Chapter 37 (A)
Anghel ni Seulgi
Pinilit itago ni Seulgi ang inis niya pero alam niyang nahalata ito ni Joohyun.
"Hindi na. Sige una na ako ah." pagtanggi ni Seulgi. Hindi na niya tinignan pa si Joohyun at naglakad ng mabilis papuntang parking.
Pagdating niya sa parking lot di na niya maitago pa ang inis kaya sinipa niya ng malakas yung unahang gulong ng kotse niya.
Nagulat sila Byul at Lisa na nakaidlip na kakaantay kay Seulgi.
"Wooooah! Ano yun?!" tanong ni Byul habang bumababa ng kotse.
"Tol, palit tayo. Kaya mong magdrive?" tanong niya kay Byul.
"ha? Sige. Anong nangyari, tol? San si Joohyun?"
Hindi sumagot si Seulgi at umupo na lang sa shotgun seat.
Pagstart ni Byul ng kotse ni Seulgi ay sabay namang dating ni Suho at Joohyun. Kitang kita nila kung paano ipagbukas ni Suho ng pinto si Joohyun at kung paano nginitian ni Joohyun ang lalaki. Sa harap umupo ang ex-girlfriend ni Seulgi.
"Tara na." mahinang sabi ni Seulgi. Sobra na yung inis na naramdaman niya kanina ayaw na niya itong madagdagan pa.
"Tol?" tawag ni Lisa kay Seulgi. "gusto mong uminom?" aya nito. Aaliwin na lang nila ang kaibigan. Ramdam nila yung pinagdadaanan ni Seulgi kaya dadamayan nila ito.
"Tara! Sabado naman bukas. Ano, 'tol?" tanong ni Byul.
"Kayo bahala." mahinang sagot ni Seulgi.
"Tangina. Dami na nainom ni Seulgi." sabi ni Lisa kay Byul.
"Hayaan mo siya para mailabas niya yang nararamdaman niya. Feeling strong lang yan pero alam ko gumuguho na yan sa loob."
"Sabayan na lang natin?" tanong ni Lisa.
"Pucha. Sige bahala na. Magpaumaga na lang tayo para nasa wisyo na ako magdrive pauwi. Libre mo ko kape ah."
"Oy gago, no to DUI tayo dito." pagtanggi ni Lisa.
"Sige na nga pasundo na lang tayo kay Papa mamaya para makainom din ako." sabi ni Byul.
Lagpas midnight na pero tuloy pa rin si Seulgi sa pag inom. Hindi alam ng mga kaibigan niya kung anong tumatakbo sa isip niya dahil hindi naman ito nagsasalita mula kanina pagdating nila.
"Seulgi, hinay hinay. Puro inom di ka namumulutan malalasing ka agad niyan." warning ni Byul.
"Gusto ko na ngang malasing para di ko maalala yung kanina." mahinang bulong ni Seulgi.
"Tol, ano ba nangyari?" tanong ni Lisa.
"Ayun kay Suho sumama samantalang ako yung matiyagang nagantay sa kaniya."
Tahimik lang yung dalawa. Nakita rin kasi nila yung pagsakay ni Joohyun sa kotse ni Suho kanina. Mukhang masaya pa nga si Joohyun.
"Inaya pa ko nung Suho na yun na sumama sa dinner nila! Inaasar ba ko nung gago na yun, 'tol?"
"Di naman siguro. Wag ka muna magisip ng kung ano ano diyan baka nagkaayaan lang." sabi ni Lisa.
"Kahit na ang point ko tinanggihan niya yung alok kong ihatid siya pauwi tapos pinili niyang sumama dun kay Suho. Ganun na ba talaga kaayaw ni Hyun sa existence ko kaya kahit di naman sila close ni Suho dun pa rin siya sumama?" malungkot na sabi ni Seulgi.
Kung ano anong naiisip ni Seulgi kaya mas pinili na lang niyang uminom para hindi na lumipad ang isip niya. Hindi kasi nila nakita na nasa loob din ng sasakyan sila Wend, Joy, at Kyungsoo kaya ang tumatak sa isip niya ay si Joohyun at Suho lang ang magdidinner.
Nasa private room sila Seulgi ng Turtles KTV, isang karaoke bar sa may West Ave. Dun nila napiling uminom para may sariling kwarto sila at hindi makasalamuha ang ibang tao para kung sakaling magdrama man si Seulgi ay tago sila sa publiko.
Alas dos ng madaling araw tuloy pa rin si Seulgi at Lisa sa pag inom habang si Byul ay malapit ng sumuko.
"Hoooy, nashabihan mo na ba shi Tito na shunduin ta...yo?" tanong ni Lisa kay Byul.
"Shiiii...oo nga pala. Tawagan ko shi papa." kinuha niya yung cellphone niya pero bago siya maka-dial ay napayukyok na lang ito sa leather couch at nakatulog.
"Tanginamo, Byul." minura ni Lisa si Byul.
"Toool! Gishiiing ka diyan. Tawagan mo shi Titooo." nasisinok pa si Seulgi habang kinakausap ang tulog na si Byul pero hindi na ito nakasagot.
"Hehe weak mo, gago." sabi ni Seulgi. Kinuha niya yung phone niya para tumawag ng susundo. "Lishaaa, ako na tatawag ng shundo natin." proud na sabi ni Seulgi.
Pinagmasdan ni Lisa ang kaibigan habang may tinatawagan. Inisip niyang si Tita Cherry ang tinatawagan nito dahil wala naman siyang ibang pwedeng kontakin sa oras na yun.
"Hellooooo, Hi!" masayang bati ni Seulgi sa kausap niya. "Pwede mo ba kami shunduin nila Lisha dito sa Turtlesh. Di ko alam bakit Turtlesh tawag dito wala naman pagong, mahal." nakangiting sabi ni Seulgi.
Nanlaki ang mga mata ni Lisa nang marinig niya yung salitang mahal, parang biglang nawala yung espiritu ng alak sa buong pagkatao niya. "Tangina naman, Seulgi. Bakit mo tinawagan si Joohyun?!" inagaw niya kay Seulgi yung cellphone at kinausap si Joohyun.
"ehem ehem. Classmate? Wag mo pansinin si Seulgi. Akala ko kasi si Tita Cherry tatawagan niya eh. Sorry, sige matulog ka na." ibababa na sana ni Lisa yung tawag pero nagsalita pa si Joohyun.
"Nasan kayo, Lisa? Lasing na lasing na ata si Seulgi." nagaalalang tanong ni Joohyun.
"Ah nandito kami sa Turtles nagkayayaan lang uminom. Oo, lasing na nga 'to pero akong bahala. Inom na lang siguro akong kape para ma-drive ko 'tong dalawa pauwi. Bagsak na rin kasi si Byul. Sorry sa istorbo ah."
"Lasing ka rin ata, Lisa. Antayin niyo ko diyan. Magtaxi na lang ako papunta tapos dun na rin tayo sumakay pabalik. Wag kayong aalis diyan."
"Naku, bad move yon classmate! Magagalit si Seulgi pag pinalabas kita ng ganitong oras. Ako na bahala dito. Good night!" binaba ni Lisa ang call at tsaka in-off ang phone ni Seulgi para hindi na ito makatawag ulit kay Joohyun.
"Seulgi, tangina drunk call pa sa ex sige. Lalabas lang ako order akong kape sa counter. Dito ka lang." sabi ni Lisa. Para na siyang nahimasmasan sa gulat niya kanina sa tawag ni Seulgi kaya magkakape na lang siya para makauwi sila. Nainis pa siya habang palabas dahil siya itong against sa pagdadrive ng nakainom pero siya mismo ang gagawa nun ngayon.
Paglabas ni Lisa nadala niya ang phone ni Seulgi. Hindi niya namalayang naiwan niya ang sariling phone sa table nila.
Ang sakit sakit na ng ulo ni Seulgi dahil sa alak pero hindi niya magawang matulog. Pagpipikit siya ay mukha ng kaniyang anghel ang nakikita. Lalo pang sumakit ang ulo niya nang umalingawngaw ang ring tone ng cellphone ni Lisa sa table. Wala sana siyang balak sagutin ito pero nakita niyang si Joohyun ang tumatawag.
"Hello? Lisa?"
Comments