Maginhawa, Mahiwaga

Sa Bulong At Mga Alaala

*SEULGI'S POV 2 YEARS AGO*

 

 

Ang mga bulong mo...

''Seul...gi..."

Ano?

Sino? 

Ang mga bulong mo...

"Seulgi..." ang init ng akap mo na yumayapos sa malamig kong pagkatao. Bakit kilala kita? 

"Seulgi..."

Hindi kita kilala.  Sino ka?

 

"Hinanap kita...sa'yo ako dinala ng aking mga paa..."  

Ang mga bulong mo...

Hindi kita makita...

 

[3:48 am] 

 

Nagising ako at naputol ang nakakalito kong panaginip nang may yumakap sa aking magandang babae na tila napakahimbing pa rin ng tulog. Tinitigan ko ang mukha nito at pilit na inaalala anong pangalan niya.

Nang maalala ko na ay bumangon na ako at sinimulang pulutin ang mga nagkalat kong damit sa sahig, sa sofa at nagbihis. 

 

"Sunmi...psst. Hey." ang sarap pa rin ng tulog niya. Masyado yata siyang napagod sa ilang oras naming paglalaro ng apoy.

"Hmmm..bakit?" ungot niya, tila di pa gising ang diwa.

"Uuwi na ako." sambit ko habang pinipilit isuot ang pantalon. Bakit ba ang bilis hubarin ng pantalon pero ang hirap pag susuotin na. Shet. Isip ko.

"uhh, okay lock mo na lang pinto" Sagot niya, nakapikit pa rin.

 

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya at lumagpas sa sala bago tuluyang narating ang pinto palabas ng bahay niya. Medyo kinabahan pa ako nung hindi ko agad nakapa yung susi ng kotse ko. 

 

Hindi naman ako nag-aalala sa traffic dahil maaga pa at linggo naman ngayon. Kampante akong hindi ako aabutin nang ilang oras, kaya hindi rin ako nagmamadali. Gusto ko ang pakiramdam na 'to. Yung late night drives. City lights. Smooth ang byahe. Mag-isa. Tahimik. Ganito ang gusto ko.

 

 

Hindi ko mapaliwanag. Masaya ako pero parang may malaking puwang sa puso ko na hindi ko alam kung ano o sino magpupunan nito.  

 

 

Bakit ba ganito ako? 

 

Bigla akong napahinto. Naalala ko yung panaginip ko kanina. "Sino yun?"

 

 

Napaka-weird kasi hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko yung boses na yun na walang ibang sinasabi kundi ang pangalan ko, pero never kong nakita ang mukha niya. ''Kukunin na ba ako ni Lord?'' Biro ko sa sarili. 

 

I'm not into girls dati ha, sa pagkakaalam ko, pero mula nung unang beses akong nagdesisyon para sa sarili ko at aminin na interesado ako sa girls ay doon na ako nagsimulang magkaroon ng mga weird na panaginip. 

 

Pero pakiramdam ko, kung totoo ngang nag e-exist sa lifetime na to yung babaeng yun, makikilala ko siya kung mariring ko ang boses niya. 

 

 

Saglit pa ay nakarating na ako sa building ng unit ko. 

Sinet ko lang ang heater at nag shower rin ako kaagad.

 

Humiga na rin ako pagtapos at hinintay na dalawin ako ng antok 

 

 

[5:44pm] Sunmi: Hey, cutie :)

[5:47pm] Sunmi: U busy? :)

[5:58pm] Sunmi: wow ghoster naman pala cutie haha

 

Naalimpungatan ako sa notifs ko. Nakatulog na naman pala ako. Naiinis ako na nagising ako pero salamat na rin pala kasi kung hindi baka kinabukasan na ako magising at tuluyang hindi ko na siputin si Seungwan.

 

Kakauwi ko lang galing Finland after 11 years at maliban sa relatives ko ay si Seungwan na lang ang kakilala ko rito sa Pilipinas.

Naging kaklase ko siya doon noong college of business at nagdecide siyang umuwi rito few years back kasi nabobored na raw siya doon. Free-spirited kasi itong si Seungwan, hindi tulad ko na restricted lahat ng actions at pag-iisip dahil ito ang gusto ng parents ko.

 

Para sa ikabubuti ko rin naman daw kung susunod ako sa norm. Kaya nanatili akong nakakulong sa sarili kong kulungan kaya pagbalik ko rito saka ko naisipang mag explore dahil wala na akong bantay. 

 

[6:59pm]Me: Hey, nakatulog ako. What's up? 

[7:02pm] Sunmi: I thought ghinost mo na ako eh :P

[7:04pm]Me: As if naman papayag kang ighost kita. :P

[7:05pm] Sunmi: Ofc. Di ako papayag. I love playing with you. Wanna come over?

[7:06pm]Me: As much as i'd love to, di pwede eh. I have plans. Hehehe next time. Ang galing mo rin ah, di ko namalayan na sinave mo pala number mo rito sa phone ko.

[7:08pm] Sunmi: Yep, para sure na may next time. Anw, enjoy your night out, cutie. See u around :)

[7:09pm] Me: Likewise :) 

 

 

 

 

 

 

Nakita ko na si Seungwan na naghihintay sa loob ng isang resto-bar na pinag-usapan namin, full house today siguro dahil weekend o kasi sikat talaga itong lugar. Sobrang namiss ko itong bestfriend ko kaya naman nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit hanggang sa nagreklamo siyang hindi na raw siya makahinga.

 

 

Kahit dalawa lang kaming magkasama simula noon ay hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Masaya kaming nag-inuman, kantahan, kwentuhan. Ang dami na naming napag usapan na hindi tungkol sa trabaho.

 

Pati mga babae na nagustuhan niya, maging yung unang beses kong makipagdate tapos nagdasal ako pag-uwi ng bahay kasi naririnig ko yung boses ng mga magulang kong sesermunan ako na katakot takot.

Kung gaano kahirap tumira sa isang overly religious na family at lahat homophobic, na di ka pwedeng mag speak up dahil younger ka sa kanila, kahit mga namatay na komedyante yata napag usapan na namin. Kung paano raw naliligo ang mga astronaut, o saan fina-flush yung dumi nila sa outer space. Inabot na kami ng alas kwatro ng umaga sa kakatawa.

 

 

Sabi ko chill lang dapat na inuman to pero bakit parang basag akong uuwi.

 

Hindi ko alam kung saan ba ako lasing. Sa tawa ba o sa alak.

 

Sobrang nanliliit na ang mata ko sa antok at lasing. Ang sakit na rin ng pisngi ko katatawa sa mga pinagsasabi naming dalawa. Umiikot na rin ang paningin ko. Tumayo ako at saglit na nag excuse para mag CR. 

 

 

Nakita kong sobrang haba na ng pila sa cr at lasing na rin ang mga tao rito kaya lumabas muna ako at pumunta sa katabing convenience store to buy water kasi pakiramdam ko ay nade-dehydrate na ako sa dami ng alak na nainom ko. 

 

 

Sa labas ng convenience store ay may isang lasing na lasing na babae na nakaupo at mukhang patulog na siya nang bigla siyang matamaan ng isang lalaki na dahilan ng bigla niyang pagbagsak sa sahig. 

 

Mabilis pa naman ang reflexes ko kaya agad ko siyang naagapan at nasalo. Lalo akong nahilo dahil sa sudden movement na ginawa ko.

 

Inalalayan ko ito paupo ulit sa dati niyang pwesto. Inangat naman niya ang kanyang mukha at nagulat ako dahil kaunti na lang ay sobrang lapit niya na sa mukha ko.

 

Kitang kita ko ang namumula niyang pisngi at mapungay na mga mata, papikit pikit pa ito dahil sa antok at kalasingan, tinutulungan ko siyang iayos sa kinauupuan niya nang biglang sumigaw si Seungwan, mukhang nag bill out na siya at uuwi na kami. 

 

"Seulgi!!" Sigaw ni Seungwan mula sa pinto ng bar. 

 

Sabay kaming napalingon ng babaeng hawak ko kay Seungwan, at bumalik din agad siya ng tingin sa akin. Nanlaki ang mata niya at bahagyang nakabuka ang bibig. Mukhang iiyak ang babaeng hawak ko at mas lalong natakot ako nung bigla niyang haplusin ang pisngi ko na siya namang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nagawa pa niyang dumighay sa mukha ko. Napaka-romantic ng scene na to. Sabi ko sa isip ko.

 

Lumapit sa amin ang isang matangkad na babae kaya dali ko na siyang inabot sa kasama niya, binilhan pala siya ng tubig nito kaya iniwanan sa labas ng store.

 

"Hi! Pasensya ka na sa friend ko lasing na lasing kasi sorry!" sabi ng kaibigan niya.

 

"No, no. It's okay! Sige, ikaw na ang bahala sa kanya kasi I have to go na eh." Nagmamadaling sabi ko dahil hilong hilo na rin ako.

 

 

Tumakbo na ako papalapit kay Seungwan na naghihintay kung saan naka-park ang sasakyan niya at bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse, narinig kong may tumawag sa pangalan ko..

 

 

 

"Seulgi-yahh..." Napatigil ako at napalingon,

 

Tinawag ako ng babaeng yon? Bakit siya umiiyak? 

 

Babalikan ko sana pero binaba ni Wan ang bintana ng kotse telling me to go inside na. Natatae na raw siya at gusto na niyang umuwi so I had no choice but to leave.

 

Nakatingin lang ako sa side mirror habang pinapanood ang babae na halos nagwawala na sa harap ng kaibigan niya at nakatingin siya sa kotse namin na parang gusto kaming habulin.

 

 

What a night. 

 

I wonder what happened to that woman..

 

 

 

Biglang sumakit nang sobra ang ulo ko at nagpass out..

 

 

 

 

Nagising na lang ako at nasa Emergency room na ako, nasa tabi ko naman si Wan na alalang-alala ang itsura

 

"Seulgi?! Doc, gising na po yung friend ko." Nagmamadaling sabi ni Wan.

 

 

Lumapit sa akin si doc asking kung ano nararamdaman ko, sabi ko lang ang sarap ng tulog ko pero that excrutiating pain na naramdaman ng ulo. 

 

He asked if my history raw ba ako ng head injury or trauma.

 

I said yes, sa pagkakaalala ko, sabi ng parents ko nainvolve raw ako sa isang car accident mahigit isang dekada na and that was it. I explained na I was in coma for a 3 weeks, then after that na medyo nakakarecover na ako and nakakuha ng fit to travel, that's when we moved to Finland. All I remember was I used to ride my bike papasok sa school and freshman ako that time. Sabi ng parents ko sa akin ay dahil daw doon kaya ako naaksidente. 

 

I received extensive treatment naman kaya confident ako na okay na ako. Wala namang nawala sa akin, pagdating ko ng finland tinuloy ko yung studies ko and natapos ko naman siya nang walang problema except sa mga random days noon na may extreme headaches ako na nawala rin naman agad. 

 

I told my doctor about it, including yung fact na ilang years ko nang di naexperience iyon, ngayon lang ulit to the point na nagpass out ako at di ko alam kung anong rason parang matrigger iyon. 

 

 

 

 

 

Clear naman ang lab tests ko except sa nadetect na alcohol sa akin other than that, I'm good to go. 

 

 

 

 

Nakauwi na ako at I decided to rest more ngunit bago ako makatulog ay naalala ko na naman yung babaeng tumawag sa akin sa convenience store.. I'm not really sure kung nakita ko na ba siya dati pero sigurado ako, her touch felt so familiar yet strange...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
898 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
898 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.