Road trip

Sa Bulong At Mga Alaala


Wednesday.

 


We're currently in a meeting preparing para sa launch of new clothing products sa paparating na christmas season. Bugbog kami sa kaliwa't kanang brainstorming and paggawa ng reports, halos lahat kami ay panay ang overtime to finish the tasks. 


Mas late akong umuuwi kaysa kanila Yeri. Pero mas busy si Seulgi lately. She starts her day with her back to back meetings, lalabas pa siya minsan tuwing 2pm then babalik to continue with her work.

 

Halos lahat ng ilaw sa office ay unti-unti nang pinapatay, kami na lang lima ang naiwan sa meeting room, at nag uwian na ang ibang teams. wrapping up our meeting for today.

 

 

We're about to go home nang biglang nag announce si Seulgi na we're going to Baguio for a 3-day meeting, sabi niya its best to go there para ma-feel namin yung weather at mas lalong makakuha ng ideas para sa ilalabas na products. 

 


"I can see that we are all exhausted dahil sa hectic schedules natin, ilan sa atin ay halos di na natutulog para lang mahabol ang deadlines. Kaya naman naisip ko na doon na tayo magbrainstorm para at the same time ma-relieve rin ang stress. Feel ko mas nasstress tayo tuwing nakikita natin tong office." Pagpapaliwanag nito. 

 

"Boss, kailan alis natin?" Tanong ni Yeri habang nakataas pa ang kamay nito. 

 

"Friday. Byahe tayo mga-- hmm, 4am? What do you guys think? Uwi tayo nang maaga ng thursday so you guys can rest pa." They all agreed sa sinabi niya. Natuwa naman ang lahat sa 3-day trip na to. 

 

 

Dinismiss na kami ni Seulgi at nauna nang umuwi yung tatlo. I stayed para mag clean up ng mga files sa table ng meeting room. Seulgi is probably fixing her things sa office niya.

 


I heard a faint knock sa glass door. "Yes?" tanong ko habang patuloy na nililigpit ang mga kalat sa table. Then I heard nothing. Then suddenly, I felt a warm pair of hands sa bewang ko.

 

I knew it was Seulgi bago pa ako lumingon. Nang hinarap ko na siya, she's staring deep down at me na parang ang dami niyang gustong sabihin. 

 

Na parang gusto niyang basahin ang mga iniisip ko.

 


I was staring at her trying to hold my breath. I am not sure if she could hear my heart racing. Aching. But at the same time, it's beating sweetly. I miss you, Seul... Glad I didn't say it out loud.

 


Her lips parted. I anticipated na may sasabihin siya but she closed it right away. Instead, she sighed softly and slowly leaned in to close the gap between us.

 

I tried so hard to suppress this longing. I yearn for her even when she's this close to me. Pakiramdam ko ay may malaking pader pa rin na nakapagitan sa amin. 

 

Hindi ako makapaniwala na itong taong to is still making my head spin after all these years na nawala siya. Should I just give in?

 

Should I let go of this decade-long grudge? Dapat ko na bang ilibing sa limot lahat ng tanong at magpanggap na hindi nangyari ang lahat ng nangyari...

 

All I want is to get even with her. Hurt her just like how she hurt me. In the past.

 

"I missed you, Hyun..." She softly whispered in between our kisses.

 

I placed my hands on her shoulders, pulling her closer. I smiled as I deepened our kiss.

 

She slowly pulled away at muli siyang nagsalita, "Can I come over? I can't sleep these days kasi di kita katabi. I can't wait for thursday. Hanggang dito lang ang kaya kong tiisin. Please?" Mukha siyang puppy na nagpapaawa.

 

Paano ko ba naman hihindian ang taong ito?

 


I giggled at her honest request. Tumango ako. Then she jumped excitedly like a kid. I smiled at the sight in front of me. 

 

 

Tinulungan niya akong maglinis para makauwi na kami agad. Niyaya muna niya akong mag dinner before we finally head home. 

 


I smiled at the thought of getting a reward after an exhausting day. Seulgi is my reward. Siya ang nag-aalis ng pagod ko. She keeps me going. 

 

 

The ride home was fun. We're just singing along sa mga kanta sa radio. She still had it in her. Yung mga cute antics niya. It felt like she never changed.

 

 

The way her face lights up kapag nagpplay yung mga gusto niyang kanta. Yung hilig niyang sumabay sa mga ito kahit minsan hindi niya alam ang lyrics. Her gestures, kunwari may hawak siyang mic. she's still the same Seulgi. The same one from years ago. 

 


And I can't believe she's now in the same space as me. I can look at her, touch her, kiss her, hold her hands...her face. 

 


Nandito na kami sa harap ng bahay ko. She turned off the engine of her car. 

 


She removed her seatbelt at dahan dahang lumapit sa akin to remove mine. She planted a kiss on my forehead after. I can't believe we can freely do these things now. We were so scared of people seeing us together back then--or baka ako lang. Seulgi fought for me every single time. She understood my fear. Maybe she got tired of it kaya siya nawala...

 


"Seulgi, where were you--?" I asked the moment na sumandal ito sa upuan niya. Nilingon niya ako. Nakatitig lang sa akin. She looks confused. 

 


"Where were you all this time..." mahinang sabi ko.

 


"Does it matter, Hyun? I'm here now." She smiled softly. 

 


She dodged my first question. I see. 

 

 

"We're here na..let's go?" Sabi nito habang inaabot ang kamay ko na nakapatong sa lap ko.

 

Tumango ako then I turned my back on her para buksan ang pinto ng kotse. 

 

We walked hand in hand papasok sa bahay.


---

 

"Good morning, boss. Good morning, Irene." sabay sabay na pagbati nina Joy, Wendy and Yeri sa dalawa nang makita nilang sabay itong pumasok sa floor nila.

 

Dumiretso ng upo lang si Irene at ngumiti lang si Seulgi sa kanila bago ito lumagpas sa desks nila papunta sa office niya. 

 

"Ano, teh? Sabay na naman kayo pumasok? May sunduang naganap?" tanong ni Yeri habang naka-cross arms.

 

"Anong sunduan? Baka sundut--" bago pa maituloy ni Joy ang pang-aasar niya ay sinabunutan na siya ni Yeri. 

 

"Gaga! Pinagsasabi niyo dyan. Nagkasabay lang sa elevator sabay na agad pumasok?" Depensa ni Irene habang nagccheck ng mga papers sa desk niya na kailangang unahing gawin. 

 

Tahimik lang si Wendy na nagtatrabaho at pasimpleng pinakikinggan ang usapan nung tatlo, hindi pa rin mawala sa isip nito ang sinabi ni Joy sa kanya.

 

Tumayo muna siya at nagpunta ng pantry para magtimpla ng coffee. Maya-maya pa ay nasa likuran niya si Irene.

 

"Hi, Wendy." Bati ni Irene habang naghahanap ng snacks. 

 

"Hello, Irene." pagbati ni Wendy kay Irene, humarap ito sa kanya at nag cocontemplate kung magtatanong ba siya kung ano ang status nilang dalawa ng kaibigan niya.

 

Paalis na si Irene para bumalik sa desk niya nang magsalita ito. "Irene..." at agad naman itong lumingon sa kanya, nakangiti, "hmm?" sagot nito.

 

"Wala, wala. Never mind." she scratched the back of her head.

 

"Are you okay?" tanong ni Irene sa kanya at kita ang pag aalala. "Yes, yes I'm okay!" she answers while waving her hands. "I just wanna ask...is Seulgi okay?" There she goes...

 

"What do you mean is Seulgi okay?" tanong ni Irene, napakunot naman ang noo nito sa narinig.

 

"I mean, okay lang ba kayo ni Seulgi? Okay lang ba siya? Di ko siya nakakausap lately so I just want to ask if things are okay" depensa nito.

 

"Okay naman si Seulgi, I think? Paanong okay ba? Is she sick or what?" pag uusisa nito. Waiting for Wendy to give her something. Anything about Seulgi.

 

"No, sorry, ayaw ko manghimasok pero I just want to know if you two are a thing now?" Sabay yuko ni Wendy dahil nahiya siya na kay Irene pa siya dumirekta ng tanong.

 

Anong magagawa niya eh Seulgi won't tell her anything. She's worried about Seulgi's condition. She's worried if may triggers ba si Seulgi when she's with Irene. 

 

Little did she know that the trigger was also the cure.

 

"Wan, she's okay. If you're asking kung ano kaming dalawa, hindi ko alam sa kanya. You can ask her." Sabay tapik sa balikat ni Wendy bago siya bumalik sa desk niya at iniwan niyang confused ang kausap.

 

---

 

"Hey, guys. Clock out na. Let's go home na para makapag impake na kayo." Excited na pag bati ni Seulgi sa team niya.

 

Agad namang tumigil sa ginagawa si Joy at Yeri at nag simula nang mag ayos ng mga desks nila para makauwi na. Nagkumpulan ang dalawa sa gilid ni Irene to pressure her na tigilan na ang reports na ginagawa.

 

 

On the other hand, Wendy went to the basement para i-load ang gamit niya sa kotse ni Seulgi nang di nagpapaalam.

 

Nakita nito na naka-ready rin ang luggage ng kaibigan and may isa pang luggage sa tabi nito which got her confused na bakit ang daming dala ni Seulgi for a 3-day trip.

 

Siniko ni Yeri si Joy para simulan ang kanilang pang iinis. Tumango sila sa isa't isa at sabay na nagsalita.

 

"Tulog kami sa bahay mo, unnie." They swear to god, nakita nilang halos mag snap ang leeg ni Irene at halos mawalan na ng kulay ang labi nito sa gulat sa narinig.

 

 

"H-ha?!" pagtaas ng boses ni Irene. "Wala ba kayong mga bahay?!" Dagdag nito. 

 

 

"E, para hindi na tayo maghintayan bukas edi dun na lang kami matutulog ni Joy." Depensa ni Yeri. "Bakit? Bawal na ba makitulog sa bahay mo? May kasama ka ba don?" Sarcastic na tanong ni Joy while glaring at Irene. Natawa siya nang umirap ito sa kanya.

 

 

Si Seulgi ay nakaupo lang sa chair ni Wendy at nagpapanggap na nagpphone habang nakikinig sa usapan nung tatlo. 

 

 

Lumapit si Yeri kay Seulgi at nilagay ang kamay sa balikat nito. "Edi sama na natin tong si Boss at Wendy unnie sa bahay mo, para wala na tayong problema diba? Boss?" Yeri gave Irene a playful smirk.

 

 

Hindi nila alam ay halo-halo na ang nararamdamang kaba at inis ni Seulgi. Akala niya ay masosolo niya si Irene tonight. Akala niya lang.

 

 

Pag balik ni Wendy ay sinabi na nila ang balitang sleepover at natuwa naman ito sa narinig.

 

 

"I was about to suggest it pa lang na baka gusto niyo sa bahay ni Seulgi na lang." Si Seulgi naman ang halos mag snap ang leeg sa narinig sa kaibigan.

 

 

"Bahay mo ba yon? Ikaw na nag-invite?" Sagot ni Seulgi na nagpatawa doon sa apat.

 

 

"Bakit? Uwian mo naman yung bahay mo, pinuntahan kita kagabi para sana ihatid yung luggage ko sa kotse mo pero you weren't there." Walang prenong bibig yan Wendy, sa isip-isip ni Seulgi kaya pinang lakihan niya ito ng mata. As if may ilalaki pa ang mata niya. Napalingon sila kay Irene na halos umiyak na sa pagkasamid. 

 

 

Naisip ni Irene na may traces pa ni Seulgi ang bahay niya kaya nagsalita ito, "Siguro kay boss na lang tayo tonight, maiba naman." mahinang sabi nito. Nag agree naman ang lahat and it left Seulgi speechless. Napakamot na lang ito sa batok niya. 

 

 

"Fine, tara na. magsiuwi na tayo." at sabay sabay na silang bumaba sa parking. 

 

 

----

"Saan kotse mo, Irene?" Tanong ni Joy. 

 

"Wala, nag grab ako kanina." matipid na sagot ni Irene, few words-less mistake ika nga.

 

"Bakit?" Dugtong ni Yeri.

 

"Tinatamad ako mag drive." mabilis na palusot nito at aksidente itong napatingin kay Seulgi na bigla namang umiwas ng tingin sa kanila.

 

 

"Buti pala dala ko kotse ko today." Aniya ni Joy. Maya maya pa ay nagsalita ulit ito habang hinahanap ang car key nito. "Wait, kung nag-grab ka kanina tapos hindi ka uuwi sa bahay niyo? Nasaan luggage mo para bukas?"

 

 

Silence...tumigil silang lahat sa ginagawa at lahat ay naka abang sa sagot ni Irene. Even Seulgi. She knows she needs to think faster. 

 

 

"Uhm, nasa car ko. Nakilagay siya k-kanina...kaya sabay kami sa elevator pag-akyat" Sagot ni Seulgi at tumango naman si Irene

 

 

Then they both heard a collective "Ohh". 

 

 

. Nahuli ba kami? Why are we even hiding?

 

 

 

Nang sasakay na si Irene sa kotse ni Joy ay biglang siyang tinawag ni Wendy. 

 

"Joy, bili muna kaya tayong dinner natin? The three of them can go home na." Suggestion ni Wendy habang sumesenyas kay Joy na lumapit sa kanya.

 

"Seulgi, lipat ka na dun kila Yeri para ma-navigate mo sila papunta sa bahay mo." Tumango lang si Seulgi at naglakad papunta sa kabilang kotse.

 

 

Bago pa makasakay ay tinawag ni Wendy si Irene, she was about to open the door pero nilingon muna nito ang boses na tumawag sa kaniya.

 

 

"Irene, pwede ikaw na mag drive? Don't let Seulgi drive muna. Wala akong tiwala dyan eh." Pabirong hirit nito. Hindi naman nagreklamo si Seulgi at dumiretso na ito sa shotgun seat at umoo naman si Irene bago buksan ang pinto ng driver's side.

 

Napapaisip pa rin si Irene why Wendy won't let Seulgi drive. 

 

 

---

 

"What? Why are you looking at me like that?" tanong ni Wendy kay Joy habang pabalik balik ang tingin sa daan at katabi nito. Joy kept on eyeing her pero di nagsasalita. "Like what? Like i'm in love with you ganon?" Sagot ni Joy causing her driver to choke on her own saliva. Inabutan niya ito ng water. 

 

"Gaga. Asa ka. Kanina mo pa ako tinitignan pero di ka umiimik." Paliwanag ni Wendy. Nakita niya sa gilid ng mata niya na umayos nang upo si Joy at humarap sa kanya.

 

"Bakit mo pinagsama yung tatlo?" Joy started.

 

"Why not? Pinauna ko lang sila. Kung kayong tatlo magsasama then kami ni Seulgi bibili ng food paano kayo pupunta sa bahay ni Seulgi?" cinommend ni Wendy ang sarili niya sa smooth ng palusot niya. 

 

Tumango tango si Joy. May point naman. Maybe she's just overthinking. 

 

"Then why won't you let Seulgi drive? Laging ikaw or lagi mong ibinibilin na maging passenger lang siya eh this is her car?" Panibagong bato ng tanong ni Joy. How will Wendy dodge this question.

 

 

"Medyo severe ang migraines niya lately, for safety na rin." Nagulat si Joy sa narinig. She nods at the answer, making her satisfied.

 

 

Nakarating na sila sa grocery parking. Nagkasundo sila na dito na bibili ng dinner and groceries para sa trip nila. 

 

----

 

"Hey, Joy? Ano pa bang kulang? Complete na pati toiletries natin. May gusto ka pa bang snacks na idagdag?" Pagtawag ni Wendy kay Joy habang nakatutok sa phone at dinodouble check ang grocery list. 

 

 

"Joy?" Wala na pala ang kausap nito. Tulak tulak niya ang cart papunta sa kabilang isle nang makita nito ang kasama na may kausap na tila pamilyar na mukha. Masaya na nag-uusap ang dalawa base sa expression sa mga mukha nito. 

 

 

"Doc Krys?"  pag-aalangan na tanong ni Wendy, lumapit pa ito nang kaunti to take a closer look. "Doc Krys!" masayang bati ni Wendy habang tulak ang cart papalapit sa dalawa.

 

 

"Hi! Ms. Wendy!" Pagbati ni Soojung. Napalingon si Joy sa ngayon ay nasa tabi na niyang si Wendy. Sa gulat na kilala pala nito ang doktor. Nagsalita itong muli.

 

 

"Wow, magkakilala rin pala kayo ni Sooyoung. How's Ms. Seulgi? Is she getting better na?" Causing Wendy not to know if she's gonna answer it or not. Marahan na tumango lang ito.

 

 

"Seulgi? You mean our boss?" Pagsingit ni Joy dahil nakita nitong hindi nakasagot ang kasama.

 

 

"Boss niyo si Ms. Seulgi?! Woah small world." Amazed na sabi ni Soojung. Lumingon lingon ito sa paligid parang may hinahanap. "By the way, where's Joohyun and Yerim?" Tanong nito.

 

 

"Oh, wala, kami lang dalawa ang nag grocery, may out of town work kasi kami kaya ito namimili kami ng mga kailangan." Joy answered while she double checks the grocery list making sure na walang nakalimutan. They're now good to go.

 

 

"Looks like you guys are good with your list. Kailangan ko na ring mauna't babalik pa ako ng hospital in a few. See you around, Sooyoung, i-greet mo na lang ako kay Joohyun and Ms. Wendy, remind Seulgi na maghinay hinay sa stress."

 

Paalam ni Soojung then she gave the two women a side hug at tuluyan nang nagpunta sa cashier para magbayad. 

 

 

"See you around, Soojung.", "See you around, doc Krys." Halos sabay na paalam nung dalawa.

 

 

 

Napaharap ang dalawa sa isa't-isa. Both left them speechless. Trying to contemplate kung ipapaliwanag ba nila sa isa't isa. Para makapag-isip isip ay nag dine in muna sila at magttake out na lang ng food para doon sa tatlo. 

 

 

 

"Should we talk about it, Joy?" tanong ni Wendy matapos ang mahabang katahimikan at paulit ulit nitong nilalaro ang pagkain sa harap niya. Hinampas naman ni Joy ang kamay nito nang makita ang ginagawa niya.

 

 

"I don't think that's a good idea. It's not our story to tell." Joys says as she lifts her head to look at the woman in front of her.

 

 

They both nodded. Tama, it's not their story to tell.

 

 

They chose a quiet ride back home but not to the point na paghihinalaan silang may problema nung mga naunang umuwi kaysa sa kanilang dalawa. They're good at pretending that nothing happened few hours ago.

 

 

 

Si Irene at Seulgi na ang nag volunteer mag ayos ng mga dadalhin nila bukas, si Yeri nasa guest room na at nagpapahinga. 

 

 

Seulgi has a big space for someone who lives alone kaya hindi magiging problema ang magpatuloy ng mga bisita sa bahay nito. She has 3 guest rooms. She doesn't have any friends in mind nung umuwi siya rito sa Pilipinas na maiimbitahan niya sa bahay niya pero it's a good thing na mayroong space just in case. Para sa mga ganitong pagkakataon, for example.

 

 

"Joy, you think it's okay?" bulong ni Wendy kay Joy na tutok sa phone. Nakaupo lang sila ngayon sa couch at pinapanood mag-ayos ng gamit sa kitchen yung dalawa.

 

 

"Yung kanina? Okay naman sila ngayon, I don't think we're close enough to share these personal info sa isa't isa." She answered coldly.

 

"Sabagay. Do you think they're gonna be okay?" Pag-aalala ni Wendy. 

 

 

"If it's getting out of hand then sige pag-usapan natin. With Yeri." Sambit ni Joy who's now giving her full attention to Wendy. Napapansin niya na nag eenjoy siya nitong mga nakaraan na titigan ang mukha ng kaharap niya and she's even unaware na iyon pala ang nararamdaman niya. 

 

 

Tumango lang ang kaharap niya, "With Yeri, of course." 

 

 

 

As much as they want to help them, they want them to figure everything out by themselves. Ayaw nilang makagulo sa utak nung dalawa. Nandito lang sila para umalalay. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybaebae
Writer’s block is real wooh i survived! I’m currently writing the next chapter!


How’s everyone? I hope you guys are okay!! And excited for 1RENE! :))

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 22: update po ulit author 🤗
eunxiaoxlove #2
Chapter 22: Ooohhh
RVSone0105
898 streak #3
Chapter 22: Haist they're both confusing though!! Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Seulgi na wala siyang maalala sa nakaraan niya, hindi ung hot & cold sila sa isa't isa
Ireneverland
#4
Chapter 21: bookmarked this for so long, ngayon ko lang binasa, and gosh!!! ang ganda ng story at pagkakasulat! anticipating the next update! thank you, author.
moksy12 #5
Chapter 21: otor*
moksy12 #6
Chapter 21: huhu when kaya ulit to it or 😔
moksy12 #7
Chapter 21: waiting pa din author
AnneTokki #8
Chapter 21: Aww, waiting for new updates soon🥺🥺🥺🤧✨✨✨✨, please JooHyun be patient.
carlaforniagirl #9
Chapter 21: Finished re-reading this. Thank you otor for the update! Love your story
RVSone0105
898 streak #10
Chapter 21: Ohh sana magkita-kita sila sa baguio, para malaman na ni Joohyun ang totoong nangyari kay Seulgi. Since nabanggit naman ni Krystal sa kanya na may patient siyang may amnesia for 12 yrs and maconnect niya ang dot na Seulgi ang tinutukoy ni Dra. Jung na patient niya.