My Boss

His Maid

 

CHAPTER 4

 

Meili's POV

 

Nagising na lang ako nung tumama yung sinag ng araw sa mga mata ko. Napatingin ako sa alarm clock sa side table at nanlaki yung mata ko ng makitang 10:42 AM na. Dali dali kong sinuot yung tsinelas ko at lumabas ng kwarto.

Pinunasan ko lahat ng mga appliances sa buong condo, making sure na walang alikabok ang natira. Hinugasan ko din yung mga platong naka-tambak sa lababo na nilalanggam na at amoy panis na. Ilang araw na din siguro tong naka-tambak dito. I'm pretty sure na hindi marunog gumawa ng gawaing bahay yung bossing ko, pati pinag-kainan hindi man lang hinugasan. Tsk tsk.

 

"Nako Meili, ayan ang nagagawa ng tanghali na kung gumising" bulong ko sa sarili ko.

 

Pagkatapos kon mag-linis ng buong unit. Binuksan ko yung refrigarator niya and to my surprise when I found out what's inside. As in... puro chocolate, alak, junkfoods. Hindi na talaga ako mag-tataka kung magkaroon man ng sakit sa bato yung bossing ko.

 

"Anong lulutuin ko?" sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko.

 

Napahinga muna ako ng malalim at nag-palit ng damit. I wore a Gray skirt below the knee and a blue body hugging shirt. Kitang kita yung curves ko ngayon. y talaga! Amp! Kaso kapag tiningnan mo ako sa mukha... nako, mapapasabi ka na lang ng--'Okay, balik ulit sa katawan. Pangit ang view sa taas'. Hindi naman kasi talaga bagay sakin yung malaking rayban glasses at yung wig kong ipinag-lihi sa walis.

Bumaba na ako at nag-tanong sa receptionist kung saan yung pinaka-malapit na palengke.

 

"I'm sorry Ma'am pero malayo pa po kasi ang wet market dito, almost 45 minutes drive po ang aabutin. Pero may malapit naman po na Mall dito. Walking distance lang naman po at may supermarket po doon" sabi nung receptionist kaya umalis na ako pagkatapos kong mag 'thank you'.

 

Sinundan ko yung sinabi nung receptionist na way papuntang mall. Nagulat na lang ako ng yung mall pala na sinasabi nung babae kanina e isang branch ng mall ni Tito Gerou which is G. Mall kaya may malapit na billboard doon kung saan ako ang naka-pose. Hay. Hindi ko na lang pinansin, dumiretcho na ako sa loob tapos binili ko na yung dapat bilhin.

Pagka-galing ko sa mall bumalik na kaagad ako sa condo and when I reached the Front door nung unit, tumingin tingin ako sa paligid. But there's no sign of him or anyone. At dahil wala namang tao, I headed into the kitchen and bring out the ingridients I bought.

 

"Pasalamat yung bossing ko at may pera ako kung hindi wala kaming kakainin ngayon kundi yung mga junkfoods at chocolates niya sa ref" bulong ko. "Okay? What to cook?"

 

Sana naman hindi choosy yung bossing ko dahil kung hindi pepektusan ko talaga yun. Pero siyempre joke lang yun, baka mamaya ako pa ang ma-pektusan nun.

Nag-luto na lang ako ng beef steak. Wala kasi akong ibang maisip na iluto. After a few minutes, natapos na din akong magluto at kumain na din ako, siyempre hinugasan ko na din yung pinagka-inan ko.

 

*ding dong*

Napatingin agad ako doon sa pinto nung biglang may mag-doorbell. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko o hindi. Baka mamaya holdapper, kidnapper o magnanakaw yun. Mas lalo pang lumakas yung kutob ko nung biglang hinampas na yung pinto.

 

*booog booog*

*ding dong*

 

Dexter's POV

 

F-ck! Kanina pa ako doorbell ng doorbell wala pa ding nagbubukas. F-ck sh-it ka James! Ang sabi mo nandito na yung katulong ko e wala pa din.

*booog boog*

Hinampas ko na yung pintuan. Wala pa ding lumalabas

*ding dong*

Halos pang sampung doorbell ko na, wala pa din. F-ck. Kapag wala talaga dito yung bagong katulong ko, makakatikim talaga yung si James.

 

"Babe. I told you, let's hang out muna. My place?" hinarap ko na naman tong babaeng to.

 

Ang kulit kulit. Sarap ibalibag sa pader. Maka-kapit sa braso ko akala mo kung sinong unggoy. Akala niya sakin? Baging? F-ck.

 

"Pwede ba? Umalis ka na nga! Wala akong panahong makipag-landian sayo" sigaw ko.

 

Badtrip. Inaantok na ako at nagugutom na. Lalandiin pa ako.

 

"But babe, Just spend this afternoon with me. I'm sure you'll love it" malanding sabi niya sabay kapit na naman sa braso ko.

 

 

"Look Sofia--"

 

 

"It's Megan" how dare she to correct me?

 

 

"Yeah... that's what I said. Megan, If you don't want me to call some guards. Stop bugging me and leave me alone!"

 

Humarap ulit ako sa pinto at nag-doorbell ulit pagkatapos ko siyang sigawan.

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

 

"But Dexter! I want our relationship back!"

 

 

Aish! She's really irritating me."CAN YOU PLEASE SHUT YOUR ING MOUTH UP!? I ALREADY BROKE UP WITH YOU! SO GO!" she's really getting on my nerves..

 

 

"Yeah you broke up with me, and can you tell me how long our relationship last huh?

 

 

Is she serious? She's really asking me that kind d-mn question?

 

" I don't even care. So what?" sabi ko nang hindi man lang siya nililingon.

 

 

"Our relationship only last for 12 minutes! You asked me to be your girlfriend then you kissed me and the last thing I know is broke up with ME!?"

 

 

"So?"

 

 

"Argh! Dexter! I want you back!"

 

 

"Stop showing me how desperate you are. Such a flirt" I said then hissed.

 

*ding do--*

 

"Ahh, Sorry po, may ginawa lang kasi ako"

 

 

Meili's POV

 

"Ahh, Sorry po, may ginawa lang kasi ako" sabi ko.

 

 

"Dexter!" may babae pala siyang kasama.

 

 

"Shut your mouth Denise!" sigaw ni bossing. He looks like he's really irritated with that girl.

 

 

"It's Megan"

 

 

"Whatever. Can you just please leave me and my girlfriend alone?" sabi ulit ni bossing. Teka? Ilan ba kami dito? Isa, Dalawa, Tatlo. Sino yung girlfriend niya?

 

Tumingin ako sa kaniya at kumunot yung noo ko. I Gave him that What-Are-You-Saying-Look pero umakbay siya sakin at hinigpitan yung hawak sa braso ko. Aray naman! Pakyu bossing.

 

"At kelan ka pa nakipag-relasyon sa hipon?" nandidiring tanong nung Megan.

 

Meganon!?

 

"Hipon?" tanong ko.

 

 

She smirked. "Tapon ulo. Kain katawan" sagot niya.

 

Aba't sumusobra na to ah!

 

"Ohh. You think so? Kung hipon ako ano ka pa? Dibdib mo silicon. Ilong mo fake. Mukha mo mukha nang master piece ni Da Vinci sa sobrang kapal ng pinturang nilagay mo. Sinong mas pangit satin na kailangan pang tadtarin ng kolorete yung mukha? Ano tingin mo sa mukha mo?  Rainbow? Mukha ka pang dwede. Kung hindi siguro dahil sa suot mong 5 inches heels aakalain kong elementary student ka lang"

 

 

"How dare you !?" sigaw niya.

 

 

Akmang sasampalin niya ako ng biglang sumigaw si Bossing "Can the both of you shut your mouth up!?"

 

 

"Sorry po" sabi ko.

 

Tapos si clown umalis na lang ng padabog. Pumasok na si sir Dexter at pumasok na din ako. Ano ba to? Nakakatakot siya. Parang mas itim pa sa itim yung aura niya. Yung feeling na magta-transform siya sa isang monster.

 

"So-Sorry po. Ah. A-ano kasi. Uhm.. Hindi ko naman po sinasad-"

 

 

"Just prepare me something to eat. I don't care kung ano man yung sasabihin mo. I'm tired" sungit naman. Psh.

 

Pinaghanda ko na lang siya ng pagkain. Naglagay ako ng plato at nilagay ko yung beefsteak at kanin sa gitna ng table. Bahala na siyang kumuha diyan. Kumain din naman siya, naka-dalawang ulit pa nga siya. Hindi halatang gutom. Nakatayo lang ako sa gilid habang kumakain siya.

 

"Sit..."

 

 

Ano daw? "Ha?"

 

 

"I said sit"

 

Umupo na din ako.

 

"Kumain ka na ba?" concern si bossing?

 

 

"Ah.  Opo sir" sagot ko.

 

 

"Dexter na lang. Sobrang formal ng 'sir'" sabi niyasabay subo ng pagkain.

 

 

"Your name is?" siya ulit.

 

 

"Ashley po. Ashley Mendoza"

 

 

Tumango lang siya at tumayo na lang. "Let's talk later. I'll just take a nap"

 

 

"Sige po. De-dexter"

 

Pagka-alis niya, niligpit ko na din yung pinag-kainan niya at naghugas na. Whatta tiring day. Kaimbyernang hipon talk yan. Tsk tsk.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet