Crush ng bayan legends:ShiChen ft.baby
Notes"Mommy,Daddy"hinalikan ni JongWon ang mga magulang niya pagsakay niya sa kotse."nanominate po akong crush ng bayan awardee sa joy day namin!"masayang pagbabalita ng bata.
"Ha?Ang pogi naman talaga ng anak ko,manang mana sa mommy"proud na sabi ng nanay niya habang nagseatbelt na para makauwi na sila.
"'nak,gusto mo ba marinig ang alamat niyan?"tanong ng tatay niya habang nagddrive palabas ng parking lot ng school.
"Sige po,ano po bang kwento nun daddy?"tanong niya,sinandal niya ang ulo niya sa upuan ng ama niya,handang handa na makinig.
"Nung unang panahon,nagpunta ko sa isang malayong bayan"Umpisa ng tatay niya,matiyagang nakikinig si JongWon."sobrang dami ng tao dun anak,pero puro babae,kasi bawal ang lalaki sa bayan na yon"tuloy ng ama niya.
"Oh tapos po daddy?Pano na nagkacrush ng bayan?"Pangungulit ng bata.
"Alam mo naman na gwapo si daddy diba?"Tumango naman ang bata,ngumiti ang tatay niya na parang nakakauto."Ode lahat ng tao dun sa bayan na yon,nagkacrush kay daddy,Si daddy ang naging unang crush ng bayan"sabi ng tatay niya.Agad na tumango si JongWon "Astig daddy!kaya po pala,thank you"hinalikan siya ng namangha niyang anak bago bumalik sa paglalaro.
"Kim Jongdae,pati ba naman kahambugan mo dala dala mo hanggang ngayon?"pinalo siya ng asawa niya."Inuuto mo pa yung anak natin!"isa pang palo.
"Shiwon,di ako nagsisisnungaling,dinadagdagan ko lang ang katotohanan"nakangising sinabi ni Jongdae
Comments