Phone Call

His Maid

 

 

CHAPTER 9

 

Meili’s POV

 

Pagkatapos umalis ni Czarina, bumili muna ako ng tubig at sandwich ni Dexter. Binilhan ko na din si James ng sandwich. Pang-thank you ko na din sa pag-kukwento niya samin ni Czarina. Alam ko naman na hindi siya obligado na ikwento samin yun pero kinuwento niya pa din.

At eto na nga ako ngayon papunta sa Gym. Practice daw kasi nila Dexter. Kakaumpisa lang ng second  semester, may practice kaagad? Ang sipag naman yata nila masyado.

Habang naglalakad ako papunta sa gym, bigla na lang nag-ring yung phone ko.

 

*fall in love... I know you've got it---*

 Medyo malayo pa naman yung gym kaya sinagot ko muna.

 

“Hello M.M.? napatawag ka? Need something?” bungad ko sa pinsan ko.

 

 

(Kapag tumawag may kailangan kaagad? By the way, ano nang balita sayo? Di mo man lang ako binalitaan, Hmp! Tampo na ako sayo) natawa naman ako dahil sa sinabi niya. 

 

 

“Kapag ikaw ang tumawag, It's either may kailangan ka or sesermonan mo ako. Anyway, may trabaho na ako ngayon. Sorry talaga, nawala sa isip ko na ibalita sayo" sabi ko kay M.M.

 

 

(Basta next time huh? Oh teka wait kasama ko si Jhave. Ang kulit ng pinsan mo. Parang hindi babae. Gusto kang kausapin. Bibigay ko ba?) tanong sakin ni M.M.

 

Si Jhave  Evangelista, yung pinsan ko na 13 years old.  Siya  yung anak ni Tito Gerou na kapatid ni Mommy. Sila yung may ari ng G. Mall at danGEROUs zone clothing line na ini-endorse ko. To sum it all up pinsan ko sa mother side si Jhave while si M.M. naman is sa Father side.

 

“Sige. Ibigay mo na, Baka magtampo pa yan. Haha” sabi ko.

 

 

(Hey! I’m not! Ako na nga kasi kakausap ate M.M!) narinig kong sabi ni Jhave sa kabilang linya. Haha. (Sige na nga. Oo na. Haha. Meili bigay ko na huh?) paalam sakin ni M.M.

 

Nag- 'Oo' na ako at narinig ko na parang pinasa na yata kay Jhave yung phone.

 

(Ate Meili! I miss you already. Aren't you planning to come back here?)  Oo nga pala, kasabwat din namin ni M.M. si Jhave. Nag-'sorry' na lang ako dahil wala talaga akong balak umuwi. I'm glad she understands my situation. (Where are you ate Meili? Walang mahanap si Daddy na bagong endorser na itatapat sayo. Hehe. Crazy old man, His black hair is turning white. Haha) medyo strict din kasi yung daddy ni Jhave, kaya ganyan yan.

 

Nandito na pala ako sa tapat ng Gym kaya umupo muna ako sa bench medyo malapit sa Gym. Hindi pa naman siguro nag-uumpisa yung practice nila, medyo tanaw ko pa kasi yung loob nung Gym.

 

“Silly. Uhm, nagtratrabaho ako as a maid and nag-aaral ako ulit dito sa wattpad university”

 

 

(Gross ate Meili. Maid? As in yuck! But how come na naka-enroll ka diyan? It’s for rich kids you know? Tapos maid ka? Sinong niloloko mo) kahit makulit tong pinsan ko matalino pa din, pero mas matalino ako (__ __")

 

 

“Boss ko nag-enroll sakin okay?”

 

 

(Whatever. Take care, there might be someone na maka-kilala sayo. I just can't simply believe you. From an international model naging maid ka? Gross)

 

 

“Atleast I’m still beautiful, but not everyone can appreciate it for now. Ewan ko sa inyo, ibababa ko na to at may trabaho pa ako. Bye" pagkasabi ko nun binaba ko kaagad yung call. Hindii ko na hinintay yung sasabihin nila baka lalong humaba yung usapan naming tatlo.

 

Pagkababang-pagkababa ko nung phone call nilagay ko kaagad sa bulsa yung cellphone ko at pumasok sa loob ng Gymnasium.

 

“ASHLEY!” tumingin ako sa tumawag sakin at isang naka-ngiting James yung nakita ko.

 

Lumapit ako sakanila, mag-kausap kasi sila ni Dexter at halatang nag-tatawanan pa.

 

“Uh. Bumili ako ng tubig at sandwich niyo" sabi ko sabay abot nung binili ko.

 

Dexter just thanked me and I smiled as my reply.

 

“WOW! nag-abala ka pa. Haha” sabi ni James.

 

Ngumiti na lang ako.

 

“Ano? Umalis na yung weird mong kaibigan?” tanong sakin ni James.

 

 

“Weird" tanong ko. "Ah! Si Czarina. Haha grabe. Hindi naman weird yun. Sobrang ingay lang” sabi ko kay James.

 

 

“Haha. Oo nga pala. Ang babaeng ipinag-lihi sa microphone” sabi ni James.

 

 Nagtawanan na lang kaming dalawa.

 

“Ah, that girl. Yung kasama mo kanina sa canteen?” tanong sakin ni Dexter then I just nodded. “Classmate ko na yun since 1st year college. Hindi naman siya pinag-lihi sa Microphone” sabi ni Dexter.

 

 

“Grabe tol. Bingi ka ba? Ang ingay kaya nung babaeng yun. Bunganga pa lang pamatay na” sabi ni James.

 

Binatukan naman ni Dexter si James.

 

"Gago! Patapusin mo muna kasi ako di ba? Hindi siya pinag-lihi sa microphone kasi ipinaglihi siya sa…”

 

 

“Sa?” tanong naming ni James.

 

 

“Sa megaphone. HAHAHAHA” siya lang natawa sa joke niya (__ __')

 

Nag-katinginan kami ni James.

 

"Ashley. Kausapin mo na muna yan. Kulang ata sa pansin" sabi ni James sabay kamot sa ulo.

 

Nahimasmasan naman sa katatawa si Dexter. Nakaramdam siguro na siya lang yung tumatawa na parang tanga.

 

“Psh. Ewan ko sa inyo. Mag-practice na nga lang tayo James. Uupakan talaga kita mamaya” sabi ni Dexter. Mukhang nabad-trip. Nawala na sa mood.

 

 

“Ang sabihin mo Dexter pikon ka lang” asar ni James kay Dexter.

 

 

“Aba’t” umaktong babatukan ni Dexter si James ng bigla na lang itong tumakbo. Haha! Ang kulit talaga nilang dalawa.

 

 

“Hoy bumalik ka ditong sira-ulo ka!.. Makaka-tikim ka talaga sakin!!” sigaw ni Dexter kay James.

 

Pero tumakbo na lang si James papunta sa pinto, yung sa locker room siguro nila.

 

“Uhm. Ashley. Umupo ka muna dun o kung gusto mo, mauna ka na lang sa condo” napatingin ako kay Dexter. Kay James kasi nakasunod yung mata ko kanina.

 

 

“Ah. Huh? Ah-eh... dito na lang siguro muna ako. Pwede ba?” tanong ko sakaniya.

 

 

“Of course. Baka matagalan lang kami”

 

 

“Okay lang” sabi ko.

 

 Tumango na lang siya at sumunod na si Dexter sa pinto na pinasukan ni James.

 

Hayyy… Masaya naman pala silang kasama, kahit may mood swings si Dexter paminsan-minsan. Naisip ko lang mas masaya siguro sila kung magbabati-bati na sila nila Val. The more the merrier nga di ba? Pero paano kaya ako makakatulong kung hindi ko naman alam yung totoong reason kung bakit sila nag-away. Oo nga, sinabi nga ni James na si Mae-C yung pinag-awayan nila dahil parehas nilang mahal si Mae-C pero napaka childish naman nung reason na yun. Well, siguro nasasabi ko lang yun kasi never pa akong nag-mahal.

 

"HEY !" napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong sigaw ng babae at pagtingin ko... tatlong babae ang papalapit saakin at mukha pa silang galit. Okay? Ano nanaman bang ginawa ko?

 

*sllllllllllaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaap*

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet