Chapter 32

My Sweet Little Princess

Mom, saan tayo pupunta?nagtatakang tanong ni jenrick sa ina.

            Basta sumunod kayo sa akin mga anak, magiging Masaya kayo kapag nakita niyo siya.

            Sino mommy? Tanong naman ni pretzel.

            Huminto sila ng makarating sa harap ng kwarto ni kim.humarap ang matanda sa dalawa.even me, hindi ko akalain na siya pala yun, napapaluhang sabi ng matanda sa dalawa.ngayon ko lang din nalaman na siya pala ang matagal ko ng hinahanap,nandito lang pala siya, nakakasama ko, tuluyan ng napaiyak ang matanda.

            Mommy sabay na napahawak ang dalawa sa matanda, why are you crying?saka nalilito kami sa sinasabi mo? Tanong ni pretzel

            Huminga ng malalim ang matanda at binuksan ang pintuan ng kwartong nasa harapan nila.

            What is this mom?tanong ni jenrick?

            No more questions, pumasok kayo at ng malaman niyo ang sagot sa lahat ng tanong niyo.sagot ng matanda.nagtataka man ang dalawa pumasok na lamang sila sa loob ng kwarto.

            Madilim sa loob, subalit hindi man nakasindi ang mga ilaw naaaninag ng mag asawa na may isang taong nakahiga sa kwartong iyon.mag tatanong sana silang mag asawa sa matanda ng biglang buksan ng huli ang ilaw. Sabay na napasinghap ang mag asawa,nanlaki ang kanilang mga mata, napakayap sila ng mahigpit sa isat isa at sabay na umiyak ng Makita at matitigan ang mukha ng isang taong nakahiga at natutulog. Siya si kim, umiiyak na sabi ni donya grace sa dalawa, ang anak niyo na matagal ng nawalay sa inyo look at her kamukhang kamukha mo pretzel.

            Agad lumapit si pretzel kay kim, Oh God kamukhang kamukha ko nga siya!honey can you see her?baling nito kay jenrick na hindi rin makapaniwala sa nakikita.umiiyak na lumapit sa asawa at niyakap si kim na nakahiga.umiiyak  na yumakap din si pretzel kay kim. Bagaman umiiyak si donya grace masayang Masaya siya habang pinagmamasdan ang kanyang anak at manugang na nakayakap sa kanilang anak na matagal ng nawalay sa kanila, at tiyak niyang magiging okay ang lahat at Masaya.

            Kahit masamang masama pa rin ang pakiramdam ni kim napilitan siya gumising, pakiramdaman niya kasi may mabigat na bagay na nakapatong sa kanya.nagulat siya ng mabungaran ang dalawang mukhang umiiyak na nakayakap at nakatunghay sa kanya.

            Agad napabangon si Kim, sino kayo? tanong nito sa dalawa, agad niyang sinapo ang kanyang ulo ng maramdaman ang pagkirot nito.

            Huwag kang bumangon anak agad na sabi ni pretzel, magpahinga ka muna para gumaling ka.pag okay na ang pakiramdaman mo marami tayong pag uusapan, lumuluhang sabi ni pretzel.

            Naguguluhan si kim, anak? Bakit tinawag niyo ako na anak?

            Magpahinga ka muna anak, kapag magaling ka na malalaman mo rin ang lahat lahat.alo ni jenrick, go back to sleep iha, andito lang kami magbabantay saiyo.

            Kahit hindi maunawaan ni kim ang nangyayari ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at tuluyang nakatulog.

            So what is your plan ngayong nahanap niyo na ang inyong anak? tanong ng matanda sa dalawa.

            Mommy, isasama na namin siya sa states.doon na lamang niya ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral.payag po ba kayo? tanong ni pretzel.

            Tumikhim ang matanda, kung ako iha walang problema, naiintindihan ko kayo, for seventeen years na hindi niyo siya nakasama kaya dapat lang na mapunan ang mga sandaling hindi niyo siya kapiling. Ako rin sasama na rin sa states.sana lang pumayag si kim sa gusto niyo.

            Sana nga mommy, sagot naman ni jenrick.hindi kasi namin pwedeng iwan ang business natin doon. Masaya kami dahil finally nahanap na rin namin siya.

            Oh siya mga anak, bumaba muna tayo at kumain, maya maya lang darating na ang family doctor natin na susuri kay kim.isa pa para makilala niyo rin si maja ang bestfriend ng anak niyo.

            Pero mom angal ng dalawa Hindi namin pwedeng iwan ang anak namin, wala siyang kasama dito.

            Ngumiti ang matanda, saglit lang naman na iiwan niyo siya mga anak, kailangan ninyong kumain, bumalik kayo agad dito pagkatapos okay? Walang mangyayari kay kim. Halina kayo.

            Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod sa matanda. Pagkarating nila sa sala ipinakilala ng matanda si maja sa dalawa ng madatnan nilang nakaupo doon ang dalaga. Pagkatapos ng kumustahan at kwentuhan dumiretso na ang mga ito sa kusina at masayang kumain.ilang sandali pa ang lumipas dumating na rin ang kanilang family doctor at agad sinuri si kim, pagkacheck up kinausap sila ng doctor at sinabi ang mga gamot na dapat inumin ni kim.

Kinabukasan.....

            Okay na ang pakiramdam ni kim ng gumising ito, agad nag inat at bumangon sa kanyang kama, nagulat ito ng makitang naroon si donya grace at may dalawang taong ngayon lang niya nakita sa personal nanlaki ang kanyang mga mata ng mapadako ang kanyang tingin sa isang babaeng kamukhang kamukha niya. Kahit nagtataka at nahihiya nagawa pa rin niyang ngumiti sa mga ito.

            Iha, simula ni donya grace, meet my son jenrick and my daughter in – law pretzel.naluluha ang matanda habang ito ay nagsasalita.

            Hello sir, maam nahihiyang bati ni kim sa dalawa saka ngumiti, kumusta po kayo?

            Agad lumapit ang dalawa kay kim, okay na okay kami anak, we are happy dahil natupad na rin ang matagal naming pinapanalangin.

            Naguguluhan si kim magtatanong sana siya ng magsalita ang matanda ulit.

            Apo, i know nagtataka ka kung bakit tinatawag ka nilang anak just because....napaluha na ng tuluyan ang matanda, dahil sila ang mga tunay mong magulang.

            Napatulala si kim, hindi siya makapagsalita ilang saglit napaiyak na rin ito. Kayo po ang tunay kong magulang?

            Oo anak halos sabay na sumagot sina pretzel at jenrick,totoo ang sinabi ni mommy.

            Pero bakit? Bakit nagawa niyo akong ipaampon? Madamdaming tanong ni kim sa dalawa.

            Anak, God knows, hindi namin kagustuhan na mawalay ka sa amin na mommy mo,hindi ka naming pinaampon sagot ni jenrick na nuon ay lumuluha rin,sobrang sakit ang pangyayaring iyon sa amin, ilang taong puro hinagpis at pangungulila saiyo ang naghari sa amin.

            Bakit ako napunta kay nanay Rosa? Kita ang pagdaramdam ni kim habang nagtatanong.

            Napunta ka sa kanya dahil tinangay ka niya anak, sagot ni jenrick, may naging katulong kami dati, binata pa ako noon salaysay ni jenrick, nung nagpaalam siya sa amin na aalis na at uuwi na sa kanilang probinsiya may ipinakausap siya kay mommy, kung maaari raw ay tanggapin namin ang anak ng kanyang kaibigan na maging katulong namin bilang kapalit niya dahil matindi raw ang pangangailangan niya,nalaman ni mommy na single mom pala yun, dahil sa habag ayun pumayag si mommy, pero hindi namin inakala noon na bata pa si rosa pagdating niya dito, mas matanda pa ako sa kanya ng isang taon, mabait naman si rosa noon at masipag, ang totoo nga naging sobrang bait ni mommy sa kanya dahil sa mga nalaman niyang hirap na pinagdaanan niya.pero nagkagusto sa akin si rosa noon, lagi siyang nagpapacute at nagpapansin pero dahil hindi ko siya gusto dedma lang ako until one day nakilala ko ang mommy mo anak, na love at first sight ako sa kanya, at ganun din pala siya sa akin kaya ayun after how many months na naging kami nag decide kami na magpakasal na, i thought okay lang yun kay rosa dahil alam naman niyang sa simula pa lang  ay hindi ko siya type,after the wedding inuwi ko na ang mommy mo dito dahil mas pinili nalang namin na mag stay here kasama si mommy kaysa bumukod  wala naman akong naging problema kay rosa dahil mula ng mag asawa ako hindi na siya nagpapacute, hanggang sa mabuntis ang mommy mo at ipanganak ka, wala ng mas sasaya pa sa amin ng mommy mo ng dumating ka sa amin anak, umiiyak na sabi nito, lagi akong excited umuwi galing sa work, kahit sobrang pagod ako kapag nakita na kita noon nawawala na agad ang pagod na iyon subalit isang araw nakatanggap ako ng tawag mula sa mommy mo nawawala ka raw, dali dali akong umuwi pero ayun nadatnan kong nag iiyakan ang lahat ng tao dito, until we found out tinangay ka pala ni rosa, maybe yun ang ganti niya sa amin ng mommy mo anak, patawarin mo kami kung wala kaming nagawa ng mommy mo noon umiiyak na sabi ni jenrick.

Lumapit si kim sa kanyang mga magulang at umiiyak na yumakap sa mga ito. Naiintindihan ko po kayo at huwag po kayong mag alala hindi nap o ako galit sa inyo.

Salamat anak sagot ni pretzel, dapat mommy na ang itawag mo sa akin at siyempre daddy na rin sa ama mo nakangiting sabi ni pretzel sa anak.

Ngumiti si kim, sige po mommy,daddy.

Lumuluhang lumapit si donya grace sa tatlo at niyakap din ang mga ito. Sa wakas buo na rin ang pamilya natin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.