Chapter XIX

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

We're on our way back na sa pastry shop, I had a meeting kasi sa isang company dahil gusto nila kaming kunin para mag-cater ng cakes and cupcakes sa upcoming event nila and I must say it went well, we will just wait for their call kapag approved na lahat. 

 

 

"Drive thru tayo, gusto ko ng mcfloat." pakiusap ni Karina sa akin bago siya pumasok sa loob ng kotse ko—she volunteered to come with me dahil ilang weeks na ata siya walang trabaho dahil nga nag-quit na siya sa babysitting job niya, well she's not totally jobless dahil tuloy naman ang pagiging manager niya ng theLink atsaka isa pa, I think mas nakakafocus na siya sa kanila.

 

 

"Sure, let's grab some food din. Hindi naman tayo nakapag-lunch." I started driving na, I hope may madaanan kaming Mcdonalds. 

 

 

"Should I ask Ningning if nakapag-lunch na siya?" tanong ni Karina sa akin. 

 

 

"You don't have to ask her matik kapag nasa mcdo ako, nuggets agad sa kanya." I know her so well kahit pa kakakain lang niyan as long as nuggets from mcdo ang ibibigay talagang kakainin niya para ngang may reserved space yung nuggets sa tiyan niya e. 

 

 

"Wow, kabisadong kabisado ah." kahit hindi ako nakatingin kay Karina ay alam kong nang-aasar siya. 

 

 

"Bestfriend ko yung tao, Karina." 

 

 

"Hala may sinabi ba akong iba?" 

 

 

"Alam ko na yang mga ganyan mo ha." pag may pagkakataon kasi si Karina talagang aasarin niya ako kay Ningning—minsan nga hindi niya na napigilan at inasar niya ako sa harap mismo ni Ningning, I thought maiinis si Ning or what but sinakyan niya pa trip ni Karina.

 

 

For example, there was this guy kasi na nangungulit sa kanya, ilang beses niya na ni-reject pero sobrang kulit tapos itong si Karina eksena naman na "mas better pa si Giselle dyan." tapos sagot ni Ningning "Anong better? gaga way way way way way better si Gi compared to that guy no." 

 

 

 

Sige nga paano ba naman di mahuhulog lalo. 

 

 

 

I don't know—Ningning is just so admirable kahit wala siyang gawin, effortlessly beautiful pa. Pero it's not her face I fell in love with e, it's how she treats people around her. Sobrang humble and down to earth, she might be so maloko at mapang-asar but she has the purest heart. The first time we met, nag-click kami agad para bang we are meant for each other kumbaga. Sobrang hirap lang talaga na mag-confess ngayon katulad ng palaging sinasabi sa akin ni Karina, may shot naman daw ako kasi kilalang kilala ko si Ning at alam ko sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan pero kasi ang mahirap e sobrang precious sa akin ng friendship namin—and I really don't want to risk losing what we have. 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating namin ni Karina sa pastry shop ay naabutan namin si Ningning na may kausap, nakatalikod ito kaya hindi ko alam kung sino. Agad naman siyang tumayo ng makita niya ako na may dalang mcdo. "Mcnuggets?" tanong niya paglapit sa akin, I just smiled at her at lumingon sa babaeng kausap niya pagtingin ko ay kumaway ito sa akin. 

 

 

"Hi, Giselle." bati niya—anong ginagawa niya rito? wala naman si Winter.

 

 

"Hi, Natty right?" 

 

 

"Yes." 

 

 

"Are you with Winter?" 

 

 

"No, I came here for Ningning." parang kinakabahan ako sa mga ngiti niya ah? hindi naman sila close ni Ningning to begin with. "Oh, hi Karina." nginitian naman siya ni Karina. 

 

 

"Yes yes she came here kasi gusto niya makipag-friends!" excited na sagot ni Ningning. "Okay lang ba we'll talk pa for a little bit? konti pa lang naman tao." pakiusap ni Ningning sa akin. 

 

 

"Sure, I'll be at the counter if you need anything." sagot ko—should I be worried? hindi ka naman siguro pupunta randomly just to be friends with someone diba? type niya ba si Ningning? I need to talk to Winter. 

 

 

"Huy, okay ka lang?" tanong ni Karina habang nagpupunas ng mga glass sa tabi ko—hindi naman siya part-timer dito pero she volunteered na tumulong kahit papaano habang nagmo-move on siya, mabuburyo lang daw kasi siya kung sa bahay siya mag-sstay lalo pa na gabi lang naman mga gig ng theLink. 

 

 

"Yeah." sagot ko, kumuha na rin ako ng malinis na basahan at nagpunas na rin ako ng mga baso pero di ko mapigilan sarili ko na i-check sila Ningning from time to time. 

 

 

"Diba siya yung kasama ni Winter nung nakaraan?" 

 

 

"Yeah, kaya it's weird na she's here without Winter." 

 

 

"You think she likes Ningning?" sinamaan ko ng tingin si Karina kasi parang na-excite pa siya. "I mean..hindi kasi ganon." 

 

 

"I don't know? and ano naman kung gusto niya si Ningning?" wala naman akong karapatan pigilan siya, single yung bestfriend ko at mukhang single din naman siya. Napatingin ako kay Ningning kasi kanina pa siya tawa ng tawa—wow what's with Natty at ganyan siya kasaya. 

 

 

"Nagseselos ka?" 

 

 

"Huh? hindi ah, hindi ako pwede magselos." 

 

 

"Hindi talaga kasi torpe ka." bulong sa akin ni Karina, napa-atras naman ako kasi ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko. 

 

 

"Tigilan mo nga ako, may rason naman bakit ganito ako." 

 

 

"Duh alam ko, you're scared to lose what you have pero how about the things that you could have?" napaisip ako sa sinabi ni Karina—well hindi naman siya mali, masyado akong naka-focus sa bagay na meron kami ngayon pero paano nga naman kung talagang may chance ako? pero still, hindi ako confident. I'm too scared na umamin sa kanya. "What if pormahan talaga siya niyan? Ready ka ba mag-third wheel palagi sa dates nila?" isipin pa lang yon parang ang sakit na, I want to keep her all by myself but alam kong impossible yon gawin bilang best friend lang. 

 

 

Agad kaming umiwas ng tingin nang tumayo si Natty, seems like aalis na siya. She hugged Ningning tapos nagbeso pa sila bago ito lumabas ng shop. Hindi ko napigilan wag tumingin e nagtama pa tuloy mata naman ni Ningning bago niya ihatid palabas si Natty. 

 

 

"Hi!" bati niya sa amin ni Karina sa counter. 

 

 

"Bakit nandito yun?" direct to the point na tanong ni Karina kay Ningning. 

 

 

"She wants to be friends daw sabi ko sure kasi ang cool niya!" Ningning looks so excited about Natty. 

 

 

"Oh, I see. Akala ko manliligaw mo na e." siniko ko naman si Karina dahil sa sinabi niya. 

 

 

"Kaloka te, issue ka dyan?" 

 

 

"May sasabihin pala si Giselle sayo." nagulat naman ako kasi di ko alam na may sasabihin ako kay Ningning. "Sabihin mo na uy." siniko ako ni Karina, langhiya para kaming mga highschool student dito na nagtuturuan kung sino magsasalita. 

 

 

"Ano yun ba?" 

 

 

"Huh?" eh hindi ko nga riin talaga alam. 

 

 

"Nahihiya pa, ayain ka sana ni Giselle manood ng sine mamaya." napatingin ako kay Karina dahil sa sinabi niya—I don't have any plans naman? Saan niya nakuha yon? 

 

 

"Really?! Sure game ako dyan!" napapalakpak pa si Ningning dahil sa sinabi ni Karina. 

 

 

"Sure?" I asked her—si Karina naman ay pinanlalakihan na ako ng mata, I don't know what she's planning but I guess I'll go with it na. 

 

 

"Anong sure? malamang sure na sure! tagal na kaya natin di nakakapag sine." 

 

 

"Okay." I don't know what to do kahit na manonood lang naman kami ng sine. 

 

 

"Boss Ning!" kaagad lumapit si Ningning ng tawagin siya ni Anton. 

 

 

"Omg, that's it. That's a date." bulong ni Karina sa akin. 

 

 

"Anong date ka dyan? atsaka anong gagawin ko? anong sine? di ko alam bigla ka nagiimbento dyan." 

 

 

"You're welcome, Giselle. Enough na ako lang yung heartbroken gusto ko sumaya lovelife mo eto na yun simulan mo rito, you know Ningning so di ka na mahihirapan mamili ng panonoorin niyo." 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nandito na kami ni Ningning sa loob ng sinehan yung movie na anyone but you ang pinili ko—hindi ako fan ng mga ganitong type ng movie but gusto niya yung mga ganito kaya ito na yung pinili ko and I didn't fail naman kasi natuwa siya when she saw kung anong panonoorin namin. Kahit pag nagmo-movie marathon kami gustong gusto niya talaga yung mga romcom, hindi naman siya yung palaging nasusunod sa movies in fact salitan kami di niya rin naman trip yung gusto ko kasi too bloody daw pero nanonood pa rin siya for me. Give and take kumbaga. 

 

 

"Parang tayo lang tao rito ah." yung last showing time na kasi yung nakuha namin since late na kami nakaalis sa shop, inaasar pa nga nila kami na magda-date daw kami ito naman si Ningning napaka-patola sumagot ba naman ng "so what mga inggiterang froglets!" sobrang close niya kasi talaga sa mga worker namin parang tropa nga lang siya pero ang maganda sa mga employees namin e they still know their boundaries.

 

 

"I guess? we're kinda late na kasi." sagot ko naman habang inaayos yung popcorn at drinks namin, we just went sa regular sinehan kasi mas gusto ni Ning sa ganito. 

 

 

"Okay lang no! parang ni-rent natin buong place." she chuckled bago kumuha ng popcorn, we're sharing one popcorn kasi malaki naman daw at baka di namin maubos, gusto niya sana ng hotdogs kaso di na available. 

 

 

"Thank you pala for this ha, it's been a while na rin since last na sine natin diba?" Ningning looked at me. 

 

 

"Yeah, I guess deserved naman? sorry kung biglaan, I was..uh.." 

 

 

"I love surprises kaya!" Ningning giggled. I'm glad kami lang tao kasi talagang nagiging sobrang loud siya pag na-eexcite. "Oh it's starting!" umayos na ng upo si Ningning at nag-focus sa pinapanood namin. Ako? hindi ako maka-focus, iniisip ko yung sinabi ni Karina about taking my shot. I just can't do it talaga kasi what if friends lang talaga tingin niya sa akin? edi naging awkward pa kaming dalawa and..paano yung business namin? sobrang hirap ang daming pwedeng ma-apektuhan. If you're gonna ask me of course, I want to take our relationship to the next level, I want to kiss her, I want to tell her I love her, I want to scream na she's mine pero..ayoko rin magpaka-selfish, ang daming pwede mangyari, and ang daming maaapektuhan. 

 

 

 

Para akong kinuryente nang maramdaman ko ang ulo ni Ningning sa balikat ko pagkatapos ay ipinulupot niya pa ang kamay niya sa braso ko, napatingin ako sa kanya naka-focus pa rin siya sa movie. Umusog ako ng konti para hindi siya mahirapan, para akong time bomb na sasabog anytime. She's usually like this naman, hilig niya ako gawing unan, palagi rin siya naka-cling sa akin kaya hindi ko alam but ganito kalala pakiramdam ko ngayon. 

 

 

I think mas marami pang beses na nakatingin ako kay Ningning kaysa sa movie screen, ang cute kasi ng mga reactions niya habang nanonood. Literally, hindi nakakasawang tingnan. Kanina pa ako nangangatog naiwan ko kasi yung sweater ko sa kotse, si Ning naman normal pa rin sanay na sanay sa lamig yan e. Napansin ata ni Ningning na kanina ko pa niru-rub yung kamay ko kaya naman hinawakan niya ito—as in intertwined. 

 

 

"This will help more than rubbing them together." she said without looking at me, napalunok ako alam kong madilim sa sinehan pero ramdam ko pag-akyat ng dugo ko sa pisngi ko I just hope she won't notice. I don't know if I just can't move dahil sa lamig or..I still can't process na we're doing this right now..I mean—ramdam na ramdam ko rin ang pag-squeeze niya sa kamay ko. 

 

 

 

 

 

Hanggang matapos yung movie magkahawak kami ng kamay, I thought it will end there pero hinawakan niya ulit ang kamay ko paglabas namin ng sinehan. This means nothing right? sadyang clingy lang si Ningning. Ayan ang paulit ulit kong tinatanim sa isip ko kasi ayokong mag-assume at umasa. We were both tired na kaya we decided na wag na kumain, ihahatid ko lang siya sa bahay niya. 

 

 

Habang nasa biyahe kami ay para akong nanonood ng reaction video, nag-rereact kasi siya about sa movie and I'm fine with it kasi hindi ko talaga alam anong nangyari kasi nga hindi ako maka-focus kanina. Kung pagagawain niyo ng reaction paper ang ilalagay ko doon ay "kinikilig." not because of the movie but because of the person sitting beside me. I should really thank Karina for this, I'm glad I was able to spend this night with Ningning I mean even if it's just a bestfriend date.

 

 

"By the way, why don't you just stay with me tonight? hindi pa naman tayo nagdinner maybe we can cook something." itinigil ko ang kotse ko sa harap ng bahay niya bago tumingin sa kanya. 

 

 

"I don't have any spare clothes." I usually bring extra clothes kasi at nakatago yon sa trunk ng kotse ko but wala akong dala ngayon.

 

 

"So? I have plenty of them." hinawakan niya na naman ang kamay ko. "Please please? we're so busy kaya di na tayo nakakapag-bond." and then she pouted, damn my weakness. 

 

 

"Palagi tayo magkasama sa shop..?" 

 

 

"Ang ibig kong sabihin ay di na tayo nakakapag bond outside sa shop, di ka ba nagsasawa?" napatigil ako sa sinabi niya. "I didn't say sawa na ako sa'yo, like I could never." dagdag niya—I should stop assuming things na talaga kasi para akong mababaliw na ewan. 

 

 

"Well, okay. I'll message Winter lang." 

 

 

"Okay! wait kita sa loob check ko lang baka may mga unnecessary kalat." naunang bumaba si Ningning sa kotse ko kaya agad kong kinuha ang phone ko para mag-message sa gc na ginawa ko para sa aming tatlo ni Winter at Karina. 

 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

I was busy playing gardenscapes on my phone ng mag-notif ang message ni Giselle—seems like nakiki-ayon ang universe sa kanya. I hope magkaroon siya ng courage para aminin yung nararamdaman niya kay Ningning. I don't know, I'm a risk taker kaya siguro ganito ko siya i-push. Nag-reply ako sa kanya ng "Good luck." ang funny lang kasi pareho kami ng reply ni Winter mas enthusiastic lang akin tapos ang nonchalant ng good luck niya. Speaking of Winter, she was so busy recently palagi siya nasa tambayan, nagsusulat ng mga kanta minsan nga naabutan ko pa na nakatulog na siya doon. 

 

 

 

Alam ko ang sabi ko sa sarili ko na h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
53 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd