New Friend

His Maid

 

 

CHAPTER 6

 

Meili's POV

 

"I think I know you. Hmmm..."

 

Lalo naman akong kinabahan nung ngumiti siya ng pagka-lapad lapad. She's smiling widely from ears to ears.

 

"Sabi ko na nga ba ikaw yung idol kong model!  Ikaw si- mmmmmppphhh...." tinakpan ko kaagad yung bibig niya.

 

 

"Ahh. Miss. Labas muna tayo tutal wala pa yung prof? Sa Ladies room muna tayo?" tanong ko.

 

Binitawan ko na yung bibig niy

 

"Sure idol!"

 

 

"SHHHH! Ang kulit"

 

Hinila ko na siya patayo. Tapos dumaan muna ako sa tapat nila Dexter na busy sa pakikipag-landian.

 

"Ahh. Sir este-- Dexter. Uh. Punta muna kami sa comfort room ha?" siyempre kelangan ko mag-paalam baka mamaya hanapin niya ako.

 

 

Tumingin siya sakin tapos sa kasama ko. "Okay"

 

Dumiretcho na ako sa labas.

 

"Miss saan nga  ba  ang ladies room dito?" tanong ko. Hindi ko naman alam kung saan ang cr dito.

 

 

"Dun lang" sabay turo sa kaliwa. 

 

 Take note. Nakangiti pa din siya.

 

"Sige tara na"

 

Hinila ko na ulit siya at pumasok na kami sa CR.

 

"Ahh. Miss. Uhmm....  How to start?" Ano ba sasabihin ko dito sa babaeng to?

 

Kanina pa ganito mukha niya ohh ---> (^____________^)

 

"Ahh.. miss ok ka lang?" mukha siyang tulala e.

 

Tumango lang siya. Weird.

 

"You sure?" tanong ko ulit.

 

 

"Oo naman! Ang ganda mo sa personal! Idol talaga kita!" yayakapin niya na sana ako pero hinarang ko agad yung kamay ko.

 

 

"S-Sorry ngayon lang kita nakita miss" sabi ko.

 

 

"Oo. Ngayon mo lang ako nakita" nakangiting sagot niya sakin.

 

 

"Yun naman pala. Paano mo naman ako makikilala at magiging idol?"

 

 

"Di mo pa ako nakikita. Pero ako, matagal na kitang nakita" she's getting weirder and weirder.

 

 

"Eh?" ano ba pinagsasabi nitong babaeng to?

 

 

"Miss Meili Adeline Chen PWEDE PAYAKAP?"

 

Nanlaki naman yung mata ko nung narinig o yung tawag niya sakin. M-Meili? Nakilala niya ako?

Nagulat ako sa kaniya ng bigla siyang lumapit at bigla niya na lang ako niyakap.

 

"Kahit naka-nerdy glasses at short hair with bangs ka pa. Kilala kita! Kasi I'm Your number 1 fan! Wahh! Nag-pupunta pa ako noon sa france para makapunta at makapanood sa mga pagrampa mo nun! IDOL KITA!! wahhhh! Lalo na nung nag-model ka dun para sa louis vuitton summer collection. Ang galing!"

 

Bumitaw ako sa pagyakap niya.

 

"M-Miss I-don't-know-who-you-are. Nagkakamali ka, hindi ako model or what-so-ever na pinagsasabi mo. Hindi pa nga ako nakakasaay ng eroplano, france pa kaya?" pagmamaang-maangan ko.

 

 

"Miss Meili hindi mo ako maloloko. Pinagaya ko pa nga ilong mo oh!?" nakangiting sabi niya sabay turo sa ilong niya.

 

Oo nga no? Medyo parehas kami ng ilong pero yung sakaniya medyo halatang retoke.

 

"Kabisado ko ang bawat angulo ng mukha mo. Alam ko nga din lahat ng beauty products na ginagamit mo e"

 

Paano ko ba to lulusutan?

 

"Miss. Mali ka talaga.  Uhm... Ashley ang pangalan ko hindi Meili. Okay? B-baka nandiyan na yung Prof. natin tara na" palabas na sana ako kaso, bigla niya akong hinila.

 

 

"Bakit ka nag-didisguise? Kahit naman naka-disguise ka makikilala kita. Pero in-fairness ah hindi halatang ikaw" huminto muna siya at kinilatis pa yung mukha ko "Pero alam na alam ko kasi mukha ni Miss Meili. Alam na alam ko yung mukha ng idol ko. Alam na alam ko mukha mo kaya hindi ako pwedeng magkamali"

 

Weird talaga. God! tell me, Paano ko to malulusutan? Gosh! Why are you doing this to me?

 

"Hindi ka ba nangangalay? Kanina ka pa naka-ngiti?" tanong ko.

 

Paano kanina pa siya naka-ngiti.. Ako yung nangangalay para sa kaniya.

 Umiling lang siya habang nakangiti pa din. Hayy...

 

"Can you promise na kapag sinabi ko sayo hindi mo ipag-kakalat?"

 

Tumango lang siya pero hindi pa din naaalis yung ngiti niya. Isiinara ko muna yung pinto nung ladies room bago humarap sa kaniya. I let out a deep sigh befor explaining everything to her.

 

"Nag-layas kasi ako. Kapag hindi ko kasi ginawa yun,  they will force me to marry someone I don't even know. I feel like ginagawa nila akong investment for business purposes. That's why naglayas ako and wear this disguises and you see, I'm trying to be a different person now. So, Please promise me that you won't tell what I had just told you to other people? Please? Keep this as a secret. Promise me"

 

 

"Kawawa naman pala idol ko. Okay! Promise!" tinaas niya pa yung kanang kamay niya.

 

 

"Thank God. Thank you very much.  You're really an ange-"

 

 

"Pero sa isang kondisyon"

 

 I don't like her smile this time.

 

"Condition? Okay. What is it? Just make sure it's not  impossible for me to do"

 

 

"Pahinging signature. Please? Pero mamaya na. Nasa locker kasi yung magazine mo nung spring sa Europe. And pwede request? Pwede mo hubarin yung disguise mo? Please? Hindi ko talaga sasabihin kahit kanino yung nalaman ko"

 

 

"Okay.. okay. Akala ko naman kung ano na"

 

Tinanggal ko yung wig and glasses ko tapos humarap sakaniya. Give up na talaga ako sa babaeng to.

 

"WAHH! Ikaw nga! I knew it! Yhie pa-hug!" sigaw niya sabay sakap sakin.

 

 

"Miss tara na baka nandiyan na yung prof." sabi ko. Malapit na kasi akong maipit sa yakap niya.

 

 


"Ehh... Sorry. Czarina Claire Villena Pangalan ko. Hehe" bumitaw na din siya sa yakap niya sakin.

 

 

"Ahh. Tara na Czarina"

 

Sinuot ko na yung disguise ko ulit tapos bubuksan ko na sana yung pinto kaso.

 

"TEKA!"

 

 

"Huh?  What is it this time? Need something else again?"

 

 

"Friends na tayo ahh?"

 

 

"Okay.. okay... Just please don't call me me Idol or  Meili. My name is Ashley while I'm here"


 

She just nodded then I opened the door and we headed back to our room. It's a good thing na wala pa yung prof. kaya umupo na kami ni Czarina sa likod. Pagkatapos din naman ng ilang minuto, dumating na din yung prof.

 

"Good morning class. Tutal It's Second semester naman na at graduating na kayo. Wala naman sigurong transferee that's why you don't need to introduce youself to the whole class right?"

 

 

"Ahh sir!" nagtaas ng kamay si... James?

 

 

"Yes Mr. Castillo? Any problem?" tanong nung prof.

 

 

"We have a new student here" sabi niya sabay turo sakin.

 

 

"Oh I see. Can you introduce yourself miss?" sabi nung prof.

 

Tumingin ako kay Czarina ng alanganin. Nakakainis si James, pepektusan ko talaga yun.

 

"Go Idol! Wala sa dictionary mo ang mahiya. You can do it" she said.

 

Yeah. She's right. I'm brave, I'm confident but I'm scared that there might be someone na makakilala sakin like what happened with Czarina. I have no choice. Tumayo na ako and lumakad sa harap. Tumungo na lang ako ng konti para maitago yung mukha ko.

 

"Good morning everyone. My name is M- Ashley Mendoza. 20 years of age and I'm from the province of Nueva Ecija. That's all thank you"

 

Humarap ako sa prof. namin and give him the Pwede-na-po-ba-akong-umalis-Look, then he just smiled. Umupo na ako ulit sa upuan ko. Pero bago ako makalapit sa upuan ko, narinig ko pa yung iba sa mga classmate ko na nag-bubulungan.

 

"Yuck! So manang"

"Yes you're right. So gross. Eew"

"She looks like a Vendor. Hahaha"

 

Hindi ko alam kung nagbubulungan lang sila o sadyang pinaparinig sakin. Even they didn't mention my name,  I know those es are talking about me. Oh' Well, the funny thing is... I don't care. That's not the truth and will never be. Hahayaan ko na lang silang pag-usapan at laitin ako hanggang sa magsawa yung mga bunganga nila.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet