Chapter XVIII

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

Napayakap ako sa sarili ko habang nakaupo sa isang swing. Winter told me to stay here pagkatapos kong i-share ang location ko sa kanya, I don't know exactly where am I but alam kong this is a subdivision somewhere in Pasig. Hindi man lang ako nakapagbihis ng maayos sa sobrang galit ko sa nakita ko kanina kaya naka-shirt at shorts lang ako, hindi ko magawang i-confront si Jungwoo hindi ko alam pero para akong naubusan ng lakas. I stayed with him last night kasi he invited me over para mag-movie marathon but turns out nag-ready siya ng surprise dinner date for me—siya pa raw mismo nagluto, he tried kahit di siya ganon kagaling kaya na-appreciate ko talaga siya ng sobra. 

 

 

Hindi ko lang inakala na sa likod nung mga ganong acts niya sa akin—may kagaguhan pala siyang tinatago. He just didn't cheat on me meron pa siyang ibang intention sa akin kaya nag-invest siya ng oras para makuha ako at ang tanga tanga ko dahil hinayaan ko siyang paikutin ako. I saw a bunch of files sa office niya sa bahay, I got curious kanina so I went inside his office even though he specifically told me na wag papasok doon kasi ayaw niyang may ibang pumapasok sa office niya. Pagpasok ko ay may mga nakita akong file sa table niya hindi ko rin alam anong pumasok sa isip ko pero tiningnan ko ito. 

 

 

I saw a lot of paper and articles with my dad's name. I even saw a folder containing every information about me and my family. Hindi ko naiintindihan bakit kailangan niya ng information about me kung pwede niya naman ako tanungin na lang but it all made sense when I saw a phone on his table's drawer. I saw a bunch of text messages from him and this guy named Charles. 

 

 

 

Jungwoo wanted me because of my father's power. 

 

 

 

He just wanted to be part of my family's business. 

 

 

 

And, Winter was right. May ibang girlfriend si Jungwoo. 

 

 

 

I'm so ing mad at him, gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin ng paulit ulit. Hindi niya lang ako sinaktan pero sinubukan niya rin sirain si Winter sa akin—I can't believe him, putangina talaga ng mga lalaki ngayon. I thought he was so genuine about his feelings turns out sadyang magaling lang siya makipaglaro. I swear to God, he will never get what he wants.

 

 

 

"Karina! babe!" pinunasan ko ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Jungwoo—I saw him running towards me, he was just wearing his pants and sando. "Babe..let me explain---" sinampal ko siya kaagad paglapit niya sa akin. 

 

 

"You're an ." 

 

 

"It's not what you think okay? Let's go back there and mag-usap tayo ng maayos please." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero umatras ako. 

 

 

"It's not what I think? tangina ka rin pala talaga no?" saan siya nakakuha ng lakas ng loob para habulin pa ako ngayon? ang kapal kapal ng mukha. 

 

 

"Karina just come with me and I'll explain." bigla niya na lang akong hinawakan sa braso atsaka niya ako hinila. 

 

 

"Bitawan mo ko Jungwoo!" pagpupumiglas ko, hinampas hampas ko siya pero he's too strong for me at nasasaktan na rin ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya. "Bitawan mo ko or else sisigaw ako rito!" banta ko sa kanya pero para bang di niya ako naririnig at tuloy lang siya sa paghila sa akin. 

 

 

Napatigil lang si Jungwoo sa paghila sa akin ng may marinig kaming busina—paglingon ko ay nakita ko si Winter habang tinatanggal ang suot niyang helmet. "What the hell is that doing here.." rinig kong bulong ni Jungwoo. 

 

 

"Let her go." utos ni Winter sa kanya nang makalapit siya sa aming dalawa. 

 

 

"Get the hell out of here." itinulak niya si Winter papalayo sa amin. "At wag kang makialam." dagdag pa ni Jungwoo, pinipilit ko pa rin na makaalis sa pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo niya lang itong hinigpitan. 

 

 

"You're hurting her!" sigaw ni Winter kaya yung mga tao sa daan ay napatingin sa amin. 

 

 

"Shut the up, Winter." 

 

 

"Ah gusto mo ikaw mag shut the up?" nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang hampasin ni Winter ng helmet sa mukha si Jungwoo, agad akong tumakbo sa likod ni Winter ng mabitawan niya ako. 

 

 

"Pakialamera ka talaga." gaganti sana siya pero naunahan siya ni Winter at hinampas ulit siya ng helmet, kaya naman pumutok ang labi niya. 

 

 

"Let's go, Karina." pinauna ako maglakad ni Winter papunta sa motor niya—I'm just so glad she's here..walang ibang pumasok sa isip ko kanina kung hindi siya lang kaya siya ang tinawagan ko, I didn't ask her to come here kasi that will be too much na but she still insisted and sobrang thankful talaga ako or else baka kasama ko pa rin yung gagong yon. 

 

 

"HINDI PA AKO TAPOS SA'YO!" sabay kaming napalingon ni Winter—everything happened too fast and the next thing I knew nasapak ni Jungwoo si Winter sa mukha. 

 

 

"Pucha." I got so worried about Winter when she spat some blood. "You think aatrasan kita huh?" hindi ko na hinayaan makalapit pa ulit si Jungwoo kay Winter kaya humarang ako bago pa siya makasuntok ulit. 

 

 

"I'll call the police kapag hindi ka pa umalis." banta ko sa kanya, napatingin naman siya sa mga tao na nakatingin na rin sa amin. He should be embarassed, nanuntok lang naman siya ng babae sa harap ng mga taong to. 

 

 

"We need to talk." 

 

 

"Wala na tayong pag-uusapan, you're a ing cheater. We're done." lumapit ako sa kanya. "Also.." sinampal ko pa siya ulit. "That's for hurting Winter." kita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. "And this?" napahawak si Jungwoo sa itlog niya ng sipain ko ito. "Para sa lahat ng kasinungalingan mo." 

 

 

 

Hindi na nagsalita ulit si Jungwoo instead ay i-ika ika siyang pumasok sa sasakyan niya. After he left, nag-sink in na sa akin lahat ng nangyayari. I felt like hindi enough yung sampal at sipa ko sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa akin. 

 

 

 

"Karina." hindi ko alam na umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko ang luha ko bago humarap kay Winter ng tawagin niya ako. 

 

 

 

"Hm?" I don't know what to tell her in fact nahihiya ako humarap sa kanya—kung naniwala ako sa kanya hindi na sana ako aabot pa sa ganito. 

 

 

 

"It's cold and ang nipis ng t-shirt mo." isinuot sa akin ni Winter yung denim jacket niya.

 

 

 

"Iuuwi na kita." isinuot niya rin sa akin yung helmet na dala niya, pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa motor niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si Giselle na busy sa pagco-compute sa may living area. She was so confused ng makita niyang sabay kaming pumasok ni Winter sa bahay. "Magkasama kayo? saan kayo galing?" curious na tanong niya bago ibaba ang laptop niya sa table. 

 

 

"Ask her." napatingin si Winter sa wall clock. "I need to go na, Giselle ikaw na muna bahala kay Karina." pagkasabi niya non ay lumabas kaagad siya. Hindi man lang ako nakapag-thank you sa pagsundo niya sa akin pero siguro mamaya na lang pag-uwi niya dahil mukhang nagmamadali siya. 

 

 

"I thought sa bahay ka ni Jungwoo nag-stay?" umupo ako sa tabi ni Giselle bago ko siya yakapin. "Huy..ayos ka lang ba?" tinapik tapik niya naman ang likod ko—at ito na naman ang iyak ko di ko na naman mapigilan. Hindi ko alam pero mas naiiyak ako sa fact na mas pinili ko maniwala kay Jungwoo kaysa kay Winter. I feel so stupid nakakaputangina. 

 

 

"Karina, anong nangyari?" 

 

 

"I ended things with Jungwoo." binitawan na rin ni Giselle ang hawak niyang notebook at humarap ng maayos sa akin. 

 

 

"So..Winter was right?"  

 

 

 

 

Ikwinento ko kay Giselle lahat ng nangyari—kaya pala gustong gusto niya rin ako mag-move kasama siya para mas mapadali lahat ng plano niya tapos anong next non? tingin niya ba ipapakilala ko na siya sa mga magulang ko? he didn't even ask about my family, I mean he didn't ask anything to at least know me. Pero sabagay bakit siya magtatanong about sa family background ko e alam niya na lahat—kapal ng mukha. 

 

 

 

"Oh my God, what an ." 

 

"I know. I hate him so much." 

 

"Wait, so paano napunta si Winter doon?" 

 

"I called her, I just said she was right about him then she insisted na sunduin ako." 

 

"Wow, down bad." 

 

"Ha?" 

 

"Wala, ang sabi ko I'm glad nakita ka niya."

 

"Yeah, I'm really thankful." 

 

"You'll get over him din wag kang mag-alala." 

 

"I'll get over him talaga hindi niya deserve iyakan."

 

 

 

Wala na ata akong ibang maramdaman sa kanya ngayon kung hindi galit, inis at pagsisisi. Gusto ko batuhin yung bahay niya at basagin ang kotse niya, sobrang nabibwisit ako sa kanya. I don't even know kung aware ba yung isa niya pang girlfriend na ginagago siya ng boyfriend niya e. 

 

 

 

 

 

✦✦✦

 

 

 

Inihinto ko muna ang motor ko sa gilid ng kalsada may nakita kasi ako nagtitinda ng dostres, hindi ko alam kung dostres ba talaga tawag dito or dahil yun ang presyo niya dati, yes dati kasi 5 pesos isa na to ngayon. Anyway, isa kasi to sa mga favorite ko bopis baga tapos litid tapos isasawsaw sa maanghang sa sawsawan ay siya naman talaga alak na lang kulang. 

 

 

Kanina pa dapat ako nakauwi kaso tumambay muna ako sa tambayan saglit—ang aga ko kasi nagising kanina kaya umidlip muna ako. Naabutan ko pa naman sa cornerstone yung nag-contact sa akin, nag-apologize ako about being late and I told them nagka-emergency kasi buti na nga lang kinausap pa rin nila ako pero umpisa pa lang ng pag-uusap namin tumanggi na kaagad ako. 

 

 

 

Pinapunta ako ng isang staff sa loob ng isang conference room ang sabi niya doon daw ako imi-meet nung kakausap sa akin na hindi ko alam e ano ang role sa cornerstone entetainment. Paikot-ikot sa swivel chair habang naghihintay kasi nae-excite ako na medyo kinakabahan. After few minutes may lalaking pumasok sa loob ng conference room, agad akong tumayo para batiin siya. 

 

 

"Good morning po, sorry po na-late ako." paghingi ko ng pasensya sa kanya. 

 

 

"It's fine, late rin ako. Traffic sa Pilipinas." he chuckled—I think may ibang lahi siya based sa itsura niya pero grabe yung Filipino accent niya ang galing lang. "By the way I'm Timothy Yang." pakilala niya sa akin, inabot ko naman ang kamay niya para makipag-shake hands. "Winter Kim po." pakilala ko sa sarili ko. 

 

 

"Have a seat, Winter." agad ko naman sinunod ang sinabi niya. "Alright, so wow I saw your performance." napasandal siya sa may swivel chair kung saan siya nakaupo habang nakatingin sa akin. "And I also heard na you wrote those song?" I nodded. "What a great talent, I mean..it's rare to find someone who's really passionate about what they are doing." 

 

 

Too much compliments po—hindi pa naman ako marunong maghandle ng compliments. 

 

 

"Thank you po." ayun na lang ang nasabi ko sa kanya. 

 

 

"Anyway, I'll get straight to the point. I want you here in my company." 

 

 

"Seryoso po? matutuwa po ng sobra ang mga bandmates ko nito!" hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko, akala ko kasi wala na kasi nga na-late ako pero they still want us—I'm so grateful. 

 

 

"Oh wait—actually.." napabuntong hininga si Mr.Yang. "We won't be needing another band, Winter. I just want you alone to sign with us." yung excitement na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang nawala, hindi naman pwede yung gusto niyang mangyari. 

 

 

"Don't worry you can think about it, I'll wait for you answer." 

 

 

"I don't think I can accept that." agad kong sagot sa kanya. 

 

 

"Come on, you don't have to answer right now.  Think about it, Winter. I can help you make a name in music industry." pangungumbinsi niya sa akin. 

 

 

"Believe it or not pangarap ko po talaga yan but..eversince I met them, my friends, my bandmates they became part of that dream kaya po hindi ako papayag sa gusto niyo, pasensya na po kayo." tumayo na ako kasi I don't think may patutunguhan pa yung pag-uusap namin ngayon. 

 

 

"Are you really sure about that? I mean..this is a once in a lifetime opportunity, Winter."

 

 

"Kahit ilang opportunity pa po ang dumating kasi kung hindi ko sila kasama, wag na lang po." I smiled at him. "Thank you, Mr.Yang." 

 

 

 

 

 

Di ko rin na-gets e, ang gagaling ng mga kaibigan ko tapos ako lang kukunin nila? Medyo nakakahinayang i-turn down si Mr.Yang but mas nagma-matter ang mga kaibigan ko sa akin. I won't do the same thing na ginawa sa kanila ng dati nilang vocalist, I promised them na we will be together no matter what kaya I am keeping that promise and isa pa, marami pang iba dyan na makaka-appreciate sa amin or we can just work on our own kasi kinakaya naman namin sadyang iba lang pag may ibang nagha-handle kasi they can really show you off sa public. 

 

 

"Kuya, ito po bayad ko." inabot ko yung 50 pesos kay kuya, grabe naka sampung stick ako gutom na gutom lang? pagkatapos ko kumain ay nagmaneho na ulit ako pabalik sa bahay baka ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd