Simula ng Kalbaryo ni Jisung
My Troll Daughter's BoyfriendJisung’s POV
Alam niyo ‘yung feeling na mapagkaisahan ka?
‘Yung hindi ka man lang makasingit sa katatanong?
Ergh! Grabe talaga kagabi, pinagkaisahan ako ng labing-isa kong tito. Tinawag-tawag pa nila akong princess pero para akong si Cinderella na inenterrogate ng evil step sisters at ang evil step mom ko ay si Jongdae.
Hay~
Ngayon pa lang, nararamdaman ko ng zero lovelife ako.
Ang higpit ni Papa. Hinihingi pa lang naman ‘yung number ko saka hindi kaya ako easy to get.
Naku, bahala na. Whether he like it or not, ibibigay ko number ko.
Mag-World War III na, I will decide for myself.
End of POV
Minsan talaga ay lumalabas ang dugong Jongdae ni Jisung. May pagkamatigas ang ulo ni Chen at mukhang ito ang talagang namana ng dalaga.
Halos hindi nga mag-usap ang mag-ama pagkauwing-pagkauwi galing ng party.
As usual, mediator si Shiwon habang panggulo ang kambal.
Natulog na lang si Jisung na naiinis sa nangyari at ngayong umaga ay tila bad vibes siya kaya hindi na niya hinintay ang best friend niya.
Flashback
“Papa, it’s not what you think of. Hinihingi lang naman ang number ko. Kaibigan lang.”
“Hay naku, diyan nagsisimula sa pagkakaibigan hanggang sa magkaibigan kayo.”
“Base from experience!” singit ni Chanyeol.
Binatukan naman ni Baek si Yeol dahil seryoso na ang usapan ay nakukuha pang manggatong.
“Papa, don’t you trust me? I’m not a kid anymore.”
Napailing si Chen habang ang kanyang mga kaibigan ay panay ang lunok sa isang tabi. Dakilang ususero talaga ang labing-isa na sinubaybayan ang bawat drama ng mag-ama.
“18 ka pa lang Jisung. Nasa high school ka pa.”
“I won’t argue anymore. I want to go home.” Iniwan ni Jisung ang ama at ang kanyang mga tito para puntahan sa loob ang mama niya.
Dali-daling lumapit ang labing-isa kay Chen.
“Grabe ka naman pre. Sobrang higpit mo.” Puna ni Yixing.
“Hayaan mo na, nag-iingat lang naman si Chen.” Pagsang-ayon ni Suho kay Chen.
“Pero, hindi kaya lalong kumawala si Jisung sa paghihigpit mo?” tanong ni Kyungsoo.
“Natural lang naman sa kabataan ang magkagusto sa opposite eh.” Dagdag ni Sehun.
Natawa naman sa gilid niya si Tao at sinabing, “Naks, humuhugot ang bunso.”
“Eh kung hugutin ko kaya eyebags mo hyung?” banta ni Sehun.
Siniko ni Luhan ang dalawang nakababata, “Itigil niyo ‘yan.”
Tahimik lang si Chen habang pinakikinggan ang sinasabi ng mga kaibigan.
“Chen, hinay-hinay baka masakal si Jisung.” Payo ni Xiumin.
“Bantayan mo na lang siya.” Dagdag ni Chanyeol.
“Bantayan?” tanong ni Chen na malalim ang iniisip.
Inakbayan naman ni Baekhyun si Chen at sinabing, “Ah! Alam ko na, pabantayan natin kay Taehyung. Total, magbest friend naman ang dalawa.”
Sumang-ayon naman ang iba at ganoon rin si Chen.
“Mapagkakatiwalaan naman si Taehyung eh. O sige. Pakisabi na lang sa pamangkin mo ang plano.”
Nag-aprub sign si Baekhyun, “No problem. Ako bahala.”
End of Flashback
“Hay~ nakakasira talaga ng araw ang nangyari. May quiz pa naman kami ngayon.” Bulong ni Jisung sa sarili niya.
Binilisan ni Jisung ang pagpepedal para makarating siya agad sa school. Makakapagreview pa siya ‘pag nagkataon. Nagbibisekleta lang si Jisung kapag siya ay pumapasok para makatipid, total malapit lang naman agn school sa kanila.
“SUNGIE!!!”
Napalingon si Jisung sa likod niya at nakita niyang mabilis na humahabol si Taehyung sa kanya.
Nagpabagal ng kaunti si Jisung para maabutan siya nito.
“Grabe ka! Hindi mo man lang ako hinintay.” Angil ni Taehyung na hinihinigal sa tabi ni Jisung.
Napasulyap naman si Jisung sa kanyang gilid at sinabing, “Mantika ka kasi matulog. Palibhasa, hindi ka sanay gumising ng maaga.”
“’To naman, ngayon lang ako nalate ng gising tapos sinusungitan mo na ako?”
“We have our quiz on our first subject. Ayokong malate.”
“Ang sabihin mo, kaya gusto mong pumasok ng maaga kasi hindi ka nakareview. Sa school ka pa lang magbabasa.”
BULL’S EYE!
Inirapan ni Jisung si Taehyung at saka nagpedal ng mas mabilis.
“Uy! Tignan mo ‘to. Ang sungit talaga.” Sinundan lang ni Taehyung si Jisung.
Naalala niya tuloy ang bilin ng tito niya bago siya pumasok.
“Pinapasabi pala ni Tito Chen mo na bantayan mo raw si Jisung para sa kanya. Ikaw na bahala sa best friend mo. Huwag kang masyadong mahigpit ha.” Paalala ni Baekhyun sa kanya.
Eh kahit hindi naman sabihin nina Tito, binabantayan ko na naman siya noon pa man. Bulong ni Taehyung sa sarili niya.
Binilisan pa ni Taehyung ang pagpepedal para maabutan ang kaibigan. Inayos niya ang nalalaglag niyang eyeglasses.
Sa eskwelahan…
Nagmamadaling pumasok ng classroom si Jisung at ang naabutan niya ay si Sungjee na nakaupo sa kanyang upuan.
“O, bakit sambakol ang mukha mo Jisung?” tanong nito sa kanya.
Lumipat si Sungjee ng upuan at saka umupo si Jisung sa kanyang puwesto. Umiling lang si Jisung at saka binagsak ang mukha sa desk niya.
“By the way, binigay ko na kay Jungkook ‘yung number mo.”
Hindi pa rin umangat ang ulo ni Jisung. Sa halip ay yumuko ito lalo at sinabing, “Okay.”
“O bakit, parang wala
Comments