Monday Feelings

My Heart is Yours

"conversation"   *thoughts* 

Yung picture sa taas, ganun ang buhok ni Chanyeol dito ha. Hindi blonde.

 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

Monday na at pumasok na kayo ni Chanyeol. P.E day niyo ngayon kaya wala kayong ibang ginawa kundi mag-sports. Nasa soccer field kayo at nagjojogging. Takbo kayo ng takbo hanggang sa mapagod kayo. Halos lahat ng classmate mo ay naghihingalo sa sobrang pagod. Pero si Kai ay feel na feel ang pagiging wet look. Si Kris naman ay tahimik lang pero may kulo yan sa loob. Umupo ka na sa bench dahil hindi mo na kaya. Maya-maya ay biglang tumabi si Kris sayo.

"Usog nga." Tinulak ka niya papaurong at umupo siya. 

"Ewww." Paalis ka na sana kaso hinawakan niya yung wrist mo at pinaupo ulit.

"Dito ka lang." Sabi niya. 

"Ano bang paki mo? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas mo sa hawak niya.

"Pagbinitawan kita aalis ka." Hindi pa rin niya binibitawan ang wrist mo. 

"Fine dito lang ako. Wag mo lang ako hawakan kasi may virus ka." Pagtataray mo sakanya.

Binitawan ka na ni Kris at umupo ka lang ng diretso sa tabi niya. Inis na inis ang mukha mo. Nanahimik lang kayo doon at ang awkward.

"Bakit di mo yata kadikit ngayong yung manyakis mong kaibigan?" Sungit mong tanong.

"Ewan ko ba dun. Ang aga-aga nakikipaglandian na naman." Simpleng sagot ni Kris. 

Nakikita niyo kasi si Kai sa kabilang bench na nasa harap niyo na nagpapa-cute na naman sa mga magaganda mong babae.

"Tss. Wala kayong pinag-kaiba nun." Sabi mo. 

"Yah! Mas mabait naman ako dun. Hindi naman ako manyakis tulad niya. Oo bully ako pero may respeto ako sa babae." 

Umiinom ka ng tubig sa bote tapos muntikan mo nang mabuga ito sa sinabi niya. Naubo ka naman.

Napatingin ka kay Kris. "Ikaw? May respeto sa babae? In your face. Sa akin palang parang laruan na ang turing niyo." 

"Ayaw mo nun? Sa dinami-dami ng babae dito sa campus sayo lang kami hindi nagsasawa." Pang-encourage niya sayo na tila'y nang-aasar pa. 

Naalala mo bigla yung nangyari sayo sa women's locker room sa pool. 

Nilapit mo ang mukha mo kay Kris. "HOY! MAGSABI KA NG TOTOO, KAYO BA YUNG NAG-KULONG SA AKIN SA LOCKER ROOM NOON?" 

Tinulak ka ni Kris papalayo sakanya. "Paano kung sabihin kong oo?" 

"EDI SANA MAMATAY NA KAYO!" Nag-walk out ka sa tabi niya at naglakad papunta sa field. Sinusundan ka pa rin ng tingin ni Kris at natatawa siya sayo.

Naglalakad ka na sa gilid ng field nang may dumating na maraming tao dito. Napatigil ka at nabunggo-bunggo ka. Ang gulo kasi nila. Nung nakadaan na sila, nagpatuloy ka na maglakad. 

"Uy Suji!" Biglang sumulpot sa tabi mo si Chanyeol. 

"Oppa! Anong ginagawa mo dito?" Wide smile ka ulit. 

"Napag-usapan kasi ng klase namin na maglalaro kami ng soccer ngayon. Nood ka ha." Ngiti-ngiti pa rin siya. 

"Oo naman. I-chicheer pa kita." Sabi mo. Naglalakad-lakad pa rin kayo. 

"Teka, saan ka ba pupunta?" Nagtaka si Chanyeol kung saan ka pupunta.

Napatigil ka bigla. "Oo nga no? Ewan ko." Natawa nalang kayo pareho. 

 

Meanwhile, ang mga mata ni Kris ay di pa rin maalis sayo. Nainis siya bigla nung may lumapit na lalaki sayo at mukha pa kayong masaya. 

*Sino naman yung lalaking yun? Boyfriend niya ba yun? Mas gwapo naman ako kesa doon, magkasing-height lang kami. Teka, bakit ba ako naiinis?* sa utak yan ni Kris. 

"Hoy! Baka matunaw si Suji." Ginulat ni Kai si Kris at umupo ito sa tabi niya. Napatingin si Kris kay Kai. 

"Di ah. Oy ikaw ang aga-aga chumachansing ka ha" Pang-asar ni Kris. 

"Syempre. Nakahalik na nga ako eh." Pagmayabang niya. 

"Halos lahat ng magandang babae dito ay hinahalikan mo." Sabi ni Kris.

"Si Suji na nga lang hindi eh." Pangiti-ngiting sabi ni Kai. 

Lumapit si Kris kay Kai. "Oy! Wag mo gagalawin yun. Subukan mo lang" Panakot niya tapos lumayo na siya.

"Woah woah woah! Bakit naman? Si Suji lang naman yan ah. Teka..... may gusto ka na sakanya no?" Pang-asar na tanong ni Kai.

"Oy hindi ah. Di ako magkakagusto sa isang malditang kagaya niya." Depensa ni Kris tapos look-away.

"Usus! Kunwari ka pa. Halata namang may gusto ka sakanya. Kanina ka pa patingin-tingin sakanya eh." Pang-asar ni Kai.

"Teka, kilala mo ba yung lalaking yun? Sino ba yun? Napapansin ko parati sila magkasama ni Suji. Boyfriend niya ba yun?" Curious na tanong ni Kris.

Tumingin sainyong dalawa si Kai. "Ahhh yun? Ang pagkaka-alam ko, bestfriend niya lang yan. Uy ikaw Kris ha, nagseselos ka no?" Pang-asar na naman ni Kai. 

"Tumigil ka nga diyan! Hindi ako nagseselos dun no!" Inirapan niya si Kai. 

 

 

"Osige na balik ka na doon. Magsisimula na yung laro namin." Sabi ni Chanyeol at di pa rin naalis ang ngiti niya sayo. 

"Sige oppa. Goodluck iche-cheer kita. FIGHTING!" 

Naglakad ka na pabalik sa bench niyo. Nakita mo sina Kai at si Kris na magkatabi na kaya di mo na naisipan na tumabi ka pa doon. Dumaretso ka nalang sa bench na nasa harap lang nila. 

"O iyan na pala si Suji eh." Sabi ni Kai kay Kris. 

"Okay class, we have to go back to your respective classrooms." Sabi ng teacher.

Napatayo ka bigla. "Ma'am wag muna po. Please? Panoorin muna natin yung laro ng kabilang section please?" 

"I'm sorry Ms. Choi pero may gagawin pa tayo sa classroom." 

"Please ma'am. Kahit sandali lang. Maglalaro po kasi yung bestfriend ko, kailangan po nila ng cheer. Please ma'am?" Nagtatalon ka na sa harap ng teacher mo. 

"Ano ba to masyadong O.A para sa bestfriend niya." Sabi ni Kris habang pinapanood ka mag-ngangawa.

"Selos ka lang eh." Sabi naman ni Kai. 

 

"Please ma'am parang awa niyo na. Panoorin nating yung laro nila." 

"Okay fine. Sige papanoorin natin yung laro nila. Ipapa-take home ko nalang yung papagawa ko sainyo." Nag-sigh yung  teacher mo.

Lumabas ang napaka-haba mong ngiti. "Yeheeeeyyyyyyy!!!! Thankyou ma'am thankyou!!!" Niyakap mo yung teacher mo. 

 

Nag-start na yung game. Nasa blue team si Chanyeol at ang kalaban nila ay yung red team. Panay cheer mo sakanya. Halos di ka na umuupo. Sa buong klase niyo ikaw lang ang nagtatatalon at maingay. 

"WUHOOOO!!! GO CHANYEOL OPPA!!! KAYA MO YAN!!! WUHOOOO!!!!" sigaw mo. Kulang nalang ay banner. 

Maganda ang laro at napaka-active ni Chanyeol. Hindi mawala ang tingin at ngiti mo sakanya. Panay sigaw mo pa. 

"ANO BA YAN ANG INGAY!!! HOY SUJI UMUPO KA NGA! DI NAMIN MAKITA OH." Reklamo ni Kris na nasa likod mo pero ang totoo nagseselos siya.

Tumingin ka kay Kris. "WALA AKONG PAKI SAYO! BAKIT BA HINDI KA TUMAYO TUTAL MUKHA KA NAMANG KAPRE!!!" Asar mo sakanya.

Biglang tumawa si Kai sa sinabi mo. "HAHAHAHA. Kapre ka pala Kris." 

Tinignan ng masama ni Kris si Kai. "Tumahimik ka sapakin kita diyan eh!" 

Bumalik ka na sa panonood at pagwawala doon. Joke. Nasa paa na ni Chanyeol ang bola at tumatakbo na siya for goal. 

"GO OPPA GO OPPA!!!" Sigaw mo.

Sinipa ni Chanyeol ang bola at ayun naka-goal siya. 

"WWWWUUUUUHHHHHOOOOOOWWWWWW OPPA KO YAAAAAAAANNNN!!!!!!" sigaw mo nung naka-goal siya.

Lahat ng ka-team niya ay lumapit kay Canyeol para i-cheer dahil naka-goal siya. Pagkatapos nun, tumingin sayo si Chanyeol tapos kinindatan ka at nag-flying kiss. Nagulat ka at nanlaki ang mga mata mo. Sumakit bigla ang tiyan mo. Hindi mo alam kung kinikilig ka sakanya o hindi. Ngumiti ka nalang din sakanya sa saya. 

Back to the game na ulit. Hindi ka pa rin nagsasawang magcheer para sa Chanyeol oppa mo. Nasa paa na naman ulit ni Chanyeol ang bola at tumatakbo na for goal. 

"GO OPPA!!!!!! GO OPPA!!! I LOVE YOU!!!!!" Nagulat ka sa sinigaw mo at nanlaki ang mga mata mo. Hindi mo alam na narinig ni Chanyeol yun kaya naka-goal na naman siya. 

Nung nakita mong naka-goal siya back to cheer ka na naman. "WUUUHHHHOOOOOOOOWWWW!!! ANG GALING TALAGA NG OPPA KO!!!" 

 

Si Kris naman na nasa likod mo ay inis na inis ang tingin sayo. 

"Narinig mo yun? Nag-iloveyou siya sa lalaking yun?" Tanong ni Kris kay Kai na naniinis.

"Oh ano naman? Selos ka na naman diyan." Pang-asar ni Kai kay Kris.

 

Tumingin ulit sayo si Chanyeol na masayang naka-ngiti. At nag-mouthword siya sayo ng "I LOVE YOU TOO".

Nabasa mo ang labi niya at nagulat ka na naman. Feeling mo kinukuryente na naman yung tiyan mo. 

*totoo ba yun..... nag-i love you too siya sakin.... haayyyy Suji ano ba tong nararamdaman mo... oppa mo yan....*

 

2-0 na ang score ng laro. Masaya ang laro para sayo kasi andun si Chanyeol. Okay, nasa paa na naman ni Chanyeol ang bola at tumatakbo na siya. Bago niya masipa ng malakas ang bola, may isang kalaban ang biglang sumipa sa paa niya mismo kaya napatumba si Chanyeol sa sakit. Nagulat kayong lahat dahil halos mapilay ang itsura ni Chanyeol. 

"OPPAAAAAA!!!!" Kinabahan ka at di mo na napigilan ang sarili mong tumakbo papunta sakanya. 

Nagulat ang classmates mo tsaka yung teacher mo dahil tumakbo ka sa gitna ng field. Nakatakbo ka kay Chanyeol at pagkarating mo dun pina-tabi mo ang mga team mates niyang naka-palibot sakanya. 

Umupo ka sa harap niya. "Oppa... okay lang? Kaya mo pa ba?" Pag-aalala mong tanong sakanya. 

Naka-upo siya sa harap mo with straight legs at may ginagawa sa paa niya. 

"Oy sino ka ba? Bakit ka nakiki-eksena dito? Artista ka ba?" Tanong nung isa niyang ka-team na nakatayo sa gilid niyo. 

Tinignan mo siya, "Paki mo ba?! Bestfriend niya ako kaya tutulungan ko siya." 

"Okay lang okay lang. Wag niyo na siya paalisin." Sabi ni Chanyeol na namimilipit sa sakin. 

Tumingin ka kay Chanyeol nang nag-aalala at tumingin rin siya sayo. Eye to eye na naman kayo pero this time parang kakaiba. Nag-slowmotion ang tingin mo sakanya. 

*ano to....bakit ganito ang nararamdaman ko.....hindi pwede....* sa isip mo yan habang slowmotion ang tingin mo sakanya. 

Nag-blink ang mga mata mo at umiling-iling. 

"Oppa, kaya mo pa ba?" pa-simple mong tanong. 

Nag-blink din yung mata sayo ni Chanyeol. "Uhhh... oo okay lang ako...." Sagot ni Chanyeol kahit di naman talaga siya okay. 

"May sprain ang right foot mo Chanyeol. Mukhang hindi ka makakalakad ng maayos ng ilang araw." Tumingin kayo sa coach nila. 

"Hala oppa may sprain ka daw..." Pag-aalala mong tingin kay Chanyeol.

Napailing si Chanyeol. "Okay lang. Hayaan mo na gagaling din yan." 

"Sige na pumunta na kayo sa clinic." sabi nung coach. 

Inalalayan mo nang itayo si Chanyeol. Hawak mo ang right arms niya at yung isang teammate naman niya sa left. Ipinatong mo sa balikat mo ang braso niya. 

"Suji mabigat ako.. wag mo na akong tulungan." Sabi niya sayo. Nagsisimula na kayong maglakad. 

"Ano ka ba oppa okay lang. Sanay na ako kasi palagi mo akong dinadaganan kapag natutulog tayo." Natawa nalang kayo pareho. 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa clinic.......

"Umupo ka muna diyan iho..." sabi nung nurse. 

Naka-alalay pa rin kayo kay Chanyeol at dahan-dahan niyo siyang pinapa-upo sa kama. 

"Chanyeol una na ako ha." Sabi nung isa niyang ka-team na nag-alalay rin sakanya. 

"Sige salamat ha." Sabi ni Chanyeol. Dahan-dahan siyang umuusog pataas sa kama para sumandal siya sa tuktok neto. 

Kumuha ka ng upuan at doon ka umupo sa tabi ng kama niya. Kayong dalawa nalang ang nasa clinic. May kinukuha kasi yung nurse. Awkward dahil nakatingin ka lang sakanya at nakatingin lang siya sa mga paa niya. 

"Dapat kasi di mo na pinilit eh." Sabi mo sakanya. 

Tumingin siya sayo. "Bakit naman?"

"Tignan mo na-injured ka pa. Pero alam mo oppa ang galing-galing mo." Sabi mo sakanya sabay ngiti. 

"Talaga?" Ngiting tanong niya sayo. 

"Oo. Ang galing nga eh. Sino bang inspiration---"

"Ikaw." Mabilis niyang sagot kahit di pa tapos ang tanong mo. 

Nagulat ka. "Ako?"

Nag-smile siya. "Nag-i love you ka kasi sakin kaya mas lalo akong ginanahan. Bihira mo lang sabihin sakin yun eh." 

Umiwas ka ng tingin at nakita ka niyang namumula. *hala...narinig nga niya....*

"Oy diba may klase ka pa? Sige na bumalik ka na dun okay lang ako." Sabi niya.

"Hindi oppa okay lan----"

"Suji, okay lang ako dito. Bumalik ka na sa klase mo." 

"Okay sige...." mahina mong sinabi. Tumayo ka sa upuan at tumalikod. Tinignan naman ni Chanyeol ang namamaga niyang paa. 

Bago ka maglakad, bumalik ka ulit sakanya at ikikiss mo ang cheeks niya. Bago dumikit ang lips mo sa pisngi niya, di sinasadyang lumingon siya bigla kaya nagka-dikit ang lips mo. Nanlaki ang mga mata mo at lumayo ka na bigla. Pati si Chanyeol ay nagulat. Dali-dali ka nang tumakbo dahil nahihiya ka na ng sobran. First time mo kasi ma-kiss si Chanyeol ng ganun. Never in your life na ma-witness mo na nagkiss kayo. 

Pagkalabas mo sa clinic, umikot-ikot na naman yung tiyan mo. Naglakad ka na papunta sa classroom mo. Habang naglalakad, hinahawakan mo ang labi mo. 

*sinadya kaya ni oppa yun..... siguro naman hindi dahil di naman siya ganun.... pero bakit....uggghhhhhhh* 

Sa sobrang gulo ng feelings mo, tumakbo ka na papunta sa classroom mo.

------

Sa classroom......

Pumasok ka at nagtuturo ang teacher mo. 

"Ma'am sorry po I'm late kasi-----"

"It's okay Ms. Choi. Alam ko naman kung bakit. Na-injured ang boyfriend mo kaya tinulungan mo siya" Sabi ng teacher mo sabay smile. 

"Uhhh ma'am hindi ko po siya boyfriend... bestfriend ko lang siya." Nahihiya mo pang sinabi.

"Okay bestfriends. Sige na umupo ka na." 

Umupo ka na sa chair mo at nakatingin lang si Kris sayo. 

"Bestfriend daw...tss" Bulong ni Kris pero naririnig mo naman. 

Bumulong ka rin. "Bestfriend naman talaga eh. Ano gusto mo boyfriend? Inggit ka lang eh." Pang-asar mong sabi.

"Tsss..." Inirapan ka lang ni Kris. 

------------------------

Uwian na at naglalakad na kayo ni Chanyeol pauwi. Naka-akbay siya sayo kasi nga diba injured ang paa niya. 

"Uhh-- sorry pala kani----"

"Okay lang oppa wala yun..." Alam mo na yung meaning niya.

Pag-uwi niyo, daretsong natulog sa kwarto niyo si Chanyeol dahil sa pagod. Ang mama mo ay nagluluto ng sopas. 

"Mga anak, kumain na tayo dito." Sigaw ng mama mo mula sa lamesa.

Lumabas ka na ng kwarto at pumunta sa lamesa at umupo. Umupo rin ang mama mo. 

"Oh asan si Chanyeol?" Tanong ng mama mo. 

"Ma, natutulog siya. Hayaan mo na, napagod siya sa game nila kanina tsaka masakit pa yung injure niya." Sabi mo.

"Kawawa naman si Chanyeol ko. Na-injured. Anyway, kumain na tayo anak."

Nagsimula na kayong kumain. Habang kumakain kayong dalawa, may gusto kang sabihin sa mama mo. 

"Ma... may gusto akong sabihin..." 

"Osige anak anu yun..." 

"Basta ma, sa ating dalawa lang to ah.. kahit kay Chanyeol oppa wag mo sasabihin ha." 

"Oo naman. SIge ano nga yun...."

"Eh kasi... simula nang mag-15 ako, iba-iba na ang nararamdaman ko." 

"Tulad ng ano?" Tanong ng mama mo.

"Kapag ano... uhmm.. kapag magkasama kami ni Chanyeol oppa." 

"Ahhhh... eto lang yan anak, it's either na gusto mo na siya o kaya ayaw mo na siyang mawala sayo kahit kailan."

Napa-isip ka bigla sa sinabi nung mama mo. 

*paano naman kung pareho.....haissssstt*

"Dalaga ka na anak." Simpleng sabi ng mama mo.

"15 palang ako mama." 

"Oo nga. Sa ganyang age nagsisimula ma-inlove ang mga tao." 

"Pero ma, tuwing kasama ko kasi si Chanyeol oppa... parang may iba na... dati naman hindi kami ganun.. pero may iba na talaga." 

"Sabihin mo sakin paanong iba?" 

"Ahhhh...eehhhh ano.... madalas kaming nagkakatitigan tapos nagiging awkward pa..."

"AYNAKO ISA LANG YAN ANAK" 

Nagulat ka bigla sa sinabi ng mama mo. 

"Ano yun?" 

"Pareho kayo ng nararamdaman. Hindi ko alam kung ano yun pero ganun yon." Sabi ng mama mo.

Napainom ka nalang. "Eh ikaw ma, gusto mo na ba si Mang Gardo?" 

"Hoy hindi ah! Singkwenta mahigit na yun ayoko dun." Protesta ng mama mo. 

"Sus mama. Kunwari ka pa. PERO AYOKO SA MATANDANG YUN!!" Biglaan mong sigaw.

"HOY ANG INGAY NIYO!" Sigaw ni Chanyeol mula sa kwarto. 

"Hala mama gising si Chanyeol oppa.... baka narinig niya tayo...." kabadong sabi mo sa mama mo. 

"Ang lakas kasi ng boses mo eh." Sinisi ka pa ng nanay mo. 

 

----------------------------------------------

 

*"Ahhhh...eehhhh ano.... madalas kaming nagkakatitigan tapos nagiging awkward pa..."

"AYNAKO ISA LANG YAN ANAK" 

 

"Ano yun?" 

"Pareho kayo ng nararamdaman. Hindi ko alam kung ano yun pero ganun yon."* 

Hindi niyo alam ng mama niyo na naririnig ni Chanyeol ang usapan niyo. Hindi maalis sa isip niya ang mga sinabi mo at sinabi ng mama mo. 

*Pareho lang kami ng nararamdaman ni Suji? Kung gusto ko siya.... ibigsabihin gusto rin niya ko...*

Litong-lito na ang feelings ni Chanyeol. Sa sobrang gulo niya, itinulog nalang niya ito.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HEHEHEHEHEHEHEHEHEHE.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!