Chapter XXV

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

Naglalaro kami ni Kari sa sala ng lumabas si Karina sa kwarto niya—nginitian niya lang ako atsaka niya nilapitan si Kari, hinalikan niya ito sa ulo pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kusina. Hindi ko ma-explain but pakiramdam ko may hindi sinasabi si Karina sa akin. It started nung isang araw, when she bought our drinks pagbalik niya she said kailangan niya magpunta ng Warner dahil pinapatawag daw siya ni Miss G for a meeting. After that, she told us na hindi na siya makakapunta sa gig namin sa 7Kingdoms dahil sumama raw ang pakiramdam niya. After nga ng gig namin ay umuwi ako agad para i-check siya dahil nag-aalala ako and then simula non napansin ko na parang palaging ang lalim ng mga iniisip niya. I tried asking her but she said iniisip niya lang daw yung magiging future namin, na-eexcite siya para sa amin ganyan. 

 

 

"Winter, nag-breakfast ka na?" napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses niya. I looked at her, nakatingin siya sa akin habang hawak ang isang cup ng kape. 

 

 

"Hindi pa, hinihintay kita e." 

 

 

"Halika na rito, kumain na tayo." nakangiti niyang aya sa akin—maybe bad days lang meron talaga siya nung mga nakaraan. 

 

 

 

Ibinaba ko na muna si Kari para makakain na rin siya atsaka ako nagpunta sa kusina, nagluto na kasi si Giselle ng breakfast kanina pero sabi ko nga e hihintayin ko na lang magising si Karina para sabay na kami kumain. Inilagay ni Karina ang isang plato atsaka niya ako pinaghanda ng pagkain, napangiti naman ako dahil palaging ginagawa ito ni Karina sa akin. I told her nga na hindi niya naman kailangan gawin but she said gusto niya raw na inaasikaso ako, nakakakilig siyempre. 

 

 

"Nga pala." umupo na siya sa upuan sa tapat ko. "..may date na ang contract signing niyo!" excited niyang balita sa akin. 

 

 

"Talaga? kailan daw?" finally, ito na talaga wala ng atrasan, hindi na ako dapat kabahan. 

 

 

"Wait, thursday ngayon so..Monday na ang contract signing." I'm so glad to see her smiling again, I mean yung Karina smile talaga? yung genuine na ngiti niya. 

 

 

"Ma-eexcite talaga ang mga yon pag nalaman na nila." nag-umpisa na akong kumain, infairness talaga kay Giselle pwede na siya magpakasal. 

 

 

"Also, di na natiis ni Miss G. Ipinakita niya rin sa akin yung result ng photoshoot niyo kahapon, and damn you look so good, Winter." 

 

 

"Alam ko naman crush mo ako." asar ko sa kanya. 

 

 

"Alam ko rin na makapal talaga mukha mo." 

 

 

"Bakit hindi mo ba ko crush?" 

 

 

"Hindi duh." 

 

 

"Ouch okay." 

 

 

"Hindi kita crush kasi gusto kita, magkaiba yon." Karina rolled her eyes, kahit kailan talaga hindi magpapatalo.

 

 

"Kumain ka na nga diyan." ganito pala feeling ng sumusubo ng kanin na nakangiti. 

 

 

"Ay aalis pala ako today, practice lang naman meron kayo no?" tanong niya sa akin. 

 

 

"Saan ka pupunta?" 

 

 

"Kay Mommy, namimiss niya na raw ako e." 

 

 

"Gusto mo ba hatid na kita?" 

 

 

"Hindi na, keri boom boom ko na to tsaka baka pasundo pa nga ako non." 

 

 

"Okay, enjoy ka and mag-ingat." 

 

 

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang lahat ng kalat sa kusina—si Karina naman ay nag-ready na dahil nga talagang pinasundo siya ng mommy niya grabe lang no rich family thing. Next time, di na nila need ipasundo si Karina dahil ako na mismo maghahatid sa kanya naka-sports car pa. I will work really hard talaga, gusto ko maging deserving para kay Karina. I know she said na hindi ko kailangan patunayan sarili ko sa pamilya niya but iba pa rin siyempre kung tatanggapin ako ng mga magulang niya. 

 

 

After ko maglinis sa kusina ay naglinis na rin ako sa bahay medyo matagal tagal na rin kasi simula ng huling nag-linis ako baka mamaya magreklamo na sa akin ang pinsan ko pati si Karina dahil sila ang lagi naglilinis dito. 

 

"Hi, aalis na akooo." paalam ni Karina sa akin paglabas niya ng kwarto niya. 

 

"Take care, Karina." nginitian niya ako atsaka siya lumapit sa akin. 

 

"Of course, I'll see you later. Balitaan mo ako kapag ka may mga biglaang gagawin kayo ngayon ha? hay nako umayos kayo wag gumawa ng kalokohan." parang nanay niyang pagpapa-alala sa akin. 

 

"Opo, ma." pang-asar kong sagot. 

 

"Anong ma? mukha ba kong mama mo?" 

 

"Ma short for Mahal." pansin ko naman ang pamumula ng tenga niya ng sabihin ko yon. 

 

"Landi landi naman, aalis na ako." ang bilis ng pangyayari hindi ko inexpect na hahalikan niya ako sa pisngi—parang wala nga lang yung ginawa niya at bigla na lang siya lumabas dahil nandoon na ang sundo niya. Napaka-unpredictable talaga ni Karina, hay ang swerte swerte ko talaga. 

 

 

Walang ibang aasawahin kung hindi siya lang. 

 

 

Yung thought pa lang na asawa ko siya, parang gusto kong magpagulong gulong sa sahig. 

 

 

Ah tangina, ano bang ginawa ni Karina sa akin. 

 

 

 

Napatigil lang ako sa pag-iimagine nang mag-ring ang phone ko, si Minju pala tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot.

 

 

"Panira naman ng moment." 

 

"Ay aba, naglalampungan ba kayo ni Karina? nandyan ba siya?" 

 

"Wala, umalis siya." 

 

"Eh sino yang ka-moment mo? hoy Winter Kim baka naman nambabae ka ha isusumbong talaga kita!" 

 

"Baliw, wala si Kari lang kasama ko." 

 

"Siguraduhin mo lang ha." 

 

"Oo nga, bakit ka pala napatawag?" 

 

"Nakuha ko na yung pinagawa mo doon sa friend ko." 

 

"Really? Kailan ko pwede kunin?" 

 

"Kahit ngayon na, pwede natin puntahan." 

 

"Sasamahan mo ako?" 

 

"Ayaw mo ba? sige edi ikaw mag-isa magpunta as if alam mo yung lugar." 

 

"Ito naman sige na samahan mo na ko, libre na rin kitang lunch." 

 

"Aba dapat lang naman talaga?" 

 

"Hahaha sige na, mag-aayos lang ako then sunduin kita." 

 

"Sa U.P Town mo na lang me sunduin." 

 

"Okay madam." 

 

"Che!" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

After ng lakad namin ni Minju ay nag-practice lang kami saglit ng theLink, ibinalita ko na rin sa kanila na contract signing namin sa monday so dapat i-clear na nila ang schedule nila. Grabe sobrang ganda talaga nung gawa nung kaibigan ni Minju, I wanted to give this gift kasi kay Karina wala token of appreciation lang ba sa lahat ng ginagawa niya para sa amin, at para sa akin. Speaking of, Karina. Nag-message pala siya sa akin, inutusan niya ako bumili ng sushi kapag may nadaanan daw ako, tapos mag-movie marathon daw kami. Mabuti na nga lang at bukas pa yung sushi place malapit sa amin. 

 

 

 

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko siyang nakaupo sa sahig habang yung kumot niya ay nakatalukbong sa kanya. Ang cute talaga ng taong to kahit kailan. "Hi." bati ko sa kanya dahil hindi niya ata namalayan na pumasok ako, paglingon niya ay nakita ko siyang umiiyak kaya naman alang alala akong lumapit sa kanya. 

 

 

"Bakit ka umiiyak?" worried kong tanong sa kanya. 

 

 

"Ilang beses ko na napanood to pero naiiyak pa rin ako.." bigla na lang siyang sumubsob sa dibdib ko atsaka umiyak lalo, napatingin ako sa tv para i-check kung ano ba yung pinapanood niya. 

 

 

Me Before You. 

 

 

Hindi ko pa napapanood to pero parang grabe naman sa iyak si Karina, ganon ba talaga kalungkot tong movie na to? hindi kasi ako fan ng mga romance e. 

 

 

"Tama na, wag ka na umiyak." kumuha ako ng tissue doon sa box na nasa table atsaka ko pinunasan ang luha niya. "..may dala akong sushi, wag ka na umiyak tapos iba na lang panoorin natin." nag-nod lang siya sa akin habang pinupunasan ang luha niya, ang cute cute niya talaga mas lalo akong nai-inlove. Ang sarap niyang alagaan habang buhay. 

 

 

Nagpalit lang ako ng t-shirt pagkatapos ay inayos ko na yung mga dala ko sa table habang si Karina naman ay naghahanap ng pwede namin panoorin habang nasinghot singhot pa, sorry talaga pero mas naku-cutean lang ako sa pag-iyak niya e. "Oh yung favorite mo." isinubo ko sa kanya yung isang sushi na kaagad niya namang kinain. 

 

"Hindi ako makahanap ng panonoorin na movie pero ito mukhang maganda, parasyte the grey." suggest niya sa akin. 

 

"Series yan ah." 

 

"Alam ko yun nga lang baka di natin matapos agad tonight." she pouted, ano bang meron sa kanya at extra cute niya tonight? 

 

"Hindi naman natin kailangan tapusin ngayong gabi agad, tara na yan na panoorin natin." umayos na ako ng upo sa sahig, ang likod ko ay nakasandal sa sofa hindi ko kasi alam anong trip ni Karina at sa sahig nahilig umupo e. Naramdaman ko naman ang pagsiksik niya sa akin pagka-play ko ng movie, ang totoo niyan napanood ko na first two episodes ng parasyte pero I don't mind na panoorin ulit para sa kanya. 

 

"What if isa pala talaga akong parasyte?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. "..paano kung nagpaplano na rin talaga akong sakupin ang mundo niyong mga tao?" 

 

"Impossible yan." 

 

"At bakit naman?" 

 

"Impossibleng masakop mo ang mundo ko." tinaasan niya naman ako ng kilay. 

 

"Minamaliit mo ba pagiging parasyte ko ha?" napangiti na lang ako dahil sa pinag-gagagawa niya. 

 

"Paano mo masasakop e ikaw mismo ang mundo ko?" ang bilis nag-shift ng mood niya bigla na lang niya akong hinampas atsaka siya nagtalukbong ng kumot. "..tiklop ang parasyte." asar ko sa kanya, nabigla ako ng pati ako ay talukbungan niya rin ng kumot kaya pareho kaming nasa ilalim ng kumot ngayon kung may makakakita talaga sa amin baka pag-isipan pa kami ng kung ano. 

 

"Wag ka na maingay manood na tayo." kahit madilim e alam kong nakangiti siya, hay nako Karina Yu. 

 

 

Tahimik na kaming nanood ni Karina though paminsan minsan ay may side comment siya sa pinapanood namin, hinahayaan ko lang at pinapakinggan siya pagkatapos ay sinusubuan ko rin siya ng sushi para talaga siyang baby. Hindi ko nga namalayan na nakayakap na pala siya sa akin, nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang ang kamay niya ay nakapulupot sa tiyan ko kaya naman ipinulupot ko rin ang kamay ko sa balikat niya para mas komportable siya.

 

 

Patapos pa lang ang episode 2 ay pansin ko ng hikab na siya ng hikab kaya naman after ng episode 2 ay ipinause ko na muna ang palabas. "Oh bakit?" tanong niya sa akin. "Inaantok ka na e, sa susunod na tayo ulit manood." Karina looked at me—talagang pabagsak na ang mata niya. "You should sleep na, halika na hatid na kita sa kwarto mo." inalis ko ang nakatalukbong na kumot sa amin atsaka ko siya inalalayan sa pagtayo. 

 

"I had fun tonight, much better talaga yung mga biglaan lang na gawain." napatingin ako sa mga kamay namin, dahil hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya. 

 

"Everything's fun naman as long as I'm with you." 

 

"Sus ilang babae na kaya nasabihan mo niyan?" 

 

"Ikaw pa lang, at palaging ikaw lang." bigla na lang niya ko kinurot sa pisngi—grabe siya kiligin namimisikal. 

 

"Ewan ko sa'yo, matutulog na ako." 

 

"Good night, Karina." lumapit ako sa kanya atsaka ko siya hinalikan sa noo. 

 

"Good night, Winter." hinintay ko lang siya na makapasok sa kwarto niya pagkatapos ay bumalik ako sa sala para linisin yung mga kalat namin. Iniwanan ko na rin ng tubig si Kari pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko, napatingin ako sa box na nakalagay sa table ko. Excited na akong ibigay ito sa kanya. 

 

 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

Kagagaling lang namin sa Warner dahil pinakilala sa amin ang ibang producer nagkaroon na rin kami ng briefing sa mangyayaring contract signing sa Monday. They asked for our commitment na kumpleto kami sa araw na yon siyempre oo kami agad lahat, hindi namin ipagpapalit ang araw na yon sa kahit na ano pang bagay. 

 

"Lunch muna tayo?" pag-aaya ni Hendery sa amin. "..libre ko, ang saya ko ngayon e." kaagad naman umakbay si Yujin sa kanya. 

 

"Sana lagi kang masaya, tara na at kumain." sumakay na kaming lahat sa kotse ni Hendery hindi ko na kasi dinala ang motor ko para di na hassle at nasa isang sasakyan na lang kami. Si Karina pala ay sinundo ni Ningning, nagpapasama kasi para bumili ng regalo kay Giselle. 

 

"Grabe guys di pa rin ako makapaniwala until now na talagang magsa-sign tayo sa warner." tila ba nasa alapaap na sabi ni Ryujin, kulit nga niyan e nung in-announce ko na may date na yung contract signing namin e hindi ako tinigilan kakatanong kung totoo na ba talaga, habang nagrerehearse kami hanggang sa pag-uwi ko minimessage pa rin ako kaya ayan nakatikim ng block sa akin. 

 

"Na-iimagine ko na magkakaroon din tayo ng first concert." napatingin ako kay Yena, that would be a dream come true talaga.

 

"Full album tapos marami pang gigs yung tipong abot sa ibang bansa." nag-apir naman si Yena at Yujin sa mga naiisip nila. Lahat ng yon ang saya talaga pag nangyari but sa ngayon gusto kong dahan dahanin lahat, matagal namin hinintay to kaya naman talagang iingatan namin.

 

 

Nagpunta kami sa Aristocrat dahil yun ang unang nakita namin e sadyang gutom na gutom na tong mga kasama ko kaya palag palag na naisip ko nga na di ba medyo mahal pagkain dito pero sabi naman ni Hendery walang problema doon. Naunang pumasok yung tatlo, sinadya ko magpaiwan kasama si Hendery since nagpa-park pa siya, hinintay ko siya sa may entrance.

 

"O bossing, bakit di ka pa pumasok?" tanong ni Hendery ng makita niya ako. 

 

"I'll ask a favor sana e." ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd