Low or High Risk?

Sa Bulong At Mga Alaala

 

 

Naglapag si Yeri ng favorite mong hot chocolate drink sa desk mo at sumandal siya sa cubicle mo, "Hmm. Unnie. Mukhang puyat ka ah. Anong oras ka umuwi kagabi?"  Sabi nito sabay kaway naman sa boss niyong pakunwaring naglalagay ng tubig sa tumbler para maka-sagap ng pinag-uusapan nila. 

 

 

Tumango lang si Seulgi at patuloy sa ginagawa niya sa water dispenser. Pasimple pang nag po-phone para mag mukhang busy at dine-delay ang pagpupuno ng tubig sa tumber niya. 

 

 

"Nag dinner kami kagabi ni ex." Naka-ngiting sabi mo pero hindi ka pa rin nakikipag eye contact kay Yeri. Napatili naman bigla yung kausap mo dahil sa binalita mo.

 

 

"O ano? Anong sabi ni unnie? Bakit ka nakangiti? Don't tell me nagbalikan na kayo?!"  Excited na tanong ni Yeri at halos pa sway sway pa ang balikat while giving you light punches.

 

 

"Sige, ipangalandakan mo pang bata ka! I-stapler-in ko na yang bunganga mo!" Natatawa mong sagot sa kanya. Napalingon naman kayong dalawa doon sa taong biglang nasamid sa harap ng water dispenser. Tinignan niyo lang siya habang nagmamadali siyang naglalakad pabalik sa opisina niya.

 

 

 

Nagulat kayo sa kalabog ng pinto at halos mabasag na window glass sa impact ng pagkakasara nito. Nagtaka naman kayo nang nakita niyong nakatingin siya sa inyo at biglang nagsara ng blinds. 

 

 

 

"Bad mood si boss today?"  napatigil kayo sa usapan nang lumapit naman si Ligaya sa pwesto niyo. 

 

 

"Baka nagseselos?" Napatingin naman kayo kay Wendy dahil bigla itong nagsalita habang busy sa pagtatype sa laptop niya. 

 

 

"Nagseselos kanino?" Tanong ni Joy.

 

 

Lumingon ito sa inyo na parang nagtataka, "H-huh? sorry, may kausap ako sa phone."  Palusot ni Wendy na siya namang pinaniwalaan nung tatlo dahil nakita nilang naka earphones ito.

 

 

"Ano ba kasing sinabi niyo? Hoy, ikaw bansot sabihin mo na. Pag bad mood yan tatambakan na naman tayo ng trabaho niyan. Ang dami kong nirevise na reports nung ilo-launch nating product of the season kahapon ayoko muna." dagdag ni Joy. 

 

 

"Gago? Bakit ako?  Wala akong sinabi hoy! Nag uusap lang kami rito ni unnie na nagkita sila kagabi nung ex niya, nag dinner daw sila at nag catch up."  Depensa naman ni Yeri kay Joy.

 

 

"Huy, totoo, Irene? Kumusta? Nag-away ba kayo?"  Humatak na ng bakanteng upuan si Joy at umusog malapit kay Irene sa sobrang gustong malaman kung anong nangyari sa dalawa.

 

 

"Suprisingly, hindi kami nag-away kagabi. Pinoint out nga namin yun na himala di kami parang aso't pusa. Then she said na nanghihinayang pa rin daw siya na ibebenta na namin yung house."  Sagot ni Irene.

 

 

Nilagay naman ni Joy ang kanyang kamay sa balikat ng kausap at sinabing, "Can't you read between the lines? Ayaw niyang ibenta yung bahay kasi baka gusto niyang magbalikan pa kayo? Sooo ano ano, anong na-feel mo?" Ngumiti lang si Irene at umiling. Nagkatinginan naman si Yeri at Joy dahil alam na nilang closed na talaga ang chapter nung dalawa.

 

 

 

 

Hindi nila iniintindi si Wendy dahil nakikita nilang pa bounce bounce lang ang ulo nito sa pinapakinggang music at busy na nagtatrabaho pero ang hindi nila alam na sila talaga ang pinapakinggan nito.

 

 

 

Tinanggal na ni Wendy ang kanyang earphones saka tumayo at nag stretching.  "Girls, ano lunch? Tara?"  Umagree naman yung tatlo dahil pagtingin nila sa orasan ay lunch break na. 

 

 

"Yayain ko lang si boss Seulgi. Wait lang."  Dagdag ni Wendy at tumakbo naman ito papunta sa office ng kaibigan at saka kumatok. 

 

Nakita nilang kalahati lang ng katawan ni Wendy ang naka-pasok sa pinto ng office ni Seulgi at matapos ang ilang minutong paghihintay ng sagot ay nakita nilang pabalik na si Wendy papunta sa pwesto nilang tatlo kasunod ang boss nilang hindi mabasa ang expression ng mukha. 

 

 

 

-----------------------------

 

"Hmm, yes. That'll work. Let's set up a meeting then. Next month? Okay, sure! I'll talk to my client para ma-inform na siya about the schedule."  Tumatango tango lang si Seulgi habang may kausap sa phone at hindi niya alam ay may nanonood sa kanya mula sa loob ng restaurant na kakainan nila.

 

 

"Yes, sabi naman ni Ms. Bae, she's not in a rush to sell the house so I don't think waiting for a month will hurt. I'll send you some documents sa email later, ma'am. Thanks a lot. Yes, likewise."  Binaba na nito ang tawag at nakangiting bumalik sa loob ng resto.

 

 

Sakto naman pag-upo niya ay parating na ang order nila at nang ise-serve na ang food sa table ay nabigla sila kay Irene nang mag-iba ang timpla ng mood nito.

 

 

"Miss, ni-request ko kanina na please pakitanggal yung cucumber. Bakit parang ang dami niyo pang nilagay? Ilang beses kong inulit na wag lagyan."  Nag sorry naman ang server at nagsabi na babalik na lang daw ulit para ihabol yung customized order. Natahimik silang lima. Si Seulgi ay napainom ng tubig, si Yeri ay naglaro na lang sa phone.

 

 

Dahan dahan namang inilapit ni Wendy ang katawan niya kay Joy para pasimpleng bumulong ngunit sumabay ito sa pagsasalita ni Irene.

 

"Joy, allergic din ba si Irene sa cucum--" 

 

"Boss Seulgi hates cucumber."  Sabi ni Irene at napamura naman si Yeri dahil mukhang namatay ang character niya sa nilalaro niya. Habang si Joy naman ay nakangiti na tinapik tapik ang pisngi ni Wendy warning na umayos na siya ng upo.

 

 

Nasamid na naman si Seulgi sa iniinom niya for the nth time today kaya hindi na ito nakapagsalita. Biglang namula rin ang mukha na parang fresh picked tomato. 

 

 

Nag sorry naman ang waiter nang maibigay na nito ang order sa table nila Irene at tinanggap naman na nito ang sorry niya.  Of course, Wendy being the jolly person that she is ay siya na ang nag-initiate ng mga light topics para gumaan na ang mood ng lahat.

 

Hindi nagtagal ay napuno na rin ng tawanan ang mesa nila. Naubos ang oras nila sa tawanan dahil sa pang-aasar nila kay Yeri at panonood sa aso't pusang away nila Wendy at Joy at Irene and Seulgi na may pailan ilan na nahuhuling sumusulyap sa isa't isa.

 

 

 

 

 

Matapos nilang mag lunch ay nag excuse muna si Irene para mag restroom bago bumalik sa office building. Sumunod naman sa kanya si Joy at naiwan ang tatlo sa table na busy ubusin ang kanilang dessert.

 

 

 

 

"What was that, Irene?"  Panimula ni Joy habang tinitignan kung may iba pang tao sa toilet cubicle ng resto. Ang kausap niya ay unbothered pa rin na naghuhugas ng kamay sa sink.

 

 

"Hmm? Ang alin?"  Pagmamaang-maangan nito.

 

 

"Boss Seulgi hates cucumber. Kabisado? Girlfriend ka?"  Tanong ni Joy pagtapos gayahin ang tono na ginawa ni Irene earlier.

 

 

"Syempre, Joy. Kilala ko pa rin siya kahit papaano. Reflexes ko lang yon. Wag niyo gawing big deal."  Kalmadong sagot ni Irene.

 

 

"Sigurado ka? Hindi mo pinapaasa yung tao? Kasi basically, kinikilig sayo yung tao eh. Kung nakita mo lang kung paano yun nanigas sa upuan niya kanina you will laugh."  

 

 

"Yup, I saw it at natawa ako?"  Natatawang sabi nito habang tinatapat ang kamay sa dryer.

 

 

"Gago ka?! So, pinapaasa mo nga? Kasi alam mong lagi siyang pasimpleng bumubuntot at pumoporma sayo? Sigurado ka ba dyan, Irene?"  Nakasandal na ngayon si Joy sa pader tabi ng hand dryer with arms crossed.

 

 

"Sigurado saan?"

 

 

"I mean, sigurado ka ba na sa huli hindi ikaw yung mahuhulog? Tanga ka pa naman." 

 

 

"Bakit naman ako mahuhulog, Sooyoung?" Her eyebrow flinched.

 

 

"Bakit hindi? Si Seulgi pinag-uusapan natin dito ha. Hindi ibang tao. You don't fall in love easily, we all know that pero special case ito." Dagdag ni Joy

 

 

"I know you guys are worried about me and I love you for that pero kaya ko na siyang i-handle ngayon I swear." 

 

 

"Are you planning on getting back with Soojung?"

 

 

"Maybe? We'll see."

 

 

Joy saw the smirk on Irene's face kaya natulala ito and when she realized it, nakatakbo na ito palabas ng rest room at pabalik na sa table nila

 

 

 

"What the , Irene?! Bumalik ka rito di pa tayo tapos mag-usap!"  Mahinang sigaw nito, nilingon lang siya ni Irene at tinawanan. 

 

 

 

 

Oh my god. This is going to be so messed up. Yerms, what are we going to do? Napatitig na lang si Joy sa salamin nang ilang minuto bago bumalik sa table nila at sabay sabay na silang bumalik sa office.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
897 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
897 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.