John Paul

Bridge (Completed)
Maagang umuwi from school si Gerald and he knows walang pasok si kim so he was texting and calling her but no reply, wala rin siya sa bahay sabi ni Manang Luding then he went to Maja’s house. “ Maja alam mo asan si Kim? Di ba wala siyang pasok ngayon, kanina pa ako nag text sa kanya and ilang missed call na ako pero wala pa ring reply” then palakad lakad na si amboy sa harap ni Maja. Natatawa na lang si Maja sabay hawak kay Gerald “ Hep huminto ka muna at Sumasakit na ulo ko sa kakasunod sa yo, una si Kim ay pumunta ng school at may emergency meeting sa project nila, sinundo ni John Paul 2 hrs ago na so malamang patapos na yun. Second malamang naka silent ang mobile niya at busy sa project. Teka bakit di pa nag report sa yo ha?” sabay taas ng kilay ni maja. Nananadya si maja dahil feel niya may secret itong dalawang ito pero walang nagsasalita.

Gusto ng matawa ni Maja sa reaction ni Gerald sa isip niya definitely there’s something fishy going on and she intends to find out what it is. Talagang feel niya merong secret talaga, pag tingin niya kay Gerald, di maipinta ang itsura nito “ John Paul? At sinundo pa kamo rito? At sino yang John Paul na yan ha?” sita ni Gerald sabay tingin sa oras.

Who’s JP? Classmate lang naman ni Kim and kasama sa project, certified darna pero in fairness hindi ito halatang darna. Matangkad, gwapo, hindi halatang bading kasi di flirt at super close ni Kim, sa mga hindi nakaka kilala mapagkakamalang boyfriend material pa. May 30 minutes pang nag antay ang dalawa nang dumating ang kotse ni JP. Sulyap si maja kay Gerald at priceless ang kunot ng noo nito, hindi naman napansin ni Kim ang dalawa kasi tawa sila ng tawa ni JP may kasama pang hampas at parang naghaharutan. Pag baba pa sa kotse ay kuntodo angkla si Kim kay JP at sige pa rin tawanan ng nagsalita si Maja “Hi Kim! Hi JP! Sabay lingon ng dalawa. Sa pagkakakita ni Gerald parang nagulat si Kim nung Makita siya sabay alis ng kamay kay JP “ uy andyan pala kayo” sabay hila kay JP palapit sa dalawa. Si Gerald walang expression ang face, naka stare lang kay Kim then tingin kay JP then he said “Pare can I have a word” na ikinagulat ng dalawa but not Maja. Sunod naman si JP kay Gerald “ best ano yun? Galit ba si Gerald?” may pagtatakang tanong ni Kim sabay tingin kay Maja na ngiti lang ang binigay ng huli sabay sabing “let’s wait”. May ilang minutong nag usap ang dalawa, wala pa ring expression ang face ni Gerald panay lang ang tingin kay Kim then nag shake hands na ang dalawa and medyo natawa sina Maja and Kim nung medyo matagal bitawan ni JP ang kamay ni Gerald. Hindi na lumapit si JP, kumaway na lang sa dalawang babae then umalis na. Lapit naman si Gerald and “ KIm can I have a word?” then hinila ang huli papasok kina Maja ng “ Gerardo ano ang ginawa mo kay JP ha? Tinakot mo ba ha?” tanong ni Kim ng medyo natatawa na parang mas lalong ikinairita ni Gerald. “Kinausap ko lang no, nanliligaw ba sa yo yun ha?” sabay tawa ni Kim and Maja “ ANO! Para sabihin ko sa yo Gerardo e ikaw ang pinagpapantasyahan nun ngayon!” sige pa rin ng tawa ang dalawa. “ Ano! Hindi ko kayo maintindihan, bakit ba kayo tumatawa?” naguguluhang tanongng binata. “ E kasi po darna yun e” sabay tawa pa rin…..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet