sungjee and the chocolate factory

Notes
BEFORE ANYTHING I JUST WANNA SAY THAT I LOVE YOU WITH ALL OF MY HEART AND PLS DONT MURDER/DISOWN/MURDER ME sungjeebear kizzy ♥ [wrote murder twice bcs it was highly probable]

"Bakit ba siya ang gusto mo ha Yifan?"tanong ng bestfriend niyang AhRa habang kumakain siya ng lunch."Eh kasi nga,kakaiba daw siya.Ang saya daw niya ligawan tsaka--"sabi ni Yifan.

"So pag di mo na siya nililigawan,ayaw mo na siya?"tanong ni Ahra.

"Di pa kasi ako tapos sumasabat ka eh"sabi ni Yifan "matalino pa siya,maganda den tsaka mabait,ano pa ba hahanapin mo?"dagdag niya pa.

"Wow ang corny mo"binato siya ni Ahra ng tissue

"Yagit ka eh no?"pinitik ni Yifan ang tissue na naglanding sa table.

"Pero sige susuportahan kita sa gusto mo,may magagawa ba ko?"tawa ni Ahra.

Simula nung araw na iyon,Nagumpisa na ang official na panliligaw ni Yifan sa junior niyang si Sungjee.

Una niyang dinalhan si Sungjee ng flowers. Inabangan niyang makalabas ang dalaga galing sa student council meeting at nagabang siya sa labas ng classroom na may dala-dalang bouquet ng flowers.

"Sungjee para sayo"abot ni Yifan ng bouquet kay Sungjee.

Tinignan lang siya ni Sungjee. Nagkakilala naman na ang dalawa,yung kaibigan kasi ni Sungjee na si Ahra bestfriend naman nito ni Yifan.

"Aanhin ko yan?"pagtataas niya ng kilay. "Butterfly ba ko para makain ko yung nectar niyang mga yan?"sunod niyang tanong.

Napanganga si Yifan at narealize niya na oo nga no ano bang iniisip niya?

"Sorry"sagot niya nagsimula na siya maglakad umalis nang tawagin siya ni Sungjee.

"Teka"

Tumigil siya sa paglalakad at humarap ulit kay Sungjee.

"San mo dadalhin yan?"tanong ng dalaga.

"Sa trashcan"simpleng sabi ni Yifan.

"Alam mo ba na wala nang kukuha ng trash after school hours?So balak mo bulukin yan dito sa school?"tanong ni Sungjee "Akin na nga yan"inagaw niya ang bulaklak kay Yifan.

"Ang hirap maging Cleanliness Committee Chairman"iling niya bago siya pumasok uli para kunin ang mga gamit niya.

Kinabukasan ay hindi sumuko si Yifan. Nagisip siya buong gabi kung ano ba ang pwedeng iregalo kay Sungjee at nagclick na sa kanya. Kaya naman kinabukasan,habang hinihintay niya si Sungjee sa harap ng room ay may akap-akap siyang malaking malaking teddy bear. (Dalawang malaki kasi tangina malaki talaga LOL)

Muntik na tumawag si Sungjee ng animal rescue sa kaba pero nawala ito ng nakita na niya ang mukha ni Yifan.

"For you"sabi niya habang inaabot kay Sungjee ang bear. Color white ito at mukhang polar bear.

"Aanhin ko yan?5 years old ba ko para matuwa diyan?"tanong niya.

"Pero malaking polar bear to!Di ka ba natutuwa?"laban ni Yifan.

"Di ako mahilig sa polar bear di naman ako eskimo eh"sabi ni Sungjee. "Tsaka magaaccumulate lang yan ng alikabok."dagdag niya pa.

Talaga namang nainsulto si Yifan at nachallenge na rin sa mga sinasabi ni Sungjee. Palakad na ulit siya para itapon ang bear ng--

"Iiwan mo yan dito sa school?Pano pag may inatake sa puso pag nakita yan?"tanong ni Sungjee habang nakapamewang.

"Akin na ako na maguuwi,hay."Iling niya bago agawin kay Yifan ang bear. Medyo nagstruggle pa siya sa laki ng bear pero nakaya rin naman niya.

"Gusto mo hatid na kita pauwi?Ang laki niyan eh"alok ni Yifan.

"May naisip ka ring tama"hinga ni Sungjee at inabot niya uli kay Yifan ang bear bago kunin ang mga gamit niya.

Hinatid nga niya si Sungjee pauwi at dinala ang bear sa living room nila. Dun na niya napansin ang mga Charlie and the Chocolate factory toys.

"Oh,iho,salamat sa paghatid mo sa anak ko ah?Dito ka na kumain"yaya ng nanay ni Sungjee.

"Ma--"

Pinandilatan ng nanay niya si Sungjee at tumigil ang dalaga.

"Di na po,ok lang po"ngiti niya.

"Sige na,baka naabala ka pa ng anak ko,konti na lang naman at luto na,dito ka na kumain ha?"ngiti niya bago sila iwan ni Sungjee sa sala.

"Mahilig ka sa Charlie and the Chocolate Factory?"tanong ni Yifan kay Sungjee. Tinignan lang siya ni Sungjee.

"Obvious ba?" Sarkastikong tanong niya.

"Sabi ko nga eh"tango ni Yifan sa sarili niya.

Di na uli sila nagusap hanggang sa kumain na ng hapunan at umalis na rin si Yifan. Nang gabing yon,nakaisip na siya ng bagong paraan.Mga tatlong araw ring hindi nagpakita si Yifan sa labas ng classroom ni Sungjee at akala ng dalaga ay sumuko na siya. Sa totoo lang gusto naman ni Sungjee si Yifan,di lang talaga niya mapigilan ang pagigung praktikal at pagiging sarkastiko niya,natural na niya yon sa kahit kanino eh. Medyo nakakalungkot lang na hindi kinaya ni Yifan ang ugali niya,pero hindi siya ang nawalan.

Siya ang kawalan.

Laking gulat niya nang noong monday ay may lalaki na naman sa harap ng classroom niya. Pero hindi ito si Yifan. Hindi sila si Yifan

Isa yong grupo ng tatlong lalaking nakastripes na nakabihis na parang lovechild ng mga oompa-lumpa at ni Wheres Waldo.

Laking gulat niya ng bigla siyang abutan ng mga oompa-lumpa ng envelope.Binuksan niya agad ito at nakita niya na may golden ticket. Parang yung nakita ni Charlie nang mabili niya ang swerteng chocolate bar.

"What the--"gulong tanong ni Sungjee.

Nagumpisa kumanta ang apat at nagaksyon na parang namamangka at giniya ng isa si Sungjee na sundan sila. Kahit natatawa ay sumunod pa din si Sungjee.

Maya maya pa ay nakarating sila sa gym. Madaming chocolates sa floor at may mga props na gawa sa karton na mukhang mga machine. Meron ding chocolate fountain. Sa stage doon nakatayo ang isang lalake na mahaba ang buhok na nakasuit at tap-hat.

"Oh my gosh"excited na sabi ni Sungjee. "Si willie wonka"palakpak niya.

"Welcome to my factory"sabi ng lalaki sa stage.

Napakunot ang noo ni Sungjee parang kilala niya ang boses na yon.

"Kris"laking gulat niya nang pagharap ng lalaki sa stage na kamukha ni Willie Wonka ay si Kris pala ito.

Pababa na sana siya ng bigla siyang napatid sa stage. Imbis na tulungan ay tinawanan lang siya ng mga oompa-loompa niya,maging si Sungjee rin ay natawa bago siya lumapit at itayo si Yifan.

Nagkapasa ang tuhod ni Yifan at napunit ang kalahati ng slacks niya. "Pwede ba sagutin mo na ko?Tignan mo naman pinagdadaanan ko para sayo"biro ni Yifan habang umiiling sa sarili niya.

"Alam mo,"sabi ni Sungjee habang nilalabas ang first aid kit niya sa bag. "Gusto naman talaga kita,ayaw mo lang magtanong ng ayos,kung ano-ano pang kalokohan ginagawa mo"tawa niya habang nilalagyan ng bandaid ang maliit na sugat ni Yifan sa tabi ng pasa niya.

"Totoo?"tanong ni Yifan "gusto mo ko?totoo?Walang bawian?"ngiti niya.

"Wag kang paulit-ulit,pag ako nabwiset babawiin ko"tawa ni Sungjee.

Bigla namang pumwesto ang oompa-lumpa sa likod nila at kumanta,habang kumakanta sila ay sumasayaw sila na parang back-up singers sa movie na dream girl at pinapaulanan sila Sungjee ng candy.

--

Sorry pero si Baek,KSoo,Junmyeon at Minseok-ge talaga naiisip ko na oompa-lumpa((fck how do you spell that))
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
heyitsbabyjoojoo
#1
Chapter 32: PAU HAHAHAHAHA I CANNOT WITH YOU! Lol di ko inexpect na ganito to! Hahahaha this is gold!
missdauxian
#2
Chapter 31: nadaan sa Biology.. xD
cutterpillow
#3
Chapter 30: - Bat parang feeling ko totoo ung part na 3mos na ang nkkalipas, hndi pa dn ako nkka move on sa HiddleSwift? HAHAHAHHAHAHAHHA
- SANA JINSEOK NA LANG NAGKATULUYAN!!! HUHUHAHAHAHAHAHHAHAHHA
aiCa02 #4
Chapter 31: Kamoteng yan! Biology!
heyitsbabyjoojoo
#5
Chapter 30: Nabasa ko na! PAU OMG NAKAKATAKOT KA ANG STALKER MO MYGOSH PATI PAANO YUNG ROAD RAGE KO ALAM MO HAHAHAHA!Buti na lang mag isa ako ngayon kasi grabe tawa ko dito. Legit to hahaha!
heyitsbabyjoojoo
#6
Chapter 31: PUSH NATIN NA LOYAL KA PAU HAHAHAHA CHOOTTT CUTEEE HAHAHA BIO BA INARAL MO NUNG ISANG ARAW?
backtosquareone
#7
Chapter 29: HAHHAHAHAHAHA KALOKA KA TE.
heyitsbabyjoojoo
#8
Chapter 30: HAHAHAHAHA PAULA MAG COCOMMENT NA AKO KAHIT DI KO PA NABABASA BASTA MASASABI KO LANG PUTAAAAA HAHAHAHAHAHA I CAN SEE OUR COVOS HERE HAHAHAH
cutterpillow
#9
Chapter 27: HAHAHAHHAHAHAHHAHA. Amp, ang swabe ng damovesan netong dalawang to. =))))))) And XiuHan tho <3
missdauxian
#10
Chapter 27: Only then does Yixing take a look at the girl beside her.
"Where have you been all my life ate?"was his immediate thought.
Luhan knows that look in Yixing's face and he knows more than to shut up and let things take its natural course so he intervenes.

...cutie hahahaha!