Chapter VI

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

After kong mag-walkout sa kanila ay nagmaneho ako papunta sa isang maliit na bar, hindi kalayuan sa 7 Kingdoms. Naiinis talaga ako and I don't want to be in the same place with Karina right now. How could she ing do that? I mean, kung hindi ko kaya sasabihin ko naman pero yung magdedecide siya on her own? what the lang. 

 

 

"Tequila, boss." agad kong order sa bartender, mabuti na lang at hindi masyado maraming tao rito ngayon kaya makakapagisip isip ako. 

 

 

Habang hinihintay ang inumin ko ay napatingin ako sa kamay ko, nagdudugo pa rin ito kaya binalot ko ulit ng panyo kanina paglabas ko ng 7 Kingdoms. Bumili kasi ako ng yosi sa 7/11 sa tapat ng club kanina kaso pagtawid ko, may babaeng nag-beating the red light kaya nahagip ako and unfortunately bumagsak ako sa gilid na may mga basag na bote kaya nagkasugat ang kamay ko. Hindi naman tumakbo yung babae, in fact dali dali siyang bumaba at tinanong kung okay lang ako and she even asked me na dalhin ako sa hospital but I refused dahil may gig pa ako. 

 

 

I know it wasn't intentional kaya hindi ko na ginawang big deal at malayo naman sa bituka ang sugat ko. 

 

 

Binalot ko lang ng towel yung kamay ko kanina kasi naisip ko na titigil din pagdudugo niya before kami mag-perform though aaminin ko na medyo kinabahan na ako nung di pa rin tumitigil nung sinundo na ako ni Karina sa labas. I can't risk our gig tonight especially na maraming tao, ayokong mapahiya at ayokong i-fail ang bandmates ko. 

 

 

Kaya pinilit ko pa rin magperform. 

 

 

I saw Karina looking at me worriedly habang tumutugtog, even Ryujin I saw her staring at me from time to time. I just had to make sure na they won't see I'm hurting kasi ititigil talaga nila agad yung performance namin kaso kada tipa ko sa gitara nararamdaman ko yung hapdi ng sugat sa kamay ko. 

 

 

"Isa pa, boss." di ko namalayan naka apat na shot na pala ako ng tequilla. 

 

 

"Sabi na nandito ka lang e." napatingin ako kay Yujin ng bigla siyang tumabi sa akin. "Isang beer nga boss." order naman ni Yujin, ipinagpatuloy ko lang yung pag-inom ko at hindi siya pinansin. 

 

 

"Umuwi na sila pala." I sighed, as they should dahil wala naman na kaming tugtog ngayong gabi. 

 

 

"Ikaw? Bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko without even looking at her. 

 

 

"I was worried about you, bossing." 

 

 

"Ayos lang ako, di naman ako mamamatay dahil dito." 

 

 

"But still, baka ma-infection pa yan." 

 

 

"I'll be fine, Yujin." 

 

 

Pareho kaming natahimik ni Yujin for how many minutes, tahimik lang siya habang umiinom ng beer niya. Ako naman ay nakatitig sa kamay ko na hindi ko alam kung may balak bang tumigil sa pagdudugo. 

 

 

"Bossing." this time, naramdaman ko ang mga mata ni Yujin na nakatingin sa akin. 

 

"Hmm." 

 

"About kanina uhm..I know na nagma-matter sayo lahat ng gigs natin kaya gets ko rin bakit ganon reaction mo nung pinatigil ni Karina." Yujin was hesitating kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya kasi usually sa mga ganitong pangyayari si Ryujin or si Hendery ang kumakausap sa akin. "Valid naman yung inis mo pero..I hope naisip mo rin na talagang worried lang si Karina sayo." I took another shot of tequilla habang pinapakinggan siya. "I just don't think tama na..sinigaw sigawan mo siya kanina and you even pushed her..she just did what she think was right. Kapag nagpatuloy tayo kanina possible na lumala pa yang sugat mo, worst e baka mas matagalan pa healing niyan."

 

 

 

Too much ba yung nagawa ko? 

 

 

"Hindi naman sa kinakampihan ko si Karina pero may point kasi siya." 

 

 

"Galit ba siya?"
 

 

"Si Karina?" 

 

 

"No, Ryujin I kinda shouted at her kanina." 

 

 

"I think hindi naman, nabigla lang din siguro." 

 

 

"Hmm." 

 

 

"Ayon sana wag ka na magalit kay Karina, pwede naman tayo bumawi ng gig e tsaka isa pa ang dami niya kayang nakukuhang gig for us." 

 

 

Right, ilang days pa lang siyang manager yet na-manage niya na ikuha kami ng gig almost everyday. I must say na Karina was really doing her job so well, sobrang ayos at planado lahat. 

