Magandang lalaki legends
NotesNagtipon ang mga bata sa tabi ni Chanyeol tahimik na ang lahat at handa ng makinig sa kaniyang kwento.
"Tungkol saan po yung kwento nayon tito yeol?"tanong ni KyuWon.
"Ahh....ngayon,tungkol sa alamat ng 'magandang lalaki'"sabi ni Chanyeol at natuwa lahat ng mga bata.
Nanahimik lang ang mga magulang nila sa isang tabi,pinagiisipan kung babatukan na ba si Chanyeol o pababaayaan lang siya.
"Dali daddy kwento mo na!"nae-excite na sigaw ng anak niyang si Kane.
"Oh sige...ganto yon...isang araw...November 27 non year 1993"umpisa ni Chanyeol habang matiyagang nakikinig sa kanya ang mga bata.
"Tapos po?"tanong ni Jongwon
"Tapos...may batang pinanganak non...Oh di inire siya ng nanay niya para malabas siya"tuloy ni Chanyeol
"Parang yung ginawa ni mommy nung pinanganak si KaiRu?"tanong ng nakakatandang anak nina Kai at Naru."Oo ganun nga!Tapos...lumabas na yung bata...ako yung bata...."sabi ni Chanyeol Gulat na gulat naman ang mga bata.
"TAPOS TAPOS TAPOS?"pangungulit ni MiXing.
"Ede nagulat lahat syempre...kasi..kakaiba daw yung bata eh...grabe!"
"May sakit ka po ba nung pinanganak ka?"tanong ni JaeSeok.
"Wala"
"Wala"
"sa utak hanggang ngayon meron"tahimk na gatong ni lay at natawa naman lahat.
"May kulang po ba sa katawan niyo dati?"tanong ni Kalista.
"Medj kinapos ng utak"biro ng ate niyang si Riseu at natawa na naman sila.
"Uhh..wala naman."sgot ni Chanyeol na di naririnig ang sinasabi nila.
"Eh bakit po?"tanong ng mga bata.
"Hindi nila talaga maexplain kung gaano ako kagwapo...Naiyak na nga yung nanay ko sa hirap eh...kaya ayun...inimbento nila yung salitang MAGANDANG LALAKI..."
"AHHHHHHHHHHHHH yun pala yun!"sabay sabay na sabi ng mga bata.
"Tama na lokohan,patulugin mo na yung mga bata"saway ni Nijin sa asawa niya.
"Tapos ngayon,yung magandang lalaki,may asawa na rin na magandang babae...tapos meron na rin silang magagandang anak"tuloy ni Chanyeol.
"Si tita Nijin po ba yung magandang babae?"tanong ni Mixing.
"Sino pa ba maganda dito?"mahinang tanong ni Yixing sa sarili ng makita niyang tumango si Chanyeol.
--
WN: Promise talaga marami akong gagawin hahahahahahahah eh wala eh.nangangamoy bulalo si yixing nu ba yan
Comments