Mae-C

His Maid

 

 

CHAPTER 8

 

Meili's POV

 

Nagulat naman kami sa sinabi ni James. As in?

 

"I knew it. You won't believe me" sabi ni James

 

 

"Paano ba naman kasi. Si Dexter na gwapo at super rich. Dating nerd? I just can't simply believe it" sabi ni Czarina.

 

Nag-kibit balikat na lang si James.

 

"James I-kwento mo samin yung past nila Dexter" singit ko sa kulitan nung dalawang mokong.

 

 Huminga muna siya ng malalim bago mag-kwento. "Years ago. High school pa lang kami. Magkaka-barkada na kami nila Val and Dexter" panimula ni James. "Well, Dexter and Val are more like brothers na hindi mapag-hiwalay. Nerd pa noon si Dexter. The genius type and yung tipo din na palaging binu-bully" tumingin muna siya samin at ngumiti "He's a genius pero second honor lang siya.  Yung 1st honor nila si Mae-C, who happens to be Val's Crush. Well parang hindi na nga crush, tinamaan ang loko"

 

 

"Wow! Beauty and brains parang yung idol ko" " sabi na naman ni Czarina sabay tingin sakin.

 

 

"Oo na lang. Haha. Then one time. Break time namin. Magkasama kami ni Val, hinahanap namin si Dexter. Kung saan saan na kami napapadpad. Kaya nag-decide na lang kami na mag-hintay sa cafeteria. After a few minutes dumating si Dexter" sabi ni James at tiningnan kaming dalawa ni Czarina na naghihintay sa sasabihin niya "Kasama si Mae-C. That time hindi alam ni Dexter na si Mae-C yung crush ni Val kasi nga classmate ko si Val and si Dexter nasa star section with Mae-C. Never niya pang nakita yung crush ni Val but he didn't know the fact na almost everyday niyang nakikita si Mae-C"

 

 

"And Then?"

 

 

"Umalis na nun si Mae-C tapos lumapit samin si Dexter. Napansin namin na may pasa siya sa mukha kaya he explained everything to us. Na-bully pala siya and si Mae-C yung tumulong sakaniya. Na-love at first sight pa ang mokong kaya si Val nag-selos"

 

 

"Yun lang yung dahilan kung bakit sila nag-away?" tanong ko.

 

Kung ganun lang yung reasons nung away nila. Aba't napaka-babaw naman nun.

 

"Actually no. They promised each other na the best man will win but takot si Dexter na lapitan ulit si Mae-C. Si Mae-C kasi maganda, matalino, sikat at higit sa lahat mabait. Natatakot siya na baka i-reject siya dahil sino nga naman ba siya? Isang hamak na nerd at baduy na lalaki compared sa mga nanliligaw kay Mae-C"

 

 

"Ehh. Si Val? Anong move yung ginawa niya?" tanong ko.

 

 

"He didn't make any move. Nagparaya siya. Bestfriend niya si Dexter eh. Kaya instead na kalabanin eh tinulungan na lang niya si Dexter na i-improve yung sarili niya. Hindi naman daw niya mahal si Mae-C, crush lang daw. But i don't believe that. Lalaki ako, alam ko kung in love ang isang lalaki o hindi"

 

 

"Pano mo naman nasabi yun?" tanong ni Czarina

 

 

"Nahuhuli ko na nakatingin si Val kay Mae-C sa malayo. Simple as that pero ganun din si Dexter eh. Nakatingin din sa malayo, parang mga tanga. Ang sarap pag-untugin"

 

 

"Grabe love triangle. Tinamaan talaga sila no Ashley?" tanong sakin ni Czarina.

 

Nginitian ko na lang siya tapos nakinig na lang ulit kay James.

 

"One day yung dating Dexter biglang nag-laho. Hindi na siya nerd at lampa. He changed himself. Lahat ng tao nagulat pero hindi lang itsura ang nag-bago sakaniya" napailing naman si James. "Nagging playboy siya that time. Araw araw may babae. Nag-cucutting class. Bumabagsak yung grade hanggang tuluyan ng nawala sa Top si Dexer. We don't know his reason. Clueless kami ni Val kung anong nangyayari sa kaibigan namin pero isa lang ang alam namin that time... hindi namin gusto yung pinagbago niya"

 

 

"Ano nang nangyari kay Mae-C? Akala ko ba gusto niya si Mae-C?" tanong ko.

 

 

"Well.... Hindi ko din alam kung bakit siya naging ganun at parang nawalan ng feelings kay Mae-C pero nakikita ko pa din siyang nakatingin sa malayo kay Mae-C. Nagalit noon si Val kay Dexter kasi nag-paraya siya pero parang wala lang yun kay Dexter. Hanggang sa lalong lumaki yung gulo kasi nabalitaan nilang lumipat na si Mae-C ng school. Ikaw ba naman ang mag-paraya ng taong mahal mo di ba? tapos sasayangin lang. Bestfriend mo pa?"

 

 

"Pero parang mababaw pa din yung reasons nila eh" sabi ko. Ang babaw naman kasi talaga. Pwede pa din naman silang magbati di ba?

 

 

"Yan ang akala mo. First love nilang pareho si Mae-C at ang alam ko hanggang ngayon mahal na mahal pa din ni Dexter si Mae-C. Siguro ganun din si Val. Feeling ko nga punong puno ng pictures ni Mae-C yung room ni Dexter kaya ayaw mag-papasok. HAHA"

 

 

"You mean yung room niya s-" di ko natapos yung sasabihin ko, bigla kong naalala nandito pala si Czarina. "Nevermind" sabi ko.

 

 

"Ahh... May tanong pa ba kayo?" sabi ni James at umiling na lang kami. "Sige. Sunod ka sa Gym. May practice mamaya, magdala ka ng towel at tubig ni Dexter. Bye" at tuluyan na ngang umalis si James.

 

Pero bago siya maka-layo bigla ulit siyang lumingon samin

 

"Ashley!" sigaw ni James at napatingin ako sa kaniya. "Wag na wag mong sasabihing kinuwento ko sainyo  kay Dexter huh!? Parehas tayong lulutang sa ilog pasig kung nagkataon..!" sigaw niya at tumango na lang ako.

 

 

"Grabe Idol.. Kawawa naman sila. Sayang friendship nung dalawa" I just smiled as my response.

 

Iniisip ko kasi kung kilala ko yung Mae-C na sinasabi ni James. Parang familiar kasi.

 

"Mei- I mean Ashley. Kilala mo ba yung Mae-C na yun? International model din daw like you eh" tanong ni Czarina.

 

 

"No.. I don't pero parang familiar sakin yung ganung pangalan. Baka nakasama ko na siya sa ilan sa photoshoots ko" sabi ko na lang.

 

Parehas naman kaming napatingin ni Czarina nung biglang nag-ring yung phone niya. Nag-paalam naman siyang sasagutin niya muna yung tawag kaya tumango na lang ako.

Sino kaya si Mae-C? Nacucurious ako sakaniya. Somehow kasi gusto ko siyang ma-meet. Baka makatulong siya para mabalik yung pagkaka-ibigan ni Val at ni Dexter.

 

"Uhmm alis na muna ako idol. Dumating na yung pinsan ko from Cebu may kainan sa bahay? gusto mo sumama?" tanong niya sakin.

 

 

"No thanks may gagawin pa ako. Ikaw na lang. Bye... Ingat ka" sabi ko. Pupunta pa kasi ako sa gym para pagsilbihan si Dexter.

 

Nag-paalam na si Czarina at umalis na din.

Siguro naman may way pa para mag-bati yung mag-bestfriend no? Ex-bestfriend pala. Hindi bale, gagawa ako ng paraan. Ako yata si Meili Adeline Chen, kaya kong gawan ng paraan yun.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet