Chapter XII

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Wag kayo ma-late mamaya ah." bilin ko sa kanila habang nag-aayos kami ng mga instruments na ginamit namin para sa rehearsal namin, tutugtog kasi kami sa 7Kingdoms pero hindi siya usual gig lang kasi anniversary ng bar plus nag-request yung pamangkin nung may-ari ng mga kanta kaya nag-practice kami kaagad agad. 

 

 

 

"Sureball yan bossing di kami mala-late." sagot ni Ryujin, hindi na ako naniniwala dito nung nakaraan lang e late siya kasi hinatid niya raw si Yeji sa kung saan man. 

 

 

 

"Si Karina ba manonood? parang three days na simula nung huli ko siyang makita dito? I mean after nung meeting nung nakaraan ayun na yung last though active naman siya sa gc pag minimention siya." worried na tanong ni Hendery. 

 

 

 

"Baka busy lang? hayaan mo na muna di naman niya napapabayaan job niya e." sagot ni Yujin. Pagkatapos namin magligpit ay naghiwa-hiwalay na rin muna kami pansamantala, maaga pa naman so may time pa para gawin yung mga personal errands nila.

 

 

 

Sa totoo lang ilang araw na talagang ilag sa akin si Karina after nung nangyari sa party. Hindi ko naman siya masisisi alam ko naman sa sarili ko na ang gago ng ginawa ko, I disrespected her and gets ko kung saan siya nanggagaling if papayag siya magpapasampal pa ako ulit kasi tingin ko di enough yung isang sampal dahil sa ginawa ko. Madalas na rin ako nakatambay lang dito sa tambayan namin para lang hindi kami magtagpo ni Karina kasi ayoko na siya pa yung mahirapan mag-adjust kung nasaan ako, sigurado rin kasi ako na hindi pa siya nagkekwento kay Giselle o kay Ningning. Kung wala ako rito e madalas nasa kwarto lang ako doon lang ako hanggang sa mag-gabi na, minsan naman nagkakasalubungan kami ni Karina pero di niya ako kinikibo o tinitingnan man lang. 

 

 

 

"Bossing?" napatigil ako sa pag-iisip when Yujin snapped her fingers in front of me—I thought nakaalis na silang lahat. "Ang lalim ng iniisip mo ah? ayos ka lang?" I just smiled at her. 

 

 

"May kailangan ka?" itinabi ko muna ang gitara ko at naupo sa couch, dito na siguro ako magpapalipas ng oras muna. 

 

 

"De ano nagtatanong kasi si Minju hindi mo na raw siya nirereplyan? so sabi ko sasabihan kita." 

 

 

"Ah, yeah. Di ko na masyado nagagamit phone ko." pagdadahilan ko kahit na ang totoo e hindi ko lang talaga nirereplyan si Minju, di ko rin alam bakit basta parang ayaw ko lang. 

 

 

"Replyan mo bossing, naghihintay ata." tinapik ni Yujin ang braso ko bago siya tuluyang umalis. 

 

 

 

Dinampot ko ang phone ko na nasa table para mag-check ng mga messages and yep, ang daming messages from Minju. 

 

 

Kim Minju. 

 

[ Tuesday, 10:33 am ] 

Hey, are we still okay?

Hindi mo na ako nirereplyan. 

 

[ Tuesday, 5:00 pm ] 

Did I do something ba? 

Winter? Can I go there? 

 

[ Wednesday, 7:12 am ]

I'm worried bigla ka na lang ganyan after nung party. 

Did I do something ba? please tell me naman oh. 

I miss you, Winter. 

 

 

 

Ang dami niyang messages hindi ko na magawang basahin lahat. 

 

 

[ Friday, 5:38 pm ] 

I want to watch your gig tomorrow sana kaso ang dami kong school activities :< 

I'll see you soon hm? I hope okay lang tayo. 

 

                                                                        We're good. Don't worry, busy lang ako.

 

 

 

Pagkatapos ko mag-reply ay chineck ko pa yung iba. Giselle created a group chat na kaming tatlo lang nila Karina ang laman para daw pag may need siyang ibilin na stuff sa bahay e mababasa naming lahat. 

 

 

BnG (Bahay ni Giselle) 

 

Giselle: Guys, busy ba kayo later? pwede daan kayo sa grocery? kulang na stocks natin e. 

Karina: Ako na lang pupunta after ko kay Ellie. 

Giselle: Sure ka? ayaw mo pasama kay Winter?

Karina: Hindi na. Kaya ko naman yon! 

Giselle: Sure ka ha? 

Karina: Yes yes! 

 

 

 

Hindi na ako nag-reply sa gc na yon kaya lang naman inako ni Karina kasi ayaw niyang kasama ako panigurado. Hindi ko na rin alam gagawin ko, I tried approaching her once pero she stopped me kaagad sabi niya sa akin kung di work related itatanong ko much better na wag ko na lang daw siya kausapin. Nag-sscroll ako sa facebook ko ng makita ko ang story ni Karina. 

 

 

 

Magkasama sila ni Jungwoo.

 

 

 

Ewan ko rin pero di maganda kutob ko dyan sa Jungwoo pero ano ba naman karapatan ko magsalita diba? 

 

 

 

I-exit ko na sana yung story niya when I accidentally clicked the heart button. 

 

 

 

 

 

 

Dahil sa panic ko ay sunod sunod kong napindot yung angry react. What the hell is wrong with my phone—nagreply ako kaagad sa story niya. 

 

 

 

"That was not intentional, sorry."  sent to Karina. 

 

 

Karina Yu. 

Just like what you did? lol 

                                                      What? 

Nothing :) 

 

 

 

It seems like she didn't mean that smiley face at the end of her reply. Yung kiss ba yung tinutukoy niya? Ang tanga kasi I told her na maybe it's just because of the alcohol. When in fact..it's not about the alcohol. Aware ako sa ginawa ko dahil nasa wisyo pa ako nung hinalikan ko siya that night. I honestly don't know kung ano rin ang nangyayari sa akin recently, pakiramdam ko sasabog ulo ko everytime na susubukan kong isipin. 

 

 

I just really want to apologize sa kanya dahil nga ang disrespectful nung ginawa ko sa kanya. I just want us to be okay again, di talaga ako mapalagay na alam kong galit siya sa akin. Ewan ko rin ba dati naman wala akong pakialam kahit galit na galit pa siya sa akin pero ngayon ang big deal sa akin. Siguro malapit na talaga ako masiraan ng ulo, ewan ko na. Ayokong magkwento kay Ryujin dahil panigurado aasarin lang ako non, kay Giselle naman..iniiisip ko na magkwento sa kanya pero baka di pa ko ready ma-realtalk. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

We're just preparing for our stage na-meet na namin yung pamangkin nung may-ari ng bar sa may vip room, she mentioned na the reason why nakilala niya kami dahil daw doon sa video and tsaka niya lang na-realize na bar ng tito niya yung lugar kung saan kami tumugtog. Hindi kasi siya taga-rito kaya ngayon lang siya nakapunta at nakanood ng gig namin. 

 

 

"Guys, ready na." inubos ko na yung iniinom kong beer dahil umakyat na yung manager sa stage para ipakilala kami kahit na kilala naman na kami mostly nung mga tao sa labas, sobrang puno nga yung bar ngayon dahil may promo sila and itong special gig nga namin dahil anniversary nila. 

 

 

"And of course, di makukumpleto ang gabi natin without our favorite band. Everyone! Let's welcome theLink!" after ng introduction niya ay umakyat na kami agad sa stage, nagulat nga ako sa dami ng phone na nakatutok sa amin. I smiled at them of course habang inaayos ang gitara ko. 

 

 

"Good evening everyone." bati ko sa kanilang lahat. "Tonight is a special night dahil anniversary ng 7Kingdoms." I looked at the owner na nakaupo sa may second floor, vip area. "Happy anniversary, 7Kingdoms and I would like to take this opportunity to say thank you sa lahat ng opportunity na ibinigay niyo sa amin." nagpalakpakan naman silang lahat. 

 

 

"Let's have fun tonight." nagsimula na kaming tumugtog for our first song—Come Inside of My Heart by IV of Spades dahil fan yung pamangkin nung may-ari ng bar. We enjoyed playing it naman dahil nakikisabay yung mga tao since alam nila yung kanta. Ang palagi naman akong masaya everytime na tumutugtog ako e. 

 

 

"But only if you listen to me." hindi namin kinanta ang chorus at hinayaan namin ang audience ang magtuloy habang kumakanta kami, ang saya lang para kaming nagco-concert. Not long after ay natapos na ang first song namin, we played another one gulat nga ako parang naging disco yung buong bar nung tinugtog namin yung cruel summer in fact mas malakas pa boses nila kaysa sa microphone ko.

 

 

"Okay for our next song, I just heard of this song recently and ang ganda niya actually maraming kanta dyan na di lang nadidiscover pero worth it talaga pakinggan so I hope ma-enjoy niyo." hindi ko nga alam bakit ngayon ko lang to narinig e, ang dami talagang hidden gem na opm songs. I hope ma-discover pa sila ng mga tao. 

 

 

"If you know the song, please sing along with us." pag-aaya ko sa crowd. 

 

 

Gustong tumingin
Sa iyong mga mata
Na nagniningning
Kahit nasaan ka pa

 

 

May mga iilan sa audience ang nakakaalam ng kanta kaya naman rinig ko rin ang pagsabay nila sa kanta. 

 

 

Pero bakit ba
Ang layo mo
Laging magkabilang mundo

 

Pero bakit ba
Ang layo mo
Pwedeng sa ‘yo na lang ako

 

 

Napatingin ako sa may entrance dahil nakita ko si Karina na pumasok pero kasama niya si Jungwoo habang hawak hawak ang kamay nito. Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman, di ko alam kung inis or what. 

 

 

Nakatitig sa kisame
Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo
Na gusto
Gustong-gusto kita. 

 

 

Nakita sila ng manager ng bar kaya naman inaya silang dalawa sa table na naka-reserve para sa amin na nasa harapan kaya heto kitang kita ko silang dalawa sa harap ko. 

 

 

Hindi na kita
Maalis sa isip ko
‘Di maikaila
Na ikaw ang tahanan ko. 

 

 

Pinilit kong umiwas ng tingin kay Karina pero hindi ko alam bakit sa kanya pa rin ako napapatingin. Hindi naman siya tumitingin sa harap dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Jungwoo. Bakit pa sila nagpunta rito kung magkekwentuhan pa sila? 

 

 

Pero bakit ba
Lumalayo
Palagi na lang ba ganito

 

Pero bakit ba
Ayaw mo
Pwedeng sa ‘yo na lang ako

 

 

Karina was laughing hindi ko man alam kung anong sinabi ni Jungwoo sa kanya pero grabe yung tawa niya pati mata niya tumatawa. Gets niyo ba? Ang saya niyang tingnan. 

 

 

Nakatitig sa kisame
Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo
Na gusto
Gustong-gusto kita. 

 

 

Bigla na lang inintertwine ni Karina ang kamay nila ni Jungwoo atsaka siya sumandal sa balikat nito. Tangina, nagseselos ba ako? Gusto kong hilahin si Karina palayo kay Jungwoo. 

 

Okay lang kahit hindi mo ako pansinin
Kaya ko naman damhin lahat ng sakit
Basta ikaw

 

 

Napatingin naman si Karina sa akin pero agad din siyang umiwas ng tingin at ibinalik ang tingin niya kay Jungwoo. 

 

 

Okay lang kahit hindi mo ako pansinin
Kaya ko naman damhin lahat ng sakit
Basta ikaw.

 

 

Nawala ako sa focus dahil may na-miss akong chord pero buti na lang na-save ni Yena at ng drums ni Hendery. 

 

 

Nakatitig sa kisame
Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo
Na gusto
Gustong-gusto kita

 

 

 

Pagkatapos naming tumugtog ay nag-take kami ng pictures sa mga tao sa harap, nag-group picture din kami para may remembrance kami sa event and para din sa facebook and ig account namin. 

 

 

"Guys, vip na lang daw muna kayo." bulong sa amin ni Manager kaya dumiretso kami sa may VIP room and doon ay naabutan na namin si Jungwoo at Karina. 

 

"Hi guys!" masayang bati ni Karina pagpasok namin. 

 

"Uy Karina akala namin di ka makakapunta e." tumabi si Ryujin sa kanya, ako naman ay naupo sa couch sa tapat niya dahil doon na lang ang bakante. 

 

"Hindi talaga dapat but someone insisted na pumunta kami kasi gusto niya kayo mapanood." natawa naman si Jungwoo dahil sa sinabi ni Karina. 

 

"Yeah, I just really want to watch you guys and grabe ang galing niyo lahat." compliment niya sa amin sabay thumbs up. Binuksan ko yung bote ng Jack Daniel's atsaka nilagyan yung baso na nasa harap ko, wala ng chaser chaser to. 

 

"Uy bossing chill lang, wala ng chaser chaser ah?" hindi ko na pinansin yung sinabi ni Yujin, sinalinan ko na rin yung mga baso sa harap nila ang dami mga sinasabi ano ba ginagawa natin dito kwentuhan? 

 

 

 

Hinayaan ko lang sila magkwentuhan habang ako tahimik lang na nakikinig at umiinom though di ko mapigilan sarili ko mapatingin kay Karina dahil nasa harapan ko lang naman siya at mas lalong di ko maiiwasan makita ang paghaharutan nilang dalawa sa harap ko. Anyway, nasabi rin pala ni Jungwoo na nililigawan niya na si Karina kaya gusto niya ipaalam sa aming lahat. 

 

 

 

Need pa ba yon? 

 

 

 

Pa-good boy e di naman mukhang good boy. 

 

 

 

Hindi ko namalayan na naubos na namin yung isang bote kaya naman nag-order ulit si Hendery. Pinanindigan ko talaga yung walang chaser kasi parang juice na lang siya sa akin, wala na yung hagod sa sikmura kasi tingin ko mas masakit yung nakikita ko sa harap ko. 

 

 

 

Putangina talaga. 

 

 

 

Gusto ko nga si Karina. 

 

 

 

Hindi naman ako makakaramdam ng ganito kung hindi. 

 

 

 

"Bossing, ayos ka lang?" di ko namalayan nasa tabi ko na pala si Ryujin. "Kanina ka pa titig na titig kay Karina ah?" bulong niya sa akin, di ko rin napansin na wala pala si Karina dahil naiwan si Jungwoo at Hendery na nag-uusap. 

 

 

"Baliw, lasing ka ba?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"Uy di ah, napansin ko lang e." sinubuan ko siya ng chips para manahimik na siya pagkatapos ay sinalinan ko ulit yung baso ko ng alak di ko napansin na halos kalahati na pala yung cup ko. 

 

 

"Uy kalma lang di ka mauubusan, bossing!" tawang tawa naman si Yena nang makita niya yung cup ko. 

 

 

"Okay lan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd