Jerks

My Heart is Yours

"conversation"    *thoughts*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

7:00 pm.

Nagising ka sa pagkakatulog mo sa legs ni Chanyeol. Napaupo ka bigla at nagulat ka dahil madilim na. Nanlaki ang mga mata mo. Tinignan mo si Chanyeol at nakita mong nakasandal siya sa puno ng mangga habang natutulog. 

"Chanyeol oppa....." Niyugyog mo siya para gisingin. Dahan-dahan naman siyang nagising. 

Yan ang itsura niya.

"Oppa tara na. Inabot na tayo ng dilim dito. Baka nag-aalala na si mama." Dali-dali kang tumayo at hinila mo na rin ang kamay niya papatayo. 

"Patay tayo kay mama oppa....." Ngawa mo sakanya habang mabilis na kayong naglalakad.

"Ako bahala sayo wag ka mag-alala....." Sabi naman niya. 

Mabilis na kayong naglakad papauwi. Mejjo malapit lang naman ang bahay niyo sa tabing-dagat. Dumaan muna kayo sa laundry shop niyo at napansin mong naka-patay na ung ilaw. Meaning nagsara na yung mama mo. Kaya naman mabilis na kayong pumunta sa bahay niyo. 

Pagpasok mo sa bahay.....

"Mama sorry-------" 

"SAAN NA NAMAN KAYO GALING???!!!!" May sandok na sumalubong sayo pero buti nalang naka-ilag ka. "GABI NA AH?!!! DIBA KANINA PA UWIAN NIYO??!! DI NIYO ALAM NA NAG-AALALA KO SAINYO??! HALOS DI AKO MAPAKALI DITO SA KAKAISIP SAINYO!!! SAAN BA KAYO GALING??!!" Sermon at sigaw ng nanay mo yan. 

Nanahimik lang kayong dalawa ni Chanyeol. Sanay na kayo sa ganitong eksena. Ang gagawin niyo lamang ay tumahimik dahil kapag sumagot kayo mas lalo siyang iingay. 

"HAAA??!!! SAAN BA KAYO GALING???!!! CHANYEOL, SAAN BA KAYO NAG-PUNTA AT INABOT KAYO NG GANITONG ORAS??!!" 

"Uhmm.. sa may tabing-dagat po. Nakatulog lang po kaming dalawa doon kasi napagod kami sa klase namin kanina." Maayos na sagot ni Chanyeol.

"DOON NA NAMAN??!! DI PA BA KAYO NAGSASAWA DOON SA DAGAT?!! AYSUSSS NAMAN. MAMAYA NATANGAY NA KAYO NG ALON EH HINDI KO PA MALALAMAN..." Sermon ng nanay mo habang nagluluto.

"Mama dun lang naman kami palagi-----" sagot mo.

"WAG KANG SASAGOT AT HINDI KITA TINATANONG!!!!" Sigaw ng mama mo habang nakatingin sa niluluto niya. 

Patuloy pa ring nagsesermon ang nanay mo pero dumaretso na kayo sa kwarto niyo. Nagtanggal kayo ng sapatos inilagay ito sa shoe rack, Binaba niyo ang mga bag niyo sa isang gilid. 

"Chanyeol oppa magbibihis lang ako, labas ka muna. Okay lang?" Tanong mo sakanya. 

"Oo naman. Tawagin mo nalang ako pag tapos ka na." Lumabas na siya at nagbihis ka na. Nag-suot ka ng white shirt at shorts. 

 

Maya-maya kumakain na kayong tatlo sa lamesa. Walang nagsasalita dahil nga sa sermon ng nanay mo kanina. Napaka-awkward. Kain lang kayo ng kain at nagkakatinginan lang kayo ng mata ni Chanyeol. Ang mga mata niyo kasi ay parang nag-uusap. Nagkakaintindihan ba. 

"Pwede na kayo magsalita." Biglang sabi ng mama. Napa-"huh"-look lang kayo sa kanya. "Hindi na ako galit. Pwede na kayong magsalita. Di ako sanay nang hindi tayo nagdadaldalan habang kumakain." Angil ng mama mo. 

"Wala naman kaming ike-kwento eh." Sabi mo. 

"Ako nalang magk-kwento." Aya ng mama mo. 

"Osige, ano ba yun?" Tanong mo.

"Mga anak, may nanliligaw sakin." Sabi ng mama mo

"HAAAAAAAAAAA?!!!" Sabay niyong gulat ni Chanyeol. Si Chanyeol naman ay biglang naubo kaya napainom siya kagad ng tubig.

"Wag nga kayo OA. Nililigawan pa lang ako." Sabi ng mama mo.

"Sino naman yan?" Pasungit mong tanong.

"Si Mang Gardo." Simple niyang sagot.

"MANG GARDO?! Yung kapit-bahay natin?!!" sigaw mo. Nanlalaki lamang ang mata ni Chanyeol sa inyong dalawa ng nanay mo.

"Oo siya. Wag mo naman ako sigawan anak." 

"Ehhh ma..... wag mo sabihing type mo rin siya?! Ayoko dun..." Angal at ngawa mo sakanya.

"Ewan ko anak. Di ko masasabi..." pang-asar na sagot ng nanay mo.

"Aiiissshhhhhh" Yun nalang ang nasabi mo.

 

 

----------------------------------------------

Kinabukasan......

"Sige bye oppa!" Kiniss mo na siya sa cheeks at naglakad ka na papunta sa classroom mo.

Pagpasok mo dun ay nakita mong kaunti pa lang tao at napansin mo ring wala pa si Kar tsaka si Kris. 

*mabuti naman wala pang devils dito.* 

Umupo ka na sa upuan mo at naglabas ka ng notebook. Habang nag-hihintay kang magsimula ang klase, naisipan mong mag-drawing muna ng kung ano-ano. Drawing ka lang ng drawing. Maya-maya ay dumadami na ang tao sa classroom niyo dahil paingay na ng paingay. Busy ka pa rin sa pagdadrawing mo ng may biglang nagkaroon ng ipis sa ibabaw ng notebook na pingdo-drawingan mo. 

"AAAAAHHHHHH IPISSS!!!!!" Napatayo ka bigla at mejjo lumayo sa upuan mo.

May narinig kang nagtawanan sa likod mo. Tinignan mo ng masama at ito'y wala nang iba kundi si Kai tsaka si Kris.

*you bulls!* 

Naka-close fist na yung kamay mo sa inis habang tinitignan sila ng masama. Tawa pa rin sila ng tawa. Halos lahat ng classmates niyo ay nanonood na naman sa scene niyo. Dinampot ni Kai ang ipis sa desk mo habang tumatawa. 

"Duwag ka pala sa ipis ha! Laruan lang to oh...." Asar niya sayo habang sina-salusalo ang laurang ipis. 

Hindi ka naman talaga takot sa ipis. Ayaw mo lang ng ginugulat ka. Kinuha naman kaagad ni Kris yung notebook mo at tinignan ang drawing mo.

"Wowwwww.... magaling ka rin pala mag-drawing huh." Tinignan niya ito bago tumingin sayo at mag-smirk.

Yan ang drawing mo. Kayong dalawa yan ni Chanyeol sa bus stop. Hahahaha.

Inisip mo na baka sirain ni Kris ang drawing mo kaya agad-agad kang lumapit sakanya at aagawin mo ito. 

"Akin na yan!!!!!!" Sigaw mo sakanya. 

Pilit mong inaabot ang notebook mo sakanya pero pilit niyang itinataas ito. Hindi mo maabot dahil ang tangkad niya. Halos kasing tangkad lang niya si Chanyeol. 

"Ano ba akin na yan!!!!!" Nagtatatalon ka na doon sa harap niya. Siya naman ay tawa pa rin ng tawa.

"Tignan natin kung maabot mo ito." Asar niya sayo. 

"Ayaw mo ha!" Umakyat ka sa upuan mo at dali-dali mo itong inaabot. Mejjo lumayo siya sayo kaya napalayo ang pag-abot.

Nagtatatalon ka na sa upuan mo nang maabot mo na ang notebook mo pero biglang nalaglag kay Kris at pareho kayong napahiga. Nakapatong ka sakanya at pareho kayong nagulat kaya nanlaki ang mga mata niyo. Lahat ng tao sa classroom niyo ay nagulat. Si Kai naman ay napa-smirk bigla dahil nakita na naman niya yung mo. Nagkatitigan kayo ni Kris for ilang seconds habang pareho kayong naka-nganga. 

"Bro! May alam akong murang motel!" Interupt ni Kai. 

Bumalik ka sa diwa mo at dali-dali kang napaupo pero nakapatong ka pa rin sakanya. Sinabunutan mo ang blonde na buhok ni Kris.

"Bwisit ka!!! palagi ka nalang bwisit sa buhay ko!!!!" Sinasabunutan mo pa rin siya. 

"Aray ano ba!!" Tinulak ka niya kaya umalis ka na. Nabad-trip si Kris sa pagkakasabunot mo sakanya. 

Bago ka pa umupo, nakita mo si Kai sa tabi mo at nakatingin ito sayo na naka-smirk. Tinignan mo siya ng mata at bigla mong hinataw ang notebook na hawak mo sa ulo niya. 

"Arayyy!!!!" Di ka na niya pinatulan dahil... wala lang. 

Umupo ka na sa chair mo at napansin mo ring umupo rin si Kris sa chair niya. Nag-glare ka sakanya at nakita mo na badtrip siya.

*Hahaha. Buti nga sakanya.* 

Umiwas ka na ng tingin at tinignan mo na ulit yung drawing mo. 

*Mabuti nalang di ka nasira. Kaming dalawa pa naman ito ni Chanyeol oppa.* 

"Pst!"

May sumisitsit sayo. Wala na namang sumisitsit sayo kundi si Kai. 

"Pst!" 

Hindi mo pa rin pinapansin. 

"Pst!" 

Wapakels ka pa rin.

"Pst!"

"ANNNNOOOO???!!!" Sigaw mo sakanya sabay tingin ng masama. 

"Color red naman ngayon huh..." Bulong niya sayo pero narinig mo naman.

Inirapan mo na nalang siya dahil alam mo na ang meaning niya. 

*type na type niya yung ko bwisit!!!!!* 

 

Last class niyo na at swimming class ito. Dumaretso ang section niyo sa may swimming pool at pumasok sa sari-sarili niyong locker para magbihis. Tutal bata pa kayo ay hindi recquired ang mag-swimsuit sainyo. Ang isusuot niyo lamang ay tanktop tsaka cyclings. Pagkatapos niyo magbihis ay nagsipag-upo na kayo sa may bench na katapat ng pool. Naglelesson ang teacher niyo about sa swimming na gagawin niyo. Pero di ka makapag-concentrate dahil may nanggugulo sayo. 

"Uy legs......" sabi ng manyak na si Kai. 

Naka-upo ka kasi sa gilid ng bench at nakatayo sa gilid mo sina Kai at Kris dahil hindi na sila maka-upo dahil puno na yung bench. Panay ang parinig sayo ng kamanyakan pero di mo naman pinapansin. Si Kris naman ay nakikitawa lang rin sakanya. 

"Kris, kung ganyan legs ng girlfriend mo, masaya ka na?" Tanong ni Kai at halatang pinaparinig niya ito sa school.

"Oo naman. Pero wala pa sa isip ko ang mga ganyan kasi 15 years old pa lang tayo. Kaya kung ako sayo tumahimik ka na dyan!!!!!" Narinig mo ang sagot ni Kris at napansin mong binatukan niya si Kai. Halos di ka na makapag-concentrate sa swimming lessons niyo.  

"Grabe ka naman makabatok. Eh bakit naman ako, 15 palang eh marami nang natikman na chiks." Sagot na pang-asar ni Kai. 

"Eh manyakis ka kasi!" Sagot ni Kris.

Umirap ka nalang at balik atensyon ka na sa teacher mo. Maya-maya ay may sumipa sa paa mo. Sumama ang tingin mo at napatingin ka dito. Si Kris. Nang-iinis na naman. Bumalik ka nalang sa tingin mo sa teacher pero sinipa ka niya ulit. Sinipa mo rin ang paa niya. Tapos sinipa ka ulit niya tapos sinipa mo rin hanggang sa nag-sipaan kayo. Inis na inis na ang mukha mo. Napatingin sayo yung teacher mo. 

"Miss Choi! Okay ka lang ba dyan?" Tanong niya sayo. Lahat na naman ay nakatingin sayo. 

"Yes ma'am" Pilit mong sagot tapos fake smile. 

Napatingin naman yung teacher niyo kay Kris at Kai na nagpipigil ng tawa. 

"Ginugulo ka ba nina Kris at ni Kai?" Tanong ulit ng teacher mo. 

Napatingin ka kina Kai at Kris tapos inirapan mo sila tsaka ka bumalik ng tingin sa teacher mo. 

"No ma'am. I'm fine." Sagot mo. 

Nag-smile nalang yung teacher mo at bumalik na sa pagtuturo. 

* you Kim Jongin and Kris Wu* 

 

Matapos ang swimming class niyo at pag-swimming, sari-sarili na kayong pag-shower sa shower room. Nagpahuli kang magbanlaw dahil pina-una mo na yung iba mong classmates. Ganun ka, mabait ka kaya pinauuna mo sila. Halos lahat sila ay nakapag-palit na at ready na umalis. Ikaw nalang hindi. Naka-upo ka lamang sa isang bench na harap ng locker niyo at naghihintay ka na matapos ang lahat. 

"Suji, ayaw mo pa ba mag-banlaw? Uwian na oh." Sabi ng isa mong classmate.

Tumingin ka sakanya. "Tapos na ba ang lahat?" 

"Oo. Ikaw nalang ata ang di pa nagbabanlaw. Yung iba naka-uwi na. Osige na magbanlaw ka na. Uuwi na ako." Sabi niya.

Nag-smile ka. "Osige thanks. Okay lang ako." 

Tumayo ka na at nagshower. Pagkatapos mo magshower, pumunta ka sa locker mo at nagbihis ka na ulit sa uniform mo. Halos tapos ka na magbihis nang may biglang magpatay ng ilaw sa locker room niyo. Nagulat ka at napatingin sa taas. Madilim na pero mejjo may nakikita ka pa. Dali-dali kang tumakbo sa pintuan ng locker room niyo. Pinihit mo yung doorknob pero naka-lock na ito. Natakot ka na. 

"Hoyyyy!!!! May tao pa dito!!!! Buksan niyo ito!!!!!!!!!!" Sigaw mo habang pinaghahahampas ang pintuan. 

May narinig kang mahinang nagtatawanan sa labas ng pintuan at dali-dali itong tumakbo. Nainis ka dahil may nantrip na naman sayo. 

"Hoyyyyyyy!!!!! Buksan niyo ito!!!!!!!!" Patuloy mong pinaghahampas ang pintuan. 

Halos isang oras ka nang nagsisisigaw doon at di mo na mapigilang umiiyak. Sumandal ka na sa pintuan at nagslide papaupo habang naiiyak sa takot. 

 

 

---------------------

*Asan na ba si Suji.....* 

Panay tingin ni Chanyeol sa orasan niya habang nakatayo sa looby, hinahantay ka. 

*Isang oras na akong naghihintay dito.... aishhh Suji nasan ka na ba.....* 

Halos lahat ng staff, students at teachers ay naka-uwi na. Biglang may dumaan sa harap niyang babae at alam niyang classmate mo ito.

"Uy....." Tawag ni Chanyeol sa classmate mo at hinawakan niya ang braso nito ipinaharap sakanya.

"Yes?" Tanong ng classmte mo.

"Nakita mo ba si Suji? Classmate ka niya diba? Umuwi na ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Chanyeol. Halata sa boses niyang kinakabahan na siya sayo. 

"Uhmmm. Swimming class kasi ang last subject namin. Tsaka napansin ko, nagpahuli siya kanina. Baka nandun pa siya sa women's locker room sa pool." Sagot nung classmate mo.

"Ganun ba. Sige salamat." 

Dali-daling tumakbo si Chanyeol papunta sa swimming pool at tumakbo siya ng tumakbo papunta sa women's locker room. Madilim na ang hallway papunta sa women's locker room at sadyang nakakatakot. Hindi siya natatakot dahil ang kailangan ay makita ka niya. Tumakbo siya hanggang sa makarating siya sa pintuan ng women's locker room. 

"Suji!!! Suji!!! Suji!!!" Pinaghahampas din niya yung pintuan habang tinatawag ang pangalan mo.

Ikaw naman ay umiiyak pa rin habang nakasandal sa pintuan na nakaupo. Nagulat ka dahil narinig mo ang boses ni Chanyeol sa labas. Agad-agad kang napatayo. 

"Chanyeol oppa!!! Chanyeol oppa!!!!" Umiiyak ka parin habang tinatawag mo rin siya.

Narinig ka ni Chanyeol. "Suji!!! Okay lang ba? May masama bang nangyare sayo? Nasaktan ka ba?" Pag-aalala niyang sabi sa labas. 

"Chanyeol oppa natatakot ako dito...." Iyak ka pa rin. 

"Osige mag-intay ka lang. Gagawa ako ng paraan para makalabas ka." 

Pinilit buksan ni Chanyeol ang door knob ng pintuan pero ayaw talaga. Tumingin-tinginsiya paligid at nakita niya yung palakol sa wall na pwedeng gamitin lamang kapag may sunog. Pero dahil no choice siya, binasag niya yung salamin gamit yung siko niya tsaka niya kinuha yung palakol. 

Nakatayo ka lamang sa may harap ng pintuan at di ka pa rin tumitigil umiyak. Inaantay mong mabuksan niya ang pintuan. Si Chanyeol naman ay pinagtataga niya yung door knob hanggang sa masira. Narinig mo na parang may tinataga siya. Nasira na niya yung doorknob ng tuluyan. 

"Suji lumayo ka sa pintuan!" Narinig mong sigaw niya kaya agad-agad kang lumayo sa pintuan. 

Sinipa-sipa ni Chanyeol ang pintuan hanggang sa mabukas. Nang mabuksan niya ito agad-agad kang tumakbo sakanya at niyakap mo siya nang napaka-higpit. Mas lalo kang naiyak. 

"Oppa......." Umiyak ka ng umiyak.

Nakayakap ka ng mahigpit sakanya at niyakap ka rin niya ng mas mahigpit. You felt so secured. 

"Shhh... wag ka na matakot nandito na ako.... tahan na..." Hinimas-himas ni Chanyeol ang likod ng ulo at hinalikan niya ang tuktok ng ulo mo.

Patuloy ka pa rin sa pag-iyak. "Natakot talaga ako oppa.... hindi ko kaya mag-isa ng wala ka...." Sabi mo yun habang umiiyak ka. 

Naawa si Chanyeol sayo dahil nalaman niyang di mo kaya ng wala siya. 

"Wag ka na umiyak. Andito lang ako para sayo....." Sabi niya at hinalikan naman niya ang noo mo. 

Tumingin ka sakanya. Syempre nakatingala kasi matangkad siya. Nakatingin rin siya sayo. Pinunasan niya ang mga luha mo sa mukha gamit ang gilid ng mga kamay niya. 

"Oppa wag mo ko iiwan kahit kelan...." Niyakap mo ulit siya. 

"Promise hindi kita iiwan." Niyakap ka rin niya. 

 

Halos mag-6 pm na nang maka-uwi kayo. Hindi nagalit mama mo, dahil sinabi niyo yung nangyare. Oras na ng tulugan at nakahiga na kayo. Syempre si Chanyeol na naman sa gitna niyo. Nag laon ang gabi at tila'y di ka makatulog. Ang mama mo at si Chanyeol ay tulog na ikaw nalang hindi. Humarap ka kay Chanyeol at nakita mo ang cute niyang mukha. Pinagmasdan mo ito at hinahawakan mo yung gilid ng mukha niya. 

"Thankyou oppa dahil lagi ka nandyan para sakin. Ayoko nang mawala ka sakin. Hindi ko yata kaya mabuhay nun. Feeling ko ako na ang pinaka-maswerte na babae kasi palagi akong may kasama na katulad mo. Gabi-gabi kong pinagdadasal na sana hindi ka kunin ng daddy mo at tuluyan kang ilayo sa amin ni mama. Alam mo namang ikaw lang bestfriend ko. Kahit kelan hindi na ako naghanap ng ibang tao dahil sobrang saya ko na sayo. Goodnight oppa..." Mahina mong sabi habang nakatingin sa mukha niya. Kiniss mo ang ilong ni Chanyeol at tumalikod ka na sakanya tsaka natulog. 

Di mo namalayan na gising pa pala si Chanyeol. Nang nakatalikod ka na sakanya, unting-unti siya dumilat at tinignan ang likod ng ulo mo. Narinig niya ang mga sinabi mo. 

*Hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang buhay ko sa tuwing magkasama tayo. Kahit sa maliit na bagay tayo magkasama, pinapasaya mo na ako. Hindi ko rin kayang mawala ka sakin. Hindi kita iiwan Suji....* 

Nakapikit na ang mga mata mo at naramdaman mong ipinatong ni Chanyeol ang braso niya sa bewang mo. Parang nakayakap, or nakayakap na talaga. Hindi ka na nagulat dahil sanay ka na dito. Ngumiti ka nalang tsaka tuluyang natulog na.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mwahahahaha. Ginagawa ko ang best ko para kiligin lang kayo.

Di kasi ako ganun kagaling sa pagpapakilig. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!