Hurtful Goodbye

My Heart is Yours

*tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnggggggggggg* 

Nagising ka at pinatay mo na yung alarm clock sa tabi mo. Umupo at niyugyog mo si Chanyeol sa tabi. Nakapikit ka pa rin. 

"Chanyeol... gising na..." Inaantok mong pagkasabi habang niyuyugyog siya. 

"Mmmmmmmmmm" Ingit niya. 

"Gising ka na..." Tumayo ka na sa kama at kinuha mo yung twalya mo tapos dumaretso sa banyo. 

Maya-maya tapos ka na maligo at magbihis. Sinilip mo ulit yung kwarto at nakita mong maimbing pa rin ang tulog ni Chanyeol.

"CHANYEOOOOOLLLLL!!!! GUMISING KA NA DYAN!!!" Sigaw mo sakanya. 

Napa-upo bigla si Chanyeol. "Ano ba?!" 

"Hoy Suji ang aga-aga sigaw ka ng sigaw!" Nagising ang mama mo tapos nagtakip ulit siya ng unan sa mukha. 

"Anong ano ba?! Papasok na tayo!" Pagalit mo sakanya. 

Tumayo si Chanyeol sa kama. "Oh halika na, ihahatid na kita."  Hinila ka na niya papalabas ng kwarto.

Nagtaka ka sa sinabi niya. Napatigil ka bigla. "Teka teka teka! Anong ihahatid? Hoy! Nananaginip ka pa ata. Sabay tayong pumapasok no!!" Kunot-noo mong sinabi kay Chanyeol. 

Napakamot sa batok si Chanyeol. "Ahhh ehhh... Suji kasi hindi ako papasok ngayon." Simple niyang sinabi.

"Ha? Bakit? May sakit ka ba oppa?" Chineck mo yung leeg niya. 

"Ahh hindi hindi hindi. Aayusin kasi namin ni mama yung birth certificate ko." Sagot niya. 

Nalungkot ka bigla. "Ahh ganun ba.."

"Pero debale, ihahatid na kita sa school natin." Sabi niya with smile. 

"Talaga?" Ngiti mo rin. 

"Oo sige tara na.

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay mo at lumabas na kayo ng bahay niyo. Kahit naka-tshirt at nakapajama lang siya a okay na. Sumakay na kayo sa bus hanggang sa makarating kayo sa tapat ng school. Hindi pa rin mapaghiwalay ang kamay niyo. 

Nasa tapat na kayo ng school gate. 

"Osige na oppa. Ingat kayo mamaya pag-alis ni mama ha." Sabi mo sakanya. 

"Oo naman. Sige mag-iingat ka rin ha. Wag kang magpapa-api kahit kanino." Sabi naman niya. 

"Oo naman no. Osige na baka magbell na." Nagtiptoe ka at kiniss ang cheeks niya. 

"Sige bye!" Nagbitaw na kayo ng kamay tapos naglakad na siya papaalis. 

Bago ka makapasok sa gate, ay bumalik ka ulit doon tapos tinawag siya. 

"Chanyeol oppa!!!!!!" Sigaw mo sakanya. 

Napatingin ulit si Chanyeol sa likod niya. Nakita ka niyang tumatakbo ka papunta sakanya. Pagkalapit mo sakanya, niyakap mo kaagad siya ng mahigpit kaya nagulat siya. Nanigaw si Chanyeol bigla.

Tinignan mo siya habang nakayakap ka. "Hindi mo rin ba ako yayakapin?" Pout mo sakanya. 

Napangiti si Chanyeol sayo. "Syempre hindi ah." Niyakap ka ni Chanyeol ng sobrang higpit hanggang sa apaangat ang mga paa mo sa higpit. 

Nagtatawanan kayo ni Chanyeol. Pagkatapos nun, binaba ka na niya. 

"Sige na pumasok ka na, baka malate ka pa." Sabi niya.

Nakangiti ka pa rin. "Sige.... bye!!!" Nag-wave ka na sakanya tapos tumakbo ka na papasok ng gate. 

Pinanood ka ni Chanyeol habang nakangiti pa rin. *I love you Suji....* Kinikilig-kilig si Chanyeol. 

Hindi mo alam nakita na naman ni Kris Wu at ni Kai ang sweet morning scene niyo ni Chanyeol. Selos na selos over duper siya. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad ka na papauwi. Maya-maya ay nasa harap ka na ng pintuan ng bahay niyo. Bago ka pa makapasok, may narinig kang nagsisigawan sa loob. Narinig mong si Chanyeol ito tsaka yung mama mo. Mejjo kinabahan ka kaya pinakinggan mo muna.

"Hindi pwede to mama. Ayoko umalis dito. Ayokong iwan kayo!" Sigaw ni Chanyeol.

"Pero wala tayong magagawa. Kailangan mo na talagang umalis. Syempre ayoko rin pero wala akong magagawa dahil sabi yan sa akin ng daddy mo!" Sigaw rin ng mama mo. 

Tumibok ng malakas at mabilis ang puso mo. 

*Aalis si Chanyeol oppa.... saan siya pupunta?* Idinikit mo yung tenga mo sa pinto para mas marinig mo. 

"Aniyo mama. Ayoko. Hindi ko kayang mawala kayo sa akin. Paano na kayo? Paano na....si Suji...." -chanyeol

"Pero Chanyeol, kailangan mo talagang umalis. Wala na tayong magagawa. Ito na yung oras para makasama mo yung papa mo sa New York!" -mama mo. 

Nagulat ka ng sobra-sobra sa sinabi ng mama mo. Nanlaki ang mga mata mo at ang mouth mo ay slight open. 

*Aalis na si oppa....iiwan na niya kami....* Nagsisimula nang tumulo ang luha mo. 

"Pero ayoko talaga mama. Hindi ko kayo kayang iwan. as lalo na si Suji. Paano ko sasabihin sakanya ito?" 

"Alam mong lahat tayo walang magagawa. Naka-book na ang flight mo bukas ng hapon papuntang New York sa daddy mo!" Sigaw ng mama mo. 

*Pupuntang New York si Chanyeol oppa..... hindi ko na siya ulit makakasama.. no... hindi pwede....* 

Hindi mo na kaya at tuluyan ka nang umiiyak. Nabitawan mo ang mga librong hawak mo pati ang bag mo. Napaluhod ka bigla at napayuko at umiyak ka na ng umiyak. 

Agad na narinig ng mama mo tsaka ni Chanyeol ang boses mo. Dali-dali silang binuksan ang pintuan at nagulat sila dahil nakita ka nilang nakaluhod sa sahig tapos umiiyak.

"UY SUJI!!!" Agad kang nilapitan ni Chanyeol. 

Patuloy ka pa ring umiiyak ng malakas. 

"Suji anak! Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?" Worried na sabi ng mama. 

Nakayuko ka at nag-nod ka. Dahan-dahan kang itinayo ni Chanyeol. Hinawakan niya ang magkabila mong pisngi.

"Suji wag kang-----" 

"Aalis ka?" Tanong mo sakanya habang umiiyak. 

Napa-roll ng eyes si Chanyeol. Hindi niya alam ang sasabihin niya kaya hindi siya sumagot. Mas lalo kang naiyak at tumakbo ka agad papaalis ng bahay niyo. Hinabol ka bigla ni Chanyeol. 

"Suji!!!! Sandali lang!!!!" Hinahabol ka ni Chanyeol pero hindi ka niya mahabol dahil mabilis ka. 

Tumakbo ka ng tumakbo at wala kang pakielam sa mga nababangga mo. Panay pa rin ang iyak mo.

"Suji! Antayin mo ko!" Hindi ka pa rin niya tinigilan habulin. 

Takbo ka pa rin ng takbo at hindi mo namalayan na nasa tabing-dagat ka na. Malapit na sayo si Chanyeol. Iyak ka pa rin ng iyak tapos bigla kang nadapa kaya pati si Chanyeol na nasa likod mo ay nadapa rin sayo. Niyakayap a niya behind agad-agad. 

"Suji.... wag ka na umiyak." Tinulungan ka niyang umupo pero nakayakap pa rin siya sayo. 

"Bakit ka aalis......." Umiiyak pa rin at pinagpapalo mo yung kamay niya na nakayakap sa tiyan mo.

"Sshhhhhh wag ka na umiyak.." Niayayakap pa rin niya at inilagay niya yung mukha niya sa leeg mo for comfort. 

Hindi ka pa rin tumigil sa pag-iyak.

"Wag ka na umiyak Suji please.... hindi ko kayang makita kang umiiyak." Sabi ni Chanyeol habang ang mukha niya ay nasa leeg mo. 

"Chanyeol....." Iyak mo pa rin. 

"Tignan mo ko Suji...tignan mo ko..." Pilit niya sayo. 

Dali-dali ka namang umupo ng maayos sa harap niya tapos tinignan mo siya. Lumapit siya sayo tapos pinunasan niya ang mga luha mo gamit ang gilid ng mga kamay niya. 

"Wag ka na umiyak." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha mo. 

"Pero oppa..." Iyak mo pa rin. 

"Alam ko... pero sa bahay na nating pag-usapan ito." Sabi niya.

Tinulungan ka niyang tumayo at umuwi na kayo. Ipinaliwanag na ng mama mo tsaka ni Chanyeol ang pag-alis niya pero hindi mo pa rin matanggap. Buong araw kang umiiyak at wala na silang magawa para mapatigil ka. Ultimo si Chanyeol ay hindi ka maka-usap ng matino. 

Kinagabihan, natutulog na kayo pero ikaw ay di pa rin makatulog dahil umiiyak ka ng tahimik. 11 na ng gabi at bumangon ka sa pagkakahiga mo. Lumabas ka ng kwarto at dumaretso ka sa dining table. Umupo ka doon, pinatong mo ang dalawa mong paa sa upuan tapos niyakap mo ang tuhod mo. Umiiyak ka na naman. 

*Bakit siya aalis.... gusto na ba niya kami iwan ni mama.... hindi ko kaya ng wala sa akin si Chanyeol oppa. Mahal na mahal ko siya. Hindi lang bilang bestfriend or kapatid, pero totoong mahal ko talaga siya. Bakit siya aalis....* 

Iyak ka pa rin ng iyak habang nakayakap sa mga tuhod mo. Naramdaman mong may yumakap sa leeg mo from behind tapos yung mukha niya nilagay niya sa gilid ng leeg mo. Kilala mo na kung sino ito.

"Kanina ka pa umiiyak dahil sakin." Sabi niya. 

"Wag ka na umalis oppa..."

"Wala na tayong magagawa Suji kailangan ko na talaga."

"Please oppa...." Iyak mo pa rin.

"I'm sorry Suji." Mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa leeg mo.

"Tapos bukas ka na aalis..." 

Tumayo si Chanyeol ng maayos tapos hinawakan niya ang kamay mo. "Halika labas tayo...." 

Napatingin ka sakanya. "Saan tayo pupunta? Gabi na oppa." 

Nag-smile siya. "Ako bahala sayo. Trust me" 

Tumayo ka na sa kinauupuan mo at lumapit ka sakanya. "Pero si mama....." sabi mo.

"Hindi yan... sumama ka lang." Sabi niya.

Dahan-dahang inuunlock ni Chanyeol ang pintuan niyo at mahina rin niyang binuksan. Lumabas kayo ng tahimik at tahimik niyo ring sinara yung pintuan niyo. 

"Oppa, saan ba tayo pupunta?" 

Nag-smile siya sayo. "Sa paraiso natin." 

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay mo at nagsimula na kayong maglakad papunta sa tabing-dagat. 

 

Pagkarating niyo doon, pareho kayong nakatayo sa harap ng dagat. 

"Babalik ako Suji.... I promise." Sabi niya habang naka-tingin sa dagat. 

"Aantayin kita Chanyeol oppa." Mas hinigpitan mo yung hawak sa kamay niya. 

"Hindi kita kakalimutan." 

Tumingin ka sakanya. "Paano kung hindi ka na maka-balik?" Malingkot mong tanong.

"Naniniwala ako sa DESTINY. Kung ikaw tsaka ako ay para sa  isa't-isa, pagtatagpuin pa rin tayo." Sabi niya habang naka-smile. 

"DESTINY..." Mahina mong sinabi sabay tinanim sa utak mo. 

Tumingin sayo si Chanyeol. "Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa New York. Pero babalikan talaga kita kahit anong mangyare." 

Niyakap mo siya ng mahigpit. "Mamimiss kita Chanyeol oppa...."  

NIyakap ka rin ni Chanyeol ng mas mahigpit.

"Wala na akong kasama sa school. Kapag kasama kita kahit kelan di ko na naisip na maghanap pa ng ibang kaibigan. Wala na akong kasabay kumain, kasabay papunta sa school, magliligtas sa akin kapag may nantitrip sakin, wala na rin akong iche-cheer kapag may soccer sa school, wala na rin akong kasama magbantay sa laundry shop. Wala na rin akong prom date. Wala na kasi aalis ka na..." Umiiyak ka sa pagkakayakap mo sakanya. 

Nalungkot si Chanyeol sa mga sinabi mo at pinipigilan niyang umiyak. 

"Suji wag mo sabihin yan.... hindi ko naman sinabi sayo na sa akin lang dapat iikot ang mundo mo. Marami pang tao diyan na pwedeng kaibiganin mo. Make new friends pag wala na ako ha. Ayoko ng malungkot ka. I promise babalikan kita." Sabi ni Chanyeol. 

"Hindi ako sanay ng wala ka..." Umiiyak ka pa rin sakanya. 

"Sa una mahirap pero masasanay ka rin. Pag bumalik ako, I promise hindi na kita iiwan." Niyakap ka niya ng buong-buo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan, hindi ka pumasok sa school niyo. Hapon na at naka-ready na lahat ng gamit ni Chanyeol. May bumusina sa labas ng bahay niyo at ibigsabihin iyon na ang sundo niya papunta sa airport. Isa-isa nang nilabas ang mga maleta niya. Kasalukuyang nakatayo kayo ng mama mo sa may harap ng kotse na pagsasakyan niya sa labas ng gate. Pagkatapos ayusin ni Chanyeol ang mga maleta niya likod ng kotse ay isinara na niya yung pinto at naglakad papunta sainyo. Syempre ikaw ay nagpipigil umiyak. Nasa harap niyo na si Chanyeol ngayon. 

"Osige na mama, oras na para umalis ako." Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ng mama mo. 

"Oo anak. Mag-iingat ka ha. Wag mo kami kakalimutan." Mejjo naiiyak na rin ang mama mo. 

"Opo mama. Salamat po sa buong buhay kong pag-aalaga sa akin. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya at nakasama ko kayo. Pagkabalik ko po dito, I promise na susuklian ko yung mga paghihirap niyo sa akin." Niyakap ni Chanyeol ang mama mo ng mahigpit. 

Pagkatapos niyang yakapin, tumingin si Chanyeol sayo. Umiiyak ka doon habang nakayakap ka sa isang sketch pad. Lumapit sayo si Chanyeol at tinignan ka ng maigi sa mata. 

"Suji.... nag-usap na tayo diba? Tandaan mo lang yung mga sinabi ko sayo. Maniwala lang tayo sa destiny. Babalikan kita i promise." Sabi niya sayo at nagpipigil siya umiyak. 

Ikaw naman ay nakatingin lang sakanya habang umiiyak. "Mamimiss kita oppa.... Aasahan ko yung mga sinabi mo. Maghihintay ako sayo Chanyeol oppa." 

Hinawakan mo ang pisngi at gilid ng mukha ni Chanyeol. Pumikit ka at niramdam mo yung mukha niya. *I love you Chanyeol oppa...* 

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay mo na nakahawak sa mukha niya at pumikit rin siya tapos nag-smile. Nasira ang moment niyo ng bumusina bigla ang kotseng sasakyan niya. Dumilat kayo pareho at bumitaw ka na sakanya. 

"Osige na Suji. Kailangan ko nang umalis." Sabi niya sayo. 

"Teka oppa, eto para sayo. Itago mo yan ng mabuti ha. Pinaghirapan ko yan araw-araw. Ginawa ko yan lahat para sayo. Sana magustuhan mo." Inabot mo sakanya ang isang sketch pad na hawak mo at tinanggap niya ito. 

Nag-smile si Chanyeol. "Iingatan ko ito promise. Eto rin pala para sayo." May inabot sayo si Chanyeol na papel na nakatupi at kinuha mo ito. 

Bumusina ulit yung kotse. "Sige na Suji. Basta babalika kita. Promise." 

"Chanyeol oppa...." Niyakap mo na siya ng mahigpit at umiyak ka na ng todo dahil aalis na siya talaga. 

Niyakap ka rin ni Chanyeol at naluluha na siya pero pinupunasan agad ng daliri niya. 

"Suji... alis na si Chanyeol... halika ka na dito..." Hinihila ka ng mama mo pero di ka bumibitaw.

Umiiyak ka pa rin habang nakayakap. Si Chanyeol naman ay nakatayo na ng diretso at nagpipigil umiyak. 

"Suji anak. Aalis na ang oppa mo. Baka ma-late siya sa flight niya." Hinila ka ng malakas ng mama mo kaya bumitaw ka na kay Chanyeol.

"Chanyeol, we have to go now!" Sabi nung babaeng foreiner sa bintana ng kotse. 

Lumapit ulit si Chanyeol sayo. "Babalik ako promise" Hinalikan niya ang noo mo at dali-dali na siyang sumakay sa loob ng kotse. 

Mas umiyak ka pa the sight na sumakay siya sa loob. "Oppa!!!" Nagpupumiglas ka sa hawak ng mama mo pero hinigpitan niya lang ito. 

"Anak kailangan nang umalis ang oppa mo." Sabi ng mama mo. 

Sinara na ang pintuan ng kotse at nag-goodbye wave siya sainyo tapos umalis na ng tuluyan yung kotse. 

"Oppa....." Umiiyak ka pa rin habang pinapanood mo yung pag-alis ng kotse. 

"Suji anak halika na sa loob. Babalik ang Chanyeol oppa mo. Nagpromise siya diba?" Niyakap ka ng mama mo at niyakap mo rin siya habang umiiyak.

Si Chanyeol naman ay nakatingin pa rin sa likuran niya para tignan kayo for the last time. Nasaktan siya ng sobra dahil kitang-kita sa mukha mo na nasasaktan ka rin sa pag-alis niya. Hindi niya inalis ang tingin sainyo hanggang sa di na niya kayo nakita. Nag-sigh siya at umupo na lang ng maayos sa upuan niya. 

"Your father is very excited to see you. You will be okay there." Sabi nung babaeng amerikanang katabi niya. 

Nag-nod nalang siya at di na niya napigilang umiyak. Yumuko siya at dali-dali niyang pinupunasan ang mga luha sa mata niya. 

*Babalikan kita Suji I promise. Mahal na mahal kita.* Sa isip niya yan habang umiiyak. 

Napansin ng babaeng foreigner na umiiyak si Chanyeol kaya tinapik niya ang balikat nito. 

"I know it's very hard for you to leave them. But you have to let go. Time will come and the pain will be gone away." Advice nung babaeng foreigner. 

Hindi sumagot si Chanyeol pero mahina pa rin siya umiiyak habang nakayuko.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa eroplano na si Chanyeol at papaalis na ng Korea ang eroplanong sinasakyan niya. Naalala niya yung sketch pad na binigay mo kaya nilabas niya ito sa bag niya at tinignan niya ang laman neto.

 

Yan yung mga drawing sa sketchpad na binigay mo kay Chanyeol. Araw-araw mo yan ginagawa para sakanya. Natuwa si Chanyeol dito at mas lalong nahulog ang loob niya sayo. Pero sa kabila ng lahat nasasaktan siya dahil magkakahiwalay na kayo. Matapos tignan ni Chanyeol ang lahat, sinara niya ito tapos niyakap niya. 

*Itatago ko to forever. Thankyou sa lahat Suji. I love you very much.....* Niyakap niya yung sketch pad ng nakapikit at naluluha ang mga mata niya.

 

-----------------------------------------------------------------------------------

Kinagabihan, natutulog na ang mama mo pero ikaw ay gising pa rin. Lumabas ka ulit ng kwarto at umupo ka sa sofa. Hawak-hawak mo ang papel na binigay sayo ni Chanyeol and this time babasahin mo. Tinanggal mo ito sa pagakakatupi at sinimulang basahin. 

To My Suji, 

                     Una sa lahat, wag ka na umiyak dahil sa pagkaka-alis ko. Nasasaktan ako kapag nalalaman kong umiiyak ka. Gusto ko pa rati kang masaya. Gusto ko magthankyou sayo dahil nakasama kita sa paglaki ko at hindi mo alam kung gaano mo nilagyan ng kulay ang buhay ko. Kada oras na magkasama tayo, sumisigla ang puso ko at di ko maiwasang ngumiti. Sa mga oras na masaya ako, wala nang ibang dahilan yun kundi ikaw lang. May gusto sana akong sabihin sayo. Gusto ko sabihin sayo na mahal na mahal kita. Hindi bilang isang bestfriends kundi mahal na mahal talaga kita ng totoo. Kahit alam kong bata ka pa, hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ko tuwing magkasama tayo. I'm fallen inlove with you Choi Suji. Babalikan kita balang-araw. Asahan mo yan. Just trust me. Naniniwala tayo sa destiny diba? Magtiwala ka lang. Basta wag ka na maging malungkot. Maging masaya ka pa rin sa mga oras na mawawala ako sa tabi mo. Mag-iingat kayo palagi ni mama. Yung kwintas na binigay ko sayo, palagi mong isuot para sa oras na malungkot ka, isipin mo kasama mo lang ako. I love you so much Suji. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. I'll be back. I love you very much Choi Suji.

 

                                                                                                                                                    ~ Your one and only, Park Chanyeol.

 

Habang binabasa mo ang letter ni Chanyeol sayo ay umiiyak ka na ng todo. 

*I will miss you Chanyeol oppa.... Hindi ko man lang nasabi sayo na mahal na mahal rin kita. I will wait for you oppa. I love you so much...* 

Niyakap mo ang letter niya sa chest mo at umiyak ka ng umiyak. 

"Anak! Gabi na.... bakit gising ka pa...." Nilapitan ka bigla ng mama mo at umupo sa tabi mo ng nag-aalala. 

"Mama, namimiss ko po si Chanyeol oppa...." Iyak mo sa mama mo. 

"Anak babalik si Chanyeol oppa mo. Promise. Wag ka na umiyak anak...." sabi ng mama mo.

"Mama, nasasaktan po kasi ako eh..." 

Nagtaka ang mama mo. "Ha anak? Bakit?" Naka-kunot ang mama mo na tila'y nalilito sayo.

"Mama, mahal na mahal ko po si Chanyeol oppa. Hindi lang po bilang bestfriends pero mahal na mahal ko po talaga siya." Mas naiyak ka pa sa sinabi mo. 

Na-touch at nalungkot ang mama mo sayo kaya niyakap ka niya. "Babalik siya anak. Hintayin mo lang." 

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

WALA NANG PROM DATE. HUHUHUHUHU.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!