You can do it

His Maid

 

CHAPTER 3

 

Meili's POV

 

Nag-text ako doon sa number na tinawagan ko kanina na naka-itim na palda ako na lagpas tuhod at floral blouse at flats ako. Pero siyempre joke lang yun, kulay violet talaga yung suot kong damit at kulay brown na palda naman na lagpas hanggang tuhod ang haba. Ano bang malay ko at masamang tao pala yung kausap ko di ba? Mabuti na yung sigurado. Kapag kamukha ni Shrek, Kokey o ni Shomba or in short pangit e di tatakbuhan ko na lang. Mamaya niyan mapahamak pa ako kapag mukhang hindi mapag-kakatiwalaan yung papasukan ko. 

 

"Ha? Oo nandito na ako. Wala pa nga e. Ang sabi itim na palda daw ang suot tsaka ano nga yun? Floral blouse ba yun? Oo, sige. Tatawagan na lang kita mamaya. Saan sa condo mo? Sige, bukas nandito ka naman na di ba?... you more Dexter" Hindi ko naman sinasadyang mag-eavesdrop. Napatingin ako dun sa lalaking may kausap sa phone. Okay, binabawi ko na yung sinasabi ko kanina. Ang wafu. Ang hot. Pak na pak.

 

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumipat sa table nung lalaking kausap ko. Hindi ako nag-paalam, basta basta na lang akong umupo doon. Bakit ba? E sa makapal ang mukha ko at wala akong hiya.

 

"Uh Miss? I'm sorry to say pero may kasama kasi ako. Hinihintay ko lang" The guy said while frowning.

 

 

"Ako yung mag-aaply na maid" sagot ko agad.

 

Mas lalo namang napa-kunot yung noo nung lalaki. Sinundan ko naman yung tinitingnan niya at nakatingin siya sa damit ko.


"I thought... Itim na palda ang suot mo and floral blouse?"

 

 

"Uh... Hehe. Hindi ba itim to? Pasensiya na ha? Color blind kasi ako. Bakit? Floral namang ang suot ko ha?" maang-maangan ko.

 

T-anga t-angahan mode muna. New me, new attitude, new world. Bow.

 

"It's Violet" sagot niya.

 

 

"Bulaklak naman ang violet ah?"

 

 

Nagulat naman ako nang biglang tumawa yung lalaki. "Haha! You're very humorous. Ashley right?" tanong niya at napatango naman ako. Nahimasmasan naman siya sa katatawa at ngumiti na lang. Lalong naging gwapo. "James nga pala" sabay abot ng kamay niya sakin para makipag-shake hands. "Kaibigan ko yung nag-hahanap ng maid, umalis muna kasi pansamantala yung maid niya at umuwi ng probinsiya kaya kailangan niya muna ng substitute"

 

 

"Ganun ba?" tanong ko na lang. Tumango na lang siya.

 

 

"Dalawang buwan lang naman"

 

 

2 months lang? Hindi pala permanent. Tsk tsk. Di bale okay na yan. Sayang naman. "Okay lang" sagot ko na lang. "Eto nga pala yung mga kailangan mo" sabi ko sabay abot ng isang brown envelope. Yung mga pinagawa ko sa Recto yung laman nun.

 

 

"Taga Nueva Ecija ka? So... Ilokano ka?" tanong niya.

 

 

Medyo kinabahan naman ako sa tanong niya. "O-Oo" sagot ko na lang kahit hindi. Pure chinese si daddy tapos si mommy naman may lahing koreano kaya malayong maging ilokano ako. E kasi naman, si Yaya galing sa Nueva Ecija kaya ayun na lang yung nilagay ko. Hindi ko naman alam na itatanong pala yun.

 

 

"Nag-aaral ka pa ba?" tanong niya.

 

 

"K-kakahinto ko lang. Isang semester na lang ang kulang" sagot ko.

 

 

"Bakit naman? Sayang naman yun" sabi niya.

 

Alibi? Alibi? Where are you? Yoooohooo!

 

"Uh... N-namatay kasi yung mga magulang ko, nasunog kasi yung bahay namin noon sa probinsiya at h-hindi sila nakaligtas. M-mga tatlong buwan na din yung lumipas kaya wala nang magtutustos sa pag-aaral ko. Oo ganun nga hehe" sabi ko habang nilalaro ko pa yung mga daliri ko sa ilalim ng lamesa para mabawasan yung kabang nararamdaman ko.

 

 

"I'm sorry to hear that" sabi niya.

 

Sus... Walang dapat ika-sorry no.

 

"Okay lang. Ano ka ba" sabi ko.

 

 

"May I take your order Ma'am? Sir?" napatingin kaming dalawa nung may lumapit na waiter.

 

 

"One baked ziti and orange juice" sagot niya bago tumingin sakin. "Ikaw?" tanong niya.

 

 

"Juice na lang" sagot ko.

 

Diet ako. Simula nang mag-model ako, huminto na ako sa pagkain ng rice, pasta o kahit na anong pagkaing may mataas na calories. Alagang alaga ang katawan ko at walang makikitang bakas ng taba, peklat, sugat at perpekto din ang hubog ng katawan ko. Madami ngang nag-sasabi na perpekto ako. Halos lahat kasi ng bagay na pwedeng gawin ng babae kaya ko. I can swim, dance, sing, play musical instruments and I'm smart too. Actually, since elementary hanggang high school ako ang class valedictorian. I have to be the perfect daughter, ako lang kasi ang nag-iisang anak nila mommy at daddy kaya ako ang mag-mamana lahat ng meron sila. I need to reach their expectations everytime and follow whatever they wanted me to do. But now... Hindi ko na kaya. Kaya eto ako, tumakas, lumayas at lumayo sa kanila. Hindi na ako masaya.

 

"Ashley?" napabalik naman ako sa katinuan nung kinaway ni James yung kamay niya sa harap ng mata ko.

 

 

"Uh.. Ha? May sinasabi ka?" tanong ko.

 

 

"Tulala ka kasi. Tinatanong ko kung marunong ka ba sa gawaing bahay?"

 

 

"Oo naman. Expert ako dun no. Ako pa" sagot ko agad.

 

Minsan lang kasi kung umuwi sila Mommy sa bahay kaya si Yaya palagi ang kasama ko. She taught me every house chores she knows.

Nginitian na lang niya ako madami din siyang tinanong sakin tungkol sa mga bagay bagay. Ilang minuto din ang lumipas at dumating na yung order namin.

 

"Teka... Juice lang yung order ko di ba?" tanong ko.

 

Inabot niya kasi sakin yung isang baked ziti.

 

"You need to eat. Ihahatid na kita sa condo ng magiging boss mo" sabi niya.

 

 

"Condo? Ngayon na? Sure ka? Hindi mo pa nga ako masyadong kilala. Papasukin mo agad ako dun?" tanong ko.

 

Akala ko ba wala pa yung magiging amo ko?

 

Natawa naman siya sa tanong ko. "Hindi ka naman mukhang gagawa ng masama. Bukas naman uuwi na yun kaya may kasama ka na din" sagot niya.

 

Nginitian ko na lang siya.

 

"Medyo, mainitin nga pala yung ulo nun ni Dexter. Pero, mabait din naman. Babaero din kung minsan kaya pagtiyagaan mo na lang kung araw araw may babae sa condo nun"

 

 

"Sino si Dexter?" tanong ko.

 

 

"Ah. Sorry... Dexter pala ang pangalan nung kaibigan kong magiging boss mo. Bahala na din kayong pag-usapan yung magiging buwanang sweldo mo" sabi niya naman.

 

Tumango na lang ulit ako at kumain na ulit. Medyo naiilang naman ako kasi kung makatingin tong James na to e parang mangangain ng tao.

 

"Uhm... Bakit? M-may dumi ba ako sa mukha?" naiilang na tanong ko.

 

 

"W-wala. Kakaiba ka kasing kumain" sabi niya.

 

Sh-t.

 

"Uh... Nag-trabaho kasi ako dati sa Mayor namin sa probinsiya. Tinuruan kami kung paano kumain ng tama kaya nasanay na din akong kumain ng ganito"

 

Dapat ba kapag katulong, maid, yaya o kahit ano pang tawag sa mga tagapag-silbi,  e walang poise kapag kumakain? Ganun ba yun? Psh... Sorry naman. Ganito naman kasi talaga akong kumain.

 

"Good for you" sabi niya.

 

Tinapos na lang namin yung pagkain namin at pagkatapos, lumabas na kami ng restaurant at dumiretcho sa parking lot para ihatid ako doon sa 'condo' daw ng magiging boss ko. In fairness maganda din yung kotse niya. Mga 30 minutes lang naman siyang nag-drive bago kami makarating sa isang building.

 

"Yan lang ba yung damit na dala mo?" tanong niya nung makasakay na kami sa elevator.

 

 

"Uh.. D-di ba nga nasunog yung bahay namin? Konti lang yung damit na naisalba ko at eto lang yung natira" sabi ko.

 

Napa 'Ahh...' na lang siya at hindi na kami nag-usap ulit. Pagkalabas namin ng elevator, sinundan ko na lang siya hanggang huminto siya sa tapat ng isang pinto.

 

"Dalawang kwarto lang yung nandito. Yung isa kay Dexter tapos yung isa naman kay Manang Deli... yun yung dating yaya ni Dexter na umuwi ng probinsiya. Doon ka na muna sa kwarto ni Manang Deli mag-stay. May cabinet din doon tapos yung mga damit doon ni Manang, itabi mo na lang" mahabang paliwanag niya.

 

 

"Sa paglalaba naman, may laudry service dito every three days. Mabuti na din at alam mo at least kapag may emergency di ba?" tumango na lang ako.

 

Nilibot naman niya ako sa buong condo unit. May terrace, kitchen, sala, CR pati sa kwarto na tutulugan ko. Kumpleto din naman dito sa condo at mukhang hindi naman mahirap linisin.

 

"Sige.Una na ako, gabi na din kasi" paalam niya.

 

 

"Sige" isasara ko na sana yung pinto kaso bigla siyang nag-salita.

 

 

"Wag ka nga palang papasok sa kwarto ni Dexter. Ewan ko ba kung bakit ayaw mag-papasok ng lalaking yun. Baka may tinatago" natatawang sabi ni James.

 

 

"Sige. Salamat James" paalam ko at umalis na din siya.

 

Dumiretcho ako sa kwarto at nag-buhos ng katawan bago nag-palit at humiga pabagsak sa kama.

 

"Kaya mo yan Meili, You can do it no matter what. You're strong and brave, malalagpasan mo din yan. Trials lang yan. Ito naman gusto mo di ba? ang maging malaya?" bulong ko sa sarili ko bago tuluyang matulog.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet