17.

My Heart is Yours

"conversation"  *thoughts*

BLACK po ang buhok ni Chanyeol dito ha. Never imagine na BLONDE siya. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weekend ngayon at gumising kayo ng maaga. Dahil sabado ngayon, kayo ni Chanyeol ang magbabantay sa laundry shop niyo at ang mama niyo naman ang magpapahinga. 

@Laundry shop.......

Maaga pa at wala pa masyadong costumer. Naka-heads down ka lang sa counter at naka-tingin sa gilid. Mejjo antok ka pa. Maya-maya pumasok si Chanyeol sa shop na may dalawang basong gatas. Umayos ka na ng upo at tumabi siya sayo.

"O inumin mo to." Abot niya sayo sa isang baso. Magkatabi na kayong naka-upo sa counter.

"Salamat oppa." Smile mo. Nag-smile rin siya sayo. 

Isang oras na ang nakakalipas at wala pa ring costumer. Panay chikahan niyo lang ni Chanyeol doon. Maya-maya may isang babaeng dumating. Dumaretso ito sa counter at nanlaki ang mga mata niya. 

"Chanyeol?" Tanong nung girl. 

Napatingin si Chanyeol. "Uy Jinae!" Bati niya at napatayo pa siya. 

Ikaw naman ay no reaction lang. Napatingin ka kay Chanyeol ung tumayo siya. Nagtaka ka kasi parang sumaya siya. Tumingin ka sa babae sa harap niyo at tinaasan mo lang siya ng kilay. 

"Nagt-trabaho ka dito?" Tanong ni Jinae na may halong ngiti. 

"Ahh hinde... sa amin tong laundry shop na to." Sagot naman ni Chanyeol na halos abot tenga ang ngiti. 

"Wow oppa. Bigtime ka!" Sabi ni Jinae na mahinang tinulak ang balikat niya.

*Anu daw??? Tinawag ba niyang "oppa" si Chanyeol oppa ko? Tapos tinulak pa niya??? Wow haaaa.... sino ba to?* sa isip mo habang tinitignan silang dalawa ng taas kilay. 

"Grabe hindi naman. So, bakit ka naman napadaan dito?" Tanong ni Chanyeol.

"Magpapa-laundry sana ako ng mga damit ko. Ayoko na kasi doon sa isang laundry shop sa kabilang kanto. Luma na kasi ang mga washing machines doon. Kaya naisipan ko na dito nalang magpa-laundry." Sagot ni Jinae sabay pakita nung paper bag na puro damit. 

"Ahhh... tama, dito ka nalang magpa-laundry samin." Alok ni Chanyeol. Hindi mawala sa bibig niya ang labas-ngipin na ngiti.

"Oo naman. Kung alam ko lang na may laundry shop ka pala, edi sana dito nalang ako palagi. Tapos makikita pa kita....." giggle ni Jinae.

"Wag na dun ka nalang....." Sabi mo sakanila.

"Ano?" Tumingin sayo si Chanyeol at si Jinae. Buti nalang di nila masyadong naintindihan yung sinabi mo. 

"Wala." Nag-headsdown ka ulit. Napansin ni Chanyeol na naiinis ka pero di nalang niya muna ito pinansin.

"Oppa, magsisimula na akong mag-laundry." Sabi ni Jinae. 

"Osige tulungan na kita." Dali-daling lumabas si Chanyeol sa counter at kinuha niya ang paper bag na nasa kamay ni Jinae. 

Inangat mo ang ulo dahil napaka-atat ni Chanyeol sakanya. 

*Gusto yata siya ni Chanyeol oppa.... bwisit!!! panira ng araw*

Nag-headsdown ka nalang ulit sa inis. So ayun, siya ang unang costumer niyo sa shop na nagpasira sa araw niyo. Hindi mo alam kung bakit ka naiinis. Mas lalo ka pang naiinis kasi tinatawag niya si Chanyeol ng "oppa". Mas nainis ka pa ng mapansin mong napaka-caring ni Chanyeol kay Jinae. Pinaka-kinaiinisan mo ay yung feeling mo gusto siya ni Chanyeol. Bakit ka kaya maiinis kung may gustong iba si Chanyeol?

Nakatulog ka sa pagkaka-headsdown mo. Si Chanyeol kasi ang taga-alalay ng mga costumer sa paglalaba at ikaw naman ang tumatanggap ng mga bayad galing sa costumer. Maya-maya kinalabit ka ni Chanyeol.

"Suji, magbabayad na siya." Sabi ni Chanyeol. 

Inangat mo ang ulo mo at kinunot mo ang noo mo kay Chanyeol. "Bakit di mo kunin?!" Inis mong tanong sakanya.

"Shunga ka ba? Nasayo kaya yung susi nung drawer ng pera." Sabi ni Chanyeol.

Si Jinae naman ay nakatayo lang sa harap ng counter waiting for you. Tumingin ka sakanilang dalawa at inirapan sila. Kinuha mo ang susi sa bulsa mo at binuksan mo yung drawer. Kinuha mo ang bayad na nasa ibabaw ng counter tsaka mo siya sinuklian. Tinago na ni Jinae ang sukli nya. Lumabas na ulit si Chanyeol sa counter. 

"Sige na oppa. Thankyou sa pagtulong saakin. Sa susunod ulit." Sabi Jinae. 

"Wala yun. Tsaka palagi mo naman akong tinuturuan ng homeworks sa school kaya dapat rin kitang bawian." Sabi ni Chanyeol na nahihiya-hiya pa. 

Nakatingin ka lang sakanilang dawala. Bored na tingin. 

"Okay lang yun saakin. Osige aalis na ako. Bye!" Naglakad silang dalawa sa pintuan ng shop niyo. Pinagbuksan siya ni Chanyeol ng pintuan tsaka siya lumabas. Nag-wave si Chanyeol ng hand niya kay Jinae. 

Pagkasara ni Chanyeol ng pintuan sumigaw ka. 

"WAG KA NA BABALIK!!!" Sigaw mo. 

Tumingin si Chanyeol sayo ng masama. Kitang-kita sa mukha mo na naiinis ka. Naglakad siya papunta sa harap ng counter. Umiwas ka ng tingin at kunwari inaayos mo yung drawer. 

"Ano naman yun Suji?" Inis na tanong ni Chanyeol. 

Tumingin ka sakanya. "ANO?!" Taas-kilay mong tanong.

"Ano bang problema mo at inis na inis ka dyan?" 

"Saan? Sa babaeng yun?!" Pagtaray mong tanong. 

"May pangalan siya Suji....." 

"PAKI KO?! SINO BANG HINDI MAIINIS DOON??? MAKA-TINGIN SAYO ANG LAGKIT-LAGKIT. TAPOS TINATAWAG KA PA NIYANG OPPA. TAPOS SAKANYA KA PA NAGPAPATURO NG HOMEWORKS EH NANDITO NAMAN AKO. MAKA-HAWAK SIYA SAYO WAGAS! TAPOS IKAW NAMAN SOBRA MAKATULONG DOON. HALOS GUSTO MO IKAW NA ANG MAG-LAUNDRY NG MGA DAMIT NIYA. TAPOS YUNG MGA NGITI MO PA SAKANYA KAKA-IBA. SINO BANG HINDI MAIINIS DOON???!!!!" Di mo na napigilan ang sarili mo sa galit. 

Napangiti si Chanyeol sayo. Galit na galit pa rin ang mukha mo. Pumasok siya counter at umupo sa tabi mo. Hindi mo siya tinitignan kasi naasar ka.

"Nagseselos ka no?" Pang-asar niyang tanong.

Napa-tingin ka sakanya with defensive look. "Ano--- HINDI AH! Asa ka!" Sagot mo sabay iwas ulit ng tingin. 

Kiniliti niya yung bewang mo. "Uyyyyy hindi daw... nagseselos ka eh."

"OY! Wag mo ko kilitiin! Ano ba!" Patuloy ka pa rin niyang kinikiliti habang inis na inis kang nagkekekembot doon. 

"Nagseselos ka eh...." Kiniliti ka pa rin niya. 

"Oppa ano ba...." Iwas ka pa rin ng iwas. Tumigil si Chanyeol sa pagkakakiliti sayo. 

Naging seryoso na naman. "Hindi nga, bakit ka galit na galit diyan?" Seryosong tanong ni Chanyeol. 

Tumingin ka sakanya with kunot-kilay. "Ayoko kasing may ibang tumatawag sayong oppa." Sabi mo sabay irap na naman. 

"Bakit naman? Kasing edad mo lang siya kaya oppa rin ang tawag niya sakin." Sabi ni Chanyeol.

"Oh ano naman?! Ewan ko sayo bahala ka dyan." Tumalikod ka sakanya habang naka-upo pa rin. 

"Uy!" Kinakalabit ka niya. Pero di mo pa rin pinapansin. 

"Uyy!" Wala pa rin. 

Kiniliti ka niya bigla. "Uy!"

"ANO BA WAG MO NGA AKO KILITIIN!" Nagpapa-padyak ka doon pero di mo pa rin siya tinitignan. 

"Wala ka bang naaalala?" Simple niyang tanong.

"Ano naman ang dapat kong alalahanin?" Tanong mo without looking.

"Sure ka wala kang naaalala?" 

"Wala nga. Ano ba yun?" 

Naramdaman mong lumalapit siya sayo. Niyakap ka niya from behind tapos pinatong niya yung baba niya sa right shoulder mo. 

"Birthday ko bukas......" Pout ni Chanyeol.

Nagulat ang feelings mo. Sa totoo lang kasi nakalimutan mo talaga na birthday niya. 

"Oh tapos?" Pilit mong pagmamatigas sa kanya.

"Hindi ka ba masaya? I-celebrate natin...." Nakayakap pa rin siya sayo at nagpapacute. 

"Oh tapos aayain mo yung Jinae na yun?!" Inis mong tanong. Natutuwa sayo si Chanyeol dahil alam niyang nagseselos ka. 

"Hindi. Gusto ko ikaw lang. Tayong dalawa lang." Nag-papout pa rin si Chanyeol.

"Bakit naman ako lang?" Hindi galit yung tono ng boses mo pero parang pilit. 

"Kasi masaya ako kapag tayong dalawa lang ang magkasama." Sagot ni Chanyeol.

Biglang sumakit ang tiyan mo nung narinig mo yung sinabi niya. You dont know what to feel. Kung ano-ano ang nararamdaman ng tiyan mo. Bihira ka kasi sabihan ni Chanyeol ng ganun kaya parang nagulat ka. Nanahimik ka ng ilang seconds. 

"Ayaw mo ba? Sige okay lang." Umalis si Chanyeol sa pagkakayakap sayo at tumayo na.

Ikaw naman ay dali-dali ring tumayo. "Hindi hindi hindi hindi! Gusto kitang kasama." Bigla mong sinabi.

Humarap siya sayo. "Talaga?" Sabi niya with pleasing eyes. 

Nag-nod ka at nag-smile. Ngumiti si Chanyeol abot langit. Niyakap mo siya at tumingin ka sakanya habang nakayakap.

"I'm sorry pala ha.... ayoko lang kasi ng tinatawag kang oppa----"

"Sshhhh... Okay lang... ikaw lang ang gusto ko." Nadulas si Chanyeol * ano sinabi ko!*

"Ano?" Na-misunderstood mo ang sinabi ni Chanyeol. 

"Wala... basta bukas ha. Sunday naman. Magsimba muna tayo bago tayo gumala." Sabi niya.

"Okay...." Nag-smile siya. 

 

--------------------------------------------------------------------------------------

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!" Sinigawan niyo si Chanyeol habang natutulog pa. 

Bigla siyang nagising at napa-upo sa kama habang nirurub pa yung mata niya. Nakita niyang may bitbit kang small cake na may kandila na 17 at yung mama mo na sobrang saya ang mukha. 

Napangiti si Chanyeol. "Wooow thankyou!!!!!!" Sabi ni Chanyeol. Tuwang-tuwa siya. 

"Oh i-blow mo na yung candles!" Sabi mo lumapit ka kay Chanyeol. 

"Oo nga Chanyeol." Sabi ng mama mo. 

"Teka, wish pala muna...." sabi mo. "O pikit ka muna oppa bago ka magwish" 

Pumikit si Chanyeol at nagwish. *Wish ko sana kasama ko habang-buhay sina mama at si Suji....mas lalo na si Suji....* 

Dumilat na siya. "Oh, i-blow mo na oppa!" sabi mo. 

At syempre binlow na niya yung candles. "YEHEEEEEYYYYYY!!!!!!!" cheer niyong lahat. 

Pinatong mo yung cake sa lamesa sa gilid ng kama niyo at nag-group hug kayong tatlo. Kahit sa simpleng pagcecelebrate lang ay masaya na kayo. Basta sama-sama kayong tatlo. 

"Halika na kumain na kayo. Nag-luto ako ng spaghetti with love" Sabi ng mama. 

Tumayo na si Chanyeol sa kama at sabay-sabay kayong pumunta sa lamesa. Naka-handa na kasi doon ang pagkakainan niyo. Nagsimula na kayong kumain at hindi nawawala ang mga ngiti sa mukha niyo. 

"Mama, mamamasyal lang kami ni Chanyeol oppa, pagkatapos namin kumain ha." Sabi mo.

"Basta magsimba muna kayo. Malapit lang naman ang simbahan dito sa atin." Sagot ng mama mo. 

"Oo naman. O ayan oppa, pinayagan tayo ni Mama." Sabi mo kay Chanyeol. 

"Wag kayo magpa-gabi ha. Mga bata kayo. Baka kung ano mangyari sainyo diyan." Paalala ng mama niyo. 

"Oo naman po. Andito naman ako, savior ni Suji." Biro ni Chanyeol. 

At ayun, kumain na kayo ng kumain hanggang sa sumabog yung tiyan niyo. Hahaha. 

 

-----------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos niyo mag-simba ni Chanyeol, naglalakad-lakad na kayo kahit saan. Hindi mapag-hiwalay ang mga kamay niyo. Panay ngiti niyo lang habang naglalakad. Masasabing boring pero para sainyong dalawa, napaka-espesyal kada moment ngayong araw. 

Pumasok kayo sa isang supermarket at bumili-bili ng pagkain. Pagkatapos niyong bumili, dumaretso na kayo sa favorite place niyo. Sa may tabing-dagat. Hawak-kamay pa rin kayong naglalakad doon. Bit-bit ni Chanyeol ang mga pagkaing pinamili niyo. Pumunta na ulit kayo sa ilalim ng punong mangga. Umupo kayo sa buhangin at inilabas niyo na yung mga snacks niyo. 

"Masaya ka na ba sa ganitong celebration oppa?" Tanong mo sakanya habang kumakain ng apple. 

"Oo naman. Diba nga sabi ko sayo, basta kasama kita ngayon masaya na ako." Sagot niya. 

Bigla na namang may nagsipag-liparan sa tiyan mo. 

"Pero bakit ganun, palagi naman tayong magkasama, nakatira tayo sa iisang bahay, magkatabi tayo matulog, bata palang tayo magkasama na tayo,  halos hindi tayo mapag-hiwalay. Hindi ka ba nagsasawa sa akin?" Tanong mo. Na-kyuryus ka kasi. 

"Hinding-hindi ako magsasawa sayo no. Tsaka ikaw lang ang nagpapasaya sa akin ng ganito..." Nadulas na naman siya kaya napatingin ka sakanya. "Pati si mama....." Habol niya para maka-lusot. 

"Alam mo oppa... ako rin... hindi ako nagsasawa na kasama ka. Oo nga no, ang tagal na nating magkasama pero parang bago pa rin sa atin ang lahat. Walang sawaan." Sabi mo sabay kagat sa apple.

"Ganun talaga kapag pamilya." Sabi niya. 

Kwentuhan, tanungan, harutan at kulitan ang ginawa niyo doon. Hindi rin kayo nagsasawa sa lugar na iyon. Mistulang paraiso na ito sainyong dalawa. Walang kasing saya kapag nasa tabing dagat kayo doon sa ilalim ng puno ng mangga nang kayo lang dalawa. 

