kabataan ang pagasa ng bayan
Notes"Luhan,itupi mo naman yung mga damit"pakiusap ni Claire habang dinadala ang basket ng mga damit sa sala kung saan nanonood ng TV si Luhan.
"Ikaw na Claire,may ginagawa pa ako"sabi ni Luhan.
"Ano namang ginagawa mo?Nanood ka lang ng gag show diyan!"naiiritang sabi ni Claire
"Oo nga,nagrerelax ako no,pabayaan mo muna ako"
"WOW NAKAKAHIYA NAMAN SAYO LUHAN"
"Claire wag kang sumigaw ok,pagod ako,kakauwi ko lang galing trabaho.Palibhasa wala kang ginagawa dito sa bahay"kalmado pa rin si Luhan sa pagsagot.
"HOY LU HAN,For your information,ako ang naglinis ng lahat ng kwarto,ng banyo,naglaba ng underwear mo,nagluto ng agahan tanghalian at hapunan na nilamon mo ha,wag mo sabihing nagpahinga lang ako"sabi ni Claire at pinatay na ang TV.
"Hoy claire ha,may vaccum tayo,may rice cooker at washing machine wag ka ngang maginarte diyan"iling ni Luhan.
Ayaw talaga ni Luhan ang nagagalit lalo na kay Claire kasi alam niyang magkakataasan lang sila ng boses at sumbatan.
"Hoy,ako rin ang nagalaga sa anak mo ha!"sumbat na naman ni Claire.
"Baka nakakalimutan mo,anak mo rin yan!"nagiinit na ang dugo ni Luhan kaya napahawak na lang siya sa batok niya.
"Hindi ko nalilimutan,Oh baka nalilimutan mo na ikaw ang bumuo diyan sa batang yan"
"Makapagsalita ka,parang ako lang may gusto,mabubuo ba yang kambal natin kung tumanggi ka?Nabuo sila kaya ibigsabihin,ginusto mo ren"
Namula si Claire,tama naman kasi si Luhan na mutual naman ang pagkagusto nila sa pagbuo ng mga bata kaso,kailangan talaga ibroadcast?
"Oy ha,tigilan mo,alam kong mas matagal mong ginusto makabuo,painosente tong--kakaltusan kita eh"inambaan siya ni Claire na namumula pa ren.Natawa na lang si Luhan at niyakap siya.
"Oo naman,tagal ko ng ginusto magkaanak na kamukha mo,ang ganda mo kaya"sabi ni Luhan habang nagssway-ssway.
Nadadala naman si Claire sa ginagawang pambobola ni Luhan at kinikikig siya.
"I love you claire"bulong ni Luhan bago niya iharap sa kanya ang mukha ni Claire.
Nagsh-shine sa daliri ni Claire ang wedding ring na kailan lang rin nasilid sa daliri niya.
"I love you too LuHan"natatawang sabi ni Claire.
Kilig naman si Luhan at unti unting lumalaput ang mukha nila sa isat-isa.
"pero magtupi ka muna ng damit"sabi ni Claire bago umalis sa pagkakayakap ni Luhan.
"Letse ka"natawa si Luhan bago buksan uli ang TV at magumpisa magtiklop ng damit nila.
--
This was supposed to be a drama but no I cant write dramatic Im sorryAND THE TITLE WAS IRRELEVANT SORRY
Comments