Meili in Disguise

His Maid

 

CHAPTER 2

 

Meili's POV

 

Pagka-kita ko dun sa papel sa poste. Tinawagan ko agad yung number dun kaso yung kaibigan nung nag-hahanap ng katulong yung sumagot dahil wala daw yung kaibigan niya.

 

(Pwede ko bang malaman yung pangalan mo?)

 

Pangalan?

 

"P-pangalan ko ay Uh... A-Ashley" sagot ko.

 

Sinabihan na lang niya ako na mag-kita kami mamayang gabi sa isang restaurant for formality or should I say 'Job Inteview'. Meron pa bang ganun ang mga katulong? G-R-R. Saan ako hahanap ng birth certificate, police clearance at ID na Ashley ang pangalan? Hay...

 

Napukpok ko na lang yung ulo ko. "Yan kasi. Ashley pa yung pangalang sinabi mo" bulong ko.

 

Teka... (O,o) RECTO! Oo nga pala. Doon ko sinamahan si M.M. na mag-pagawa ng school ID dati nung high school kami dahil nawala niya yung ID niya. No ID no entry pa man din. Pagagalitan kasi siya ng magulang niya kapag nalaman nilang nawala yung ID niya.

Sumakay agad ako ng jeep papunta ng Recto. Nakakahiya mang aminin---First time kong sumakay ng jeep. Pero, nakaka-panood naman ako ng movies na may sumasakay sa jeep kaya alam ko na kung paano sumakay.

 

"Makikisuyo" sabi ko sabay abot ng bayad ko.

 

Wala namang nag-abot instead nakatingin silang lahat sakin.

 

"Uhh... Makikisuyo po?"

 

Anong nangyayari sa mga tao dito? Parang may sapi na parang nakakita ng multo.

 

"Miss. Libre na kita" sabi nung lalaking naka-uniform pa ng FEU sabay kindat sakin.

 

 

"T-thanks" sabi ko na lang.

 

 

"Miss? Ikaw ba yung model?" napatingin ako sa katabi ko.

 

 

Umiling lang ako. "H-hindi. Kamukha ko lang. Kaloka-like lang" sabi ko at tumungo ng konti para hindi na nila masyadong makita yung mukha ko.

 

Mabilis pa kay Flash akong bumaba ng Jeep. Nag-tanong tanong muna ako kung saan pwedeng mag-pagawa ng fake files at tinuro naman nila kaya sinundan ko yung way na sinasabi nila.

Nag-pagawa agad ako ng birth certificate, police clearance at ID. Sabi ko i-rush na lang nila dahil kailangang kailangan ko. Pumayag naman sila at sinabing balikan ko na lang pagkatapos ng ilang oras pero hindi ako pumayag at hinintay ko na lang.

After 1768393645 years. Nakuha ko na din lahat ng kailangan ko.

Napahinga ako ng malalim sabay ngiti bago basahin lahat ng pinagawa ko.

(Ashley Mendoza)

 

"Hello Ashley" bulong ko sabay yakap sa mga papel na hawak ko.

 

Nakangiti akong nag-lakad at sumakay ulit sa bus at panibagong jeep papuntang SM. Kailangan kong bumili ng damit. Wala kasi akong damit.

 

"What can I do for you Ma'am?" tanong nung sales lady sakin.

 

 

"Anong wig ba diyan yung hindi ako makikilala kapag sinuot ko?" tanong ko.

 

May kinuha naman yung babae sakin sabay abot ng maikling wig na may bangs.

 

"Ito po siguro Ma'am"

 

 

Nginitian ko siya. "Thank you"

 

Binili ko agad yung wig at bumili na din ako ng Rayban na glasses. Siyempre yung walang grado yung pinili ko, hindi naman malabo yung mata ko. After kong mabayaran yun. Nag-libot libot ako sa mga botiques. Bumili ako ng mga damit na medyo corny-- T-shirt, Pants, Pang-matandang bestida. In short, not the usual clothes na sinusuot ko as a model and cover girl.

 

 "Miss ikaw ba yung Model sa danGEROUs clothing line?" tanong nung cashier sakin habang nagbabayad ako.

 

Napatingin naman ako sa tinuro niya. Yung latest na in-endorse ko.

 

"H-Hindi" sagot ko at kinuha ko na yung paper bag at sukli ko at lumabas na din ako ng botique.

 

danGEROUs clothing line is owned by my Tito Gerou, kapatid ni Mommy. Because of him naging model ako. I was 15 years old back then  when he asked me to pose as the cover girl of the Gerou mag-- An in demand local magazine.

 

"Enough with reminscing Meili. Stop being stupid. Move on" bulong ko.

 

Nag-withdraw muna ako ng pera hanggat hindi pa nafre-freeze ang atm account ko. I know they will freeze my account once they realize that I'm gone or kung hindi man nila i-freeze, I'm sure they will use it to track me. How? Well, it's simple. Kung saan ako last na nag-withdraw, doon sila mag-uumpisang mag-hanap. But I know how their dirty mind works kaya dumayo pa ako dito sa laguna para lang mag-SM.

After the withdrawal thingy, pumasok na ako sa ladies room. Nag-palit ako ng damit at tinapon ko yung suot ko sa trash can.

 

"Huhu! Mahal pa man din yan" parang t-ngang bulong ko. Emotera mode muna.

Pag-katapos kong mag-bihis malamang lumabas na ako. Baka lamunin na ako ng inidoro sa sobrang tagal ko. Ayokong makasama ang mga tae dun no.

Napangiti na lang ako ng makita ko yung sarili ko sa salamin. Ibang iba na ang itsura ko. Hindi man kasing ganda ng noon at least malaya na ako.

Today, I am no longer Meili Adeline Chen because starting today... I'm already Ashley Mendoza.

 

"Hello Ashley. Goodbye Meili" sabi ko sabay flip ng hair.

 

Napatingin naman ako sa katabi kong bakla.

 

"Tara na nga. Feeling maganda. Ang chaka naman" sabi nung bakla sabay hila sa kasama niya.

 

Chaka man ako. Malaya naman ako! Bleh! =P

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet