Concern

Bridge (Completed)
Second to the last class ni Kim that Friday ng maka receive siya ng text from Gerald saying maaga itong uuwi kasi masama ang pakiramdam. Hindi na siya naka concentrate sa klase kasi ang isip na kay Gerald kaya after ng last class niya nagmamadaling umuwi, halos hatakin na si Maja na nung time na yun e nakikipag tsikahan pa kay JP. Nagpahatid na lang sila kay JP para madali and na brought up uli ang scene before when Gerald confronted JP about Kim. Pilit nilang pinapaamin si Kim at todo tanggi ng huli na wala siyang maamin na hindi naman naniwala ang dalawa.

Sumama rin si Maja kina Gerald para ma check ang binata, pinaakyat na lang sila ni yaya Edeng sa kwarto ni Gerald at natutulog na ang binata at nag bilin na pag dumating si Kim e paakyatin. Pag pasok sa loob tulog nga si Gerald, lapit si Kim sa binata at hinawakan ang noo “ ang init niya best” sabay tawag kay yaya Edeng nanghingi ng bimpo at water. Kahit tulog si Gerald pinunasan siya ni Kim, ungol lang ang narinig kay Gerald. Si Maja naman e nagulat sa kwarto ni Gerald kasi ang daming pictures mostly ni Kim and mag kasama ang dalawa na kung sino ang titingin e may relasyon na ang dalawang ito. Pilit na ginising ni Kim si Gerald para magpalit ng shirt at uminom na rin ng gamot. Laking tuwa ni Gerald nung Makita ang dalaga kaya kahit naidlip na e naka hawak pa sa kamay nito.

Nung dumating ang mama ni Gerald hindi na siya nagulat na andon ang dalaga, sa gilid ng kama nilapit ang maliit na sofa at dun naka upo si Kim, ang kamay hawak hawak ni Gerald. “Iha halika baba ka muna meryenda ka” aya ni Vangie at nung kumilos si Kim para sumunod “ Ma paakyat na lang food ni Kim dito lang siya” and Gerald won’t let go of Kim’s hand so walang nagawa si Vangie nangiti na lang.
She even rang Kim’s mom to say andon pa ang dalaga niya at ayaw pauwiin ng pasyente nito and said “ I think more than friends na itong mga anak natin ha mare” sabay natawa ang dalawa.

" Yaya mag ano ba yang dalawa na yan ha?" tanong ni Vangie kay yaya edeng. "Mam friends daw po" sabay tawa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet