Awkward

His Maid

 

CHAPTER 5

 

Meili's POV

 

Nagising na lang ako ng bandang alas-kwatro ng hapon. Naabutan ko si sir-- este Dexter na nanonood sa sala. Tinanong ko siya kung nagugutom ba siya para mag-luto ako ng merienda. Tumango naman siya kaya dumiretcho na ako sa kusina at nag-luto.

 

"Macaroni na nga lang" nakangiti kong bulong.

 

Grade six pa lang kasi ako, mahilig na akong manood noon kay yaya na magluto sa kusina. Kaya nung time na wala akong magawa, kung ano anong experimento ang ginawa ko. Nadatnan naman ako ni yaya noon sa kusina na nilalabas yung pagkaing niluto ko sa oven at ang sabi ni yaya baked macaroni daw yun. At yun ang alamat ng baked macaroni-- De joke. Basta, ang sabi ni yaya at pati nung ibang nakatikim, sobrang sarap daw.

Pagkatapos kong lutuin yung merienda ni Dexter, tinawag ko na siya para kumain. Ako, hinugasan ko na lang yung mga utensils na ginamit ko sa pag-luluto.

 

 "Ashley"

 

Napalingon naman ako kay Dexter nung tinawag niya ako.

 

"Bakit po?"

 

 

"Wag mo na akong i-po.  I'm not that old. Just think of me as your friend ok?" sabi niya sabay ngiti. "Umupo ka na and kumain ka na din" sabi niya.

 

Umupo na din ako tapos naglagay ng macaroni sa plato. Kumain na din si Dexter. Grr! Sira na naman si diet. Hayy.. Minsan lang naman. y pa din ako.

 

"About your salary, I'll give it weekly. About 2,500 a week, and that makes 10 thousand a month. Ganun din kasi yung sweldo na ibinibigay ko kay sa dati kong kasambahay dito. But if you want some changes, I can fix it for you" sabi niya.

 

 Napa-angat naman yung tingin ko nung bigla siyang mag-salita.

 

"H-hindi wag na. Ok na yun. U-uh. 10,000? A month? Parang ang laki naman yata nun?" Hindi ko alam kung magkano ba yung sinusweldo nung mga maids. But to think na 10,000 a month? parang ang laki nun for a maid. Kung sabagay, wala pa yun sa allowance ko.

 

 

"I guess? I'm following the wage abroad, not the wage here in the Philippines. And to think na you'll be only working for me for only a couple of months? Trust me hindi ka makakaipon nun.  Don't worry you're not receiving a special treatment" sabi niya. Ang haba ng line niya huh.

 

 

"G-ganun?" ngumiti na lang ako ng alanganin. "Hehe. Parang ang laki lang kasi"

 

 Ako na nga binibigyan ng malaking sweldo, ako pa ang mag-rereklamo? Wag na uy!

 

"Why? Magkano ba sweldo mo sa dati mong pinapasukan?"

 

What should I tell him? I really don't know. Wala naman akong experience sa mga ganyang bagay.

*I'm gonna scream... and shout... and let it all out--- *

Para naman akong nabunutan ng tinik nung marinig ko yung cellphone niyang tumunog.

 

"Excuse me" tumayo na siya.

 

 

"Yes, I know. Just meet me tomorrow babe. Y-yes of course. I won't do such things. Sige sige.... I'll see you tomorrow then? Bye" narinig kong sabi niya sa kausap niya at binaba na niya yung phone.

 

Bumalik na siya sa inuupan niya kanina na kaharap ko.

 

"I have classes tomorrow and I'm planning to enroll you too in our school. But of course you won't be there only just to study. You're still my maid. After classes I have  basketball practice and you need to be there to bring me water, snacks and towels.  Got that?"

 

Ako? School?

 

"Don't worry. James owns the school. There's nothing for you to worry about. Everything is set and you're graduating aren't you? James has mentioned that you just stopped last semester because of your parents. Everything is fixed and settled and mag-iistart pa lang naman yung 2nd semester. It will easy for you to cope"

 

Araykupooo. Pasalamat siya matalino ako dahil kung hindi kanina ko pa to nasapak. Ang lakas maka-english.

 

"S-sige po. Pero--" Nag-aalagan pa akong ituloy yung susunod kong sasabihin. Nakakahiya naman kasi. "W-wala po akong gamit?" sabi ko.

 

Totoo naman eh. Wala talaga akong gamit sa school. Ano yun shunga lang? Sina-unang tao? Sa dahon susulat tapos chicken feather ang punla. Walanjo naman.

 

"Don't worry.  I'll handle that.  Bukas may gamit ka na"

 

Hindi na ulit kami nag-imikan masyado. Sasagot lang ako kung may itatanong siya but I never ever dare to open up even just a single topic. Kahit naman mabait siya in a way, nakakailang pa din. Ayoko namang maging feeling close. That's so not me. Oo nga at overflowing ang confidence ko at sa sobrang taas ng confidence ko ay kumakapal din ang mukha ko pero hindi ako ganung ka-sira ulo para tanungin siya ng mga bagay at mag-kwento na para bang ang tagal na naming magka-kilala. Get my point? Kung hindi... Ihampas mo na ulo mo sa pader. Walang kwenta. De joke lang. Peace.

Kinabukasan. Pag-kagising ko merong nag-deliver sa condo at agad namang inabot ni Dexter sakin yun. Yung mga gamit pala na gagamitin ko sa school. Ang pera nga naman, ang daming nagagawa. Kahit anong gustuhin mo, makukuha mo agad.

Nag-linis muna ako saglit ng buong unit. Pagkatapos, naligo na din ako at nag-palit ng palda na lampas tuhod at green na shirt. Tinawag din naman agad ako ni Dexter para pumasok sa school which is the wattpad university. It's one of the most outstanding school here in luzon.

 

"Wag kang lalayo" bulong ni James pag-pasok namin sa campus.

 

 

"H-ha? Bakit?" tanong ko.

 

 

"Basta" sabi niya at hindi na muling nag-salita pa.

 

Kaya pala, pag-pasok kasi namin. Ang daming nagbulong-bulungan at lahat pa sila naka-tingin samin. Okay, sa kanila pala. Habang nasa corridor kami, biglang huminto si Dexter sa harap ng babaeng y pero mukhang paa.

 

"Hi Dexter!" sabi nung babaeng mukhang G.R.O. sa suot niyang malapit nang makita yung singit sa sobrang ikli ng shorts. Ang flirt pa nung boses akala mo naman bagay. Nag-mumukha lang siyang t-nga.

 

 

"Hey. Looking good huh?" sabi ni Dexter.

 

Pwede bang sumuka? Looking good? Asan diyan yung good? Ituro niyo sakin. Mukha siyang kukurikapu.

 

"Silly, you don't have to say that, understood na yun" sabi nung babae habang pinag-lalaruan yung collar ng damit ni Dexter.

 

Akala ko makapal na ang mukha ko, may mas kakapal pa pala. Ang sarap nilang sukahang dalawa. Dito pa talaga nag-landian sa harap ko. Nakakasuka. Nakakadi---

Halos lumuwa yung mata ko ng biglang nag-tukaan yung dalawa sa harap ko. Si James naman parang walang pakielam at naka-sandal lang sa pader na parang walang kababalaghang nangyayari.

They are really kissing here in my front torridly. PDA alert. Napaiwas na alng ako ng tingin. Diring diri ako sa nakikita ko. Pagkatapos ng ilan pang segundo, bumitaw na din si Dexter at lumakad na palayo.

 

"Hey! Dexter Wait! We're not done yet!" sigaw nung babae.

 

 

"Yes we are. Bye"

 

Ganun ganun na lang yun? Pagkatapos halikan yung babae, fly away na siya? Acting like nothing happened?

 

"Nice one dude! Napa-nganga ako dun" sabi ni James at nag-manly hug silang dalawa.

 

 

"Di ka pa nasanay. Wag ka nang magulat, sa gwapo ko ba namang to" ang  yabang.

 

Kaya kapag may suspension sa classes, si Dexter ang sisihin niyo ha? Ang lakas ng hanging dala. Parang bagyo. Signal number 4.

 

"Wala namang bago. Di na ako nagulat" sabi ni James.

 

Tumigil na din sila sa paglakad and they stopped in front of a door.

 

"Hey. Ashley. Your course is Business Ad. like mine and James' so we can easily call you when we need you.  Alright?"

 

 

"Ahh... Okay"

 

Did I mention that same course yung kinuha nila sakin? Yun na naman? Yun pa din course ko!? Mapa-Ashley or Meili.. Business Ad. lagi bagsak ko?

Sabi kasi ni Dexter. I'm still his maid kahit sa school pero walang dapat na makaalam. I can help him daw kapag may babaeng habol ng habol sakaniya. Gagawin niya ulit like yung ginawa niya dun sa babae sa condo  niya na tinawag akong shrimp. HMP! Ipapakilala nanaman akong girlfriend para makatakas sa babae. Pati ako dinadamay sa kalokohan.

Pumasok na din kami. Doon sila umupo sa harap tapos ako sa likod na lang. Pag-upo nila may dalawang mukhang pok pok yung umupo sa lap ni Dexter.

 

"Yuck" nandidiring bulong ko nung nag-simula na silang mag-halikan.

 

Ganito ba ang view dito araw araw? Wag naman sana. Mukhang hindi ko kakayanin.

 

"Miss?"

 

I admit na medyo liberated ako dahil nag-aral ako noon sa US noong third year high school ako hanggang mag-second year college ako tapos bumalik na lang ulit ako dito nung third year college para dito ipag-patuoy ang pag-aaral ko up until now.

 

"Miss?"

 

Pero at least yung mga foreigners alam naman nila kung saan nila ilulugar yung tukaan nila. Ito iba e, lantaran.

 

"MISS!"

 

Nagulat naman ako nung bigalng sumigaw yung katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

 

"H-ha? A-Ako ba?" tanong ko.

 

Malay ko bang ako yung kausap niya. Mamaya banlag pala to o kaya naman duling or worst baka bulag at akala ko lang sakin siya nakatingin.

 

"I think I know you. Hmmm..."

 

F-ck. Wag po.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet