xii The Day You Left

Sa Bulong At Mga Alaala

12 years ago

 

 

 

It's the weekend already, kanina pa ako nakaupo rito sa sofa sa sala nila Seulgi at pinagmamasdan ang bawat galaw ng kamay ng kanilang orasan. Bakit napakabagal ng takbo ng oras ngayon kung kailan nasa alanganing sitwasyon ka? 

 

 

I was invited over dinner by Seulgi’s family kasi raw lagi nga raw akong nasa bahay nila almost everyday after school. Kaya um-oo na lang ako and when I went there, doon ko lang nalaman na hindi pala kasama doon si Seulgi.

 

 

It's just that, I didn’t expect na mako-corner ako ng parents niya kasi wala naman kaming ginagawa ni Seulgi na magpapahalata na may something sa amin but surprise, mukhang may mga nakapag sumbong na sa parents niya na parang iba na raw ang closeness namin ni Seulgi and hindi na ito mukhang pang bestfriends lang.

 

 

 

I am at the dinner table, silently eating with Seulgi’s parents not knowing kung ano bang meron bakit nandito ako. They told me na pauwi pa lang daw si Seulgi and may inutos lang daw bigla na bilhing dessert for us kaya mahuhuli siya dumating.

 

 

 

Natapos nang kumain ang dad ni Seulgi and marahan nitong nilapag ang hawak niyang spoon and fork, indication na tapos na itong kumain. Nagpunas muna ito ng napkin sa bibig bago nagsalita.

 

 

“Joohyun, hija. Do you have a boyfriend na ba?” Tanong ng kanyang dad na dahan dahang lumingon sa akin waiting for my answer. I saw her mom do the same. They were both smiling. , Seulgi, nasaan ka ba?

 

 

“Wala po, tito. Wala po akong boyfriend.” Sagot ko right after a sip from the glass of water na nakahain sa tapat ko.

 

 

“Eh girlfriend, hija?” Follow up question naman bigla ng kanyang mommy.

 

 

 

 

I let out a nervous giggle trying to buy more time mula sa pagsagot. Ayaw kong ideny pero hindi ko rin kayang iconfirm. I always hated lying. Sasagot na sana ako nang biglang narinig ko ang boses ni Seulgi na kakapasok lang ng bahay nila, na galit na galit at ngayon ay nakatayo na sa harapan namin. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa parents niya.

 

 

“What are you doing here, Hyun?” Nagtataka ako sa tanong niya. Hindi niya ba alam?

 

 

“We invited her for dinner, Seulgi.” Her dad said at may bahid na ng inis sa boses.

 

 

“I know what you’re doing, dad, and just to let you know hindi ako papayag.” Sagot niya at hinila na ako patayo sa kinauupuan ko.

 

 

“Seulgi. Alam mong kasalanan yang ginagawa mo.” Napatigil kami mula sa paglalakad nang marinig namin ang mom ni Seulgi sa sinabi niya. Lumingon si Seulgi sa kanya at binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.

 

 

“Wala kaming kasalanang ginagawa, mom. Ang pagmamanipulate sa buhay ko ang tunay na definition ng kasalanan.” Sagot niya at nagpatuloy muli sa paglakad. Hindi na siya muling lumingon paglabas namin ng bahay nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagmamadali akong tumakbo palabas para habulin si Seulgi. Nagkataasan kami ng boses dahil sa sagutan na nangyari kanina.

 

 

“I thought we’ve already talked about this, Hyun?” Kitang kita ko sa mata niya ang inis. We were fighting about her family na naman because they are still trying to break us apart. She belongs to an overly religious family kasi, especially may magandang reputation ang pamilya nila sa church nila so they did not expect their child to be a lesbian.

 

 

Seulgi is an example of a perfect daughter, she is someone that you could be proud of. Mabait, matalino, charming, family-oriented, achiever, talented at lahat na ng positive traits na maaari mong hanapin sa tao ay nasa kanya na.

 

 

I suggested to her na maybe we should reconsider the relationship muna and I am willing to wait for her naman hanggang sa tamang edad na pwede ka nang maging independent sa magulang. Ayaw ko kasing nagsisinungaling sa kahit na sino at mas lalong ayaw ko ng may nagsisinungaling dahil sa akin and right now, fighting against her parents is something that we couldn't do. Hindi pa namin kayang manindigan and we admit it. 

 

 

 

“Seulgi, listen to me please…” patuloy kong sabi habang hinahabol siya sa walk-jog na ginagawa niya papunta sa convenience store kung saan niya iniwan ang bike niya.

 

 

“I am not saying na maghihiwalay tayo ng landas like how couples do when they break up. Aalisin lang natin yung label natin na “girlfriends” para at least diba? Ang hirap kasing ideny?” tumigil siya bigla kaya napahinto rin ako causing for me to almost trip sa sarili kong paa.

 

 

“That’s what I wanted, Joohyun. To tell everyone that you are my girlfriend. Bakit ba mas iniintindi mo yung sinasabi ng iba. Sila ba yung ginirlfriend mo?” At ngayon, tumataas na ang boses niya.

 

 

“You don’t get it, Seulgi. Ayaw ko lang ng nagsisinungaling tayo both sa parents mo. Please, makinig ka naman.”

 

 

"Gusto mong bumalik tayo sa pagiging friends? Do friends do this?" Hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit sa akin Seulgi, closing the gap between us and pulled me for a kiss at agad ko naman itong tinulak palayo sa takot na baka mas lalong may makakita sa amin. 

 

 

 

"Tangina naman, Seulgi! Ang hirap mong kausap! Hindi naman ako mawawala sayo. We just have to go back to what we were bago naging tayo. Ano bang minamasama mo doon?!" Nagsisimula nang tumaas ang boses ko sa inis dahil sa ginawa niya. "If you don't want my suggestion then it's best not to have anything at all, Seulgi."

 

 

 

Inangat ni Seulgi ang kanyang ulo to look at me na para bang gusto niya na akong saktan with her words. I swear to god, ito ang unang beses kong makita si Seulgi na magalit. Hindi ko naman ito gusto para sa aming dalawa. Ayaw ko lang na ma-compromise ang pakikitungo ng family niya sa kanya. 

 

 

 

"Then, itigl na natin to. Lahat. It's all or nothing, Joohyun. Handa kitang ilaban sa pamilya ko pero ikaw mukhang hindi ka handang samahan ako sa laban na to. Maghiwalay na tayo."

 

 

I reached out for her hand, trying to calm her down. 

 

 

"That's not what I meant, Seul..I'm sorry--" I said habang nakatitig sa mga kamay niya na unti unti nang bumibitaw mula sa pagkakahawak ko. Is she really letting me go? 

 

 

"Do you really want me to let you go, Joohyun?" Tanong niya, agad akong tumingin sa mga mata niya at umiling. Tears are now starting to fall. She can tell na ayaw ko siyang pakawalan. 

 

 

"I want you to stay with me forever, Seulgi. 2 years, 5 years, 10 years or even 12 years from now. Gusto ko kasama mo ako sa lahat, at mamahalin kita araw-araw."

 

 

I am caressing her fluffy cheeks at mas fluffy na siya tignan ngayon dahil umiyak siya. I placed both of my hands sa magkabilang pisngi niya then I gave her eyes small kisses, hoping na maaalis nito lahat ng pain na na-inflict ko sa kanya ngayong gabi. 

 

 

 

 

"I am sorry, Seulgi. For hurting you." Huminga ako nang malalim saka nagsalitang muli. "Fine, let's do this. Paninindigan kita sa lahat." She nodded, then she gave me her usual bear smile which made my heart melt. Damn, Kang Seulgi. Bakit ba mahal na mahal kita.

 

 

 

Hinawakan niya na ang kamay ko and said "Halika na, Hyun, i'll take you home. Baka hanapin ka na sa inyo. Mabilis lang ang taon, sa akin ka rin uuwi at hindi na kita kailangang ihatid palagi kasi pagdating ng time na yon, susunduin na kita at sabay tayo laging uuwi sa bahay natin." Such a smooth talker, Seulgi. Kahit kailan ka talaga. 

 

 

Tumigil ako sa paglalakad bigla at humawak sa dibdib na para bang masakit ito.

 

 

"Hyun, what's wrong? Anong masakit, huy?!" Pag-aalalang tanong niya.

 

 

 

"S-seul-gi..." Bigla akong natawa dahil sa itsura niya na parang maiiyak na naman sa takot. "Wala, my heart skipped a beat! Ikaw kasi napakagaling mong magpakilig. Magttrabaho pa tayo para makaipon at makabili ng sarili nating bahay, no. Grumaduate muna tayo! Masyado kang excited!"  Sabay kurot ko sa magkabilang bear cheeks niya at nagtawanan naman kami pareho.

 

 

 

 

 

I hope we stay like this forever, Seulgi bear.

 

 

 

 

 

 

To: Seulgi bear

    hi, bear! nakauwi ka na ba? text me when you got home, ok? 

 

To: Seulgi bear

   good morning, bub. hindi ba tayo sabay papasok sa school today? i fell asleep, hindi na kita nahintay magtext. where ka na?

 

To: Seulgi bear

  i asked yeri to check on you, wala ka raw sa bahay niyo. even your parents aren't there. where are you, seulgi? 

 

To: Seulgi bear

 it's been 2 days. please answer my calls. i've been calling you non-stop and naka turn off ang phone mo this whole time? 

 

To: Seulgi bear

  i miss you, my love. please, puntahan mo na ako. we were okay naman before tayo umuwi diba? 

 

To: Seulgi bear

  are we still okay, seulgi? ilang araw ka nang di nagpapakita. i went to your house and sabi ng yaya mo, ayaw mo raw akong makita? nalilito ako sa nangyayari.

 

To: Seulgi bear

  i am outside, seulgi. please talk to me. what did i do wrong? please? i miss you so much. :(

 

To: Seulgi bear

  it's been a week, seulgi.. how long should i wait? do you need more time? nagbago ba isip mo?

 

To: Seulgi bear

  hi...

 

To: Seulgi bear

  do you need more space? it's been 3 weeks, baby. may hinihintay ba talaga ako? have you decided to finally let go of me? 

 

To: Seulgi bear

  galing ulit ako sa bahay niyo. your neighbors told me na nag move out na raw kayo. nasaan ka?

 

To: Seulgi bear

  please tell me when to stop, Seulgi. hindi ko kasi alam paano tumigil. hindi mo ako tinuruan kung kailan dapat huminto. i feel so lost right now, bub. usap naman tayo please i beg of you.

 

 

 

 

I heard nothing from you since that night. The same night I told you na ipaglalaban kita. The same night you told me na pangarap mo ang umuwi ako sayo. Tinuruan mo ko paano harapin ang problema head-on but you never taught me how to stop and ngayon para akong sasakyan on its full speed just waiting to crash itself somewhere to abruptly stop.

 

 

Where are you, Seulgi? Ano ba ang naisip mo para gawin sa akin to? I have a lot of questions to ask. Kumusta ka? Are you still thinking about me? Do you feel bad? May nangyari ba sayong masama? Mahal mo pa ba ako? Mahal mo ba talaga ako? Bakit ang bilis nagbago ng isip mo? 

 

 

I am still desperately waiting for you, bear. It's nearly our graduation, na-release na ang graduation photos natin at gusto kong ipakita sayo yung grad photos natin together. We looked so good together doon. We were so excited na grumaduate ng sabay diba?

 

 

 Paano ba ako uusad nang wala ka. Hindi ka man lang nagpasabi na gusto mo na palang umalis. 

 

 

Sana pinaghanda mo man lang ako. Sana hindi mo ako pinaasa ng kung anu-ano kung mawawala ka lang din naman na parang bula. 

 

 

Buhay ka pa ba?

 

 

You should've told me, Seulgi.

 

It would be best if you had let me understand..

 

 

 

 

 

 

From: Seulgi bear

  Joohyun, kalimutan mo na ako. I'm sorry talaga. Good bye.

 

 

 

I tried calling her as soon as I saw her text. , out of coverage agad? Tangina mo, Kang Seulgi. Ang lakas ng trip mo. ing . 

 

I need your explanation at least. 

 

 

I tried checking her Facebook pero wala na rin siya, even her emails. Kanina pa umiikot ang sikmura ko at sukang-suka  na sa mga nangyayari at pakiramdam ko anytime ay babagsak na ako. Tumakbo ako mula university hanggang bahay nila pero wala na rin talagang tao.

 

 

Hindi ko alam kung saan ko pa ba siya dapat hagilapin. I tried asking help from Yeri, since kaming dalawa lang naman ang palaging kasama ni Seulgi. Hindi ko rin kilala ang iba niyang kaibigan from high school kasi hindi na rin naman niya kasama at nako-contact ang mga ito.

 

 

 

She left no trace, ganoon kabilis.

 

 

 

She vanished into thin air. Gano'n na lang ba talaga 'yon?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
897 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
897 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.