Work

My Heart is Yours

 

8 pm na ng gabi nang magising ka. Dinilat mo ang mga mata mo at ang una mong nakita ay ang mukha ni Kris.

*Sheettt ang gwapo...* sabi mo yan sa utak mo, feeling mo nananaginip ka.

Umupo ka ng diretso at napahawak ka sa batok mo dahil sumakit ito. Nang nrealize mo na gising ka na pala. Napalaki ang mga mata mo.

"HALA?!!!" Sabi mo at napatingin ka ulit kay Kris na tulog.

Tapos tinignan mo ang relos mo at boom. Ginabi ka na at lagot ka sa nanay mo.

"Halaaaaa gabi na!!!! Lagot ako kay mama!" 

Nagpanik ka at dali-dali mong inayos at isinaksak ang mga gamit mo sa bag mo.

"Oy ano bayan ang ingay..." Sabi ni Kris na naiinis at nakapikit pa. 

"Nako Kris ginabi na ko..." Sabi mo habang sinasara yung zipper ng bag at halos mangiyak ka na sa kaba. 

Si Kris naman ay dumilat na at humikab habang papaupo. Nag-unat siya ng braso at pagkatingin niya sa tabi niya ay wala na ko. 

"Oy Suji!!!!" Tumakbo siya papalabas at iyon nakita ka niyang tumatakbo pababa ng hagdan. 

 

Pagka-baba mo ng hagdan, biglang may tumawag sayo. 

"Oh Suji, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na." 

Napatigil ka at nakita mo ang mama ni Kris sa sala at nanonood ng t.v.

"Hello po ma'am. Uhhmm kailangan ko na po umuwi kasi po lagot na po ako sa mama ko." Sabi mo. 

"Ahh kumain ka na muna naka-handa na ang dinner." Sabi niya at tumayo. 

"Nako po di na po. Sa bahay nalang po ako kakain. Kailangan ko na po talaga umuwi." Sabi mo at kabado ka na talaga. 

"Oy Suji! Ba't di ka nagpapa-alam?!" Biglang sumulpot si Kris at lumapit sa inyo.

Tumalikod ka at tinignan mo siya. "Tulog ka ng tulog kaya iniwan na kita." Inirapan mo siya at humarap ka na ulit sa mommy niya. 

"Ma'am, kailangan ko na po umuwi. Sige po mauuna na ko." Naglakad ka na ng mabilis at dumiretso sa pintuan nilang malaki. 

"Kris, hatid mo si Suji kahit sa gate lang." Sabi ng nanay niya at nag-nod si Kris. 

Lumabas ka na ng pintuan nila at sinimulag tumakbo. 

"Suji! Teka lang!" 

Tumigil ka at tumalikod. "Ano ba Kris???!!! Nagmamadali na ko!" 

Lumapit si Kris sayo at hinawakan ang wrist mo. 

"Halika, ihahatid na kita hanggang sakayan ng bus."  

"O tara na dali!!!" Dali-dali mo na siyang hinila papalabas ng gate at tumakbo na kayo papuntang bus stop.

 Nang makarating kayo sa bus stop, hiningal kayo ng sobra-sobra. 

"Grabe ka pinagod mo ko!" Sabini Kris habang hingal na hingal. 

"Ang arte mo naman! Kalalaki mong tao ayaw mo pagpawisan." Sabi mo at inirapan mo pa. 

Maya-maya nakarating na yung bus at papunta ka na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay mo. 

"Ano ba, hindi ka man lang ba magpapaalam sakin?" Sabi niya sayo na naiirita.

"Paalam? Oh yan. Bye Kris! Ayaw na kita makita kahit kelan!" Sabi mo at tumalikod na pero pinigilan ka niya ulit. 

"ANO?!!" Nainis ka na kasi uwing-uwi ka na. 

"Eto pala first sweldo mo. Ingatan mo, baka mawala." 

Inilagay ni Kris ang sobre sa kamay mo at napatingin ka nalang dahil ingat na ingat siya. Umikot naman yung tiyan mo dahil sa boses niyang kakaiba. Para bang ingat na ingat siya sa perang hahawakan mo. 

"Sige na. Umuwi ka na at baka maiwanan ka pa ng bus." Sabi niya at binitawan ang kamay mo. 

Napatitig ka lang sakanya at nauna nang umalis si Kris. 

"Salamat." Bulong mo nalang at nakonsensya ka dahil di ka man lang nakapagpasalamat sa kanya. 

Bumusina ang bus at dun ka na ulit natauhan. Dali-dali ka nang sumakay at kinabahan ka na naman sa mama mo. 

 

 

 

"Mama, nandito na ako----ARAYY!!!"

Napasigaw ka nang binato ka ng nanay mong sandok at tumama sa balikat mo.

"SaAN KA GALING HA?! DI MO ALAM NAG-AALALA AKO SAYO NG SOBRA! SINO KASAMA MO BAKIT GABING-GABI KA NA? ANONG KALOKOHAN NA NAMAN ANG GINAWA MO?" 

Sigaw sayo ng nanay mo habang papalapit syo. Nakayuko ka nalang at di na sumagot dahil pag sumagot ka, mas magagalit lang siya. 

"ANO BA SUJI BATA KA PA! WAG KANG GAGAWA NG MGA BAGAY-BAGAY NA HINDI MAKABUBUTI SAYO! MATALINO KA KAYA DAPAT ALAM MO YAN! UWI BA TO NG DISENTENG BABAE?! ALAS-NUWEBE NA NG GABI! SAAN KA BA GALING? HALOS MAMATAY AKO KAKAHANAP SAYO SA LABAS!" 

"ARAYYY MAMA!!!!" Napaiyak ka ng bigla ka niyang sinabunutan. 

"ANDAMI KO NANG PROBLEMA SUJI! WAG MO NA DAGDAGAN! NAGHIHIRAP NA TAYO KAYA WAG KA NAMAN MAGLOKO!" 

Galit na galit ang mama mo at hinila niya ang buhok mo habang papunta kayo sa dining area. Ikaw naman ay di nalang sumasagot at umiiyak ka nalang dahil sa sakit ng sabunot niya. Tinulak ka niya papaupo sa upuan. 

"WAG MO KO SUBUKAN SUJI! MARAMI NA KONG INIISIP KAYA WAG KA NA DUMAGDAG. SAAN KA GALING?! SAGOT!!!" 

Humahagulgol ka pa rin at tinignan mo nalang yung ibabaw ng lamesa. 

"Mama... para po sainyo to..." 

Inilabas mo ang sobre at iniiabot sakanya. Galit pa rin ang mama at nagtaka siya kung ano yung inaabot mo. Kinuha niya ito sa kamay mo at saka binuksan ang sobre. Nanlaki ang mata nang makita niya ang halaga ng perang nasa loob ng sobre. 

"Nagtrabaho po ako buong hapon pagkatapos ng klase namin. Gusto po kasi kita tulungan at ayoko po maging pabigat sainyo. Sorry po mama kung dumagdag ako sa mga problema mo." 

Sabi mo yun habang umiiyak at nakayuko. Nagluha ang mga mata ng mama mo at dali-dali ka niyang niyakap. 

"Sorry anak. Di ko alam. Sorry kung pinag-isipan kita kaagad ng masama. Napakasama kong mama at napilitan ka tuloy magtrabaho. Sorry nasaktan pa kita anak. Alam mo namang tayong dalwa nalang ang magkasama at ayoko nang may mangyari sayong masama. Sorry anak." 

Niyakap mo rin ng mahigpit ang mama mo at mas napaiyak ka. May point naman siya kung bakit siya nagalit sayo at aminado ka naman sa sarili mo na may mali ka rin dahil nakatulog ka at gabi ka na tuloy nakauwi. 

"Okay lang po mama. Di ko po kaya magalit sainyo." 

Iyak ka pa rin ng iyak dahil ramdam na ramdam mo ang problemang dinaranas ng mama mo. The fact na nawala sakanya ang laundry shop na inigatan niya buong buhay ay sobrang sakit na. Naging pangalawang bahay mo na rin kasi ang laundry shop dahil tinutulungan niyo ni Chanyeol ang mama mo tuwing wala kayong pasok. Lumaki kayong bukas ito at syempre may mga masasya kayong memories. 

 

 

 

"Anak, anong trabaho naman ang nakuha mo at bakit gabing-gabi ka na?" Tanong ng mama mo habang kumakain kayo. 

"Nagtututor po ako kay Kris. Hanggang ala-sais ng gabi lang naman po talaga yung trabaho ko pero po nakatulog kasi ako kaya ginabi ako. Sa susunod po di na ulit ako gagabihin." 

"Tutor ka ni Kris? Talaga?" 

Nag-nod ka. "Opo." 

"Anak, di ka mahihirapan niyan? Kaya mo ba pag-sabayin yung scholarship mo sa school at yang trabaho mo?" 

"Opo mama. Kakayanin ko. Para po satin ito at ikaw po ang inspirasyon ko." Smile mo sakanya. 

Napatigil ang mama mo at hinawakan niya ang kamay mo. 

"Anak, maraming salamat ha. Ang swerte ko at napakabuti mong bata. Hayaan mo, tutulungan kita at maghahanap rin ako ng trabaho." 

"Tutulungan din kita mama. Tiwala lang. Makakaahon rin tayo." 

 

 

 

 

Kasalukuyang nakahiga na kayo ng mama mo at natutulog na siya. Ikaw naman ay gising pa rin at siyempre isang tao lang naman ang nasa isip mo. 

*Chanyeol oppa... nasaan ka na ba? Miss na kita ng sobra. Balik ka na dito. Palagi nalang ako malungkot dahil wala ka. Naiisip mo rin ba kaya ako? Gusto na ulit kita makasama. Namimiss ko na pumunta sa dagat kasama ka. Sana bumalik ka na dito. I love you Chanyeol oppa. Ikaw lang wala nang iba.* 

Kiniss mo ang mukha niya sa picture frame at tsaka ipinatong ulit sa nightstand. Kiniss mo rin yung bear pendant sa necklace na binigay niya sayo nung birthday mo atsaka natulog ka na para sa panibagong araw ng buhay mo. 

 

 

 

Hello. Update. Sorry late.

5/13/14

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!