My Heart

My Heart is Yours

"Ayan anak ang ganda-ganda mo na!" Bati sayo ng mama mo. Natapos ka na niyang ayusan at pareho kayong nakaharap sa salamin at nasa likod mo siya. 

"Talaga ma?" Malungkot mong tanong. Nalulungkot ka dahil wala si Chanyeol na dapat ay prom date mo.

Prom niyo na ngayon. 7:30 na ng gabi at 8:00 ang simula ng prom niyo. Kahit wala kang partner ay tutuloy ka pa rin dahil bayad ito sa tuition mo. Nakasisiguro ka naman na hindi lahat ng babae sa batch niyo ay may partner. 

"Halika na anak at ihahatid na kita sa school niyo." Sabi ng mama mo at pumasok siya sa kwarto niyo para magbihis. 

Naiwan ka sa harap ng salamin. Walang ngiti sa mukha mo at iniisip mo lamang si Chanyeol. Tinignan mo ang sarili mo simula ulo pababa. 

*Hindi ako magiging masaya ngayong gabi dahil wala ka Chanyeol oppa. I miss you oppa...* 

May tumulong luha galing sa mga mata mo. Buti nalang hindi kumalat ang eyeliner mo dahil waterproof ito. Pinunasan mo nalang ito kaagad. Hinatid ka na ng mama mo. Sumakay kayo sa taxi. Bumaba kayo sa harap ng gate ng school mo. Pagkababa niyo pareho, maraming mga students na naka-gown ang pumapasok sa campus niyo kasama ang partner nila. Pero meron din na puro babae lang, magbabarkada at wala silang partner. 

"Osige na anak. Pumasok ka na baka nagsisimula na ang program niyo. Magpakasaya ka ngayon ha. Minsan lang ito sa buhay mo." Sabi ng nanay mo.

*Minsan na nga lang sa buhay ko pero wala pa si Chanyeol oppa...* 

"Sige po mama. Mag-iingat po kayo pag-uwi." Niyakap mo na yung mama mo. 

"Anak wag ka mahihiya kasi napaka-ganda mo ngayon. Sige mauna na ako ha." Cheer sayo ng mama mo at sumakay na ulit siya sa taxi. 

Nag-fake smile ka nalang at pinanood mo yung taxing sinakyan niya na umalis. Once na nawala na yung taxi sa paningin mo, nagtungo ka na papasok ng campus. Dumaretso ka papunta sa airconed auditorium niyo. Nasa harap ka na ng pintuan ng audi pero hindi ka muna pumasok. Nag-sigh ka muna dahil kinakabahan ka. 

*Sana talaga ang dito ka ngayon Chanyeol oppa. Wala nang mas sasaya pa sakin ngayon kung kasama kita.* 

Hinawakan mo ang dibdib mong kinakabahan. Hindi mo alam kung bakit ka kinakabahan. Nag-step forward ka na papunta sa pintuan. Tinulak mo ito ng hindi naman malakas at pumasok ka na. Pagkapasok mo, napatigil ka bigla. 

Nanlaki at napanganga ng konti si Kris the moment na pumasok ka sa loob. Kasalukuyang, nakikipagkwentuhan siya kasama ni Kai sa mga ilang babae pero nung nakita ka niya, biglang nalaglag ang puso niya. 

Napansin ka agan nina Kai si Kris na parang nagulat. 

"Kris! Okay ka----" Napatingin bigla si Kai sa tinitignan ni Kris at napanganga rin si Kai sayo. 

(Isipin niyo nalang mukha niyo nandyan)

Nakabulsa ang dalawang kamay ni Kris sa pants niya at nagniningning pa rin ang mga mata niya sayo. 

*Si Suji ba to.....* naramdaman ni Kris na bumibilis ang tibok ng puso niya. 

 

"Suji!" May tumawag sayo. 

Naninigas ka pa rin sa kinatatayuan mo dahil hindi mo alam kung saan ka pupunta. Agad ka namang napalingon sa tumawag sayo. Si Byul. Ang simple, mabait, at cute mong kaklase. Naka-upo siya sa isang round table at nagwewave ng hand sayo. Tumayo siya at mabilis na naglakad papunta sayo.

"Suji grabe ang ganda mo ngayon." Bati sayo ni Byul at tila'y na-aamaze pa.

"Thankyou Byul." Napilitan kang ngumiti. 

"Wala ka bang kasama ngayon?" Tanong niya.

"Uhh wala----"

"Ay oo nga pala, nangibang bansa si Chanyeol. Halika doon tayo sa table ng mga walang partner." Hinawakan niya ang kamay mo at naglakad kayo papunta doon sa table niya. 

Umupo kayo ng magka-tabi. 

"Exclusive ba tong table na ito para sa mga walang partners?" Tanong mo sakanya. 

"Oo. Pati yung mga lalaki meron." Nag-nod si Byul. 

May mga iba pa kayong katabi na babae na nagdadaladalan lang. Tinignan mo ang kabilang side ng audi kung saan ang mga table ng lalaki na walang partner. Napadaan ang mga mata mo kay Kris at nakita mong nakatingin siya sayo. Kinindatan ka niya bigla. 

"Ughhh" Mahina mong sabi sabay irap sakanya. 

Maya-maya ay nagsimula na ang program ng prom. Naka-upo na lahat ng mga ka-batch mo. Tutal hindi ka interesado ngayong gabi, dala-dala mo ang librong "Bestfriends In Love" kaya binasa mo nalang ito habang yung iba ay pasayaw-sayaw. Kahit madilim, ay pinilit mong magbasa.

Sa program......

"Alright Junior students, para mas romantic ang pagsasayaw niyo sa dancefloor, pipili kami ng random student. Kung sino ang matapatan ng spotlight, ay siyang kakanta ng isang romantic song dito sa stage. Ang kantang kakantahin niya ay yung isasayaw niyo." Sabi yan nung host. 

Wala kang paki sa program at nagbabasa ka pa rin habang yung ibang students ay naghihiyawan dahil sa sinabi ng host. 

"Okay! Simulang paikutin ang spotlight!" Sabi nung host. 

Naglibot-libot na ang spotlight. Kinakabahan ang ibang students dahil ayaw nilang mapili. Maya-maya ay tumigil na ang pag-ronda ng spotlight. 

"Wuhoooooo!!!!!!!" Sigaw nung ibang students. 

Nagtataka ka kung bakit lumiwanag ang pagbabasa mo. Napa-angat mo mukha mo at nasilaw ka dahil nakatutok sayo yung spotlight. Tinakpan mo ang mga mata mo sa silaw.

*Ugghhh ano meron...*

"Go Suji!" Sabi ni Byul na katabi mo. 

"Huh?" Wala ka pa ring alam sa mga nangyayari.

"Alright! We have Miss Choi Suji right now!" Announce ng host na nasa stage.

"Ano meron?" Tanong mo habang tinatakpan ang mata mo sa silaw.

May mga lumapit na teacher sayo.

"C'mon Ms. Choi. You were the chosen one." Sabi nung maganda mong teacher na nakatayo sa gilid mo.

"Ano po? Ano...ano po meron sakin?" Nalilito mong tanong.

"Basta... halika na." Hinawakan ng teacher mo ang kamay mo at tumayo ka sa kinauupuan mo.

Hawak niya ang kamay mo at naglalakad kayo papunta sa stage. Nararamdaman mong nakatingin lahat sayo.

"Grabe si Suji bayan?" -student girl 1

"Ang ganda niya pala..." -student boy 1 

"Siguro nakamaskara siya" -student girl 2

"Sobrang ganda niya..." Student boy 2

"Ang ganda ni Suji." student boy 3

Lahat yan ay naririnig mo habang naglalakad kayo papunta sa stage. Halong kaba at hiya ang nararamdaman mo. 

*Wala nang mas gaganda pa sakanya...* sa isip yan ni Kris.

Hindi ka pa rin mawala sa mga mata ni Kris at sa sobrang ganda mo ay napapanganga pa siya. 

"Matutunaw yan pare!" Sabi ni Kai sakanya at tinatapik-tapik ang balikat ni Kris. "Di na ako magtataka kung may makakapasok na langaw diyan sa bibig mo." Asar pa ni Kai. 

Hindi pa rin siya pinapansin ni Kris. Nakatingin pa rin siya sayo at pinapanood kang umakyat ng stage. 

 

"Ano po bang gagawin ko?" Nakatayo ka na sa gitna ng stage at katabi mo yung host. 

"Kakanta ka lang Ms. Choi." Sagot sayo nung host pero hindi naman naka-mic. 

Nagulat ka. "ANO PO?! Hindi po ako magaling kumanta. Wag na po ako. Nakakahiya." Kinakabahan at nagpapanik mong sabi sa host. Napahawak ka ng madiin sa magkabilang gilid ng gown mo sa kaba. 

"Hindi naman kailangan magaling ka kumanta. Part lang to ng program so be with it." Sabi sayo nung host. 

"Please wag na po ako. Yung iba nalang po. Please?" Pagmamakaawa mo. Nanginginig na ang mga kamay mo. 

"Ms. Choi, wala namang mawawala sayo. Ngayong gabi lang ito and after this, makakalimutan na nila ito." Pang-encourage sayo nung host. 

Napakagat ka nalang sa bottom lip mo. 

"So anong song ang kakantahin mo?" Tanong sayo. 

Napa-sigh ka muna at binulong mo ang title ng kakantahin mo. Matapos mong ibulong, nag-nod nalang sayo yung host.

"Alright! Let's give it up for Ms. Choi Suji!" Sabi nung host sa mic. 

Naghiyawan na naman ang audience. 

"Just sing with all your heart Suji. Isipin mo yung taong napaka-halaga sayo." Bulong sayo nung host. 

Inabot niya sayo yung mic at iniwan ka na niya mag-isa sa stage. Tumingin ka sa audience at kitang-kita sa mukha mo ang kaba. Hawak ng right hand mo yung mic mo at nanginginig ito. 

"Wuhooooo!!!! Go Suji!" Sigaw ng audience multiple times.

*Katapusan ko na ata to....* 

Naka-spotlight ka sa gitna ng audience. Dumilim ang paligid at umilaw ang mga colorful dancing lights sa dance floor na nasa baba ng stage. Bale, ikaw na naka-spotlight lang tsaka yung may party lights na dancefloor lang kita. the rest ay blackout. 

Inaantay mong magplay yung kanta. Mabilis ang tibok ng puso mo. Maya-maya ay nagsimula na ang intro ng kanta.

 Utang na loob paki play po ito. Please para mas feel niyo. Promise maganda ito. -Author.

 

Habang nag-iintro ang kanta, naalala mo ang binulong ng host sayo kanina.

*"Just sing with all your heart Suji. Isipin mo yung taong napaka-halaga sayo."*

Pinikit mo ang mga mata mo. 

*Para sayo ito Chanyeol oppa*

(Lyrics)

Nadarama ko pa
Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura

*(Ikikiss mo na sana ang cheeks niya pero bigla siyang humarap kaya nagka-dikit ang mga labi niyo)*


Sa isip at diwa, tila naririto ka pa
Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta

*Hangga't di ka bumabalik Chanyeol oppa, hindi ako magiging masaya tulad ng dati...*


Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko

*Araw-araw kitang iniisip.... Naiisip mo rin kaya ako?*

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso

*Bumalik ka na Chanyeol oppa.. para di na ako nasasaktan sa pag-alis mo...*


Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso


Ngayo'y nangungulila
Sayong mga lambing at pagsuyo sinta

*Namimiss ko yung mga oras na masaya tayong dalawa...*


Ibabalik pa ba?
Kung wala nang pag ibig mong wagas
Sa bawat araw, Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip kooo... 

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso

Ikaw ang nasa isip ko

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito

Sana'y Gisingin ang aking puso
Kung panaginip lang ito... 
Sana'y Gisingin ang aking Puso...


*Ikaw lang mamahalin ko Chanyeol oppa....wala nang iba...*

 

Habang kinakanta mo iyon ay may mga romantic dances na nagaganap sa baba ng stage. Buong kanta ay naka-pikit ka lang dahil ramdam na ramdam mo. Si Chanyeol lang ang nasa isip mo wala nang iba. 

Sobrang nahulog ang loob ni Kris sayo habang kumakanta ka. Nakanga-nga pa rin siya kahit panay asar sa kanya ni Kai. At first, first time niyang ma-inlove.

Pagkatapos ng kanta, dumilat ka at may tumulong luha galing sa mga mata mo pero bigla mo itong pinunasan. Nag-sigh ka na at nilapitan ka na ng host pagkatapos. 

"WOW!! That's a very romantic song. Hindi ko akalain na magaling pala itong si Ms. Choi. Ano masasabi niyo guys?" Tanong nung host sa audience.

"Wuhhoooo!!!!"

"Ang galing!!!!!"

"Daebak!!!"

"Jjang Suji!!!!!"

Nag-smile ka nalang ng pilit sakanila. 

"Okay, thankyou Ms. Suji for the wonderful song of tonight. You may now go back to you seat." Sabi nung host.

Nagbow ka nalang at bumaba ka na sa stage. Habang naglalakad ka papunta sa table, naririnig mo na naman ang mga sinasabi nila tungkol sayo. 

"Ang galing ni Suji kumanta!" 

"Gusto ko siya kakanta para sa kasal namin ni Kris"

"Oo nga pati samin ni Kai." 

"Ang ganda na nga niya, ang galing pa kumanta."

"Swerte ng magiging boyfriend niya"

Yan yung mga naririnig mo. Napa-smile ka nalang na nahihiya habang bumabalik ka sa table niyo. Nang naka-upo ka na, naka-hinga ka ng maluwag. 

"Grabe Suji ang galing mo! Hindi mo ba alam sobrang feel na feel ng mga couple dancers ang kinakanta mo. Sobrang ganda talaga. Kung may kasayaw lang ako, siguro nasa langit na ako." Sabi sayo ni Byul na kinikilig-kilig pa.

"Talaga? Inisip ko lang naman si Chanyeol oppa habang kinakanta ko yun." Pilit mong ngiti.

"Ayiieee... Kaya naman pala eh." Kilig ulit si Byul.

 

-----------------------------------------------------

MAY PART 2 ITO. :)

ABANGAN.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!