Chapter 33

My Sweet Little Princess

Mafriend kumusta ka na? Tanong ni maja kay kim ng puntahan niya ito sa kwarto ng huli.

Mafriend okay na ako, huwag ka ng mag worry sa akin.

Bumuntong hininga si maja, okay ka na ba talaga?yung totoo mafriend? Siyanga nga pala nalaman ko na rin na ikaw pala ang nawawalang anak nina tito jenrick at tita pretzel i’m happy for you mafriend dahil natagpuan mo na rin ang mga tunay mong magulang.

Ngumiti si kim ng marinig ang pangalan ng kanyang magulang, oo nga mafriend ang saya ko.

See? Kahit may nawala saiyo may pumalit naman mas higit pa kaysa kay Gerald.

Pagkarinig ni kim sa pangalan ni Gerald agad napaluha ito.

Kita mo? Narinig mo lang ang pangalan ni Gerald umiiyak kana, ibig sabihin hindi ka pa okay mafriend.hayaan mo na siya makakalimutan mo rin siya.

Ewan ko mafriend pero susubukan ko.

Good, kaya bukas pagpasok natin sa school ipakita mo sa lahat na okay ka, na hindi ka apektado andito lang ako sa tabi mo mafriend.

Ngumiti si kim, salamat mafriend ha, ang swerte ko nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo.

Sus bilog na ang ulo ko mafriend no kaya huwag mo na akong bolahin, nagkatawanan ang magkaibigan.maya maya nagpaalam si maja kay kim.

Malungkot si kim habang nakaupong mag isa sa kanyang kama, naaalala niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Gerald, masakit para sa kanya ang nangyari, nagmahal siya sa isang taong akala niya ay minahal din siya, masakit din para sa kanya ang maitanggi sa harap ng maraming tao na galing mismo sa taong mahal niya.hindi niya mapigilan ang lumuha ng pumasok sa kwarto ang kanyang mommy at daddy, agad agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

Anak umiiyak kaba? Tanong ni pretzel sa anak ng mapunang namumula ang kanyang mga mata.

Ha? Hindi po mommy, kagigising ko lang kaya namumula ang mga mata ko.

Ganun ba anak sagot naman ni jenrick, pwede ka bang makausap anak?may importante kaming sasabihin ng mommy mo.

Okay lang po daddy, ano po iyon?

Tumabi ang mag asawa sa kanya,hindi bas a states kami nakabase ng mommy mo anak?umpisa ni jenrick.hindi namin pwedeng iwan yung mga business natin doon kasi pag nagkataon walang magmamanage, kaya naisip naming ng mommy mo na isama ka na lang sa states.

Napatingin si kim sa kanyang mga magulang.

Anak, kaya ka namin isasama kasi gusto namin ng daddy mo na makasama ka, gusto naming na mapunan ang mga naging pagkukulang naming saiyo, sana anak pumayag ka.

Pero paano po si lola mommy, daddy?

Nakausap na rin namin ang lola mo anak at ang sabi niya sasama rin siya sa atin.kung ang kaibigan mo ang inaalala mo pa anak pwede natin siyang isama, doon na rin siya mag aaral para saganun may kasama kapa rin doon.  

Pwede po bang pag isipan ko muna mommy?huwag kayong mag alala sasabihin ko po agad ang sagot ko.

Sige anak, pero sana pumayag ka.by the way hihintayin na namin na matapos ang pasukan niyo tutal mahigit isang buwan nalang diba anak?

Yes mommy.salamat at yumakap sa mga magulang.

Kinabukasan sa school........

Mafriend bakit parang ang lalim ng iniisip mo?kanina pa kita napapansin ha mula pa ng umalis tayo sa bahay, iniisip mo na naman ba si Gerald? Hay naku mafriend huwag mo ng pag aksayahan ng panahon ang walang hiyang iyon.

Huminga ng malalim si kim, hindi naman siya ang iniisip ko mafriend eh, kinausap kasi ako nina mommy at daddy kahapon.ang sabi nila sa akin kung pwede daw akong sumama sa kanila sa states.

Ha? Ibig mong sabihin mafriend doon kana titira?

Hindi ko alam mafriend kaya nga sinabi ko pag iisipan ko pa.

Pero paano si lola?

Sasama rin daw siya mafriend, and sabi rin pala nina mommy pwede ka rin daw sumama at doon na rin mag aral.

Wow, talaga mafriend? Ang bait naman ng parents mo, kaya lang hindi ko naman kayang umalis dito sa pilipinas, mami miss ko ang parents ko.

