Chapter 30

My Sweet Little Princess

Parehong hilam sa luha ang magkaibigan habang palayo sa ground, marami ang nakatingin sa kanila pero ni isa man walang naglakas ng loob na magsalita.nanghihina rin si kim dahil mas lalong sumama ang kanyang pakiramdam.nagmamadaling inaakay ni maja ang kanyang kaibigan, ayaw niyang nakikita na kinakaawaan ang kanyang kaibigan.mafriend, okay ka lang?kaya mo pa bang maglakad hanggang parking lot?umiiyak pa rin na sabi ni maja sa kaibigan, konting tiis na lang i t-text ko na si mang gardo mamaya para sunduin tayo.

                Patuloy lang sa pag iyak si kim, pakiramdam niya any moment pwede na siyang mag collapse.humawak na lang siya ng mahigpit sa kaibigan.kaya ko pa mafriend naiiyak niyang sabi, huwag mo akong alalahanin.

                Nanghihinang isinandig ni kim ang kanyang sarili sa isang car na naka park sa kanilang parking lot pagkarating nila.agad naman na nag text si maja kay mang gardo.ayan mafriend maya maya nandito na si mang gardo.huminga ito ng malalim ng Makita parin ang malungkot na mukha ng kaibigan.mafriend..huwag mo munang isipin yung mga nangyari kanina ha, mas lalong makakasama yan sayo may sakit ka.

                Bakit ganun mafriend, Bakit lagi akong sinasaktan? Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Mula pagkabata ni hindi ko man lang naranasan kung paano ang lumigaya at mahalin umiiyak na sabi ni kim.

                Pagsubok lang yan mafriend, siguro hindi pa siya talaga ang lalaki para sayo.

                Bakit lahat ng mahal ko hindi ako magawang mahalin, patuloy parin na sabi ni kim, mula sa pamilyang kinagisnan ko hanggang kay Gerald, akala ko magiging Masaya kami, akala ko siya na nga talaga, akala ko mahal niya ako pero lahat ng yun ay hindi totoo, akala ko lang pala,mapait na ngumiti si kim,hindi pala niya ako minahal.nakakaawa ako hindi ba?

                Hindi parin matigil tigil ang pag agos ng luha ni maja.nahihirapan siya sa nakikitang paghihirap ng kaibigan.huwag kang sumuko mafriend, huwag  mong kaawaan ang iyong sarili, lumaban ka, ipakita mo sa lahat na kaya mong bumangon, maganda ka, matalino mabait i’m sure may darating pa na mas higit kaysa kay Gerald, isang lalaking mamahalin ka ng tapat at totoo.

                Ewan ko mafriend, pero hindi na siguro or matatagalan muna, ayoko nang umiyak at masaktan pagod na pagod na ako mafriend.

                Niyakap ng mahigpit ni maja si kim.habang may buhay may pag asa, tandaan mo yan mafriend, kung inaapi ka man ngayon, balang araw taas- noo ka rin na haharap sa kanila.basta huwag kang sumuko, maging matatag ka.

                Napapikit na lamang si kim.

                Nasaan na kaya sina maja at kim? Nag aalalang tanong ni mateo sa kanyang sarili. Kanina pa siya nag t text pero hindi nagrereplay si maja.tinawagan na rin niya pero hindi rin sumagot.mamaya my nareceive siyang text mula kay maja, pagkabasa niya dali dali siyang nagpunta sa parking lot. Are you okay kim?agad na tanong ni mateo kay kim pagkarating niya.

                Hindi siya okay babe, sagot ni maja.nahihirapan ako na nakikita siyang ganyan.

                Lumapit si mateo kay kim, i’m sorry!hindi ko alam na ganito ang mangyayari.sorry kung wala akong nagawa, malungkot na sabi ni mateo.nagpipigil rin siya na mapaiyak dahil sa nakikitang paghihirap ng dalaga.

                Wala kang kasalanan, mahinang sagot naman ni kim.huwag kang humingi ng tawad.

                Ang bait bait mo kim, hindi mo dapat maranasan to.hindi ko inaasahan na magagawa ni Gerald yun sa ganong paraan.

                Tama na, please huwag muna yan ang sabihin mo.iyak na sabi ni kim.

                Sasagot sana si mateo ng biglang dumating si Gerald.

                Kim, mag usap tayo please, sabi ni Gerald. Dude i need to talk to her.

                Galit agad ang makikita sa mukha ni mateo ng humarap ito kay Gerald. Ang kapal talaga ng mukha no? Hindi ka pa nakuntento sa ginawa mo kanina ngayon nandito ka, for what?para mas lalong ipamukha sa kanya na ginamit mo lang siya?

                Kim are you okay? May sakit ka ba?Hindi ko sinasadya yun, i swear! I want to talk to you please.

                Masaya ka naba na nakikitang ganyan ang kaibigan ko ha?galit na sabi ni maja.tinulak din si Gerald palayo kay kim.parang awa mo na umalis kana.mas lalo mo lang sinasaktan si kim.

                Umalis kana sigaw naman ni mateo. Hindi ka namin kailangan dito.

                Iwan niyo muna kami, mahinang sabi ni kim.

                Kapwa nagulat sina maja at mateo. Mafriend makikipag usap ka sa lalaking yan? Para ano pa?

                Oo nga naman kim, wala ng dahilan para mag usap pa kayo dagdag ni mateo.

                Sige na please, iwan niyo muna kami, mag uusap kami habang wala pa si mang gardo.

                Walang nagawa sina mateo at maja kundi lumayo muna.

                Agad namang lumapit si Gerald kay kim, im sorry, hindi ko yun sinasadya princess sabi ni Gerald sabay hawak sa kamay ni kim

                Huwag mo akong hawakan, at tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak kay Gerald.princess? ang sarap pakinggan noh?umiiyak na sabi ni kim.akala ko magkakatotoo ang sinabi mo sa akin noon na " YUNG ISANG PRINSIPE AT PRINSESA AY TITIRA SA ISANG MALAYONG PALASYO AND THEY WILL LIVE HAPPILY EVER AFTER”.akala ko isang magandang panaginip mali pala ako, hindi pala magandang panaginip kundi isang bangungot.

                Hindi malaman ni Gerald ang gagawin.honestly nasasaktan siya sa nakikitang paghihirap ng dalaga.makinig ka sa akin princess.

                Hindi pinatapos ni kim ang sinasabi ni Gerald. Huwag mo akong tatawaging princess, kim ang pangaalan ko.hindi mo ako girlfriend gaya ng sabi mo kanina.huwag kana rin mag abalang mag explain.

                Kim, nahihirapang sambit ni Gerald.saktan mo ako, sampalin mo ako, ilabas mo lahat ng galit mo sa akin, tatanggapin ko lahat yan.

                Para ano? Kung sasampalin ba kita ng paulit ulit magbabago ang lahat?hindi na napigilan na ilabas ni kim ang lahat ng kanyang sama ng loob para kay Gerald.maiintindihan naman kita eh kung kinausap mo ako, kahapon nung tinanong mo ako” kung ano ang gagawin ko kung sakaling malaman ko na may ibang mahal ang boyfriend ko at handa niya akong iwan” yung naging sagot ko doon ay gagawin ko talaga.handa akong magparaya, hindi ko kayo guguluhin dahil gusto ko nakikita kitang Masaya.

                Kim......

                Huwag kang magsasalita, makinig ka lang.hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo eh, kung si kate talaga ang mahal mo Masaya ako para sa inyo.pero sana hindi sa ganitong paraan.

                Im sorry....but..

                I said makinig ka lang, and please huwag kang mag sorry dahil mas lalo lang akong nasasaktan.kapag nag sorry ka ibig sabihin pinagsisisihan mo ang lahat ng mga pinagsamahan natin noon kahit  pagkukunwari lang sa part mo umiiyak na sabi ni kim.kahit alam kong hindi mo ako minahal, hindi ako nagsisisi na ikaw ang unang lalaking minahal ko dahil kahit hindi totoo ang lahat ng yun, kahit sandali lang naranasan ko kung paano ang magmahal,kung paano mo ako pinasaya, lahat ng yan mananatili sa aking alaala.na minsan natuto akong mag mahal, na minsan naranasan ko kung paano ang maging ganap na babae. Yung nangyari sa atin, hindi ko rin yun pinagsisisihan, ginusto ko yun kaya wala kang dapat alalahanin.habang ako’y nabubuhay , magkaroon man tayo ng kanya kanyang pamilya balang araw hindi na yan mawawala sa aking alaala.masaya ako para sayo Gerald.mahalin mo si kate, ipakita mo sa akin na may saysay ang mga luhang umagos sa akin,ipakita mo sa akin na hindi mababalewala ang mga sakit na naranasan ko. Hangad ko ang inyong kaligayan.

                Hindi napigilan ni Gerald ang umiyak habang nakikinig kay kim.nasasaktan siya hindi dahil sa mga sinasabi sa kanya ng dalaga kundi dahil napagtanto niya kung gaano siya kawalang kwentang tao, kung gaano siya Katanga para gawin yun sa dalaga.kim, give me a chance, i’m going to fix all this mess please give me another chance.

                Kung humihingi ka ng second chance para lang mapatawad kita huwag ka ng mag abala.naiintindihan kita,pinapatawad na kita saka ngumiti ng mapait si kim sa binata.pwede ka ng umalis, huwag kang maguilty dahil okay lang ako, sa susunod na mga araw babalik na ako sa normal na buhay ko.umalis kana.

                No! Makinig ka sa akin, marami pa akong sasabihin sayo, please pakinggan mo muna ang lahat ng sasabihin ko, please!

                Ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo Gerald, umalis kana please, huwag mo ng antayin na mamuhi ako sayo at higit sa lahat huwag mong hayaang matanggal dito sa puso ko ang natitirang pagmamahal ko para sayo.kakalimutan na kita maliban sa mga alaala na iniwan mo sa akin.hindi na inaantay ni kim na magsalita si Gerald.kahit nanghihina siya agad agad siyang tumalikod ng Makita ang pagdating ng kanilang sasakyan, biglang humarap ulit si kim kay Gerald ng bahagya na siyang nakalayo, “GOODBYE” malakas na sabi ni kim, kahit nasasaktan siya at malungkot, ngumiti siya sa binata pagkasabi ang katagang iyon.mabilis na siyang naglakad patungo sa kanilang sasakyan

 

                 

               

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.