Hallucination

My Heart is Yours

After ng program, dance-dance-dance na. Syempre romantic at partner-partner. Halos lahat ng students ay nasa dancefloor. Kaunti na lamang ang mga nasa table. Kahit ang mga walang partners ay sumasayaw pa rin. Kayong dalawa nalang ni Byul ang nasa table. 

"Suji! Okay ka lang ba?" Tanong ni Byul na katabi niya. 

"Oo okay lang ako." Pilit na smile ni Suji. 

"Ayaw mo ba sumayaw?" Tanong pa niya. 

Nag-shook ka lang ng head it means no. 

"Hi miss. Pwede ba kitang ayain sumayaw?" Narinig niyong boses ng lalaki. 

Napatingin kayo pareho ni Byul sakanya. Si Kai. Inaaya niyang sumayaw si Byul. Napa-ngiwi ka nalang sa diri.

"HA? Ako ba?" Gulat na tanong ni Byul. 

"Oo ikaw." Pa-sweet na sagot ni Kai.

Napatayo kaagad si Byul dahil sasabog na ang dibdib niya sa tuwa. Ikaw naman ay pinapanood mo lang sila. 

"Seryoso ka? Ako talaga?" Hindi pa rin makapaniwala si Byul. 

"Oo nga babe." Nag-smirk si Kai, alam niyang weakness ng babae ang pagtawag ng babe. 

*oh tinawag niya akong babe. ykikikikiki* sa isip yan ni Byul na kinikilig.

Napatingin sayo si Byul, at ang tingin niya ay nagtatanong kung okay lang ba sayo na iwan ka muna niya. 

"Sige na Byul, okay lang dito." Sabi mo sakanya with pilit smile. 

"Tara babe." Agad-agad pinalibot ni Kai ang braso niya sa bewang ni Byul. 

Nagulat si Byul at mas lalo siyang kinilig. Naglakad na silang dalawa papunta sa dancefloor at iniwan ka na lang doon mag-isa. 

"Goodluck Byul." Mahina mong sabi habang pinapanood silang dalawa na papunta sa dancefloor. 

 

Naiwan ka na lang doon mag-isa. Pinapanood mo nalang yung mga by partners na sumasayaw. Nalulungkot ka dahil sana nandoon ka kasama ni Chanyeol. Nakayakap ka sa leeg niya, hawak-hawak niya ang magkabila mong bewang, naka-ngiti kayo ng matamis at nakatingin sa isa't isa habang nag-se-sway. Nag-sigh ka sa kinauupuan mo dahil hindi na mangyayari yun. Sobrang depress mo na at gustong-gusto mo na umiyak sa kina-uupuan mo. Dahil ayaw mong pagkamalang baliw ka, dali-dali kang tumayo at tumakbo ka papalabas ng auditorium. 

Tumakbo ka papunta sa isang garden na punong-puno ng ilaw.

Yan yung itsura ng mga puno sa paligid.

Walang tao at ikaw lang. Tumayo ka lang doon at hindi mo napigilang umiyak. Matagal mo na kasing inaantay ang gabing ito dahil alam mong magiging masaya ito kapag kasama mo si Chanyeol. 

*Chanyeol oppa.... bumalik ka na.... palagi nalang akong malungkot kapag wala ka...* 

Iyak ka lang ng iyak doon na parang tanga. Sabog-sabog na ang make-up mo sa mukha mo kakapunas gamit ang mga kamay mo. Pinipilit mong pigilan ang pag-iyak mo dahil baka may makakakita sayo at sabihing may sira ang ulo mo. 

"Suji..." may isang malalim na boses na tumawag galing sa likod mo. 

Agad-agad kang tumingin sa likod. Malabo ang paningin mo dahil sa mga luha mo pero sigurado kang si Chanyeol ito.

"Chanyeol oppa...." mahina mong tawag pero narinig niya.

Hindi mo na siya inantay na mag-salita pa at dali-dali kang lumapit sakanya at niyakap mo siya ng mahigpit. Nakasisiguro ka na si Chanyeol ito dahil napaka-tangkad niya at halos nasa dibdib ka lang niya. Umiyak ka ng umiyak habang nakayakap ka sakanya.

"Oppa... wag mo na kong iwan..." Iyak mo sakanya.

Naramdaman mong niyakap ka rin niya ng mahigpit. Hinawak-hawakan niya ang buhok mo for comfort. 

"Andito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan Suji..." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo mo. 

"Oppa wag ka nang babalik sa New York. Hindi ko kaya ng wala ka. Parati akog malungkot at ikaw lang makakapag-pasaya sakin. Oppa wag mo kong iiwan.." Mas iniyak mo pa sakanya. 

"Hindi ako aalis. Parati lang akong nandito para sayo." Pinatong niya ang baba niya sa tuktok ng ulo mo at nakayakap pa rin siya sayo.

"Mahal na mahal kita oppa... mahal na mahal na mahal kita." Sabi mo habang nakayakap ka pa rin sakanya at umiiyak. 

"Suji....." nagulat siya at hindi makapaniwala. 

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo ito pero natatakot ako kasi baka hindi mo ako gusto... oppa mahal na mahal kita..." 

Nilagay niya ang mukha niya sa gilid ng leeg mo at niyakap ka niya ng mas mahigpit. "Kung alam mo lang... mahal rin kita Suji..." 

Narinig mong sinabi niya iyon at tumanim na iyon sa utak at puso mo. 

"Oppa..." Bumitaw ka sa pagkakayakap at tinignan mo siya. 

Tumayo rin siya ng maayos sa harap mo. Malabo pa rin ang mga paningin mo dahil sa luha mo. 

"Suji----" 

Hindi mo na siya pinatapos at dali-dali ka nang nagtiptoe, hinawakan mo ang likod ng ulo niya at hinalikan mo ang mga labi niya. Pumikit ka habang ramdam mo ang pagkakahalik mo sakanya. Nagulat siya at hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya ineexpect na hahalikan mo siya bigla. 

Niyakap mo ang leeg niya at hinila mo siya para maspalalimin ang kiss niyo. Siya naman ay bumigay na rin kaya hinalikan ka niya pabalik. Hinawakan niya ang magkabila mong bewang tsaka ka niya hinalikan ng hinalikan din pabalik. Nakapikit ka pa rin at ayaw mo nang palagpasin ang moment na ito. 

Ang mga lips niyo ay maayos na gumagalaw sa isa't isa. Sobrang magkalapit ang katawan niyo at napaka-passionate ng kiss niyo. 

Habang naghahalikan kayo, ma naramdaman kang nag-flash at nag-click ng camera ng ilang beses. Napabitaw ka sa halikan niyo at may nakita kang ilang taong nagpipicture sainyo. Pinunasan mo ang mga mata mo at nakita mong mga babae ito. 

"Suji..." narinig mong tawag nung taong nasa harap mo. 

Agad kang napatingin sakanya at nanlaki ang mga mata mo. 

"KRISSSSS???!!!!!!!!!!!!" Namula ka sa galit. Naalala mong naghalikan kayo kaya sinampal mo siya bigla. 

Nagulat si Kris sa ginawa mo at napahawak na lang siya sa pisngi niya. 

"KRISSSS?!!! PAANO MO---" Nagsisimula ka na ulit umiak tapos naalala mong ikaw ang unang humalik sakanya dahil sa pag-aakalang si Chanyeol ito.

"UGGGHHHHH!!!!!!" Sa sobrang galit mo tumakbo ka na papaalis sakanya habang umiiyak ka. 

*Bakit.... bakit siya pa... bakit siya pa yung nahalikan ko....* Iyak mo yan sa utak mo habang tumatakbo ka papalabas ng school. 

Lumabas ka na ng school at madilim na. Gustong-gusto mo nang umuwi. Hindi mo naman matawagan ang nanay mo para magpasundo dahil wala ka namang cellphone. Hindi ka naman makakuha ng taxi dahil alas-onse na ng gabi. Kahit naman may taxi ay hindi ka makakasakay dahil wala kang pera. Napilitan kang maglakad papauwi kahit sobrang dilim na ng mga mdadaanan. Umiiyak ka lang habang naglalakad ka. 

*bakit ba ganito ang buhay ko....huhuhuhu* drama mo yan. 

Habang naglalakad ka, biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Nagulat ka at maslalo kang napa-iyak. Humangin ng malamig at malakas na parang uulan. Di nagtagal, bumuhos ang napakalakas na ulan at panay ang hataw ng kulog. Hindi ka tumigil sa paglalakad dahil goal mo makauwi. Basang-basa ka na at sobrang gulo na ng mukha mo. Nagkalat ang mascara at eyeliner mo sa buong mukha mo. Kahit na waterproof iyon ay hindi na kinaya. Panay pa rin ang iyak mo.

Nahihirapan ka na maglakad dahil basang-basa ka na at mabigat na ang bsa mong gown. Naka-heels ka pa kaya masakit na ang mga paa mo. Naisipan mong hubarin ang heels mo at bitbitin nalang ito tapos maglalakad ka ng nakapaa.

* my life....* iyak mo ng malakas habang naglalakad. 

Halos wala ka nang makita sa dinadaanan mo dahil sa lakas ng ulan at dilim ng paligid kaya minsan nababangga ka sa mga poste. Kumidlat ng napakahaba at kumulog ng napakalas. Natakot ka kaya napatakbo ka bigla. 

Habang tumatakbo ka, hindi ka pa nakakalayo ay bigla kang dapa at nasubsob ang mukha mo sa basang sahig. Naka-dapa ka na sa sahig at wala ka nang ibang nagawa kundi umiyak ng umiyak. 

Pinipilit mong tumayo pero di ka pa nakakatayo ay babagsak ka lang ulit sa sahig. Hindi kinakaya ng paa mo na tumayo ka dahil masakit na ito. Mas lumakas ang ulan at dumadami ang kulog. Imaginin mo naka-dapa ka sa basang sahig tapos suot-suot mo yung gown mo. 

Iyak ka lang ng iyak doon at tila'y dumidilim na ang mga paningin mo. Sobrang labo na ngpaningin mo at parang lasing ka na. Naramdaman mong may tumigil na kotse sa tabi mo. Bumukas ang pinto at may isang lalaking bumaba. 

"Suji!!!!!" Worried niyang tawag sayo. 

Papikit-pikit ka na. Malabo na rin ang pandinig mo. Hindi mo na rin nakita ang mukha niya dahil nahihilo ka na. Ang naramdaman mo lang ay binuhat ka niya ng pa-bridal style at sinakay ka sa kotse niya. 

Sa loob ng kotse....

Naka-upo ka sa tabi niya. Sobrang hilo ka na at wala ka nang paki sa paligid mo at kung sino man ang kasama mo. Basta ang nararamdaman mo lang ay basang-basa ka na. 

Hinubad niya ang black texudo coat niya at ibinalot sa balikat mo. You felt warm. 

"Thankyou...." Mahina mong sabi. 

Hindi na kinaya ng katawan mo at bumagsak ka na sa mga hita niya at doon ka na nakatulog. Naka-upo ka pa rin pero nakahiga ang upper body mo, ang ulo mo ay nasa hita niya. Mejjo nagulat siya pero napangiti nalang siya sayo. Napansin niyang tulog ka na. Hinawi niya ang nakakakalat na basang buhok sa mukha mo at ipinaligid sa tenga mo. Nakita niya ang peaceful face mo na tulog. Nanlambot ang puso niya at hinawakan niya ang mga pisngi mo. 

"Manong, ihahatid natin siya sa bahay niya." Sabi niya sa driver at nag-nod nalang ito. 

 

-------

*tok* *tok* 

Alas-dose na ng gabi. Binuksan ng mama mo ang pintuan ng bahay niyo at nagulat siya sa nakita niya. 

"JUSKO SUJI!!!!! ANONG NANGYARE SAYO?!" Sigaw ng mama mo. 

Nakita niyang kalong ka ng isang lalaki ng pa-bridal style. 

"PASOK KAYO DALI!!!" Pinapasok kayo ng mama mo. 

Nakita niyang basang-basa ka. 

"Dito sa kwarto...." Itinuro ng mama mo ang kwarto at pumasok kayo doon. 

Inilapag ka sa ibabaw ng kama kahit basa ka. Kumukuha ang mama mo ng mga damit sa closet niyo. 

"Antayin ko nalang po kayo sa sala." Lumabas yung lalaki at naghintay sa sala. 

Naglakad-lakad siya sa sala at may nakikita niya ang mga picture niyo ni Chanyeol. Nakita niya ang picture niyo ni Chanyeol na 1 year old palang siya tapos ikaw ay new born. Tapos nakita rin niya ang picture niyo na nagpipiknik kayong tatlo ng mama niyo sa tabing dagat noong 5 years old ka pa lang. Tapos may nakita rin siyang recent picture niyo ni Chanyeol sa isang mall na kumakain kayo ng icecream. Habang tinitignan niya ang mga picture frame sa ibabaw ng isang lamesa, lumabas na ang mama mo galing sa kwarto niyo.

"Okay na siya. Mukhang nilalagnat siya. Buti nalang sabado bukas at makakapag-pahinga siya." Sabi ng mama niya sa lalaki. 

Nag-nod lang yung lalaki. 

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ng mama niya.

"Kris po." Tipid niyang sagot. 

"Kris? kaklase ka ba niya?" 

"Opo."

Nag-nod lang din yung mama mo. 

"Halika Kris, kumain tayo. Nagluto ako ng ramen." Inaya ng mama mo si kris sa dining table. 

Umupo sila doon at nagsimulang kumain. 

"Salamat pala sa pag-dala ng anak ko ha. Ano palang nagyari sakanya?" Tanong ng mama mo. 

"Uhhmm... nakita ko nalang po siya sa isang bangketa na nadapa. Sobrang lakas po ng ulan kaya tinulungan ko na po siya. Pansin ko po kasi sakanya kanina sa prom, sobrang lungkot po niya. May pangalan po siyang binabanggit... Chanyeol." sagot niya. 

"Ahh oo. Si Chanyeol. Kababata niya iyon. Parang magkapatid na rin sila nun. Sabay silang lumaki at dito rin siya nakatira. Iniwan siya sakin nung tatay niya noon. Halos hindi sila mapaghiwalay ni Suji. Pero nung umalis si Chanyeol, naging iba na si Suji. BIhira na siya tumawa at ang ginagawa nalang niya ay aral na lang ng aral. Ewan ko ba diyan." 

"Asan na po ba yung Chanyeol?" 

"Nasa new york na. Nung nakaraang linggo pa siya umalis." 

Napa-nod nalang si kris tapos humigop ng sabaw. 

"Teka, paano mo nga pala nahatid si Suji dito?" Tanong ng mama mo. 

"May driver po akong kasama. Nasa kotse po siya ngayon sa labas." 

"HA?! Bakit i mo tinawag para mapakain ko rin?" Laking-mata ng nanay mo. 

"Ay hindi na po. Uuwi na rin po ako kasi gabing-gabi na." Tumayo na si Kris matapos niyang ubusin.

Tumayo na rin ang mama mo. "Osige. Baka hanapin ka ng mga magulang mo." 

Naglakad na sila malapit sa pintuan. "Salamat Kris ha. Napakabuti mong tao para sa anak ko."  Smile ng mama mo.

"Wala po iyon tita. SIge ho salamat sa masarap niyong ramen."  Ngumiti rin si Kris ng labas ang ngipin. 

Tumakbo na si Kris papunta sa kotse at sumakay na. 

 

----

Kinabukasan.... 

"Chanyeol...." sabi ng bibig mo habang dumidilat ka. Dahan-dahan kang bumangon at umupo galing sa pagkakahiga. 

*Awtss sakit ng ulo ko....* Hawak mo sa ulo mo. 

Tumingin-tingin ka sa paligid mo. Nagulat ka dahil nasa kwarto ka na. Nakita mo rin na naka-hanger ang gown mo sa may aparador mo. Nagtataka ka kung paano ka nakapunta dito. Ang naaalala mo lang kasi ay yung nawalan ka na ng malay habang naka-dapa ka sa sahig. 

Tumayo ka at bumaba ng kama. Lumabas ka ng kwarto at nakita mong nagluluto ang mama mo. Umupo ka sa may upuan doon sa dining table. Napatingin sayo ung mama mo. 

"Oh gising ka na pala..." Smile niya habang nagluluto. "Masakit pa ba ulo mo?" Tanong niya habang hinahalo yung niluluto.

Nag-smile ka at umiling. "Hindi na po. Mama...." tawag mo sakanya.

"Oh?" Napatingin siya sayo pero binalik ulit ang tingin sa niluluto.

"Paano po ako nakauwi? Sinundo mo ba ako? Lumipad? Nag-teleport? Ano?" 

Napa-ngiti ng labas ngipin ang nanay mo. "Hinatid ka ng Prince Charming mo dito." 

Napa-isip ka bigla. *Prince Charming.... si Chanyeol oppa...* napa-ngiti ka pero nawala bigla ito. *Hindi pwede...wala siya dito...* Napa-iling ka ng ilang beses. 

"Prince Charming? Sino naman?" Napa-kunot ang noo mo.

"Si KRIS." Sagot ng mama mo with matching ngiti. 

Nanlaki ang mga mata mo. "HAAAAAAAA??!" Galit yan ah.

Napatingin sayo yung mama mo. "Oh bakit? Hindi ka ba natutuwa at may nagdala sayo dito. Sabi niya nakita ka niyang nakasubsob ang mukha mo sa putik. Anlakas-lakas pa naman ng ulan. Ano namang naisipan mo at naglakad ka papauwi?! Paano kung may mangidnap sayo diyan? May ipangtutubos pa tayo? Kaya kung ako sayo magpasalamat ka kay Kris." Sermon at galit sayo ng mama mo. 

"Mama, kahit kelan hindi ako magpapasalamat kay Kris. Kahit ibigay pa niya ang langit sakin hindi pa rin ako magpapasalamat sakanya!!!" Sigaw mong sagot na naiinis ka rin. 

Pinatay ng mama mo ang kalan at lumapit sayo. "Oy Suji! Umayos ka ha! Ano bang ginawa sayo nung taong iyon?! Hindi ka ba natutuwa sa ginawa niya? Paano kung wala siya?! Sa tingin mo anong mangyayari sayo kapag magdamag kang nakahilata doon sa bangketa ng basang-basa?! Hindi ko naman alam kung anong nangyayare sayo. Umayos ka ha! Wag kang parang bata diyan. Nag magandang loob na nga yung tao sayo eh." 

Napa-sigh ka sa inis. "Mama, hindi mo kilala si Kris--"

"Hoy ikaw wag ka sasagot hangga't di ko sinasabi ha! Kung nakita mo lang yung itsura niya kagabi, kitang-kita sakanya na nagmamalasakit siya sayo. Ano bang problema mo? Mabait naman siya ha! Mabait na nga gwapo pa!" Inemphasize ng mama mo ang word na 'gwapo'. 

Napa-kunot nalang ang mga noo mo sa sermon ng nanay mo. 

"Osige sumagot ka na!" Sabi ng mama mo na naiinis din sayo. 

Tumingin ka sa mama mo at kunot pa rin ang noo mo. "Hindi kami friends okay?! Ayoko sakanya." 

"At bakit naman?!" Taas-kilay ang mama mo. 

"Mama, bully siya. Binubully niya ako. Alam kong gwapo siya. Lahat ng babae sa school may gusto sakanya. Ako lang ata ang may ayaw sakanya. Ayoko sakanya. Okay? Kahit ano sakanya ayoko. Mas lalo FRIENDS. NO WAY!" Inirapan mo ang mama mo. 

"Alam mo bulag ka! Bihira na ang lalaking ganyan ngayon! Eh ano ngayon kung bully siya?! Natural lang yun Suji! Lalaki siya kaya normal lang sakanila ang mantrip ng mga babae. Hoy ikaw nga umayos ka! Matalino ka diba?! Matuto kang maki-ride sa mga tao. Ang tanda-tanda mo na napaka-isip bata mo pa rin." Sermon ng mama mo. 

*Aisshhh aga-aga sermon agad.* angal mo sa utak mo. 

"Alam mo Suji kung palaging ganyan ang ugali mo, wala kang magiging kaibigan." 

"Wala akong friends mama." Malungkot mong sinabi at napayuko ka. 

"ANO?! Paano ka nabubuhay kung wala kang mga kaibigan?!" Sigaw na naman ng mama mo. 

"Mama, alam ko kasing palaging nasa tabi ko si Chanyeol oppa kaya di na ako naghangad ng iba pang kaibigan. Si Chanyeol oppa lang ang gusto ko." Malungkot mong sagot.

"Baliw ka na ba?! Pag nalaman ni Chanyeol yan, siguradong magagalit yan sayo. Diba sinabihan ka niyang make new friends?!" Sigaw niya ulit. 

"Ayoko mama. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kesa naman sa hindi ko kasama si Chanyeol oppa." 

"Eh di si Kris. Kaibiganin mo!" 

"AYOKO MAMA!!!!!!!!" Sigaw mo ulit.

Tumawa ang mama mo. "Alam mo, sa nakikita ko sainyong dalawa, balang araw magiging malapit rin kayo sa isa't isa." Kinikilig ang mama mo.

"Ewwww.... never." Ngiwi mo dahil sa nandidiri ka.

-------------------------------------------

Lunes ng umaga. Pumasok ka na. Syempre back to normal, mag-isa ka lang. Pagpasok mo sa lobby, nagkakagulo ang mga istudyante. Mas lalo doon sa may bulletin board. Habang naglalakad ka, napapansin mong pinagtitinginan ka ng mga ibang students ng mga nadadaaanan mo. 

"Ohmygosh andyan na yung malandi...." student girl 1

"Ewww... kadiri siya... malandi pa..." student girl 2

"Matalino nga saksakan naman ng landi..." student girl 3

Kung ano-ano pa ang naririnig mong masasakit tungkol sayo. Nagtataka ka kung bakit. Napakunot ang noo mo. Para kang icecream na tunaw na dahil halos lahat ng mata ay nakatingin sayo tapos pinagbubulungan ka pa. 

Naglakad ka papunta sa bulletin board dahil naramdaman mong doon ang ugat ng pinaguusapan nila tungkol sayo. Kumpol-kumpol ang tao doon. The moment na lumalapit ka sa board, dali-dali silang umiiwas at binibigyan ka ng daan. 

Nasa harap ka ng bulletin board. Tinignan mo ang mga nakalagay dito at nanlaki kaagad ang mga mata mo tapos napa-nganga ka pa. Pinagmasdan mo ito ng mabuti at unting-unti ka nang namumula sa galit. Napa-fist ang right hand mo. 

*No..... hindi pwede..* iyak mo yan sa utak mo. 

"You're a !" 

"Malandi!"

"Haliparot!"

"Makati!"

Naririnig mong paulit-ulit na sigaw ng mga galit na babae. 

Hindi pa rin naaalis sa panangin mo ang mga nakadikit dito. Nakadikit kasi dito ang MGA picture niyo ni Kris na naghahalikan. Kada galaw ng halikan niyo ay naka-paskil dito. Napicturan din nila ang galaw na ikaw ang unang lumapit at humalik kay Kris.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

YAN NA UPDATE! ;) 

MARAMI PANG MAGANDANG SCENE NA SUSUNOD.

AYOKO MADALIIN ITONG STORY NA TO KASI PAPANGIT LANG KUNG RUSH.

TSAKA BAKA MATAGALAN ANG UPDATE KASI MAY PASOK NA AKO TAPOS GRADUATING PA.

MY LIFE. HASSEL ITO. BASTA STAY TUNED. 

I LOVE YOU ALL! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!