Ako nga rin mafriend naguguluhan hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kina mommy, ang sabi ng utak ko sumama ako sa kanila pero ang puso ko ayaw sumang ayon sa sinasabi ng utak ko eh.

Sira! Natatawang sabi ni maja. Baka nababaliw kana mafriend, joke.. gutom ako mafriend tara snack tayo.

Okay mafriend, at sabay pumunta ang dalawa sa student lounge.

Hmmmmm, well, well, well, look who’s here friend sabi ni liezel kay kate na noon ay nandun rin pala sa student lounge.

Mafriend umalis na lang kaya tayo dito agad na sabi ni kim kay maja.

At bakit tayo aalis mafriend?pwes kung gusto nila ng giyera ibibigay natin sa kanila.hindi ako takot sa kanila.

Pero mafriend baka magkagulo lang dito eh.

Huwag kang mag alala mafriend walang gulong mangyayari basta huwag na huwag lang tayong kakantiin ng dalawang iyan.upo na tayo doon mafriend, huwag mong ipakitang takot ka sa kanila okay?

Walang nagawa si kim kundi tumango at naupo na sila. Maya maya...

Hi girl kumusta? We hope okay kana?nang aasar na tanong ni liezel kina maja at kim. Lumapit ang dalawa sa table nina kim.

At bakit naman hindi magiging okay ang friend ko aber?inis na sagot ni maja.

Gosh! Ikaw ba ang kinakausap ko ha baling ni liezel kay maja.

Gosh ka rin noh, bakit kinausap ka rin ba ni kim? Ang kapal ng face mo ha, umalis nalang kayo dito.

Kim, nice name sabi naman ni kate. Hello kim so ano ang pakiramdam ng madeny? Ikaw naman kasi nangarap na mamahalin ka talaga ni Gerald.tsk..tsk ano ngayon ang napala mo?

Please umalis na lang kayo mahinang sabi ni kim sa dalawa.kung anuman ang nangyari tapos na yun.

Sasagot pa sana si kate ng matanaw nito si Gerald.

Babe? Over here!sigaw ni kate.

Agad agad namang hinila ni maja si kim, umalis na tayo mafriend at dali dali silang umalis.

Kim, wait sigaw naman ni Gerald, hinabol niya ang mga ito pero mabilis na nakalayo ang dalawa.wala siyang nagawa kundi nanlulumong bumalik sa loob.

Babe how are you?tanong ni kate.

Pwede ba huwag mo akong matawag tawag na babe, mainit ang ulong sagot ni Gerald kay kate.

Hey, bakit ka ba ganyan ha sabi ni liezel kay Gerald, hindi ka ba Masaya na nandito na ulit si kate?di ba ikaw na rin mismo ang nagsabi na mahal mo si kate?why the sudden change huh?nung wala pa si kate atat na atat kang bumalik siya, you are desperate na makuha siya ulit pero ngayong nandito na siya parang may sakit siyang nakakahawa kung iwasan siya.

Tumingin si Gerald kay liezel, yeah you are right, i told that to you because yan ang nararamdaman ko noon,but when i saw kate i thought i’m happy pero mali ako.i don’t care anymore about kate at tumingin ng seryoso kay kate because the girl i love is kim not you.excuse me tumayo na at umalis.

Grrrrrr. Nakakainis ang lalaking iyon ah, inis na inis na sabi ni liezel.okay ka lang ba friend?

I’m not okay maluha luhang sagot ni kate. That girl.bwiset ang babaing iyon.

Don’t worry friend nandito lang ako for you, i will help you para mawala sa eksena ang babaeng iyon.aba hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Gerald because i know you love him right?

Yeah friend, i love him very much, hindi ako papaya na mawala siya.humanda sa akin ang babaeng iyon.

Mafriend c.r lang ako ha, paalam ni maja kay kim.huwag ka ng umiyak diyan.makakalimutan mo rin siya.

Sige mafriend.

Umalis na si maja, habang nag iisa hindi ulit napigilan ni kim ang mapaluha, hindi pa rin niya kayang tanggapin na wala na sa kanya si Gerald.masakit para sa kanya na Makita ito na may kasamang iba,yumuko siya habang pinapahid niya ang kanyang mga luha ng may magsalita sa kanya kanyang harapan.

Don’t cry princess! I’m sorry.

Dali daling nag angat ng mukha si kim, gulat ang rumihistro sa kanyang magandang mukha. Anong ginagawa mo dito, umalis kana please.

Agad agad yumuko si Gerald at pinunasan ang luhaang mukha ni kim at umupo sa tabi ng dalaga pagkatapos.please listen to me princess, marami akong sasabihin saiyo.

Agad tumayo si kim, bakit ginugulo mo ako Gerald, tinuturuan ko ang puso ko, ang sarili ko na kalimutan ka pero paano ko yun magagawa kung lagi kitang nakikita. Please lubayan mo na ako, isa pa baka magalit pa sa akin ang girlfriend mo pag Makita tayo at dali daling umalis si kim.

Walang nagawa si Gerald ng umalis si kim.i know princess makikinig ka rin sa mga paliwanag ko someday, babalik ka rin sa akin someday.hindi ako titigil pangako.

Oh mafriend akala ko ba hindi ka rin mag c- c.r?

Ahm, magreretouch ako mafriend palusot ni kim.

Ah okay mafriend.sige hintayin nalang kita para sabay na tayong lumabas.ay may nakalimutan pala akong sabihin saiyo mafriend, gusto mo bang sumama sa amin ni mateo mamaya?diba wala yung isang prof. Natin kaya mahaba yung vacant time natin.

Napatigil si kim sa ginagawa, bakit saan kayo pupunta mafriend?

Nagyaya siyang manood ng sine, sama ka ha.

Ngumiti si kim, uy may date pala si mafriend, naku istorbo lang ako sainyo noh kaya hindi ako sasama.

Pero mafriend kung hindi ka sasama wala kang kasama dito.

Huwag kang mag aalala mafriend magiging okay ako dito, nandito lang naman ako sa loob ng school kaya walang mangyayari sa akin.

Pero yung mga bruha? Baka mamaya awayin kana naman ng mga iyon.

Hindi naman nila siguro malalaman kung nasaan ako eh, saka hindi ko naman sila papatulan eh.hay naku huwag ako ang intindihin mo mafriend kundi yung date mo, oh tapos na ako tara labas na tayo.

Naglalakad sina liezel at kate ng Makita nila si Gerald na nakaupo. Ah friend sabi ni kate kay liezel pwede bang umalis ka na muna dito gusto ko kasing kausapin si Gerald na kami lang.

Paano kung sungitan ka niya ulit friend.

Hindi naman siguro, sige na txt nalang kita pagkatapos naming mag usap at naglakad na ito papunta kay Gerald.

Hello babe, napapansin ko parang mas gusto mong nag iisa lang ha.

Tumingin si Gerald kay kate, alam mo naman pala eh bakit lumapit ka pa sa akin?

Nasaktan si kate pero tinago niya. Pwede ba tayong mag usap?

About what?

About us.

Us?  What do you mean?

Bakit hindi na ikaw ang dating Gerald na kilala ko, ang dating Gerald na minahal ko

Well lahat ay nagbabago kate, iba yung noon sa ngayon.

Hindi mo na ba ako mahal?

Napabuntong hininga si Gerald, at first akala ko noon mahal pa rin kita pero ng dumating si kim sa buhay ko naging Masaya ako kahit lagi kong sinasabi na nakikita ko siya saiyo kaya ganoon ang feelings ko ngumiti ng mapait si Gerald,alam mo bang naisip kong iwan si kim kung sakaling bumalik ka dahil akala ko mahal kita...

Ganoon naman pala eh, but why babe?bakit ganito ka sa akin?

Dahil ang akala ko noon ay mali pala kate. When i saw you yeah i’m happy but when i saw kim crying nagbago ang lahat.gusto ko siyang i comfort that time at sabihin i love her, yeah, mahal ko siya kate, i love her more than my life.ang laki ko lang na tanga dahil hinintay ko pa na maganap yun bago ko masigurado ang feelings ko for her.

Bull Gerald galit na sabi kate, hindi ako papayag na iwan mo nalang ako ng basta basta. I love you kaya gagawin ko ang lahat mabawi lang kita ulit.

I’m sorry kate but hindi yan mangyayari, kahit kailan hindi na kita babalikan dahil iba na ang mahal ko and besides ikaw ang nang iwan noon.

Umalis ako noon pero maliwanag yung naging usapan natin, hindi ko ginusto ang umalis no choice lang ako bakit kailang ungkatin mo pa yun ngayon?

Yeah nag usap tayo but what happened noong nandun kana diba nawalan tayo ng communication? Nagawa mong makipag communicate kay liezel pero sa akin hindi. Anyway tapos na iyon.Again i’m sorry kate pero hindi na natin maibabalik ang dati because i love somebody else. Tumayo at umalis na siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.