Inabot na kayo ng hapon doon. Magkatabi kayo ni Chanyeol at di inaasahang nakatulog ka sa balikat niya. Sanay na si Chanyeol sa ganito. Mahimbing ang pagkakatulog mo sakanya. Mahangin na naman kaya yung buhok mo napupunta sa mukha mo. Napatingin si Chanyeol sayo at inayos niya ang buhok na nasa mukha mo. Matapos niyang maayos, napatingin siya sa labi mo. Naatract siya dito. Dahan-dahan niyang hinawakan ito habang pinagmamasdan. Hindi niya napapansin na nilalapit niya ang mukha niya sayo. Palapit ng palapit at di inaasahang nahalikan niya ang lips mo. Agad kang gumalaw at nagising kaya dali-dali siya lumayo sa mukha mo. 

*Chanyeol ano ba.... bata pa si Suji, 15 years old lang siya pero bakit mo hinalikan....nag-nakaw ka ng halik sa bestfriend mo..umayos ka Chanyeol umayos ka* Sabi niya sa isip niya.

Nagising ka at tumingin ka kay Chanyeol. Nakita mo ang tensyonado niyang mukha. 

"Oppa, okay ka lang? Gusto mo na bang umuwi? Bored ka na ba?" Simple mong tanong. 

"Hindi... okay lang ako dito..." Pansin na pansin sakanya na naiilang siya sayo tumingin. 

"Sure ka ha?" Tanong mo ulit.

"Oo... uhmmm Suji... gusto ko makita ang sunset mamaya. Okay lang ba na mag-hintay tayo dito?" Tanong niya

"Oo naman oppa." Sagot mo. Bigla mong naalala na may regalo ka pala sakanya. "Ay Oppa! May regalo pala ako sayo." Inabot mo ang bag mo at may dinukot ka. 

"Oh ayan. Sorry iyan lang regalo ko sayo. Wala kasi akong pera pambili eh. Pero effort rin yan ah." Inabot mo sakanya yung regalo mo.

Kinuha ni Chanyeol. "Uy ang ganda naman neto. Grabe Suji, masaya na ako dito. Itatago ko hanggang sa mamatay ako. Promise" Sabi niya at tuwang-tuwa siya sa regalo mo. Nginitian mo nalang siya ng labas ngipin. 

Ang regalo mo kasi sakanya ay yung dinrowing mo sa classroom niyo nung umaga habang nag-iintay ka sa klase niyo. Eto yung tinignan ni Kris at yung nakipag-agawan ka pa. Nasa last chapter yun. Simpleng drawing lang yun pero pinalaminate mo ito para di kaagad masira. Buti naman natuwa si Chanyeol. 

----------------------------------------------------------------------

Lumipas ang oras at nandoon lamang kayo buong araw. Sunset na at tahimik kayong nakatingin ni Chanyeol sa sunset na nagaganap.

"Ang ganda no....." sabi mo habang nakatingin. 

Tumingin sayo si Chanyeol. "Parang ikaw...." Mahina niyang sinabi habang nakatingin sa mukha mo. 

"Ano yun oppa?" Hindi mo masyado narinig. Nakita mong naka-tingin sayo si Chanyeol. 

Nagblink si Chanyeol. "Wala. Sabi ko nga ang ganda." Sabay balik ulit ng tingin sa sunset. 

Ilang minutes niyo nang pinapanood ang sunset. 

"Masaya ako ngayon Suji...." Hinawakan bigla ni Chanyeol ang kamay mo. 

Mejjo nagulat ka at lumindol na naman yung tiyan mo. "Ako rin oppa..." Tumingin ka sakanya, Tumingin rin si Chanyeol sayo at ngumit sweetly. 

Namula ka at umiwas ng tingin sakanya. Nakita ni Chanyeol iyon. 

*Pinapasaya mo ako palagi...pati ang puso ko. Ikaw lang ang gusto ko Suji.... hindi ko na mapigilan ang feelings ko. Gusto kita kahit bata ka pa.* -Chanyeol.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HELLO. MALILIGO NA AKO.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!