Chapter 20

My Sweet Little Princess

Lola, bati ng dalawa pagkauwi nila, nadatnan nila ang matanda na nakaupo sa sala.

                Oh mga iha, kumusta ang school?

                Okay naman po lola, sagot ni kim. Ang bilis nga po eh, two months na lang matatapos na po ang semester na ito.

                 Maganda iha, at ng saganoon madali kayong makatapos diba? Biro ng matanda. Oh siya mga hija, magbihis na kayo at magpahinga, after dinner may ibabalita ako sa inyo, okay?nakangiting sabi ng matanda.

                Sige po lola, sagot ni maja.hmmm mukhang maganda po ata yang ibabalita niyo sa amin, Masaya po kasi kayo eh.

                Talagang maganda iha, sagot nito kay maja, oh akyat na kayo, mamaya na natin pag uusapan ang tungkol diyan.

                Masayang umakyat ang magkaibigan.

                After dinner, mga iha, nakangiting sabi ng matanda, nakaupo na ang mga ito sa sala.sasabihin ko na yung magandang balita.next month uuwi dito ang aking anak at manugang masayang sabi ng matanda.

                Talaga lola?nakangiting sagot ni kim, wow makikita ko na rin ang manugang niyo, sabi niyo kasi kamukhang kamukha ko siya, nakaka excite naman.

                Oo iha, sagot ng matanda kay kim, finally napapayag ko na rin ang dalawang yun na magbakasyon next month..dati rati kasi hirap akong kumbinsihin sila.bahagyang nalungkot ang matanda pagkasabi nun.

Ahm lola, bakit po ayaw magbakasyon ng anak at manugang niyo rito?tanong ni maja.

                May sumugaw na luha mula sa mga mata ng matanda, dahil sa isang trahedya na naging bangungot para sa buhay ng aking  mga anak, mahinang sagot ng matanda. Trahedyang naging dahilan kung bakit halos isumpa nila ang tumira dito sa bansa.

                Lola okay ka lang? Sabay na tanong ng dalawa ng mapansin nilang lumuluha ang matanda.

                Pagpasensiyahan niyo na ako mga iha, sabay punas sa kanyang mga luha, naalala ko lang kasi ang nangyari noon.sagot ng matanda

                Ano po ba ang nangyari noon?tanong ni maja.

                Ah, mga iha tutal nasabi ko na ang magandang balita siguro mas maganda kung umakyat na kayo sa mga kwarto niyo at ng tuluyan na kayong makapagpahinga, iwas na sagot ng matanda sa tanong ni maja.sige na mga iha, tumayo na rin ang matanda.

                Walang nagawa ang dalawa, napansin kasi nila ang pag iwas ng matanda na ikwento kung ano ba ang nangyari noon. Pero lola okay na po ba kayo talaga?nag aalalang tanong ni kim.

                Ngumiti ang matanda, don’t worry about me iha, okay na ako, nadala lang ako kanina. Sige good night na sa inyo sabay halik sa dalawang dalaga.

                Night too lola sagot naman ng dalawa at napilitang umakyat na sa kanilang kwarto.

                Uy mafriend, sa room mo ulit ako matutulog, sabi ni maja kay kim  nung nasa hagdan na sila, gusto ko kasi ulit makipag kwentuhan saiyo, nakangiting dagdag ni maja.

                Sige mafriend, natutuwang sagot ni kim, kwentuhan muna tayo bago matulog tutal masyado pang maaga eh.

                Friday na pala bukas mafriend sabi ni maja pagkapasok nila sa kwarto ni kim, after tomorrow ipapakilala ka na ni Gerald sa parents niya na eexcite na sabi nito, pero teka lang, wala ka bang balak sabihin kay lola?

                Oo nga mafriend, malapit na akong ipakilala ni Gerald sa parents niya, tumitindi tuloy ang kaba ko, sagot ni kim. Bukas mafriend sasabihin ko na kay lola ang tungkol sa amin ni Gerald, pupuntahan ko siya sa room niya.sagot ni kim

                Hay mabuti naman mafriend, mas maganda kasi kapag alam ni lola ang about sa inyo ni Gerald para hindi na siya magtataka kung paminsan minsan male late ka ng uwi galing ng school  at ang paglabas labas mo  din tuwing weekend kahit walang pasok.sagot ni maja. Saka huwag kang kabahan mafriend, diba si Gerald na mismo ang nagsabi na mabait ang parents niya?ang swerte mo talaga mafriend.

                Sabagay tama ka mafriend, sagot ni kim.hindi ko lang kasi maiwasan na makaramdam ng ganun, sa buong buhay ko ngayon ko lang  kasi mararanasan yun. Nakangiting sagot ni kim

                Hay, ako kaya mafriend kelan mangyayari yan? Tanong ni maja.

                Ngumiti si kim, sagutin mo na kasi si mateo mafriend, okay naman siya ah, mabait at gwapo.

                Hmmmm, diba next week nga mafriend, hehehehe sa Monday sasagutin ko na sagot ni maja.

                wow,cant wait that day mafriend, nakangiting sagot ni kim, finally magkakaroon kana rin ng lovelife.

                Sira, natatawang sagot ni maja,dapat mafriend sa Saturday magandang maganda ka okay?akong bahala sa lahat, sabi ni maja.

                Naku mafriend huwag na, gusto ko simple lang ako na haharap sa parents ni Gerald, sagot ni kim.

                Ay hindi mafriend, sagot ni maja..basta dapat sa Saturday magandang maganda ka para maimpress ang parents ni Gerald nakangiting turan ni maja.huwag ka ng kumontra okay?

                Ikaw talaga mafriend, nakangiting sagot ni kim. Ay maiba ako mafriend, kumusta na pala sa atin? Nakakausap mo ang parents mo diba? Biglang tanong ni kim

                Uy mafriend ngayon ka lang nagtanong about sa atin ha? Akala ko tuloy nakalimutan mo na sila, biro ni maja.ayun okay naman daw sa atin,pero ang nanay at tatay mo nagtatanong na raw sila kina tatay at nanay kung magkasama ba daw tayo dito sa maynila.pero huwag kang mag alala hindi naman magsasalita sina tatay.

                Mabuti naman kung ganon mafriend, baka kasi manggulo lang si nanay dito kapag nalaman niya na nandito tayo. Nakakahiya pag nagkataon. Basta mafriend, pakiusap ko lang saiyo, pakisabi sa parents mo na kahit anong mangyari huwag silang magsasalita.sabi ni kim

                Huwag kang mag alala mafriend, hindi sasabihin nina nanay kung nasaan tayo, nakangiting sagot ni maja. War freak pa naman ang nanay mo, biro nito.

                Tumawa rin kim, uy mafriend grabe ka ha, kahit ganun sila may utang na loob pa rin ako sa kanila.

                Hmmmmmmp,,,,kung tutuusin wala kang utang na loob mafriend noh, pinaghirapan mo naman ang kinakain mo noon , sus kung tutuusin katulong ang naging turing nila saiyo.sagot ni maja.

                Hayaan mo na iyon mafriend, tutal nangyari na yun, magpasalamat pa nga tayo eh kasi kung hindi yun nangyari wala sana tayo dito, hindi rin sana tayo makakapag aral diba?sabi ni kim

                Hmmmmm, hindi naman totally okay noh mafriend, ang hirap din kaya  ng dinanas mo nun.

                Okay lang yun mafriend, atleast yung mga hirap na yun na napagdaan ko noon  ang ganda naman ng naging kapalit, tingnan mo ngayon ang mga sarili natin, ang laki ng pinagbago.

                Tama ka diyan mafriend, ang bait mo kasi kaya dapat lang na maging Masaya ka rin. kapag sinaktan ka ni Gerald ako mismo ang makakalaban niya.

                Tumawa si kim, ayan ka na naman mafriend, okay naman si Gerald, wala namang problema sa kanya, kaya im sure magiging okay ang lahat.

                Mabuti naman kung ganun mafriend, nakangiting sabi ni maja, ayoko na kasing Makita ka ulit na umiiyak.

                Oa mo mafriend ha, sabi ni kim.ang dapat mong isipin sa ngayon ay yung about sa pagsagot mo kay mateo, honestly mafriend gusto ko ring sumaya ka.nakikita ko naman na may nararamdaman ka rin kay mateo at  ganun din siya saiyo, nakangiting sabi ni kim

                Hehehehe, no problem mafriend, sa Monday my lovelife na ako, natatawang sabi ni maja. Tulog na tayo bawal ang mapuyat para lagi kang fresh na haharap sa prince charming mo.

                Mabuti pa nga mafriend natatawang sabi ni kim..sus kunwari ka pa diyan, ikaw yata ang ayaw maging haggard sa paningin ni mateo eh.

                Sira ka mafriend, nakangiting sagot ni maja..sige na nga, for us na lang para walang lugi. Good night.

                Tumawa lang si kim.night too mafriend.at natulog na sila.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.