I Think Not?

Sa Bulong At Mga Alaala

 

Wala kang naiintindihan sa mga sinasabi ni Wendy sayo ngayon, dahil mas malakas ang urge mo na sampalin itong taong kaharap mo ngayon,

 

O yakapin?

 

Hindi mo alam kung anong nararamdaman mo, after 12 years, nasa harapan mo ngayon si Kang Seulgi. Hindi mo alam kung gusto mo ba ang mga nangyayari o hindi. 

 

 

Wala kang maintindihan, Ang dami mong nararamdaman.

Bumalik yung napakarami mong tanong na hindi mo alam kung paano mo itatanong isa-isa.

 

 

 

"Wait, order muna tayo. Anong gusto niyo?" Biglang tanong ni Wendy.

 

 

"Kung ano na lang sayo, Wannie." Sagot niya.

 

 

"How about you, Irene?" Tanong ni Wendy.

 

 

"Hot tea lang ako, Wendy. Thanks." Matipid mong sagot.

 

 

 

Napakahaba ng pila at dumagsa bigla ang tao, so mukhang matagal tagal pang pipila si Wendy bago makuha ang order namin. Nakatitig lang siya sayo ngayon at hindi mo alam kung saan ka titingin. Feeling mo nile-laser niya yung noo mo dahil ayaw niyang umiwas ng tingin sayo. Tila kinikilala ka, kung ikaw pa ba yung dating nakilala niya. 

 

 

Pero hindi siya makakahanap ng sagot sa mga mata mo, kasi kahit ikaw mismo hindi mo alam anong pakiramdam mo. 

 

 

 

 

"Hyun.." Mahinang sabi niya.

Di ka pa rin makatingin sa kanya. Kailangan mo nang mag isip ng ibang titignan kasi magkaka stiff neck ka na kakatingin sa labas.

Yumuko ka. 

 

"Wow, ano to sahig?"

 

 

Kanina mo pa ini entertain ang ibang mga nakikita mo maliban sa taong nakaupo sa harapan mo. 

 

 

 

"Hyun...Long time no see?" Nagsalita siyang muli. 

 

 

"Ah-- oh.. Oo, l-long time no see nga." Nauutal mong sagot. 

 

 

"Kumusta ka na? Its been 12 years.." batid niya.

 

Pakiramdam mo ay naiipon na ang kumukulo mong dugo sa ulo mo, hindi mo alam kung bakit ka nagagalit ngayon ngunit mas pinili mong itago to. Dahil ikaw si Irene. Composed ka nga kasing tao diba? Uubra pa kaya yan ngayon?

 

 

Competitive ka. Hindi ka magpapatalo. Hindi ka magpapalugi. Kaya inipon mo ang lakas mo ngayon para harapin ito na di ka nagmumukhang kawawa.

 

 

"I'm good, Seulgi. I'm happy. Oo nga no? 12 years na pala yung lumipas, di ko man lang namalayan. Kumusta ka? Sagot mo. very good, Irene. Sabi mo sa sarili. 

 

Napansin mo si Wendy na patapos na umorder kaya nagsalita ka ulit.

 

 

 

"Seulgi..please let's pretend that this is the first time na magkakakilala tayo. I'll just pretend na you are a stranger that I am meeting for the first time." With conviction ang pagkakasabi mo akala mo hindi nag walling sa kusina kaninang madaling araw dahil sa friend request.

 

 

"H-huh? Bakit?-- okay, Irene" Sagot nito at yumuko. Hindi mo alam na dakilang assumera ka pala dahil napansin mo ang napawing pag-asa sa mga mata ni Seulgi. 

 

 

"Thanks." Binigyan mo ito ng isang genuine na ngiti on the outside, pero alam mong kaplastikan ito on the inside.

 

 

"Soooo-- oh ano, Seulgi. Di mo man lang inentertain si Ms. Irene bakit ang tahimik mo dyan?"  Tanong ni Wendy habang inaayos sa table niyo ang order niyang drinks at food.

 

Natapos ang meeting niyo at nireready na nila ang contract at terms para sa bahay mo. Madaling kausap na ahente si Seulgi. Nakwento rin ni Wendy na kakauwi lang ni Seulgi last year from Europe, where she studied business. Hindi rin daw alam ni Wendy kung bakit napadpad si Seulgi sa kagustuhang mag try ng kung anu-anong trabaho rito sa Pilipinas.

 

 

Tumayo si Seulgi at nag-excuse para mag washroom. 

 

 

Nabanggit ni Wendy na kaya raw umuwi si Seulgi from Europe ay dahil di niya na talaga maresolve yung conflict niya with her family. Religious ang family nito masyado at taliwas ito sa perspective ni Seulgi sa buhay. Hindi raw siya sumaya sa pag-aaral ng business at nagets ko rin ito agad dahil alam kong pangarap ni Seulgi maging interior designer. 

 

 

So, sa nakalipas na labindalawang taon, nasa Europe siya? Pagco-conclude ko sa usapan namin ni Wendy.

 

 

If she's not into business, bakit hindi niya pa i-pursue rito ang gusto niya sa Pilipinas?

 

 

I mean, hindi ako ang i-pursue niya ha, kundi yung pangarap niyang gawin na maging interior designer. 

 

 

Kahit may galit akong nararamdaman kay Seulgi ay gusto ko pa rin namang sumaya siya. She's almost 30 at gusto ko ma-fulfill niya ang pangarap niya sa buhay. 

 

 

Bumalik na siya sa table namin at nag decide na kami to wrap it up. Pag uusapan na lang namin ang details through email, kung may mga documents na need pang pirmahan or whatnot. 

 

"Thanks for today, Miss Irene. It was nice meeting you. I'll do my best para ma-speed up na natin yung pagbenta sa bahay mo. Nabanggit ni Wendy na ang tagal mo raw nilagay sa market yan pero nahihirapan kang mabenta." She offered another handshake bago kami maghiwalay.

 

It felt nice seeing her, sabi ng utak mo. 

 

At the same time, natakot ka na after 3 months, once na mabenta na yung bahay, mapuputol na ng tuluyan ang connection mo kay Soojung and at the same time, mawawala na ba ulit si Seulgi? Wala naman kayong posisyon sa buhay ng isa't-isa ngayon. 

 

 

 

 

 

You didn't know what to feel so you decided to take a long walk back home.

 

 

 

 

1 text received:

Unknown number:

Hi, ms. Irene. This is Kang Seulgi. Wendy gave me your number kasi nakalimutan daw niya sabihin sayo kanina na hingan ka ng business card.  I hope its okay. Ingat ka pauwi. :)

 

 

 

 

 

 

 

You didn't respond.

Nakalimutan mo kasing bayaran yung postpaid bill mo kahapon kaka-ngawa at cut ang services mo today. Ganda ganda mo wala kang load. Napakamalas mo naman talaga, Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
898 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
898 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.