A Familiar Stranger

Sa Bulong At Mga Alaala

 

Tatlong araw na ang nakalipas mula nung unang pagkikita niyong muli ni Seulgi, you took a break from your job the next day dahil di mo maabsorb ang mga nangyari and you needed time to think. Now, it's been 3 days since you shut down and kailangan mo na ng escape plan so you called Yeri to come over. You needed that kid's presence now. 

 

 

"What?! Si Seulgi ang bagong broker mo?! Paano nangyari yon?"  Napatayo si Yeri mula sa kinauupuan niya dahil sa gulat. Busy siya sa paglalaro sa kanyang phone at napatigil ito dahil sa balitang dala mo. 

 

"It's funny that yung broker ko and the person who broke my heart ay iisa." Nilagay mo ang iyong dalawang kamay sa iyong mukha dahil parang sasakit na ang ulo mo kakaisip sa mga nangyayari, nilapitan ka ng katabi mo sa sofa at inakbayan.

 

"Unnie, anong plano mo? Kwentuhan mo ako dali. Anong naramdaman mo nung nakita mo siya? Were you glad to see her? Nagalit ka ba--" Hindi pa natatapos ni Yeri ang kanyang mga sinasabi nang ikaw naman ang biglang tumayo at humarap sa kanya

 

"Was I glad??? To see her??? Hello, no! Galit?? Oo, kulang na nga lang sampalin ko siya nung magkaharap kami pero di ko ginawa dahil ayaw kong isipin niyang affected pa rin ako sa ginawa niya sa akin. Ayaw ko nang matalo ulit kay Seulgi. She made me fall in love with her, Yerim! Nasaksihan mo lahat 'yon. Tapos nung time na sa tingin niya ay kuhang kuha niya na ako, ano? Bigla siyang nawala na parang bula sa buhay natin?"       Huminga ka ng malalim at sumabay rin ng inhale sayo ang taong kaharap mo.

 

"Dinaig mo pa si Eminem mag rap."     Natatawang sabi ni Yeri, bigla kang nag exhale at mas binilisan ang pagsasalita.

 

"Remember that time na sinabi ko sayong nakita ko siya sa harap ng convenience store nung nag-inuman tayo nila Joy? Alala mo?"   tumango lang siya sayo, mukhang bored dahil for the nth time maririnig niya na naman itong kwento mo

 

"Nagpanggap siyang di niya ako nakilala, Yerms! When I called her name nilingon niya ako pero umalis siya na parang di niya kilala yung tumawag sa kanya. Hindi ba talaga niya ako nakilala? Hindi naman ako nagbago ng itsura, diba? Yes, I looked like that night pero wala namang nagbago sa mukha ko. I remember asking you guys nang isang linggo kung makikilala niyo ba ako kung hindi man tayo magkita ng mahigit isang dekada. I was pissed! ! Ang gago niya, Yerms. At ang pinaka mas ikininakagalit ko ay imbis na mag grieve ako over my failed relationship ngayon ay mas nagmamaktol ako over my "Almost"" sambit mo habang ginagawa ang air quotes.

 

"Tapos ngayon, biglang tatawagin niya ako ng "Hyun?" Ano yon kilala na niya ako ulit? "

 

Umupo ka ulit sa tabi Yeri at ibinagsak ang katawan bago sabihin ang,

 

 "Pero na-miss ko siya..." Napalingon ka kay Yeri nang marinig mong sabay pa kayo napabuntong hininga.

 

"Dyan pa lang talo ka na, Unnie." Napailing na lang ang bata sa tabi mo at bumalik na sa kanyang paglalaro. Nabwisit ka at in-unplug mo yung modem mo, may karapatan ka dahil bahay mo to. 

 

"EEEEeeeeeeee! I-on mo please maglalaro kami ng ka-team ko, Unnie!!! Pleaseeee" Nagmamaktol na sabi ni Yeri sayo at pinapadyak pa ng paa.

 

"Seriously, Yerim? Nagagawa mo pang maglaro in the midst of my crisis?!" para kayong nasiraan ng bait na dalawa sa itsura niyo ngayon na parehong nagmamaktol sa magkaibang kadahilanan. At least may karamay ka. In-on mo na rin ang wi-fi para matahimik na yung batang kasama mo. 

 

 

 

Nagulat ka na lang nang marinig mong kausap ni Yeri si Joy sa kanyang cellphone, pinapasunod niya ito sa bahay mo dahil hindi na raw niya alam ang gagawin sa iyo.

 

"Dalian mo magpunta rito, malapit na akong sumunod sa kabaliwan niya." Sabi ni Yeri bago tuluyang pinatay ang tawag. 

 

 

Nanigas ka sa iyong kinatatayuan nang mabasa mo ang text na nareceive mo at nang mabasa mo ito ay napatili ka at naibato mo ang iyong phone, pasalamat ka at nariyan si Yeri para saluhin ito. Mas lalo kang naging magugulatin mula nang huli mo siyang nakita. 

 

 

"Hi, Irene. I have an update regarding sa house mo. Pwede ba tayong magkita kung hindi ka lang naman busy?" halos sabunutan mo na ang iyong sarili nang marining mo ang binasang text ni Yeri sayo. Kumaripas ka ng takbo para mag shower. Ibinagsak mo ang pinto ng bathroom mo pero agad mo rin itong binuksan para kunin kay Yeri ang phone mo. 

 

To: Unknown number

      Sure, give me an hour and text me the location. SENT

 

Tumakbo ka pabalik para tuluyan nang mag shower. 

 

Pagtapos mo ay naka-abang na si Joy sa sofa, katatapos lang ikwento ni Yeri sa kanya. 

 

"Kung kilala ko lang yang Seulgi na yan nung nakita natin siya sa convenience store edi sana sinampal ko na siya. Kitang kita ko sa mukha niya noon na di ka niya kilala kaya nagalit ako nung siya pala yong kinukwento mo. Hindi niya alam siya yung dahilan mo ng paglalasing noon dahil birthday mo." bakas sa mukha ni Joy ang inis habang inaalala ang nangyari nong gabing iyon. 

 

 

"Naalala ko pa na kulang na lang isugod natin siya sa ER sa sobrang di natin alam ang gagawin sa kanya. Pinagsabay ba naman yung kalasingan at breakdown. Hindi naman natin pwedeng tawagin si Krystal unnie non kasi anong sasabihin natin? Nag breakdown dahil nakita si Seulgi? Ni hindi nga niya kilala yon that time." Dagdag ni Yeri 

 

 

Pinapakinggan mo lang silang nagkukwentuhan at lumabas ka na ng kwarto hawak ang dalawang set ng damit na pinagpipilian mo. Umaasta ka na parang hindi big deal ang mangyayari ngayon.

 

 

"Parang nakalimutan mo agad bigla yung long term ex mo dahil lang nakita mo ulit yung first love mo ah?"   Pang-aasar sayo ni Joy.

 

"Gago! Pag-uusapan lang namin yung tungkol sa ibebentang bahay namin ng EX KO."   Natatawang sabi mo sa kanya at umirap ka. 

 

"Mag jeans and shirt ka na lang kaya? Mamaya mag-assume pa yon na nagpaganda ka para sa kanya. Gusto mo ba samahan ka na namin ni Joy unnie?"   Nag-aalalang tanong ni Yeri. 

 

Bumalik ka sa kwarto at lumabas na wala sa isa sa mga hawak mo kanina ang suot mo. You are now wearing your white shirt and jeans paired with your old school na Vans. 

 

"Tama, baka isipin non nagpapaganda ako. Sige, alis na ako. Dito lang kayong dalawa, ha.  Kayo na muna ang magbantay rito sa bahay." Sabi mo at dali daling nagmadali palabas. Kinuha mo naman ang phone mo mula sa bulsa mo dahil nagring ito. Tumatawag siya.

 

 

"Hello?" Halos nasa gate ka na'ng napatigil ka sa pagtakbo nang marinig mo na ang malumanay niyang boses.

 

"Hello, Joohyun? Can you hear me?"  tanong niya ulit dahil hindi ka nagsasalita.

 

"A-ah, H-hi, Miss Seulgi. Y-yes, I can hear you. Nasaan ka na?"   Nauutal mong sagot ang parang pakiramdam mo ay may tutulong pawis mula sa noo mo. 

 

"I'm outside your house. Dito na ako sa gate niyo. I have your address and Wendy confirmed din na nandito ka nakatira"  

 

Pagbukas mo ng pinto ay bumungad sa iyo ang isang Kang Seulgi, nakasandal ito sa kanyang kotse habang nasa tenga pa nito ang kanyang phone. Kinawayan ka nito at naglakad ka papalapit sa kanya. 

 

"Why are you here?"  Walang reaksyon na lumabas sa mukha mo kahit binati ka niya. 

 

"I was around the area and I thought na baka mas gusto mo na sabay na lang tayo papunta sa resto." 

 

"Paano kung wala pala ako rito sa bahay?"  You crossed your arms at direkta lang na nakatingin sa kanya, showing her your side na di niya na-experience dati. 

 

Binuksan niya ang pinto ng kotse para sayo, pero hinihintay mo siyang sumagot  at ang totoo ay hindi mo alam bakit nagiging tuod ka na naman. Si Seulgi lang yan. Tama. Si Seulgi lang iyan. Sabi mo sa sarili mo. Naglakad na siya papunta sa driver's side at bago nito buksan ang pinto ay tumingin siya sayo para sagutin ka

 

 

 

"Edi hihingi ako ng permission na sunduin ka kahit nasaan ka pa. Hahanapin kita."  Nakangiti niyang sabi at pumasok na siya sa loob ng kotse, sumunod ka na ring pumasok at pakiramdam mo'y suffocating sa loob. Nag seatbelt ka na at sinabi mong mag drive na lang siya sa malapit na resto na magugustuhan niyo pareho so she did. 

 

 

 

Napaka-pogi ng kotse ni Seulgi pero nagtataka ka bakit napaka bagal niyang mag drive, ni hindi niya magawang mag overtake. It feels like she is taking her time para makasama ka nang matagal sa space na kinalalagyan niyong dalawa. Gumana na naman ang pagiging ilusyunada mo so you tried to brush off these butterflies sa tiyan mo at inaalala mong galit ka pala.

 

 

"I'm sorry. I don't usually drive like this. Mabilis ako magpatakbo kapag ako lang pero nag e-extra ingat lang ako because of my passenger. I want you to feel safe."  Sabi nito nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalsada. Paano niya nabasa yung iniisip ko? Multo ba talaga siya na bumalik na may superpowers? 

 

 

Bago ka pa maka-isip ng masungit na sagot sa kanya ay nagsalita na siya ulit.

 

"We're here. Feel ko okay rito. What do you think?"  

 

. naka jeans and shirt lang ako tapos dito ako dinala. Napa iling ka na lang sa hiya. 

 

 

 

"You don't have to worry, ang elegant mo pa rin tignan kahit jeans, shirt and sneakers lang ang suot mo."  Ngumiti siya sayo at doon tuluyang nahulog na naman ang puso mo. Binuksan mo na ang pinto at bumaba dahil sa kaba na baka marinig pa niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso mo. 

 

 

Narinig mo ulit sa utak mo yung tanong ni Yeri sayo kanina? 

 

 

"Were you glad to see her?"  

 

Yes.

 

"Nagalit ka--?

 

No.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
897 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
897 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.