Meili

His Maid

 

CHAPTER 1

 

*boooogshh*

 

"Aw!" tinakpan ko agad yung bibig ko nung napasigaw ako.

 

Paano ba naman kasi, nahulog ako galing sa second floor ng bahay namin. Pinagtagpi-tagpi ko yung kumot para makababa ako kaso kinapos yata ng tela kaya eto yung pwet ko magkaka-pasa pa yata.

 

"Ano yun? June tignan mo nga kung ano yun!"

 

Dali dali akong tumayo kahit paika-ika pa ang lakad ko nung marinig ko yung boses ni Yaya na tinatawag pa yung body guard ng pamilya namin. Nagtago muna ako sa likod ng mga halaman.

 

"Nasaan na ba yung maingay na yun?" tanong ni kuya June kay Yaya.

 

 

"Basta dito lang yun"

 

 

"Aw Aw Aw" I mimic our neighbor's puppy.

 

 

"Baka yung aso lang yun sa kapitbahay. Tara na nga sa loob. Baka magalit pa si Ma'am" sabi ni kuya June at umalis sila.

 

Nung nasiguro kong wala na sila. Lumabas na ako sa pinag-tataguan ko at tiningnan kung saan ako pwedeng dumaan para makalabas dito sa bahay. Sakto namang may isang puno na medyo nakadikit sa mataas na pader na  nakapalibot sa buong bahay namin na pwede kong daanan. Lumapit ako sa puno at tinantiya kung kakayanin ko bang akyatin.

 

"Sh-t" napa-mura na lang ako. "Ang taas naman nito" bulong ko nung makita yung puno na aakyatin ko para makalabas dito sa bahay namin.

 

Nag-sign of the cross muna ako bago ako umakyat dun sa puno ng sampalok.

 

"Hay nako Meili, ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Nako nako nako..." bulong ko sa sarili ko.

 

Nung nasa taas na ako ng puno, niyakap ko muna yung sanga at huminga ng ilang beses. Nakakapagod pala ang umakyat dito. Pamatay.

Nag-balance ako ng konti para maabot ko yung pader. Hulaan niyo kung paano ako naka-baba sa pader? Secret na namin ni Batman yun. Hindi joke lang, may truck kasi na malapit kaya doon ako tumalon hanggang sa makababa ako sa--- teka? eh di malamang sa baba. Hindi naman pwedeng bumaba sa taas di ba?

Tumakbo na ako ng tumakbo makalayo lang sa bahay na yun. Pagod na pagod na ako kaya huminto na ako nung makita akong waiting shed.

I let out a deep sigh.

 

"Oh ano? Saan punta mo ngayon?" tanong ko sa sarili ko.

 

Napapikit na lang ako kasabay ng pag-tulo ng isang luha na agad ko namang pinunasan.

 

"No! You'll be the one to take over our business. Itigil mo na yang kahibangan mo sa pangangarap na magiging Fashion Designer ka!"

 

 

"But Mom--"

 

 

"Meili. That's final! Go to your room. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ka tumitino"

 

Umiiyak akong umakyat ng kwarto. They always plan everything for me, they never let me decide for my own. Lahat na lang gusto nilang kontrolin.

 

Napadilat na lang ako nung naalala ko yung nangyari kagabi. "Ngayon iiyak iyak ka? Lumayas ka na di ba? There's no turning back now Meili. Stop crying. It's not even helping, you're just making yourself look like stupid"  para na akong tanga ditong kausap ang sarili ko.

 

 

"Miss?... Meili Adeline Chen!?" napatingin ako sa katabi ko dito sa waiting shed.

 

 

"Uhhh-huh" nag-aalangan akong tumango.

 

Oh Sh-t. Ang t-nga t-anga mo naman Meili!

 

Nanlaki yung mata ng kausap ko. Napangiti na lang din ako ng alangan. "Hehe"

 

 

"Miss Meili! Idol na Idol po kita!" sabi niya sabay yakap sakin.

 

 

"T-talaga?" sabi ko na lang.

 

Yeah right. I'm an international model nga pala that's why she knows me. I've been the front cover of different local and international magazines, endorser of in demand clothing lines and I've been doing catwalk since I graduated high school.  20 years old pa lang ako pero nakakagawa na ako ng pangalan sa ganitong industry. Kahit nga hindi ako mag-trabaho, mayaman pa din kami. My parents are popular too when it comes to business. They are one of the world's  business tycoons and I'll be the one to manage what they worked for when the time comes.

 

"Oo! Ang ganda ganda niyo po sa personal!" sigaw niya.

 

Humiwalay ako sa yakap sa kaniya at ngumiti ng alanganin bago----- TUMAKBO.

 

"Miss Meili! Teka lang po! Pa-autograph naman!"

 

Sinubukan niya akong habulin pero buti na lang may nakita akong eskinita at doon nag-tago saglit. Nung nakita kong wala na siya. Lumabas at nag-lakad na ako.

*beep beep*

 

"Ano ba!? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Haharang harang sa daan eh! Pvnyeta!" sigaw ng driver sakin na muntik na akong masagasaan.

 

 

"S-sorry po" hinging paumanhin ko na lang tutal kasalanan ko din naman, hindi ko kasi tinitingnan yung dinadaanan ko.

 

Nagulat na lang ako ng napatitig sakin yung driver--- Yuck! Ang tanda na. Mukhang nabighani pa sa kagandahan ko.

 

"S-sige M-Miss. Okay lang" sabay kindat sakin.

 

Tuluyan na akong tumawid at napa-face palm na lang ako.

 

"Aish! Saan ba ako pupunta?" tanong ko sa sarili ko.      

 

Lalayas ka na nga lang yung wala pang plano. Hay...  Nandito na to, paninindigan ko na lang. Sawa ka na sa buhay mong daig pa ang bilibid sa sobrang higpit ng mga magulang mo di ba?

 

*fall in love... I know you've got---*

Sinagot ko agad yung cellphone ko nung tumunog. I didn't even bother looking who the caller is.

 

"Hello?" tanong ko.

 

 

(Meili! Nasaan ka!?)

 

Si M.M. pala. My bestfriend slash cousin. Siya lang naman kasi ang kaibigan ko. Ayaw kasi ng parents ko na magkaron ako ng kaibigang low class. Hay... Kaimbyerna. Wag na nga silang pag-usapan. Naaalala ko lang yung mga ginagawa nila sakin. Like, confiscating my phone, laptops and gadgets when they saw me talking to my boy classmate on the phone. Even the time na tinakot nila yung mga nanliligaw sakin just because they aren't rich enough for me, kaya sa edad kong 20, NBSB pa ako. Psh..

 

"I don't know. Naliligaw na yata ako. But, don't worry I'll be safe. Promise" sagot ko na lang.

 

She knows what my plan is. Alam niya kasi kung gaano na ako nasasakal sa pagpapatakbo ng mga magulang ko sa buhay ko.

 

(Sure? Just call me when you need my help okay? Lalo na financially, I know you need it. Report everything to me)

 

 

"Aye' Aye' Captain" sabi ko na lang.

 

 

Narinig ko siyang tumawa. (Okay. I need to hang this up, someone's calling in the landline. Baka pinag-hahanap ka na ng bodyguards mo and I won't be shock kung alam na ng parents mo na wala ka sa bahay niyo)

 

 

"Yeah right. Bye M.M. Love you" I said then she ended the call.

 

First time ko pa yatang umalis ng bahay ng walang body guard at drivers. I love this freedom. I can do whatever I want to do now without their consent.

Lumingon lingon muna ako habang nag-iisip kung saan ako pupunta. Sa kakalingon ko, isang papel na naka-paskil sa isang poste ang nahagip ng mata ko.

 

(MAID FOR HIRE

knows how to:

*cook

*wash dishes

*wash clothes

*clean house

Food and Place to stay are provided

Call 09********* for more information)

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet