Chapter XXIV

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi pa rin ako makapaniwala. 

 

 

 

We are finally here. 

 

 

 

Hindi mawala sa akin ang kaba, excitement, at saya ko habang nakaupo kami rito sa lobby. Hinihintay pa kasi namin yung kakausap sa amin about sa contract, hindi pa siya contract signing more like a meeting about their plans about us, how did they discover us basta mga ganong stuff according kay Karina. Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa mga kaibigan ko, nakakatawa nga kasi ang aga nila kaming sinundo sa bahay para dito mga hindi na nga ata sila natulog. 

 

 

"GUYS!" napatingin kami lahat kay Ryujin na kababalik lang mula sa restroom ng mapansin niyang pati ibang tao ay nakatingin sa kanya ay kaagad siyang nag-sorry at nag-peace sign pa.

 

 

"Ano ba yon? para kang nakapulot ng lotto ticket sa cr ah?" asar ni Yena sa kanya. 

 

 

"Hindi gagi!" bumalik na si Ryujin sa pwesto niya which is sa tabi ko. "Kasi nakasalubong ko si Pio kanina!" tinakpan ko ang bibig niya kasi ang lakas ng boses niya at baka nakaka-istorbo na siya sa mga tao. "asdjajksd-" tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at saka siya kumalma. 

 

 

"Sino ulit?" 

 

 

"Si Pio Dumayas kasi, hello Lola Amour? it's been raining in manilaaaa" napailing ako, naalala ko ilang araw naming jam ang raining in manila noon. 

 

 

"Uy gagi idol ko yun e!" ang ingay talaga nila, isa pa si Yujin e.

 

 

"Wait kasi guys ang malupit don, he recognized me sabi niya sa akin 'the link right? ano ngang name mo?" sinubukan niya pa gayahin ang tono ni Pio, palong palo talaga magkwento si Ryujin e kasi with feelings. "Edi siyempre nagpakilala ako, tapos he smiled then sabi niya napapanood niya raw mga videos natin, ang galing daw." I smiled, syempre nakaka-proud yon narerecognize rin kami ng ibang musician. 

 

 

 

"Miss Karina?" hindi naman kami si Karina pero napatingin kaming lahat sa lalaking tumawag sa kanya. "Pasok na po tayo sa conference room." pag-aaya niya sa aming lahat, tumingin sa akin si Karina at nginitian ko pakiramdam ko nawala yung kaba na nararamdaman ko. I let her walk first dahil siya ang manager namin. "Upo po muna kayo, papunta na po si Miss G." agad namin kaming umupo sa mga vacant chairs atsaka naghintay. 

 

 

"Grabe lamig dito ah, magkano kaya bill nila ng kuryente?" random na tanong ni Ryujin. 

 

 

"Tanong mo sa in-charge." sagot ni Hendery at ayan nag-asaran na naman sila.

 

 

"Okay ka lang?" nabigla naman ako ng bumulong sa akin si Karina kaya napatingin ako sa kanya, muntik ko pa siya mahalikan sa lapit ng mukha namin sa isa't isa, kahit siya nagulat e. 

 

 

"Yeah, kabado lang? na-eexcite?" 

 

 

"Calm down." bigla na lang niya ini-squeeze ang kamay ko. "Relax ka lang, Winter. You got this." there's really something about her smile and her presence na nakakapagpakalma sa akin.I'm so lucky na kasama ko siya ngayon. 

 

 

"Hi everyone!" sabay sabay kaming napatayo ng may babaeng pumasok, she must be the Miss G na tinutukoy nung lalaki kanina. "Hmm, nag-iiba yung vibes niyo whenever wala kayo sa stage, well except you." she pointed at me. "ang strong ng aura mo." she smiled widely. "by the way, I'm Miss G. just call me Miss G na lang din talaga since sanay ako na ganon, upo na kayo." ang light ng vibes niya, hindi nakakatakot. 

 

 

"Alright so thank you so much for being here guys, you have no idea how much I really want you to sign with us." umpisa niya, para namang kinikilig na ewan ang mga kaibigan ko. syempre ako, nonchalant lang wag pahalata dapat. "Karina thank you so much for reading my email, I was doubting mababasa mo kasi for sure ang dami niyong invitations and such but I'm really glad na you responded to me." hinawakan niya ang braso ni Karina. 

 

 

"Wala po yun, sobrang excited din po namin talaga na makarating dito." 

 

 

"I'm really happy guys, so by the way quick history lang on how I discovered you guys, sobrang mga talented talaga." tiningnan niya kami isa isa. "Una ko kayong napanood sa Kyusiklaban, I was impressed with your voice." itinuro niya ako, "yung stage presence niyong lahat, alam niyo ung tipo na hindi lang vocalist ang titingnan sa inyo? even you.." she pointed at Hendery. "..since drummer ka madalas sa likod ka nakapwesto but when I watched you guys, di ko alam kung kanino ako titingin. all of you have different aura and I love that about your group of course aside sa music niyo." 

 

 

Miss G. continued on praising us, wala na ata kaming ibang nasabi kung hindi thank you sa kanya. Kitang kita namin na may reason talaga bakit nandito kami ngayon, she saw our passion and talent and based mismo yon sa kanya. Kwinento niya pa nga sa amin na kada may gig daw kami, nanonood siya. Hindi lang sa 7Kingdoms yun ha? kaya sobrang masaya ang puso ko sa mga narinig ko. 

 

 

"By the way si Winter lang ba ang nagsusulat ng kanta sa inyo?" tanong niya sa amin. 

 

 

"For now, yes po. But lahat kami may contributions sa mga nirerelease namin like sa music arrangement and such." sagot ko naman. 

 

 

"Okay, I can see na marami pa kayong potential but I'll admit it, Winter. I really love all the songs that you wrote, amazing. I can see you guys na magiging succesful talaga in the future." 

 

 

 

Pinag-usapan din namin ang mga possible plans nila para sa amin, may mga big events sila na gusto nila kaming i-line up, hindi lang events ng Warner kung hindi pati na rin ang mga big music events sa bansa. They also said na namimili na lang ng date for our contract signing but we will have a photoshoot na raw for our profile and para din sa website ng warner once official na kaming artist nila.

 

 

 

 

Nag-uusap pa si Miss G at Karina kaya naman nauna na kami lumabas ng conference room, nandito kami ngayon sa isa pang room kasi may snacks sila for us. After 20 minutes siguro ay pumasok din si Karina sa loob, I told her to sit beside me since ikinuha ko na siya ng pagkain. 

 

 

"Anong sabi sayo?" agad na tanong ni Yujin.

 

 

"Nothing, more like second part ng praises sa inyo. Miss G really likes you guys so sure na sure na to." I opened the bottled water for her kasi kanina ko pa pansin na pagpasok niya pa lang e sinusubukan niya na itong buksan. "Thank you." I just smiled at her, ikwinento niya pa yung mga ibang pinag-usapan nila kaya lang pala kami pinalabas muna e baka raw kasi gutom na kami. 

 

 

"Magpakulay kaya akong buhok?" tanong ni Ryujin sa amin, nabanggit kasi ni Karina na one of these days na yung photoshoot so we can choose our style or whatsoever. "..or pagupit ako parang humahaba na buhok ko e." parang life and death situation ang pinagiisipan niya ah. 

 

 

"Pa-rainbow color ka bading!" asar ni Yena sa kanya. 

 

 

"Mauna ka tanga!" at nagaasaran na naman sila. 

 

 

"Ikaw? anong plan mo?" tanong ni Karina sa akin. 

 

 

"I don't know? dapat ba ko magpalit ng hairstyle or something? okay naman to ah." 

 

 

"Of course, you look good kahit magpakalbo ka pa ata pero I was thinking of something.." 

 

 

"Like?" 

 

 

"I'll tell you later." bigla na lang siya nag-wink sa akin. 

 

 

 

Ever since talaga ng araw na yon, simula ng mag-confess ulit ako sa kanya ganyan na siya. I mean, hindi ako nagrereklamo I really like it when she's being playful. She admitted na gusto niya rin ako pero hindi naman "kami" or should I say wala pa kami sa ganong level at hindi naman napag-usapan ulit. But we both know na gusto namin ang isa't isa and for now enough na yon sa akin. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Aware ang pinsan ko na si Giselle na nagpunta kami sa Warner ngayong araw kaya naman kahit wala pang contract signing e may pa-pre surprise na siya sa amin. Nagsara lang naman ng maaga ang shop niya para makapag-prepare sila ni Ningning ng Samgyup for us. It was supposedly Samgyup sa bahay but ang ending naging Samgyup sa Pastry Shop daw. We didn't expect to see Minju nga rin kasi nga nagpaka-busy siya for moving on purposes. 

 

 

"CONGRATS GUYSS!!" agad tumakbo si Minju papunta sa amin at niyakap kami, compared nung mga nakaraan mas ngumingiti na siya ngayon pero of course di pa rin natin masasabi na okay na talaga siya. 

 

 

"Hindi ka nagsabi na pupunta ka pala dito." para bang nagtatampo na sabi ni Yujin. 

 

 

"Nasaan ang surprise doon duh?" kinurot ni Minju ang pisngi niya bago maupo si Yujin. "Oh my God, I missed you Karina." niyakap niya ng napaka-oa si Karina akala mo ten years hindi nagkita e. "Namiss din kita, kumusta? catch up tayo, tagal kitang di nakausap e." si Karina naman ay parang batang nagsu-sulk sa gilid, cute. 

 

 

"Sure labas tayo minsan!" pag-aya ni Minju. 

 

 

"Eh ako?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"Wag ka na sus." pinitik ko ang noo niya dahil lagi niya ko pinagtitripan. 

 

 

"Grabe nanakit!" 

 

 

"OA ka ang hina nga non." tinigilan na namin ang asaran namin dahil kanina pa nag-aaya si Ningning na kumain dahil pinaghandaan niya raw ang samgyup na to kaya hindi siya naglunch kanina. 

 

 

 

Habang kumakain kami ay ikwinento lang namin ulit—well more on kwinento lang ulit ni Karina lahat ng ganap kanina sa Warner. Hanggang sa nagtatanungan na sila kung ano raw magandang style sa kanila since magkakaroon nga kami ng photoshoot. Hindi ko nga mapigilan matawa kasi dino-dogshow ni Ningning si Ryujin at Yena, kay Hendery lang ata siya may matinong na-suggest e. Hindi talaga ako yung tipong madaldal pagdating sa mga ganito kaya mas nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila habang nagluluto, pansin ko nga ako lang nagluluto kahit dalawa naman yung grill kaya pala ang bilis maubos di pa ko nakakain e magluluto na naman ulit. 

 

 

"Ako na muna dyan, kumain ka." pagpepresenta ni Karina, di pa ako nakakasagot e kinuha niya na yung tong na hawak ko. 

 

 

 

"Ako na baka masunog mo pa." sinamaan niya naman ako ng tingin. "subuan mo na lang ako." suggest ko sa kanya. Nakita ko naman siya na nag-aassemble ng lettuce wrap para sa akin. "Oh saksak mo sa baga mo." irita niyang isinubo sa akin yung lettuce wrap na ginawa niya, natawa naman ako kasi ang cute niya mainis e. 

 

 

 

"Wow subuan." Giselle choked on her food dahil sa sinabi ni Ningning dahil nakita niya pala kami. "Huy ito tubig! di ka pwede madedz!" natawa naman kasi dahil super OA talaga ni Ningning. I wonder paano natatagalan ni Giselle yan pero sabagay ang tagal nilang bestfriends so sanay na sanay na siguro talaga yan siya. "Mag-syota na ba kayong dalawa?" direct to the point na tanong ni Ningning sa amin. 

 

 

 

"Hindi ko gagawing syota yan no." sagot ko kaagad. 

 

 

 

"Ay akala ko nahuli kayo nagkikiss ng mga to nung nakaraan? fake news ba yon?" tanong ni Ningning. 

 

 

 

"ANONG KISS?!" sabay naming sabi ni Karina, napatingin ako sa kanya inirapan niya lang ako. 

 

 

 

"Lagot, di pala gagawing syota ah." asar ni Minju sa amin. 

 

 

 

"Hindi talaga." 

 

 

 

"Kapal ng mukha mo, ako na to duh." cute, inis na siya. 

 

 

 

"Hindi ka naman kasi pang short time." I looked at her, hindi ko ugali humarot sa harap ng ibang tao pero iba pag si Karina. 

 

 

 

"Pinagsasabi mo?" 

 

 

 

"Sabi nila ibig sabihin daw ng syota ay short time, so hindi ka pang syota." paliwanag ko. 

 

 

 

"Pang-ano siya? Lota? Long time?" binato ko ng lettuce si Yena dahil sa katarantaduhan niya. 

 

 

 

"Lota amputa para kang gago!" tawang tawa naman sila, sarap pasakan ng meat mga bunganga e ang lalakas ng tama, partida hindi kami umiinom niyan ha. 

 

 

 

"Eh so ano nga pang-ano si Karina? gagi ayusin mo sagot may hawak pa namang gunting si Karina." asar ni Hendery. 

 

 

 

I looked at her pero hindi na siya nakatingin sa akin, busy siya sa pag gupit nung mga meat na niluluto ko. 

 

 

 

"Pang-habang buhay, or kahit hanggang sa susunod na life time." sagot ko, napansin ko naman na napangiti siya pero hindi niya pinapahalata. 

 

 

 

"ATE KO ECHOS MO! NAMUMULA TENGA MO KARINA YU!" pang-aasar naman ni Minju. 

 

 

 

"Kabilis tumiklop naman Karina!" dagdag pa ni Ningning. 

 

 

 

"Daming sinasabi di na lang kumain." nabigla ako ng subuan niya ulit ako ng lettuce wrap—ayaw lang aminin na kinilig e. 

 

 

 

 

Habang kumakain pa sila sa loob ay lumabas si Minju kaya naman nag-decide ako na sundan siya kasi I want to ask her personally kung kumusta na siya, I was worried about her though always naman ako nagmemessage at nagtatanong kung kumusta siya sobrang rare nga lang ng reply. 

 

 

"Sino kausap mo?" tanong ko, sakto kasi kabababa niya lang ng phone. 

 

 

"Secret no clue." napailing lang ako napaka talaga kahit kailan e. 

 

 

"Kumusta? yung totoo." naglakad si Minju kaya naman sinundan ko siya at naglakad ako sa tabi niya. 

 

 

"Yung totoo? hindi okay." I knew it, kita naman e. Alam ko rin na talagang pinilit niya lang magpunta ngayon kasi nga masaya siya para sa amin and isang achievement to for us. "I did a lot just to move on, Winter but the more na pinipilit ko m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd