Chapter 29

My Sweet Little Princess

Pormal ng naumpisahan ang competition.hindi magkamayaw ang mga estudyante sa panonod at pagchi cheer sa kani kanilang team.kanya kanyang style ang ginawa nila para maipakita ang kanilang full support. Hindi rin nagpahuli sina kim at maja.kahit masakit pa rin ang katawan ni kim araw araw pa rin siyang nanunuod. Papasok na sina maja at kim sa school ng Masaya silang kausapin ng kanilang lola.

                Mga iha, may sasabihin muna ako bago kayo pumasok masayang sabi ng matanda.

                Ano po yun lola?tanong ni kim

                Sa isang araw darating na dito ang aking anak at manugang excited na sabi ng matanda.

                Wow, oo nga pala noh lola sagot ni kim, ang bilis ng mga araw. Ibig sabihin sa isang araw na rin pala magaganap ang awarding para sa mga mananalo.

                Kita mo nga naman mafriend, hindi natin namamalayan malapit na palang matapos ang liga sa school. Naku lola don’t worry uuwi kami ng maaga ni kim.

                Oo lola, segunda ni kim, aagahan nalang po namin ang pag uwi para nandito na kami kapag dumating na sila.

                Ngumiti ang matanda. Salamat mga iha. Aasahan ko yan talaga. Oh sige na pumasok na kayo,Mag iingat kayo ha.

                Opo lola, sige po alis na kami sabay halik sa matanda at umalis na sila.

Lumipas ang dalawang araw.ito na ang pinakaaantay ng lahat, ang magaganap na awarding ceremony.lahat ay excited.matapos ang  isang linggong bakbakan sa court itinanghal na champion ang Anderson university, lahat ng estudyante sa naturang paaralan ay nagbunyi.excited naman ang magkaibigang kim at maja, kahit masama ang pakiramdam ni kim paggising niya hindi pa rin niya maitago ang saya sa magaganap na awarding, kahit hindi pa kasi sinasabi kung sino ang tatanghaling most valuable player alam na niyang masusungkit iyon ni Gerald.miss na miss na niya ang binata, mula nung may maganap sa kanila ni hindi na sila nakapag usap sapagkat busy na ang binata sa paglalaro.

                Mafriend, OMG andaming tao dito sa ground, sabi ni maja ng makapasok sila.

                Oo nga pala, parang may concert na magaganap.halos lahat ng studyante ng iba’t ibang school ay dumalo.

                Mabuti nalang super luwang ang ground natin mafriend, sagot ni maja. And look, gosh ang daming reporter, nagkalat ang mga camera man oh!

                Tumawa si kim, sira siyemre lalabas to sa t.v eh.

                Maiba ako mafriend, okay naba pakiramdam mo?

                Okay na ako mafriend, medyo sumama lang naman ang  pakiramdam ko, siguro dahil sa excitement.saka kailangan nating umuwi sa bahay ng maaga.

                Ay oo nga pala no mafriend, sayang hindi na tayo makaka attend sa victory party na magaganap mamaya after ng awarding, Pero okay lang, i’m sure maraming food sa bahay mamaya.

                Pilya ka talaga mafriend, umandar na naman ang katakawan mo.hanap na nga lang tayo ng mauupuan yaya ni kim kay maja.

                Naghahanap na sila ng mauupuan ng lapitan sila ng isang studyante, miss kim right? Dito na kayo sa harap maupo, sabi ng studyante.

                Ako nga si kim, thank you ha, pero bakit mo ako kilala?

                Ngumiti ang studyante, girlfriend ka ni Gerald Anderson diba? Ah excuse me, kailangan ko ng umalis dito.saka tumalikod na

                Wow mafriend, bongga ka, my special treatment ka, ang galing galing naman, natutuwang sabi ni maja.

                Ngumiti lang si kim, upo na tayo mafriend. Naupo ang magkaibigan.

                Ano kaya ang itsura natin sa t.v mafriend? Sana naman telegenic ako, sayo kasi i’m sure magandang maganda ka.

                Tumigil ka nga diyan mafriend, hehehehehe tingnan nalang natin kapag ire replay ito sa t.v. mukhang live telecast ata ngayon eh.

                Sabagay. Magsasalita pa sana si maja ng lumabas na ang mga host para sa activity na yun.

                Good morning ladies and gentlemen! Sigaw ng mga host, excited na ba kayong lahat?

                Sigawan ang lahat. Napasimangot si maja. Perfect na sana ang araw ko mafriend , pero bakit ang bruhang yan ang kinuha nilang host.naiiritang sabi ni maja kay kim.

                Ngumiti si kim, inis ka pa rin kay liezel mafriend ha? Hayaan mo na siya, baka magaling siyang maghost kaya siya ang kinuha.

                Hmmmmp, ewan ko lang mafriend.

                Nag umpisa ang awarding ceremony, ilang sandali pagkatapos magbigay ng speech ang president ng Anderson university inumpisahan na nilang ibigay ang mga mga trophy at cash reward sa bawat  koponan na  nagwagi sa interschool basketball championship, sigawan ang lahat ng tawagin ang koponan ng Anderson university  na siyang champion upang  umakyat sa stage at tanggapin ang kanilang tropeo.nakakasilaw ang kislapan ng mga camera, pero patuloy pa rin sa pagpalakpak sina kim at maja.

                And now, were going to announce kung kung sino nga ba ang tatanghaling mvp for this year, im sure excited na kayong lahat na malaman, sigaw ni liezel. Okay here we go, our most valuable player goes to..................................... GERALD ANDERSON! Sigawan ang lahat, napatayo na rin sina kim at maja nung paakyat na ng stage ulit si Gerald.

                Before na ibigay namin kay Gerald ang kanyang trophy my gusto lang akong i welcome, sigaw ni liezel.so, sorry Gerald kung ibibitin muna namin ang pag bibigay sayo ng trophy mo ha, sabi ni liezel kay Gerald na nakatayo na sa stage.biglang tumahimik ang ground.

                Ano naman ang pakulo ng babaeng yan mafriend?naiinis na tanong ni maja kay kim.pinapatagal pa niya eh.

                Ano ka ba mafriend, baka importante yung iwe welcome niya.siguro naman deserving yung tao kaya naisipan nilang iwelcome siya sa ganitong paraan.yung bang maraming studyante na hindi lang dito sa school nag aaral and most of all sa t.v na napapanuod ng lahat.

                Sasagot sana si maja ng magsalita ulit si liezel, isa ito sa host sa activity na yun.

                Siguro you are wondering kung sino nga ba ang iwe welcome natin today. I think she deserves it to introduce her in this way. Umugong ang bulungan, lahat nalilito lalo na at napagtanto nila na babae ang iwe welcome.well, i know hindi niyo pa siya nakakalimutan, ofcourse no one can forget her, yes “her” means she’s a girl. A sweet girl na kinainggitan ng marami noon way back during her elementary and highschool day kahit hindi niya natapos.

                Nalilito rin si Gerald na nakatayo sa stage.kinakabahan siya parang nahuhulaan na niya kung sino ang tinutukoy ni liezel, no! Hindi ito pwede usal nito sa kanyang sarili.

                Nagpatuloy si liezel, nahuluan niyo na ba kung sino ang sinasabi ko?tanong nito.pero nanatiling tamihik ang mga tao sa ground. Okay sige, bibigyan ko kayo ng isang hint kung sino nga ba siya.hmmmmmmmmm sino ba yung isang guy na gumawa ng isang sweet na eksena dito sa campus noon para lang sagutin siya ng girl na kanyang nililigawan? Sigaw ni liezel.

                Unti unting umugong ang mga bulungan, maya maya may isang studyante na sumigaw. “KATE”

                Ngumiti si liezel, wow excellent guess, yes ang babaeng tinutukoy ko ay walang iba kundi si “KATE MONDRAGON” ang nag iisang babaing pinag alayan ng wagas na pag ibig ng isang “GERALD ANDERSON”.

                Nagtinginan sina maja at kim.mafriend tama ba ang dinig ko, kate?tanong ni maja

                Tumango si kim, pakiramdam niya mas lalong sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nalaman.

                Oh my God, sabi ni maja.hindi ba siya yung ayaw mapag usapan ni Gerald, and now malalaman natin na girlfriend pala niya noon?

                Nabaling ulit ang atensyon nila ni maja sa harap ng stage ng magsalita ulit si liezel. Please welcome, Ms. KATE MONDRAGON. Nagbulungan ulit ang mga tao sa paglabas na iyon ni kate.kahit si Gerald nabigla sa pangyayari, hindi siya makapaniwala na naglalakad si kate papunta sa kanya.kanya kanyang kuha ng mga larawan ang mga reporter na naroon. Para sa mga ito malaking scoop ang nagaganap sa kasalukuyan.pero may isang reporter na nabaling ang atensyon kay kim, imbes na itutok ang kanyang camera sa stage si kim ang pinagkaabalahan niyang kunan ng mga larawan.

                Mafriend, ano to?natatarantang tanong ni maja kay kim?nakita niyang nagulat ang kanyang kaibigan.saka diyos ko po tingnan mo si kate, magkahawig kayo.

                Hindi na napigilan ni kim ang lumuha, kahit anong pigil niya.hindi ko alam mafriend, naguguluhan ako.muli na naman silang napatingin sa stage ng magsalita si liezel.

                Hello my friend! Sigaw nito sabay yakap kay kate. Welcome back, and i’m happy to see you here again.

                Tulala pa rin si Gerald ng abutan siya ni liezel ng microphone.

                Hello everyone, bati naman ni kate.thank you sa pagwelcome sa akin.and hello honey, bati naman ni kate kay Gerald. I miss you!

                Tumikhim si liezel, ah kate, i’m sure mr. Anderson miss you too.after all girlfriend ka niya right.

                Tama, sagot naman ni kate, how are you honey?tanong nito kay Gerald, i heard may bago ka raw na girlfriend dito? So it means pinalitan mo na ako?yes or no lang.

                Nagkagulo ang mga tao sa ground, kahit yung mga studyanteng nag aaral sa ibang school ay naging curious sa nangyayari.aware naman sila kung gaaano kasikat ang isang Gerald Anderson pero ni hindi nila na isip na may ganung pangyayari sa lovelife ng binata.

                Mafriend, kaya mo yan alo ni maja kay kim ng maramdaman niyang humawak si kim sa kanya.

                Natatakot ako sa magiging sagot ni Gerald mafriend umiiyak na amin ni kim.

                Hindi na rin na kaya ni maja ang tensyong nagaganap, pati na rin siya napaiyak. Hindi naman siguro mafriend, at tumingin sa stage. Gerald, please huwag na huwag mong sasaktan ang kaibigan ko, piping dasal ni maja.

                Parang gumuho ang daigdig ni kim ng marinig ang sagot ni Gerald.agad siyang niyakap ng mahigpit ni maja habang umiiyak na rin ito. Ang mga tao sa ground ay nagkagulo, hindi sila makapaniwala sa nangyayari, hindi nila malaman kung kanino titingin.

                “ No! I mean....hindi na naituloy ni Gerald ang kanyang sasabihin sapagkat niyapos na siya ni kate.parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabaling ang kanyang tingin kay kim, halata ang shocked sa mukha ng dalaga, umiiyak na rin ito..kim! sambit nito sa kanyang sarili at napayuko. Ng mag angat ulit siya ng ulo, nakita niya ang mapait na pag ngiti sa kanya ng dalaga.

                Halika na mafriend, umalis na tayo rito sabay hila kay kim.kaya mo yan diba?lalaki lang siya.marami pa diyan sabi ni maja kay kim.naaawa siya sa kaibigan.gusto niyang sumigaw at murahin kanina si Gerald pero mas inisip niya ang kapakanan ng kanyang kaibigan.

                Parang wala sa sarili si kim na nagpahila sa kaibigan.ang sakit sakit ng kanyang nararamdaman.hindi niya akalain na sa araw na iyon magwawakas ang lahat lahat nila ni Gerald.

                Samantala, parang may anong sumundot sa dibdib ni Gerald ng Makita ang mapait na pag ngiti ni kim sa kanya.bababa sana siya ng stage ngunit niyakap siya ng mahigpit ni kate.wala na siyang nagawa kundi panoorin ang pagtalikod ni kim kasama ang kanyang kaibigan.maya maya may taong bumangga sa kanila dahilan  para maghiwalay sila ni kate..nakita niya na si mateo pala ang taong yun, hindi niya napansin na naka akyat na pala ito ng stage. Halata ang galit sa mukha nito.

                Wala kang kwentang tao Anderson sigaw ni mateo kay Gerald, wala na siyang pakialam kahit alam niyang napapanood sila sa t.v.

                Hey, bakit mo siya sinisigawan?tanong ni kate.

                Tumahimik ka diyan sigaw ni mateo kay kate , hindi ikaw ang kinakausap ko asik nito. Bumaling ulit kay Gerald. Wala kang puso, ni hindi ka man lang naawa sa kanya, Ang galing mo! Sobra!  pauyam na sabi niya kay Gerald, ang galing ng plano mo, ano Masaya ka na ba ngayon?nanatiling tahimik si Gerald, kahit ang mga tao ay tahimik din.i thought hindi ganito kabrutal ang paraan mo para hiwalayan siya or should i say pagpapahiya mo dahil itinanggi mo siya na girlfriend mo. sa unang pagkakataon, hindi na rin napigilan ni mateo  ang mapaluha dala ng matinding pagkaawa kay kim. Kung wala kang respeto sa kanya, sana naman  kahit konting awa para sa kanya ang umiral sayo.wala siyang kasalanan para gawin mo sa kanya to.hindi sa ganito, sigaw ni mateo hindi mo lang siya sinaktan kundi pinahiya mo pa sa lahat sabay suntok sa mukha ni Gerald. Sigawan ang lahat. Kulang pa yan sa lahat ng sakit na binigay mo kay kim. Humarap naman si mateo  kay kate. Masaya ka rin ba dahil ikaw ang bida ngayon?sana nga makatulog ka ng mahimbing. Tumingin ulit kay Gerald,  binabati ko kayo pauyam na sabi ni mateo, magpakasaya kayo.tumalikod na si mateo at dali daling bumaba ng stage.kailangan pa niyang hanapin sina kim at maja.

                Pagkaalis ni mateo, shocked pa rin ang lahat. Maya maya nahimasmasan si kate, are you okay honey?tanong nito kay Gerald.

                Tumango lamang si Gerald.hindi niya alam ang gagawin.hindi niya alam na darating si kate.kahit siya nagulat sa nangyari.hindi rin niya sinasadya ang naisagot niya sa tanong ni kate. Dala ng kalituhan dali dali siyang bumaba ng stage.hahanapin niya si kim.kailangan niyang makausap ang dalaga.

               

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.