Upcoming Events

My Heart is Yours

Kasalukuyang nasa library kayong dalawa ni Chanyeol. Nais niyo kasing magbasa ng kung ano-ano tsaka magpalamig. Naka-upo kayo sa may bandang dulo sa isang long table. Hindi kayo magkatabi pero nasa harap mo siya. Tahimik at seryosong nagbabasa ng libro si Chanyeol. Ikaw naman ay pabalik-balik ang tingin mo sa kanyang mukha, sabay balik sa papel na sinusulatan mo. Titingin ka sakanya sabay balik sa papel, titingi sakanya sabay balik ulit sa papel. Paulit-ulit ang ginagawa mo. Pero sa kabila ng lahat seryoso ka sa ginagawa mo. 

Maya-maya ay natapos ka na sa ginagawa mo at dali-dali mong tinago ang papel na sinusulatan mo sa bag mo. Si Chanyeol ay nagbabasa pa rin. Tinago at inayos mo lahat ng gamit mo at malinis na ang harap mo. Pinatong mo ang dalawang kamay mo sa table at tinignan mo nalang si Chanyeol. Napansin ni Chanyeol na wala ka nang ginagawa kaya tinignan ka nito. 

"Wala ka na bang gagawin?" Tanong niya sayo. 

Nag-smile ka at umiling-iling. 

"Gusto mo na ba umalis?" Sinara niya yung librong binabasa niya. 

"Ayoko pa. Dito lang tayo. Sige oppa magbasa ka lang diyan." Ngiti mo. 

Binuksan ulit niya yung libro niya at nagsimulang magbasa ulit. Ikaw naman ay tumingin-tingin sa paligid. Sa takot mong ma-bored, naisipan mo ring magbasa ng libro. 

"Umm...oppa." Tawag mo sakanya.

"Mmm?" Tingin niya sayo at taas ng kilay.

"Samahan mo naman ako maghanap ng libro." Sabi mo. 

"Sige halika." Nod niya tapos tumayo na kayo. 

Nag-ikot-ikot na kayo sa mga ganyan (picture sa taas). Ikaw nangunguna sa paglalakad at siya naman ay nasa likod mo lang. Sa dinami-dami ng libro ay wala kang mapili. Lakad lang kayo ng lakad. Bigla kang naka-isip ng kalokohan. Tumakbo ka ng mabilis at umikot-ikot ka sa mga bookshelves hanggang sa nawala si Chanyeol sayo. 

"Uy Suji----" Sisigaw na sana si Chanyeol pero napansin niyang nasa library pala kayo. 

Tawa ka ng tawa dahil alam mong maiinis si Chanyeol. Si Chanyeol naman ay tumakbo na rin kung saan para hanapin ka. Inikot niya kada bookshelves pero di ka niya makita. 

*Aisshhh Suji! Pasaway ka talaga!* Inis niya sa utak niya. 

Hindi ka na tumatakbo pero naglalakad ka nalang at hinahanap mo rin siya kung nahanap ka na niya. Patawa-tawa ka pa rin. Sa laki ng library napagod na si Chanyeol kakatakbo at naglakad-lakad nalang din siya. Pagka-liko mo, bigla mo siyang nakita pero nakatalikod ito at naglalakad. Mahina kang tumawa. Dali-dali kang tumakbo papunta sakanya at bigla kang tumalon papasakay sa likod niya at hinalikan mo bigla ang cheeks niya. 

"Boo!" Ginulat mo siya. Syempre nagulat siya. "Talo ka.." Inasar mo siya at tinusok-tusok mo yung pisngi niya. 

"Uy ano ba... bumaba ka nga." Napansin mong naiinis siya at nabibigatan sayo. 

Bumaba ka na sakanya. Humarap siya sayo ng bwisit ang mukha. Ikaw naman ay nagpipigil ng tawa. 

"Pinagod mo ko. Bakit ka naman nakipaghabulan dito? Kala mo ba natutuwa ako?" Galit niyang sinabi. 

Ikaw naman napakagat sa labi mo sa kahihiyan. "Sorry na-----" 

Bago ka pa matapos eh naglakad na siya papunta sa harap mo papa-alis. Hinabol mo siya ng lakad. 

"Uy oppa... sorry na." Binibilisan mo yung lakad mo pero di mo talaga siya mahabol. 

"Oppa... wait lang......" Napagod ka na at natigil ka sa paglalakad. 

Si Chanyeol naman ay nagpatuloy pa rin sa pag-iwan sayo. Tinignan mo lang yung paglayo niya at nag-pout ka. Napatingin ka sa mga libro sa taas ng shelf na katabi mo at may isang libro na pumukaw sa mga mata mo. Ang title ng libro ay "Bestfriends In Love". 

*Mukhang maganda yun ah* Inabot mo yung libro sa taas pero di mo maabot.

Tumalon-talon ka na at banat na banat na yung kanan mong braso pero di mo pa rin maabot. Naiinis ka na. 

"Ughhh bwisit! Ang hirap kunin!" Bulong mo at pilit mo pa ring inaabot. 

Napatigil si Chanyeol sa paglalakad ng mapansin niyang wala ka na sa likod niya. Tumingin sa likod niya at ayun, nakita ka niyang may pilit na inaabot. 

*Aissshhh Suji na pasaway!* Umirap siya at napilitang balikan ka. 

Nasa tabi mo na siya at nakatingin lang siya sayo nang naka-kunot yung noo. Hindi mo siya napansin at pinipilit mo pa rin abutin. Tinignan ni Chanyeol kung ano ang kinukuha mo. Nagtiptoe siya at kinuha yung libro. Habang kinukuha niya yung libro, napatingin siya sayo at pati ikaw ay nagulat. Naka-extend pa rin ang kamay niya sa libro pero ang mga mata niya ay nasa mata mo. Nagkatitigan kayo ng ilang seconds. Napatingin si Chanyeol sa mapupula mong labi mo napatitig. Na-attract na naman siya dito at unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sayo. Ikaw naman ay naninigas na ng sobra sa kinatatayuan mo. Tumitibok ng mabilis ang puso at tila'y malalaglag na. 

*Chanyeol...anong ginagawa mo.....* Sa isip yan ni Chanyeol.

Bago matuloy ang gagawin ni Chanyeol, napa-blink ang mga mata niya at napa-iling. Dali-dali niyang binaba ang librong hawak niya at ibinigay sayo. Tulala ka pa rin sakanya. Nakatayo na ng maayos si Chanyeol sa harap mo. 

"Halika na..." No reaction niyang sinabi tapos tumalikod na at naglakad. 

Nag-blink ang mga mata at bumalik ka na sa diwa mo. Na-realize mong hawak mo na yung libro. 

"Uy wait lang!!!" Tumakbo ka sakanya at nasa tabi mo na siya. 

"Oppa wag ka na magalit. I'm sorry na...." Pout mo sakanya habang hini-hila-hila yung sleeves niya. 

"Tsss" Umirap lang siya at naglalakad pa rin. 

"Please Oppa... I'm sorry na..." Pagpilit mo pa rin. 

Iniirapan ka lang ni Chanyeol. 

"Oppa......" Hinawakan mo na yung kamay niya at may naramdaman na naman siyang kuryente paakyat sa katawan niya.  

"Sorry...." Pout mo sakanya. "I love you...." dugtong mo pero mahina lang. 

Kahit mahina ay narinig ni Chanyeol ang last three words na sinabi mo. Feeling niya ay may sumuntok bigla sa tiyan niya kaya napatigil kayo sa paglalakad. Ikaw naman ay nagulat rin sa sinabi mo. Pinagdadasal mo na sana di niya narinig. Magkahawak pa rin ang kamay niyo at tumingin siya sayo. 

"Anong sabe mo?" Kunwaring naiinis na tanong niya. 

"Uhhh.....ehhhhh.... wala...." Pilit mong tawa. "Sorry na oppa please." Hinigpitan mo ang hawak sa kamay niya. 

Feeling niya may kumukuryente talaga sa katawan niya. 

*ano to.... bakit ganito ang mga hawak niya....* Napailing siya sa mga naiisip niya. 

"Sorry na talaga. Wag ka na magalit." Pout mo sakanya. 

"Oo na oo na! Wag mo na ako hawakan." Pilit niyang sagot at pagbitiw sa mga hawak mo. 

Hindi naman dahil sa ayaw ka niyang hawakan pero dahil iba kasi ang nararamdaman niya. 

"Yeyyyy!!!!" Niyakap mo siya ng mahigpit. 

 

--------------------------------------------------------

"Okay class, next week magkakaroon ang batch niyo ng prom. Pipili kayo ng partner. Both gender are not allowed. Kailangan girl and boy kasi nga prom. You still have one week to prepare." Sabi ng teacher niyo. 

Lahat kayo ay natuwa sa balita ng teacher niyo. Yung iba kinikilig, yung iba ayaw na mejjo gusto ko. Mahina mong pinalakpak ang hands mo habang kinikilig. Alam mo na kasi na si Chanyeol oppa mo ang prom date mo. Yiiikiiieeesss. Meanwhile, si Kris naman naka-halumbaba lang sa upuan niya. Parang ayaw niya sa prom. Ikaw ay wide ang ngiti. 

"Bro! Ako na bahala sa date mo!" Narinig mong sigaw ni Kai kay Kris. 

"Tsss! Di ako interesado sa mga dates!" Bitter niyang sagot sabay irap. 

Hindi mo nalang pinapansin ang pag-usap nila pero bwisit naririnig mo dahil nasa gitna ka nila. 

"Sino bang gusto mong ka-date? y, maganda, masarap, maputi, makinis? Ano?" Tanong ni Kai kay Kris. 

Nairita ka na. "PWEDE BANG MAG-TABI KAYO PAG NAG-UUSAP?! NAKAKAIRITA KASI NAPA-GITNAAN NIYO KO EH!" Sigaw mo kay Kai. 

"Woaaahhhh. Sungit naman nito." Ngiting pang-asar ni Kai. 

"Bro alam ko na gusto mo!" Sigaw niya ulit. 

"Ewan ko sayo!" Sigaw rin ni Kris sakanya.

"Suji, pwede ka bang maging ka-date ni Kris?" Tanong ni Kai.

Nagulat ka bigla. "HELL NO! AYOKO!!!!" 

"Uy relax! Nagtatanong lang naman ako eh." Natatawa siya sayo. 

"EH AYOKO NGA EH! TSAKA KAHIT NAMAN HINDI NA AKO MAGHANAP NG PARTNER EH AUTOMATICALLY MAY PROM DATE NA AKO. ISA PA, WALA TALAGANG GUSTONG MAKIPAG-DATE SAINYO DAHIL MASASAMA ANG UGALI NIYO!" Sigaw mo sakanya at inemphasize mo yung last four words mo. 

Narinig ni Kris ang mga sinabi mo at napatingin siya bigla sayo nung inemphasize mo yung last words mo. Aminado naman siyang masama ang ugali niya pero sa totoo lang, nasaktan siya sinabi mo at itinaboy mo pa siya sa harap ng bestfriend niya. 

 

------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad na kayo ni Chanyeol pauwi. 

"Oppa, narinig mo na ba yung about sa----"

"Prom?" Tanong niya bigla.

"Mmm" Nag-nod ka. 

"Oo. Inaya nga ako ni Jinae na maging prom date niya eh." Sagot niya.

Napatigil ka bigla sa paglalakad mo at feeling mo nag-end of the world na. Nasaktan at nainis ka sa sinabi niya. Napansin ni Chanyeol na napatigil ka sa paglalakad mo. Tumingin siya sa likod niya at nakita ka niyang malungkot na may halong inis. Hindi mo siya tintignan ng diretso dahil baka masapak mo siya. Lumapit siya sayo ng naka-ngiti. 

"Uy Suji... eto naman...." Hahawakan na sana niya yung kamay mo pero bigla mo itong tinabig. 

"Wag mo nga akong----" 

"Wag ka mag-alala. Tinanggihan ko yun kasi ikaw ang gusto ko." Sabi niya sayo ng naka-ngiti. 

Nakasimangot ka pa rin at tumingin ka sakanya. 

"Sabi ko sakanya na ikaw na ang prom date ko kahit di mo pa ako tinatanong." Dugtong pa niya. 

Sa totoo lang, kinikilig ka na pero gusto mong ipakita sakanya na naiinis ka. Hindi ka na makapagsalita sa mga sinabi niya at nagpatuloy ka nalang sa paglalakad mo at iniwan siya. 

"Uy... wait lang...." Hinabol ka niya at nasa tabi mo na siya ulit sa paglalakad. 

Nagpatuloy na kayo sa paglalakad at hindi pa rin kayo nag-uusap. Habang naglalakad, hinawakan niya bigla ang kamay mo at nagtungo kayo sa ibang direksyon.

"Saan tayo pupunta?" Mejjo inis mong tanong. 

Tumingin siya sayo at nag-smile. "Sa paraiso natin." Nag-smile siya ng labas ang ngipin.

Kinilig bigla ang buong katawan mo at nag-blink ang mga mata mo. Hindi ka na umangal dahil alam mo na kung saan kayo pupunta. 

 

-------------------------------------------------------------------------------------

Magkatabi kayong naka-upo sa buhangin sa ilalim ng puno ng mangga. Mahangin at awkward. Naka-tingin lang kayo pareho sa tubig at along ng dagat. 

Hiniga mo ang ulo mo sa balikat niya at tumingin ka sa mukha niya. 

"Ako nalang prom date mo..." Pout mo habang nakatingin sa mukha niya. 

Tumingin siya pababa sayo at sobrang magkalapit na ang mukha niyo. Sinubukan mong wag mag-react. 

"Oo ikaw lang." Hinalikan niya bigla ang noo.

Feeling mo makakalas lahat ng buto mo sa katawan mo dahil sa kilig. 

*ANNOOOO TOOO SUJI!!!!!! HINDI KO NA MAPIGILANG NGUMITI!!!!* Sigaw at kilig mo yan sa isip mo. 

Binalik na ni Chanyeol ang mga tingin niya sa dagat. 

"Birthday mo na bukas. Wala ka bang balak i-celebrate?" Tanong niya. 

Napa-angat ang ulo mo dahil nalimutan mo na birthday mo nga bukas. Sa sobrang talino mo, pati sarili mong birthday ay nakalimutan mo na. 

"Wala. May pasok eh. Tsaka ang daming quizzes tsaka seatworks." Sagot mo. 

"Andito naman ako para pasayahin ka." Seryosong sagot ni Chanyeol. 

Na-touch ka sakanya kaya hinawakan mo ulit yung kamay niya at ngumiti ka. 

"Dalagang-dalaga ka na Suji. Parang dati lang, naghahabulan tayo dito. Pero ngayon iba na." Sabi ni Chanyeol. 

*Iba na rin ang nararamdaman ko para sayo* Habol niya sa utak niya. 

"16? Dalaga na ba yun oppa?" Tanong mo. 

"Oo naman. Kaya ingatan mo yung sarili mo at wag mong pababayaan. Hindi naman palagi nandyan ako sa tabi mo." Sabi niya. 

"Oo nga. Nag-iingat naman ako." Sabi mo. 

"Sure ka, hindi ka magcecelebrate ng birthday mo?" Tanong niya ulit. 

"Ewan ko. Hindi ko talaga alam oppa. Baka magluluto lang yun si Mama pag-uwi natin." Sagot mo.

"Osige ako na bahala." Sabi niya sabay ngiti.

Nagtaka ka bigla. "Ha? Anong ikaw ang bahala?" Tumingin ka sakanya.

"Wala. wala yun..." Ngiti niya sabay hawak ulit sa gilid ng ulo mo para ihiga sa balikat niya.

Hindi ka na ulit nangulit pa. Parehio niyo na ulit pinapanood yung mga alon sa dagat. 

*Pasasayahin ko yung birthday mo tulad ng pagpapasaya mo sa akin* 

Tumingin sayo ng konti si Chanyeol at ngumiti sabay hiniga rin niya ang ulo niya sa ulo mo habang magkahawak pa rin ang mga kamay niyo. 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HEHE. BORING. 

YUNG SUSUNOD MAGANDA. PRAMIS.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!