Unexpressed Emotions Will Never Die

Sa Bulong At Mga Alaala

 

 

It's a busy afternoon in the office and nasa storage room kami ni Joy ngayon because we were assigned to organize some important documents, hardcopies ng mga reports, marketing proposals, contracts, etc., at sobrang bored na kaming dalawa rito pero hindi kami pwedeng lumabas hanggat hindi ito tapos kaya naisipan muna naming mag chismisan.

 

 

 

"Unexpressed emotions will never die. They are buried alive and will come forth later in uglier ways by Sigmund Freud. Meaning there is no finality to their impact until they have surfaced and then been put to rest in the proper setting."  pagre-recite ko ng nabasa ko sa google habang nakatayo sa harapan ni Joy na napatigil sa pagse-selfie sa couch.  

 

 

"Yerms, you think sasabog to lahat later on?"  Sambit ni Joy na ngayon ay chinecheck at dinedelete na niya ang mga selcas na hindi pumasa sa taste niya. 

 

 

"Anong 'you think?' ayon talaga ang mangyayari kung itutuloy ni unnie yang kung anumang plano niya." Pagbitaw ko na may halong anxiety dahil sa turn of events. 

 

 

Mula nung team dinner ay nawala na ang tension doon sa dalawa at mas komportable na silang nakakapag usap. Hindi naman sa ayaw namin, matutuwa sana kami kung maco-confirm naming genuine itong pakikisama ni Joohyun unnie kay Seulgi unnie. Natatakot kami pareho ni Joy dahil nung huling beses siyang nag vent out sa amin ay galit na galit siya at kulang na lang ay ipasunog niya nang buhay yung tinutukoy niya. 

 

 

"Kausapin kaya natin ulit si Joohyun? What do you think?"  Tanong namin ni Joy.

 

 

"Hindi tayo pakikinggan no'n kung naka-sure mode na siya. Alam mo naman ang ugali no'n." Sagot ko sa kanya. Nalilito na rin ako kung ano ba ang dapat naming gawin sa kanilang dalawa dahil pinagbantaan na rin kami ni unnie na 'wag nang makialam at hayaan na lang muna siya.

 

 

Sinusunod lang namin ang hiling niya and we just gave her a warning sa mga posibleng mangyari kung anuman talaga ang plano niya. Walang nakakaalam ni isa sa amin ni Joy ng next step niya kundi siya lang.

 

 

 

"Hmm, what if you talk to Seulgi?" Suggestion ni Joy.

 

 

"It's not that easy, Joy. Tinitimbang ko pa silang dalawa and maski ako ay confused sa nangyayari kasi parang hindi niya ako naaalala na oo. Ikaw ba kapag mahigit isang dekada mo hindi nakita ang isang tao makakalimutan mo siya fully?"  Nakita ko ang pag-iling ni Joy.

 

 

"Maaaring di kita makilala sa umpisa pero pag nagpakilala ka na, maaalala ko na rin lahat agad."  Tumigil na siya sa pagpopose sa camera niya at nagsimula na rin mag-ayos ng files sa mga boxes na nakakalat sa sahig. 

 

 

"Exactly! May mga instances na naaalala niya si Joohyun unnie, alala mo yung sa orange and pink skies diba? Saka napapansin ko minsan na nakatitig lang sa akin ni Seulgi uunie tapos bigla siyang iiwas ng tingin? Kaya mas lalo akong nalilito sa mga nangyayari."  Dagdag ko.

 

 

"Sa tingin mo ba, nagpapanggap lang siyang hindi big deal yung pag-alis niya dati? Tapos ngayon, bumalik siya like nothing happened para hindi na pag-usapan yung dati kasi gusto niya na malapit ulit sa inyong dalawa?"  Tanong niya at ngayon ay unti-unti nang nababawasan ang mga nagkalat na mga folders sa paligid namin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita...

 

 

"Alam mo sobrang nagtitimpi lang ako sa office tuwing nakikita ko siya. Every time she smiles, gusto ko siyang batuhin ng kahit anumang mahawakan ko. Pasalamat siyang sinabihan tayo ni Joohyun na wag gumawa ng kahit ano e."

 

 

"I agree with you! Hindi mo lang alam kung gaano ako kagigil d'yan. Pinipigilan ko na lang ngang makipag-usap sa kanya kasi baka kung ano pang masabi ko, mawalan pa ako ng trabaho."  Dagdag ko kay Joy habang nagpadabog na naglalagay ng folders sa mga boxes. 

 

 

Napatigil ako at napalunok bago muling magsalita

 

 

"Pero you know what, Joy...Sa pagkakakilala ko kay Seulgi unnie dati, she was not a good liar eh. Even sa pagtatago ng suprises, nahuhuli siya ni Joohyun unnie. Alam mo bang kaya ako napasama sa kanila ay dahil sinave niya ako sa mga school bullies ko before, tapos lagi nila akong iniinvite tuwing lunch at uwian para kumain."

 

 

Pumikit si Yeri bago magpatuloy, "Those two practically raised me. Tinuring nila akong bunsong kapatid. Seulgi unnie made sure na naglalaro kami from time to time kasi para raw hindi ko ma-miss ang childhood ko. That's why I promised myself na aalagaan ko sila kapag kaya ko na. Kaso bigla siyang nawala isang araw kaya mas nag-stick ako kay Joohyun unnie dahil laging bilin ni Seulgi unnie na ako raw dapat mag-aalalaga kay Joohyun unnie kapag wala siya."  Tumahimik kaming dalawa not knowing what to say next.

 

 

Sabay kaming napabuntong hininga.

 

 

"What should we do then?"  Joy throws another question.

 

 

"If it's not hurting them then hayaan na muna natin sa kanila. Nawalan sila ng 12 years. hayaan muna natin silang mag-catch up and  to figure out how to address the elephant in the room. Let's not overthink about Joohyun unnie pero lagi pa rin tayong aalalay."  I said as we both nodded in unison. 

 

 

 

"I'm just worried about Joohyun kasi alam natin how fragile she is especially with that Seulgi girl. Naalala ko yung first time niyong inopen up sa akin ito and when I first witnessed how wasted she was nung aksidente naming nakita si Seulgi 2 years ago. At first, hindi ko pa siya maintindihan kasi she has a long term girlfriend, committed naman siya at kita naman natin yun sa pakikitungo niya sa ex niya pero everytime she gets drunk ibang pangalan na ang hinahanap niya. Na-unfair-an lang ako para doon sa ex niya pero nung nalaman ko na lahat, naintindihan ko naman siya. Kasi how can you move on nga naman talaga sa isang taong hindi mo sure kung nag-exist ba talaga sa buhay mo o guni-guni mo lang ba siya dahil hindi mo alam bakit isang araw paggising mo wala na yung tao. You would ask yourself eh, was she really here? Or you just had a great dream na sobrang vivid kaya akala mo totoo. The curse of first love."  Sabi ni Joy at ngayon ay chinecheck na ang oras kung lunch time na ba. 

 

 

 

"Yeah, naaalala ko pa na we had to make sure na naka-on ang gps niya pag randomly siyang nawawala para alam kung saan natin siya hahanapin. Those were the tough times. Grabe, nirerecall ko pa lang kinikilabutan na ako. It was a nightmare." Pag sang-ayon ko kay Joy at napahawak naman ako sa magkabilang braso ko because of the sudden goosebumps na naramdaman ko.

 

 

 

 

"Disaster kamo. Umabot sa point na inexamine na natin yung pattern niya kung kailan siya posibleng mag relapse para ready tayo. Kasi minsan she's okay, distracted siya sa work then biglang isang araw, she's a complete mess. Umabot pa sa point na kailangan natin siyang paliguan sa sobrang ayaw niyang bumangon kasi nagbbreakdown for few days straight. Naalala mo yung handwritten letters niya noon na iniiwan niya sa mga random place hoping na makarating daw kay Seulgi? Oh God. Ayaw ko nang alalahanin. Itakas na kaya natin siya, magresign na tayong tatlo today? Natatakot ako bigla eh."  Joy said at bigla ko naman siyang binatukan.

 

 

 

"Akala ko ba hahayaan muna natin, ilang taon na si Joohyun unnie ngayon, siguro naman mature enough na siya para di na ulitin yung mga bagay na yon. Saka naka-move on naman na siya diba? Kaya nga pumasok na siya sa relationship nung naging okay na siya e. Sure akong mas marunong na siya ngayon. Let's trust her on this one, Joy. Nahandle niya yung break-up nila ni Soojung unnie, sure ako makakayanan niya rito ito if ever."  Sabi ko at tumayo na ako dahil tapos na ako sa task ko. Naayos na namin lahat ng papers dito sa storage room. Niyaya na niya akong lumabas para mag lunch. 

 

 

 

 

 

 

 

Pabalik na kami sa desks namin nang makita kong pabalik na si boss sa office niya mula sa desk ni unnie. Ano kayang pinag-uusapan lagi nitong dalawang 'to?

 

 

"Unnie, nag lunch ka na?"  tanong ko sa kanya at gulat na gulat naman siyang lumingon sa akin. SUS. I gave her a criminal offensive side-eye and she mouthed a "what?" kaya nagsalita ako ulit.

 

 

"Where'd you get your drink? Hindi mo pa ako sinabay? Grabe ka naman, anak mo ba talaga ako?"  Pang-aasar ko, mahuhuli rin kita.

 

"H-hindi, ano. Binigay lang 'to." Nauutal niyang sagot. Huli ka.

 

"May nagtreat ng coffee? Bakit wala kami?" Pag gatong naman ni Joy at ngayon nakalingon na rin sa amin si Wendy na naghihintay ng sagot. I stan the chismosavirus in this team. Grabe.

 

 

"Bigay ni boss. Sobra raw yung na-order niya kaya b-binigay niya."  I crossed my arms at her at bumitaw naman siya sa tingin niya sa akin at nagkukunwaring busy sa ginagawa sa pagccheck ng emails. 

 

 


 

 

Nagulat kami sa malakas na pag clear ng throat ni Wendy sa likuran namin at nang lingunin namin siya ay nginitian niya lang kami at bumalik na rin kunwari sa ginagawa. Nagkatinginan lang kami ni Joy at sabay na napailing kaya nagdecide kami to have our lunch break. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hay. Joohyun and Seulgi. Ano bang gagawin ko sa inyong dalawa? Tayo ba yung nagkapalit ng edad ngayon?

 


 

 

 

I hope this will end well for both of you and the three of us.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
898 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
898 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.