Date

Bridge (Completed)
Maagang natapos ang practice nila Gerald so he decided to phone Kim baka sakaling pwede silang lumabas but her phone just kept ringing so he phoned Maja instead " O Gerald bakit natawag ka?" si maja on her way home from school. " Maj si Kim kasama mo ba? Kanina ko pa siya tinatawagan hindi siya sumasagot" tanong ni Gerald. Biglang umandar ang pagka pilya ni maja, sa isip niya ngayon Gerald tingnan natin ang tibay mo " ah ano kasi gerald kasi ano e ah" sa narinig ni Gerald nag duda siya "Maja ano yon ha?" halata ni maja na nag iba ang tono ng boses at nangiti lang siya " secret kasi yun e, ako naman ang malalagot nito e" kunwang nag hihimutok ang loob na sinabi kay Gerald. " Ano nga yon e?" tanong uli ni gerald. " si Kim kasi may date ngayon kay Daniel, ayan nasabi ko na, hindi na secret yan lagot na talaga ako nito kay Kim at ikaw ang malalagot sa akin pag nagalit sa akin si Kim" habang naka ngisi sa phone. Nag iba ang timpla ni Gerald nung narinig na may date si Kim " Saan sila pupunta Maja?" may tigas na tanong ni Gerald. " sa SM West sa Max daw kakain muna tapos manood ng sine, ayan sinabi ko na lahat lahat" HIndi pa siya tapos magsalita nawala na si Gerald, sabay text siya kay Daniel" Dani alam kong broken hearted ka pero si Gerald papunta riyan sa SM hinahanap si Kim kaya ikaw na bahala ha, pordalab of Kim muna ha mare. LOve u and tsismis mo sa akin later ha tsup tsup..."

Kapapasok pa lang ni Kim and Daniel sa SM ng makuha ang text ni Maja, nangiti lang siya and sa isip "mukhang mapapa drama ang beauty ko ngayon ha pordalab of Kim. Who's Daniel or Dani? Kaibigang matalik nila KIm, another darna and like JP hindi halata. May itsura, boyfriend material din and sa ngayon ay may malaking problema kasi hindi na mapigil ang pagiging darna. Broken hearted at nag away sila ng fafa niya and ngayon ay naghahanap ng karamay, nagkataong hindi pwede si Maja at may lakad siya nung hapon kaya si Kim na lang ang kasama ngayong mag emote. Pumyag si Kim kasi ang alam niya late na makakauwi si Gerald dahil nga sa basketball practice nito and hindi na niya need i mention at ang alam niya nasa bahay na siya once dumating ito.

Todo hanap si Gerald kay Kim sa SM, diretso siya sa Max restaurant and napansin na siya agad ni Dani kasi todo ang lingon ng gwapong amboy. Hindi kita ni kim kasi nakatalikod ito, sa labas lang si Gerald pero ang titig pwedeng makapaso. Nag emote talaga ang Dani as what Maja asked him to do, tumabi talaga kay Kim at super asikaso sa food "oy Dani tama ng lagay ng pagkain sa pinggan ko hindi ko maubos yan" reklamo ni Kim so ang siste naki share ng plate ang Dani at kita niyang naging uneasy si Gerald, nag kuyom ng kamao at sa isip niya " masasapak pa ata ako nito ah, Dani ingat ang beauty". May pahawak hawak pa siya sa buhok ni Kim at ang Kim din may pahawak hawak sa braso nito, ang Gerald parang gusto ng magwala sa kinatatayuan. Kita lahat ni Dani ang nangyayari kay Gerald, text siya kay Maja "pag ako Maja nasapak nitong si Gerald lagot ka sa aking babae ka! Humanda ka talaga!" then Maja text back "Be on the lookout Mare tsup tsup...".

After eating they went to see a movie and nakasunod pa rin si Gerald medyo malayo ang distance para hindi makita ni Kim. Pinili talaga niya ang medyo sa itaas at pangatawanan na daw ang pagpapanggap. Ilang minuto pa bago mag start ang movie. Alam niyang nasa likod nila si Gerald and dinig niya ang pagpapa putok nito ng daliri at medyo kinabahan na siya. Ito namang si Kim e kuntodo kapit naman sa kanya kahit nung nakaupo na sila at nung hihilig si Kim sa shoulder niya biglang may nagsalit "Miss sa yo ba tong panyo?" then paglingon ni Kim "Ge! Anong ginagawa mo rito?" Kim was really surprise on seeing him then he replied " nanonood, ikaw anong ginagawa mo rito? Di ba may klase ka" sita nito. PInalipat siya ni Kim and talagang pinili niya ang upuan ni Kim at katwiran niya mataas ang nasa harap nito at hindi niya makikita ang movie so he was seated between Kim and Dani. Kim introduced the two and Dani felt the strength of Gerald's handshake and feel ni Dani na may warning signal yun kaya lalo siyang kinabahan. Text siya kay Maja ng patago and pansin niya hindi kumikibo si Gerald kahit mag tanong si Kim titingin lang sa dalaga then balik sa screen ang tingin. " Mare kinakabahan na ako baka bigla na lang akong umbagin nito, silent treatment ang papa" then maja text back na kaya niya yan and goodluck.

Very silent si Gerald "uy bakit tahimik ka?" tanong ni Kim then kuha niya kamay ni Gerald then leaned towards him. He just looked at her and said "we'll discuss this later" then was quiet again. The three of them didn't really enjoyed the film kasi iba iba ang feeling nila, si Dani gusto na umuwi, si Gerald galit si Kim naman worried. After the movie hindi na nakatabi si Dani kay Kim kasi laging naka harang si Gerald and he even said ako na maghatid kay Kim which Dani was so happy about kasi makaka alis na siya. He wasn't able to say goodbye, nung balak niyang mag beso kay Kim humarang si Gerald so nag wave na lang siya. Nung nakalayo na siya tawag siya kay maja then kwento niya lahat, ang Maja naman sobrang kilig at tawa ng tawa and sigurado siyang lagot siya nito pag nakauwi na ang dalawa.

Nung sila na lang dalawa tahimik pa rin si Gerald and hindi na naka tiis si Kim "Ge something wrong? Kanina ka pa tahimik", then humarap siya kay Gerald and he just stared at her. HInila niya si Gerald sa isang bleacher then he said " Who's Danny and why you're with him?" Gulat si Kim sa narinig " classmate ko si Dani" then she smiled "selos ka? and he just looked at her saying nothing. " HIndi ka naman dapat mag worry e, di kami talo ni Dani" then when she looked at him naka kunot noo ni Gerald, "darna yun dinadamayan ko lang kasi broken hearted sa fafa niya". Sa narinig ni Gerald lumuwang ang loob niya and he said " si Maja talaga naisahan na naman ako, sabi niya may date ka raw kaya andito ako" sabay yakap kay Kim. " si Maja! so nag selos ka?" biro ni Kim "Oo nag selos ako!" Smile na lang si Kim then hugged back.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet