Chapter XXIII

If We Never Met
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi ka ba magbe-breakfast?" tanong ko kay Winter pagkatapos kong ayusin sa table yung mga binili namin sa nadaanan namin na tapsi house. Hindi ko kasi alam at bakit nagka-crave sa bangusilog si Ningning, hindi niya talaga kami tinigilan kagabi kaka-remind dahil baka raw makalimutan namin. Ginawa niya pa ngang "ANG BANGSI WAG KALIMUTAN MAMAYA" ang nickname ni Winter sa messenger. 

 

 

"Mamaya na ako, mauna na kayo. Linisin ko lang yung motor." pagkasabi non ni Winter ay inihanda niya na ang mga panlinis niya ng motor atsaka lumabas, kauuwi lang din kasi namin dahil sa tambayan na kami nakatulog after ng gig nila last night. 

 

 

"Good morning!" sumilip ako mula sa kusina nang marinig ko ang boses ni Ningning—napangiti ako dahil mukhang maganda ang gising niya. 

 

 

"Good mood ah." pumasok ulit sa bahay si Winter kaya naabutan niya pa si Ningning sa labas ng kwarto ni Giselle. Dumiretso si Winter sa kusina para magtimpla lang ng kape niya saglit. 

 

 

"Good talaga ang morning kung girlfriend mo ang una mong makikita pag gising." pagyayabang niya. 

 

 

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na finally tapos na sila sa taguan feelings phase nila. Sa totoo niyan kailan lang nila sinabi sa amin ang status nilang dalawa, hindi rin naman namin napansin ang pagbabago sa kanilang dalawa dahil masyado kaming na-busy sa theLink kaya yun inamin nila sa amin yung status nila two weeks after nila magka-aminan. Ang funny nga kasi ang unang reaction ni Winter ay "kaya pala umalis ng bansa si Natty, binasted mo." totoo naman na umalis ng PH si Natty pero not because of Ningning or maybe part lang pero ang reason talaga ay pinapauwi si Julie ng parents niya syempre kung saan ang bff niya doon din siya but she promised na babalik siya so ayon we'll wait for her since naging kaibigan na rin naman namin siya. 

 

 

"Grabe na talaga mga may jowa ngayon." asar ko naman sa kanya. "Si Giselle tulog pa ba? bakit hindi pa sabay sabay mag-breakfast?" tanong ko kay Ningning na busy sa pag-amoy sa sinangag ng bangsilog niya. 

 

 

"Five minutes daw e." 

 

 

"Sa labas na muna ako." paalam ni Winter sa amin pagkatapos niya magtimpla ng kape. 

 

 

"Good morning." lumabas na rin si Giselle sa kwarto, binati niya siguro si Winter. 

 

 

"Oh? laki ng kagat ng lamok sa leeg mo ah?" narinig kong tumawa si Winter kaya naman na-curious ako kung anong meron. 

 

 

"Good morning, Giselle." I saw Giselle hiding something sa leeg niya dahil nakatakip ang kamay niya rito. "Anong meron?" confused kong tanong, Winter looked at me. "May kumagat na lamok kay Giselle." she smirked. 

 

 

"Wala naman lamok dito sa bahay?" 

 

 

"Ngayon meron na, nasa kusina." it took me few minutes bago mag-sink in sa akin ang sinasabi ni Winter—I laughed, bwisit akala ko kung anong lamok na. 

 

 

"Ah. Wag mo ng takpan, malalaki na tayo dito." hinila ko na si Giselle papunta sa kitchen para makakain na rin siya, si Ningning naman ay nauna na at busy sa pagkain ng bangus niya. "Good morning mhie." napailing na lang si Giselle sa bati ng girlfriend niya sa kanya. "Ayan tinanggal ko na yung toasted bawang sa sinangag mo since you don't eat that naman." nakatingin lang ako sa kanilang dalawa kasi ang cute nilang tingnan. 

 

 

"Thanks, love." ani ni Giselle, para akong kasali sa relasyon nila kasi nakakakilig silang dalawa. I really hope sila hanggang dulo—sobrang bagay though I really think magwo-work silang dalawa dahil kabisado na nila ang isa't isa. I don't think they will hurt each other intentionally. 

 

 

"Huy Karina ayos ka lang ba? makatitig ka sa amin parang kinakasal mo na kami sa isip mo." binato ko ng tissue si Ningning, napaka talaga.

 

 

"Iniisip ko lang paano ka matatagalan ni Giselle." I fought back. 

 

 

"Asus isa pang inggit e balita ko number 1 shipper ka namin."

 

 

"O ano naman? pero seryoso kasi sobrang happy ko lang para sa inyong dalawa." I genuinely smiled at them—gusto ko sila i-hug kaso parang ang oa na char. 

 

 

"Ako rin sobrang saya." napatingin si Giselle kay Ningning. 

 

 

"Aba dapat lang ako na kaya to." napailing na lang ako—mukhang maiinggit lang ako all throughout my breakfast ah. 

 

 

"Kumusta pala gig ng theLink last night? and hindi ba magbebreakfast si Winter?" worried na tanong ni Giselle. 

 

 

"Mamaya na raw siya, nililinis niya motor niya e." 

 

 

"Bakit di niya na lang ipalinis?" 

 

 

"Ayaw niya ipahawak sa iba e, kaya yan siya naglilinis." 

 

 

"Mahal na mahal yung motor talaga amp." well, gets ko naman si Winter unang bagay ata yan na nabili niya with her own money e, well i'm not really sure pero basta gets ko naman bakit ganyan kaimportante motor niya. 

 

 

"Anyway about the gig last night, it was fun—late na kami nakauwi kaya sa tambayan na kami natulog." 

 

 

"Kayo lang?" may iba sa tono ng tanong ni Ningning kaya tumingin ako sa kanya bago sumagot. 

 

 

"Yeah, bakit?" 

 

 

"Uy baka naman may di ka sinasabi sa amin ha.." lumipat ng pwesto si Ningning at umupo siya sa tabi ko. ".. about sa inyo ni Winter." malisyosa niyang sabi. Ano bang sinasabi niya? magkaibigan lang naman kami nung tao. 

 

 

"Anong di ko sasabihin? magkaibigan lang kami ni Winter." paglilinaw ko sa kanilang dalawa. 

 

 

"Madalas kayong lumalabas at magkasama e." I turned to look at Giselle, even her talaga makiki-join din sa issue? "What? I'm just saying ano na-oobserve namin." Giselle chuckled. "Diba? like last time lumabas kayong dalawa ng dis-oras ng gabi, nung nakaraan after ng gig may iba pa kayong pinuntahan." dagdag niya pa. 

 

 

"We just went out para magpahangin, naiinis kasi ako kay Daddy." totoo naman yon—nakakalma din kasi magpahangin lalo kapag kinukulit ako ng tatay ko, he even went here nung nakaraan lang just to talk to me. I know he's desperate na talaga kasi busy yon na tao tapos maglalaan ng oras para lang puntahan ako? 

 

 

"Weh? sure ba? bagay naman kayo e." tirada ni Ningning—hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. "Hala si ate kinilig!" pinaupo ko si Ningning kasi ang OA may pa tayo at palakpak pa siya. Baka marinig pa siya sa lakas ng boses niya. 

 

 

"We're friends okay? wag ka ngang issue." paglilinaw ko ulit. 

 

 

"La. Ano taguan phase din? walang magri-risk? walang aamin ha?" 

 

 

 

Thinking about it pa lang ang bilis na ng tibok ng puso ko. 

 

 

 

Winter and I? 

 

 

 

"Karina para kang tanga. Anong nginingiti ngiti mo dyan?" bumalik lang ako sa realidad ng hampasin ni Ningning ang braso ko—jusko kamay na bakal ata kamay nito talaga ang bigat. 

 

 

 

"Hindi ako nakangiti." 

 

 

 

"Neknek mo huli na ide-deny pa. Alam mo umamin ka na, hindi ka naman namin ija-judge." pangungulit ni Ningning sa akin. 

 

 

 

Ano bang aaminin ko? 

 

 

 

Hindi ko rin alam but all I know is I'm happy whenever I'm with her. Alam niyo yon? Winter can make me happy with her subtle ways. Napapansin ko naman yung mga bagay na ginagawa niya for me and hindi lang naman sila Ningning ang nakapansin non even sila Ryujin nagtatanong anong meron na sa amin ni Winter. I'm just so glad na naiintindihan niya ako. 

 

 

 

Well, maybe.. 

 

 

 

I'm crushing a little bit. 

 

 

 

Hindi naman mahirap—Winter is a genuine person. She is the type of person na talagang aalalahanin kahit kaliit liitang detalye about sa'yo and ayon ang ginagawa niya. Pakiramdam ko mas lalo ko pa siyang nakikilala at ganon din siya sa akin, masaya ako sa tinutungo naming dalawa. Ayokong mag-assume, I hurted Winter once I don't think she still likes me the same way before nung umamin siya sa akin. Sa totoo niyan, masaya naman ako sa friendship namin but alam ko deep inside may iba pa akong gusto. 

 

 

 

Ewan ko na ba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naloka ako sa dami ng securities sa bahay nila Chaewon—akala mo politiko nakatira dito e. I came here sa bahay nila dahil Chaewon begged na magpakita sa parents niya kahit isang beses lang, napapagod na rin siya sa pangungulit ng parents niya at mukhang desperada na siya kaya pumayag ako dahil mamaya pa naman ang gig nila Winter. 

 

 

"Mom please, let us talk pwede po ba?" pakiusap ni Chaewon dahil hanggang sa taas ay nakasunod ang mommy niya sa amin. 

 

 

"Fine, sige na." her mom smiled at me widely bago kami pumasok sa kwarto ni Chaewon. 

 

 

 

Infairness ang linis at ayos niya sa mga gamit niya. 

 

 

"I'm so sorry about that, Karina." Chaewon looked around her room. "Uhm sit wherever you like I guess?" nakita ko yung malaking bean bag chair niya kaya doon ako pumwesto. "Yeah, that's my favorite spot pag nagbabasa ako ng libro." hinila ni Chaewon yung gaming chair niya at doon siya naupo. 

 

 

"What's your plan ba?" humarap naman siya sa akin. "I mean..you should do something as well. May point naman din si Minju e." hindi sa pagiging chismosa pero di naman namin alam ni Winter na maririnig namin silang nag-uusap non. "You should fight for her, alam ko kasi ako wala talagang magagawa si daddy sa akin—hindi niya ko pwede pakialaman sa mga desisyon ko sa buhay. Tingin ko if you really want her back, patunayan mo sa kanya." dagdag ko pa. 

 

 

"Only if that's easy. I swear to God, I'll do anything for Minju." 

 

 

"Except? mag go againsts your parents?" I shook my head, mahirap yan. 

 

 

"It's hard, Karina." napabuntong hininga siya. 

 

 

"You have to do something, Chaewon." lakas pala maka you're losing me by taylor swift ng lovestory nila. "I know hindi madali pero this is your life, hindi mo pwedeng hayaan na kontrolin nila lahat ng desisyon mo sa buhay lalo na sa ganitong matter." 

 

 

"Did you know your dad went here yesterday?" napatingin ako sa kanya. "Kaya excited yan si Mommy, your dad said na tuloy ang kasal na wala daw dapat ika-worry ang parents ko about you." Chaewon scoffed. "Your dad sounded so confident kaya gusto rin kita makausap kasi I thought nagbago na isip mo."  

 

 

"No way, dyan lang yan magaling si daddy pero trust me. This wedding will never happen." I saw Chaewon smiling. "What? hoy tumigil ka nga baka mamaya nagugustuhan mo na ako ha." I rolled my eyes na mas kinatawa niya lang. 

 

 

"Of course not, I just love how sure you are. Like alam mo talaga na paninindigan mo yung desisyon mo or maybe because.." unti unting nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "..there's someone." Chaewon continued. 

 

 

 

Hindi ako sumagot. 

 

 

 

Bahala ka ma-curious chos. 

 

 

 

"Let me guess. Winter right?" ewan ko ba marinig ko lang pangalan ni Winter para na akong ewan. "I knew it, you're blushing." asar pa niya.  

 

 

 

"Ikaw pinag-uusapan dito diba?" binato ko siya ng throw pillow na nasalo niya naman. 

 

 

 

"Swerte ni Winter." niyakap niya yung throw pillow na binato ko sa kanya. "You're willing to fight for her e. Alam mo ba nung pinakilala sa akin ni Minju yon na girlfriend niya, nabigla din ako. I mean..I never expected Minju to be in a relationship after us. Ang kapal ng mukha ko no? tsaka kilala ko si Minju, super mapili niyan sa magugustuhan so naisip ko agad na there's something about Winter." 

 

 

"Magkaibigan lang kami ni Winter." kasi yun naman talaga yung totoo. 

 

 

"For now." di talaga siya yan titigil ng asar oh. 

 

 

"Focus sa goal hoy. Kakausapin ko ulit si daddy so once official na cancelled na tong wedding na to, do your thing na. Alam mo mahal na mahal ka pa non ni Minju pero tama naman e bakit siya magse-settle sa taong hindi siya kayang ilaban?" 

 

 

 

 

 

Nag-usap pa kami saglit ni Chaewon bago ako nag-decide na umalis na sa kanila dahil pupunta ako sa bahay kung saan nag-sstay sila daddy bago ako dumiretso sa gig nila Winter—she volunteered pa nga na sunduin ako pero sabi ko wag na para makapagpahinga pa siya. Si Chaewon naman pinilit na ihatid pa ako kasi magagalit din mommy niya pag hindi niya ako hinatid since wala naman akong kotse. 

 

 

Sinalubong ako ng mga maids pagpasok ko sa loob and sakto naman na pababa si Daddy sa hagdan. He looked at me habang nag-aayos ng sleeves ng polo niya. "Oh, I'm glad you're here. I heard magkasama kayo ni Chaewon kanina?" mukhang good mood ah, sirain ko nga. 

 

 

"Yeah, hinatid niya ako rito. Dad, can we talk?" 

 

 

"Sure, but mag-usap tayo sa kotse." 

 

 

"Saan tayo pupunta?" 

 

 

"Your wedding plans? Your mom didn't tell you?" I sighed—di ko alam kung di ba talaga marunong umintindi tong tatay ko or what e. 

 

 

"About that, dad." he looked at me. "I've already told you this but sige sasabihin ko ulit, hindi ako magpapakasal kay Chaewon." and boom, bagsak ang mood niya dahil nag-iba ang expression ng mukha niya. 

 

 

"We already talked about this, Karina." 

 

 

"We already talked about this, Dad." I said firmly, hindi niya ako matatakot. "You can't decide kung anong dapat kong gawin sa buhay ko, I'm a grown woman and I can decide on my own already." sinusubukan ko siyang kausapin ng may respeto pa rin dahil tatay ko pa rin naman siya. "Dad, even si Chaewon ayaw niyang gawin to. Wala lang siyang choice, wag niyo naman gawin sa amin to." 

 

 

"You're wrong. Marunong lang talaga siya sumunod sa mga magulang niya." 

 

 

"Ano bang alam niyo?" medyo nag-iba ang tono ng pananalita ko—nainis ako kasi parang alam niya yung totoo. 

 

 

"Wala kang say dito, Karina. This wedding will happen whether you like it or not." 

 

 

"Dad can you st

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
false alarm guys hindi ko napindot yung draft sorryy! but i'm working sa update ^^

Comments

You must be logged in to comment
natcheeey 0 points #1
skeri
winrinasaurus
#2
Chapter 30: omg nakakatakot naman parang the calm before the storm 'to kaksgshs
f8nt_echo
#3
Chapter 30: I binged read this in one night. Ang ganda 🥹. They've come so far, from clearing misunderstandings, to being vocal about their feelings. Pero yung tatay talaga ni Karina, sobrang epal. Kung may gawin man yun, sana ma mitigate ng mama ni Karina. Walang kakampi si Karina sa pamilya niya, sana naman ipaglaban din siya ng mama niya sa daddy niya.
karinasaurus11
52 streak #4
Chapter 30: Oh bitin yung dulo 🫣 pero nakakakaba kasi sabi ni Winter sa umpisa di siya pinapansin ni Karina then bigla silang nag-aminan ng feelings. Hmmm.
winter1205
#5
oh no..pareho kayong may di sinasabi. 😕
angsaya nila sa chapter nato ,parang war na next😬
Kelllorente
#6
Chapter 30: hay naku😞 masaya na lang sana sila palagi.
congrats na lang sa inyo.
zxyhruu #7
Chapter 30: kapag talaga ’to angst sinasabi ko na sayo
ryujinie__
693 streak #8
Congrats <3
oofiee 1045 streak #9
Chapter 30: masyado mapride ung tatay 💀
iamriou_
1160 streak #10
Chapter 30: angst era is coming sdfdjkdlfjsadljfd