the zones
NotesSa pagkatagal tagal ng buhay ni yifan,ilang beses na nga ba siyang nagkagirlfriend?tumatangginting na wala.
Bokya kumbaga NGSB pogi naman siya (medj deadly lang ang baba but pogi pa den!)Mabait naman siya (trip niya lang pumunta ng galaxy kaya medj weird)at higit sa lahat,nakakatawa naman siya (kruuu kruuu)
Balikan natin ang mga crucial moments ng buhay niya.
Wu Yifan,15,nagtapat sa BFF niyang si Choi Ahra.
"Best"tawag ni yifan.Kumakain sila sa convinience store noon at sila lng ang tao,sa radyo ay may kundiman bilang background song.
"Oh?"tanong ni ahra na di tumitingin sa kanya at tuloy pa din sa katetext
"Best crush ata kita"sabi ni yifan,kahit na medyo nahihiya ay tumingin siya kay Ahra.Tumingin din ito sakanya na medj nakataas pa ang kilay.
#SINAUNANGSEENZONED
Pangalawang beses,Wu Yifan,17,nagtapat sa blockmate niya sa college na si Lu Shiwon
yifan11:"Shiwon.."
LSH:"Yo"
yifan11:"Coffee tayo minsan my treat"
LSH:"Tara!Hahahaha bakit libre mo?Date ba?hahahaha"
yifan11:"Oo"
Seen 8:28 pm
#MAKABAGONGSEENZONED
3rd time,wu yifan,20,nagtapat sa junior niya sa college.
"Sungjee?"nasa coffee-shop sila noon,iniinom niya ang paborito niyang dahon (green tea)drink at si sungjee naman ay umiinom ng americano.
"Oh?"sinara niya ang libro niya at notebook para pakinggan si yifan.
"Gusto kita"sabi niya.Medj nabilaukan si Sungjee.
"Weh?"tanong ni Sungjee.
"Oo nga"sabi ni yifan.For the first time ay di pa siya nasususpalpal pagkatapos na pagkatapos niyang magtapat.
"Ah...Ok.....Uy balita ko defense mo na bukas,nagready ka na ba?"
#ARALMUNAZONE
Dito na magbabago ang lahat.Wu yifan,24,nagtapat sa stockholder ng kunpanya nila/girlfriend niyang si Lee Yenne.
"Yenne"
"What do you need Mr.Wu?"pormal na sagot ng dalaga,parati kasi silang busy at himala nga na pumayag si yenne na maglunch silang dalawa given na ayaw ni yenne na may makakaalam tungkol sa relasyon nila.
"I have a proposal to make"sabi ni yifan.
"Go Ahead"sabi niya.Tumigil siya sa pagkain ng sushi at tumingin kay Yifan."This proposal is really important Yenne,I dont need an immediate answer,take all the time you need to think about it"sabi ni yifan.Huminga ng malalim ang binata tsaka lumuhod sa isang paa at kinuha ang singsing sa bulsa.
"Will you marry me?"tanong niya.
Nagulat ang dalaga at napatitig na lang siya.Akala ni Yifan ay na#Titigzoned na siya,pero mali siya.
"Tayo yifan"sabi ni yenne habang umiiyak.
Tumayo naman ang binata,medj malungkot na siya dahil mukhang nganga na naman siya.
"Gago ka,BAKIT KA GANYAN?!DONT THROW QUESTIONS LIKE THAT OUT OF THE BLUE,DI AKO PREPARED GOSH YIFAN!yes"bulong niya
"Oo na sige na sorry na,di mo naman kai--did you just say YES TO ME?!"tanong ng binata.
"I said yes to us."ngiti ni yenne.--
I should be doing write ups and our class prophecy but oh no huehue
Comments