 

 

"You should go home and rest, Yujin." 

"Ikaw ba?" 

"Uwi rin ako mamaya." 

"Sige bossing, message mo ko pag nakauwi ka na." 

"Ikaw din, ingat ka." 

 

 

 

 

I stayed for few minutes pa sa bar pagka-alis ni Yujin, she was right hindi ko dapat sinigawan si Karina and mas lalong hindi ko dapat siya tinulak, she could have get a serious injury kung wala si Ryujin sa likuran niya. 

 

 

 

I'm such a jerk.

 

 

 

I'll apologize to her. 

 

 

 

I know na most of the time naiirita ako sa kanya but I know how to say sorry when I'm at fault. 

 

 

 

I drank the last shot of tequilla I ordered pagkatapos ay umalis na rin ako. Inalis ko na rin yung panyo na nakabalot sa kamay kasi tingin ko wala na rin naman na siyang kwenta pa. Nag-maneho na ako pauwi sa bahay, masakit talaga kapag ka ginagamit ko siya kaya nahirapan ako mag-motor pero umabot naman ako ng buhay sa bahay. 

 

 

 

Nakita ko yung messages nila sa gc na nakauwi na sila, even Karina dahil hinatid siya ni Ryujin pauwi. 

 

 

 

Bukas na lang siguro ako magso-sorry kasi baka nagpapahinga na siya. 

 

 

 

Pagpasok ko sa bahay ay agad kong nakita si Karina na nakahiga sa may couch, habang yakap yakap ang aso ko. Dahan dahan kong isinara ang pinto dahil ayokong makaistorbo pero bigla na lang nagising si Kari at tumahol, I'll call her Kari na lang to avoid any confusion. 

 

 

"Arf!" tumakbo siya papunta sa akin kaya naman nagising din si Karina. 

 

"You're home na.." medyo groggy pa ang pagkakasabi niya kasi kitang kita na inaantok na talaga siya. 

 

"Bakit diyan ka natulog?" tanong ko sa kanya, tiningnan niya ang kamay ko bago niya ako tingnan sa mata. 

 

"I waited for you..look Winter.." Karina walked towards me, "I just want to apologize, I didn't mean to ruin your gig I was just--" 

 

"I'm sorry." I couldn't look at her, bigla na lang akong nilamon ng guilt ko. 

 

"What?" nabigla rin siguro si Karina sa sinabi ko. 

 

"I'm sorry na nasigawan kita kanina..and sorry kung naitulak kita and walang excuse sa ginawa ko, I was a jerk I'm sorry." napalunok ako parang hindi ko na alam bigla ang mga sasabihin ko, pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko na ewan. "Alam ko na worried ka lang, hindi kita dapat sinigawan at hindi kita dapat sinisi. You were just doing your job." hindi ko kinakaya ang tingin ni Karina sa akin kaya I decided na maupo na lang sa couch para makaiwas sa kanya. 

 

 

Hindi ko naman inexpect na tatabi siya sa akin. 

 

 

"I get it, importante sayo bawat gig niyo kaya siguro ganon naging reaction mo kanina pero health is wealth, Winter. And as your manager..I care for you at sa inyong lahat. Ano pang silbi na manager niyo ako kung hahayaan ko lang kayo sa mga reckless things na ginagawa niyo?" 

 

"Alam ko naman, kaya pasensya na." 

 

"Okay lang, bati na tayo pero.." napatingin ako sa kanya na agad kong pinagsisihan kasi nakatitig siya sa akin, para kong naging bato sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang kamay ko. "Let me clean your wound first, kanina pa to expose baka lumala pa to." nakahinga lang ako ng maayos ng tumayo siya para kunin ang first aid kit. 

 

 

What the was that? 

 

 

"This might hurt a little kasi bubuhusan ko ng maraming alcohol yang sugat mo." Karina chuckled, I swear to God if she really puts alcohol--

 

 

"OUCH!" 

 

 

 

 

"Hala, masakit? Deserved mo yan." I looked at her in disbelief, "Tigas kasi ng ulo mo sa susunod makinig ka na lang okay?" I somehow regret apologizing to her because look at her being so annoying again. 

 

 

Pagkatapos niyang linisin ang sugat ko ay ibinalot niya ito ng bandage tapos ay niligpit niya na rin yung first aid kit. "Better siguro if ipa-check natin sa doctor yan just to be safe and wag ka na muna tumugtog, ika-cancel ko muna yung gigs niyo." 

 

 

"What? No, hindi pwede." 

 

"Tigas ng ulo? Pag hindi ka gumaling before performance niyo sa TIP mas sayang yon." 

 

"Fine." 

 

"Good girl." I glared at her when she suddenly pats my head as if I'm a dog. "Now, pahinga ka na." 

 

"Later, ikaw pahinga ka na." 

 

"Talagang magpapahinga na ako dahil may work pa ako bukas." Karina smiled at me. "Good night, baby." she winked at me, what the is wrong with her? 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

"Good morning!" masaya kong bati kay Giselle na mukhang katatapos lang mag-breakfast. 

 

"Good morning, ganda ng gising mo ah?" she looked at me suspiciously, "what happened sa gig last night? mukhang good mood ka." dagdag niya pa. 

 

"What? well, na-injured si Winter." her eyes widen with what I just said, naupo na ako sa table at kumagat sa hotdog na nasa may plato. 

 

"Winter what?" Giselle looks so worried about her cousin. "And bakit ang saya mo pa? hoy ano ba nangyari?" 

 

"Okay na siya don't worry, well it's good day to be alive since your masungit na pinsan just apologized to me last night." I still can't believe it na magso-sorry siya I thought magpapaka-jerk na lang siya habang buhay like imagine? Winter Kim, apologizing? 

 

"Gaga ano ba tingin mo kay Winter? masama talaga ugali?" 

 

"Medyo." 

 

"I don't know what happened but since she apologized then for sure she's at fault."

 

"Talaga!" napailing si Giselle sa akin. "Wait ikaw pala kumusta? Kumusta na si Ningning my pretty friendship?" 

 

"Ayos lang, busy pa rin sa shop and we're gonna put a stall sa foundation day ng TIP next week. I heard invited din theLink to perform?" 

 

"Yes! Omg you'll be there." 

 

 

This is gonna be so fun. Chika rin sa akin nila Yena e ngayon lang sila tutugtog sa school kasi may mga past invitations sila kaso dahil minsan lang sila magcheck ng emails and social medias nila e di nila nakikita talaga most of the time. 

 

 

"Yes, we'll be there. Anyway, mauna na ako." 

"Okie, i-hi mo ko kay Ningning ha." 

"Clingy much." 

"Sus, agawin ko sayo yan e." 

"Subukan mo lang." 

"Yak torpe kasi." 

"Shut up." 

 

 

Napa-amin ko kasi si Giselle about her liking Ningning. Ganyan gusto kong trope e bestfriends to lovers chos. I'm really really looking forward sa kanilang dalawa kasi ang cute kaya nila together sadyang mahina lang ang manok kong si Gigi kaya hindi makabwelo pero gets ko naman takot lang din siya na mawala ang bestfriend niya sa kanya if ever na malaman ni Ningning na may feelings ito sa kanya though I personally think na may shot talaga si Giselle e.

 

 

"Arf!" paglabas ni Giselle ay saktong bukas naman ng kwarto ni Winter, lumabas si Karina (hay nako) at tumakbo papunta sa akin kaya agad ko siyang binuhat at ipinatong sa lap. 

 

"Good morning, cutie." bati ko sa kanya, si Winter naman ay dirediretso lang sa kusina para kuhaan ng pagkain ang anak niya. 

 

"Where's Gi?" 

 

"Wala man lang good morning good morning?" tanong ko sa kanya and as I expected sinamaan niya lang ako ng tingin. "Kaalis alis niya lang." 

 

 

 

Hindi na siya sumagot. 

 

 

"Karina come here na." agad tumalon si Karina para kumain si Winter naman ay nagtimpla ng kape niya. 

 

"Masaki pa sugat mo?" 

 

"Buhusan mo ba naman ng alcohol." she hissed, hay nako free trial lang pala pagiging mabait niya last night. 

 

"That's for the best minsan need mo masaktan para mag-heal." 

 

"Dami mong alam." naupo na si Winter sa may table para makapag-almusal. 

 

 

 

Pansin ko na kanina pa notif ng notif ang phone niya and hindi niya naman ito chinicheck nabobother ako kasi maingay siya. "Taray so famous daming notif." agad pinatay ni Winter ang phone niya at itinabi ito. 

 

 

"Bakit ba nandito ka pa? di ba may work ka?" 

 

 

"Hinatid na raw ni Ate Yuqi si Ellie sa school e so susunduin ko siya kaso mamaya pa yon kaya nandito pa ako." 

 

 

 

Hindi na ulit siya nagsalita. 

 

 

Shuta rin talaga to si Winter e no? once sentence at a time lang ba kaya niya? 

 

 

 

"Ikaw ba, ano plan mo ngayon?" feeling ko magkakasakit ako pag di ako nagsasalita talaga. 

"Ano naman sayo mga plano ko?" 

"Nagtatanong lang naman e." 

"I'll bring Karina sa vet for her vaccine." 

"Sama ako!" 

"No." 

"Sama na ako sige na!" 

"I said no." 

 

 

Ang tigas naman nito. 

 

 

"Baby, sige na." Winter choked on her coffee when I called her ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd