mag iingat kayo ni tatay ha.

                “oo anak, ikaw din mag iingat ka diyan, ba- bye”

                Bye nay, love you at siya na ang pumutol sa tawag ng ina.

                Napabuntong hininga si maja. Ano ba to sunod sunod ang kamalasang dumating sa kaibigan ko, dumagdag pa ang nanay niya.  Habang nakatingin sa nakapikit na kaibigan, kahit hindi na niya sabihin alam niyang narinig ni kim ang sinabi ng kanyang nanay.itulog mo na muna mafriend ha, huwag mo muna isipin ang tungkol sa nanay-nanayan mo.

                Walang nagawa kanina si Gerald kundi panoorin ang pag alis ni kim.umiiyak siya habang palayo ng palayo sa kanya ang dalaga.mabigat ang kanyang dibdib ng mag umpisa siyang maglakad papunta sa kanyang sasakyan, maya maya,may tumawag sa kanya dahilan para lingunin niya ito.

                Honey wait! Sigaw naman ni kate kay Gerald hinanap niya niya ang binata pagkatapos mag walkout ito sa stage.

                Can you just leave me alone? Kahit ngayon lang sagot ni Gerald.

                But why? Hindi ka ba Masaya na Makita ako at makasama?honey ang layo pa ng pinanggalingan ko para lang Makita kita and then yan lang ang sasabihin at gagawin mo sa akin? At bakit umalis ka sa stage na hindi mo man lang inantay na ibigay sayo ang trophy mo, mahalaga yun for you.

                Please kate, try to understand me, i don’t want to talk to you or to anybody for now. At tuluyan na itong umalis.

                Nagpupuyos sa galit si kate habang nakatayo, hindi na niya sinundan ang binata. Parang may nagbago kay Gerald, parang hindi na siya ang dating Gerald na nakasama noon, no! Hindi ako papayag na makuha siya ng iba. Gerald is for me only seryosong usal sa sarili ni kate.

                Nanghihinang  pumasok na lamang si Gerald sa loob ng kanyang sasakyan at isinubsob ang mukha sa harap ng manibela.bumalik sa balintataw niya ang nakitang mukha at reaksyon ni kim sa nangyari kanina idagdag pa niya ang mga sinabi nito sa kanya ng makausap ang dalaga.kapag naiisip niya pakiramdam niya hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng yun.hindi niya plano ang nangyari kahit siya ay nagulat talaga ng makita si kate, at first inaamin niya kahit nabigla at natulala sa kanina  natuwa talaga siya dahil bumalik na ito at makakasama na niya ulit, pero akala niya sa pagbabalik ni kate magiging Masaya na siya ngunit kabaliktaran ang kanyang naramdaman. ng Makita niyang umiiyak si kim kanina  parang natanggal bigla ang sayang hatid ng pagbabalik ni kate, God knows how much he wanted to hug her , to comfort her at sabihing its not true.hindi na napigilan ni Gerald ang mapaiyak. Sa nangyari maliwanag na sa kanya  ang sagot kung bakit Masaya siya tuwing kasama si kim, kung noon  kapag naguguluhan siya lagi niyang sinasabi sa sarili na kaya ganoon ang nararamdaman niya kay kim dahil nakikita nito si kate sa katauhan niya.pero sa nangyari kanina, sa unang pagkakataon inaamin na niya na si kim ang kanyang mahal at hindi na si kate..masasabi niyang,  kung si kate ang kanyang “puppy love” then now si kim ang kanyang “true love”.if i’m going to choose between them i’d rather  give up my puppy love and  be with my true love.umayos ng upo si Gerald, pinunasan rin niya ang kanyang mga luha, were not over kim, i’m going to win back your heart again.it’s not too late para ituwid ko ang aking pagkakamali, i know mahihirapan ako but i’m willing to wait until the day you forgive me and ready to love me again.huminga siya ng malalim i think i need to take my rest now at pinaandar ang kanyang sasakyan.

           Dahan dahan mafriend ha, sabi ni maja kay kim pagkarating nila habang inaalalayan niya ito papasok ng kanilang bahay.

            Kim? What happened? Nag aalalang tanong ni donya grace agad siyang lumapit ng Makita nito ang itsura ni kim.

            Naku lola, mas lalo pong sumama ang pakiramdam ni kim.siguro po kailangan lang po niyang magpahinga.

            Sige maja, dalhin mo na siya sa kanyang kwarto, tatawagan ko ang aming family doctor para papuntahin dito at ng masuri ang dinaramdam ni niya.

            Lola huwag na po, nanghihinang sagot ni kim, ipapahinga ko lang ito magiging okay rin ako.

            Naku huwag kang makinig sa kanya lola sagot ni maja, tawagan niyo yung doctor para matingnan siya.

            Don’t worry iha, tatawagan ko talaga sabi nito kay maja. Ikaw bata ka baling ulit niya kay kim bakit hinayaan mong umabot sa ganito, dapat kaninang umaga pa lang nagpa check up kana sa doctor.kung alam ko lang ako na mismo ang pumilit sayo., oh sige na iakyat mo na siya maja sa kanyang kwarto.

            Subalit hindi pa naihahakbang ni maja ang kanyang mga paa ng biglang pumasok ang isang tao matapos pagbuksan ng pinto ng isa sa kanilang mga katulong.napahawak na lamang si maja sa kanyang noo.kapag minamalas ka naman oh, usal nito ng makita ang nanay –nayan ni kim.

            Sinasabi ko na nga bag alit na sigaw ng bagong dating na si rosa, ni hindi na kayo nahiya at nagawa niyo pang mang istorbo ng ibang tao, agad na lintanya ni rosa pagkakita kina maja at kim.

            Nay? Mahinang usal ni kim, dahil dun mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam.

            Excuse me? nakatikwas ang mga kilay ni gonya grace,hindi naman siguro tama na gumawa ka ng eskandalo sa loob ng aking pamamahay, paalala ni donya grace sa babaeng bisita nila, kung makasigaw kasi ito kina maja at kim akala mo pag aari niya ang buong kabahayan.

            Tumingin ang nanay- nayan ni kim sa matanda, ganun na lamang ang gulat nito ng Makita ang mukha ng matanda.

            Napansin naman ito ng matanda, bakit parang natulala ka dyan?

            Iuuwi ko na ang anak ko mabilis na sagot nito sa matanda.maja, kim sa ayaw at sa gusto niyo sumama kayo sa akin ngayon din.

            So, ikaw ang nanay ni kim? Pero kahit ikaw pa ang ina ni kim wala kang karapatan na utusan sila ng ganyan.sige na maja ipasok mo na si kim sa kanyang kwarto ako na ang bahala dito.ngunit hindi sumunod si maja seryosong tumingin kay rosa.

            Hindi pwede agad na sagot ni rosa pagkarinig sa sinabi ng matanda, anak ko siya kaya meron akong karapatan at agad humawak ito sa braso ni kim na nuon ay akay akay ni maja.

            Bitiwan mo ang kaibigan ko aling rosa, galit na sabi ni maja, hindi na nito napigil ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob nito kay rosa  dahil na rin sa mga masasamang  ginawa niya noon sa kaibigan plus idagdag pa niya yung mga naganap kanina, at para sabihin ko saiyo, wala kang karapatan sa kaibigan ko dahil hindi mo naman siya tunay na anak sigaw ni maja kay rosa at huwag na huwag kang magkakamaling isumbat sa kanya ang ginawa mong pagpapalaki sa kanya dahil kung tutuusin bayad na siya.mula ng lumaki at magkaisip na siya wala na kayong ginawa sa kanya kundi tratuhin siya na katulong ninyo.

            Bagama’t nagulat si donya grace dahil sa nalamang pagiging ampon ni kim agad nitong Hinawakan ang kamay ng nanay-nayan ni kim na noon ay napatulala  dahil sa hindi inaasahang sinabi ni maja  at hinila ito palayo kina maja at kim. Narinig mo iyon? mariin na tanong ng matanda, Wala ka palang karapatan dahil hindi mo naman siya tunay na anak. At akala mo ba hindi ko rin alam ang hirap na dinanas niya mula sa inyo? Kung ayaw mong ipahuli kita sa mga pulis puwes ngayon pa lang pwede ka ng umalis, isa pa may inaantay akong mahalagang bisita. Bumaling ito kay maja, sige na hija iakyat mo na si kim sa kanyang kwarto.agad namang sumunod si maja.walang nagawa si rosa ng iakyat ni maja si kim, maya maya.....

            Donya grace inom muna kayo ng  juice habang nag aantay, sabi ng mayordomang kagagaling lamang sa kusina, agad niyang nabitawan ang dala dalang tray ng Makita ang kausap ng donya.agad agad siyang lumapit dito, rosa? Rosa! ikaw nga, sigaw ng mayordoma. Napatulala si rosa at takot agad ang rumihistro sa kanyang mukha, nasaan ang sanggol? Nasaan ang sanggol! umiiyak na tanong nito, saan mo siya dinala?tanong ng mayordoma

            Naguguluhang napatingin si donya grace sa kanyang mayordoma, ibyang magkakilala kayo? Anong sanggol ang sinasabi mo?

            Donya grace hindi na po ba niyo natatandaan si rosa? Siya po! sabay turo kay rosa na nakatulala parin. Siya po ang katulong na tumangay sa inyong apo.

            Napatulala ang matanda, ilang saglit pagkatapos niyang mahimasmasan, galit at umiiyak na sumugod ito kay rosa, walang hiya ka sabay hila sa buhok ng huli, nasaan ang apo ko?hindi mo alam kung anong klaseng hirap ang dinanas namin dahil sa kagagawan mong iyon, ilabas mo ang apo ko, sigaw ng matanda habang nanginginig ito sa galit.

            Magsalita ka rosa utang na loob yugyog ng mayordoma sa balikat ni rosa, hindi parin kasi ito makapagsalita, nagmamakaawa ako saiyo ituro mo kung nasaan ang anak nina maam pretzel at sir jenrick.

            Pero bago pa makapagsalita si rosa muling bumukas ang pinto, “Mom were here” sigaw ng lalaking bagong dating.oppps sorry sabi naman ng babaeng kasama nito.my bisita pala kayo mommy, naexcite lang kasi kami.

            Agad na lumapit ang mayordoma sa bagong dating, naku sir jenrick maam pretzel buti dumating kayo, umiiyak na sabi ni ibyang.

            Wait!why all of you are crying?tanong ni pretzel, umiiyak na lumapit si donya grace sa kanyang anak at manugang niyakap niya ang mga ito ng mahigpit.mommy are you okay?stop crying, nag aalalang tanong ni pretzel ulit.

            Mga anak, see her, sabay turo kay rosa, siya yun, siya yun! Nanginginig na sabi ng donya sa kanyang anak at manugang.

            Mommy, what do you mean?naguguluhang tanong ni jenrick, anung siya?

            Siya  yung maid na tumangay sa anak ninyo! Umiiyak na sambit ng matanda

            Napasinghap at tulalang napatingin sina pretzel at jenrick.unang nahimasmasan si jenrick at inisang hakbang na hinawakan sa braso si rosa. Where is my daughter?mariin na tanong nito, I swear I’m gonna kill you kapag hindi mo sinabi ang totoo right here, right now! Angil nito kay rosa.

            Honey, don’t talk to her  on that way, hindi natin siya makakausap ng mabuti kung hindi ka huminahon awat ni pretzel sa asawa.pagkatapos bumaling ito kay rosa, please nakikiusap ako saiyo, galit din ako saiyo but this time gusto ko ng truth sabihin mo kung nasaan ang anak namin, promise hindi ka namin ipapakulong basta magsabi ka lamang ng totoo, nakikiusap na sabi ni pretzel kay rosa. I’m begging you please!

            Utang na loob rosa magsabi kana ng totoo huwag mong hintayin na ipadampot kita sa mga pulis ora mismo sigaw ni donya grace.

            Halo halo na ang takot na nararamdaman ni rosa.gusto niyang magsinungaling pero hindi rin niya gusto ang makulong, huminga siya ng malalim.. si kim! Si kim ang batang iyon, sigaw ni rosa.

            Pagkarinig ni donya grace ang sinabi ni rosa nanikip ang kanyang dibdib...nagkagulo ang mga taong nakapaligid sa kanya, sinamantala naman iyon ni rosa, agad siyang tumalilis paalis sa bahay ng matanda.ng maging okay na ang pakiramdam ng matanda, agad nanlumo ang mag asawang pretzel at jenrick ng mapansing umalis na si rosa.agad umiyak si pretzel...she’s gone, paano na natin malalaman kung nasaan ang anak natin?tanong nito sa kanyang asawa na agad namang yumakap sa kanya.

            Maam, nanginginig na sambit ni ibyang, tama po ba ang narinig ko si kim ang apo ninyo?hindi makapaniwalang tanong ni ibyang kay donya grace.

            Agad sumagot si jenrick kay aling ibyang, yeah sinabi ni rosa na kim ang pangalan ng anak namin pero hindi naman niya nasabi kung nasaan siya, agad sumungaw ang luha sa mga mata nito. I miss my daughter now, for seventeen years... nahihirapang sambit ni jenrick pinapangarap pa rin naming mag asawa na mahahanap at makakasama pa rin siya.

            Agad tumayo si donya grace pagkarinig sa tanong ng kanyang mayordoma, agad yumakap ito sa anak at manugang. Kahit shocked pa rin siya dahil sa pangyayaring naganap kanina lang Nakangiting tumingala siya sa dalawa. My surprise ako sa inyong dalawa mga anak, masayang sabi ng matanda, kahit ako hindi makapaniwala pero sobrang saya ko, halika kayo my ipapakita ako sa inyo, I’m sure magiging Masaya kayo..nagtaka ang mag asawa sa sinabi ng kanilang ina ngunit sumunod na lamang sila.agad namang binilinan ng matanda ang mayordoma na ihanda na ang mga masasarap na pagkain.agad namang tumalima ang mayordoma at tumalikod na.umakyat naman ang tatlo sa taas.

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.